
Crown Prince Proposal
Maagang namulat sa realidad si Lian, isang babaeng kayod-kalabaw para sa pamilyang puro luho ang inaatupag at walang ginawa kundi lustayin ang perang pinaghirapan niya. May tatay siyang lasinggero, kapatid na lulong sa bisyo, at inang comatose sa ospital.
Kahit anong trabaho, pinasok niya makaraos lang hanggang sa nakuha siyang bodyguard ng isang miyembro ng royal family.
Akala niya, doon na magsisimula ang pagbabago. Pero mas naging demanding pa ang pamilya niya pagdating sa pera. Sa trabaho, hindi rin maganda ang trato sa kanya pero tiniis niya dahil sa laki ng sahod.
Pakiramdam niya, palagi siyang pinagkakaitan ng tadhana.
Hanggang sa isang araw, dumating ang prinsipe sa bansa upang maghanap ng mapapangasawa.
Sa gitna ng isang engrandeng event sa palasyo, aksidente siyang nakita ng prinsipe. At sa harap ng maraming tao, bigla siya nitong inalok ng kasal, isang eksenang ikinagulat ng lahat.
Ang akala ng prinsipe, madali lang kontrolin si Lian. Bodyguard lang naman niya ito dati. Pero ang totoo, inalok niya ito ng kasal para pagtakpan ang matagal na niyang relasyon sa isang babae, isang sikretong ayaw niyang mabunyag sa kanyang maharlikang pamilya.
Pero nagkamali siya.
Habang patagal nang patagal ang pagsasama nila, unti-unting nahuhulog ang loob ng prinsipe kay Lian. Sa araw-araw na bangayan, asaran, at hindi inaasahang mga lambingan. Napalapit sila sa isa’t isa.
Pero paano kung mabunyag ang sikreto ng prinsipe?
Tatanggapin pa rin ba siya ni Lian lalo't dinadala na nito ang anak niya?
O mas pipiliin nitong tumakbo palayo at bumalik sa dating buhay?
Basahin
Chapter: Kabanata 4Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita
Huling Na-update: 2025-07-04
Chapter: Kabanata 3Tulala akong umuwi pagkatapos ng nangyari. Kinabukasan, nakatanggap ako ng tawag mula sa ShieldForce main office. Wala pang 12 oras mula nang mangyari ang eskandalo. “Lian dela Cruz, as per immediate directive from royal protocol, you are hereby suspended pending investigation,” malamig na sabi ng boses sa kabilang linya. “Please return your badge and ShieldForce-issued equipment within 24 hours.” Parang may bombang sumabog sa loob ng dibdib ko. “A-Ano pong dahilan, ma’am?” “Violation of proximity protocol. Inappropriate engagement with a high-profile client. Breach of conduct.” Hindi ko na narinig ang kasunod. Parang lumabo ang pandinig ko. Parang nalunod ang boses ng babae sa bilis ng tunog ng tib0k ng puso ko. “Ma’am,” garalgal kong sabi. “Hindi po ako ang nag-umpisa. May—may CCTV po." “We are reviewing the footage, Miss Dela Cruz. But for now, protocol stands. You are relieved of your duties until further notice.” Nabitawan ko ang cellphone pagbaba niya ng tawag.
Huling Na-update: 2025-07-04
Chapter: Kabanata 2Hawak ko pa rin ang cellphone habang nanginginig ang kamay ko. Ilang beses kong binasa ang text, inulit-ulit, baka nagkamali lang ng padala.Pero hindi. Pangalan ko ang nakalagay. Ako talaga.Accepted. Tactical Women’s Defense Unit.Mahina kong natampal ang noo at napangiti sa tuwa. Sa likod ng isang junkshop, may streetlight na kumikislap-kislap. Doon ako madalas nagpapahinga pagkatapos ng isang araw ng paglalako ng gulay, paminsan tagabuhat pa sa palengke. May kaunting kinikita. Pero sa ospital pa rin halos napupunta.Napatakip ako ng bibig habang bumubuhos ang luha. Sa dami ng pinagdaanan ko, ngayon lang ako humagulgol ng ganito, hindi sa sakit, hindi sa gutom, kundi sa pag-asa.Pag-asang mabuhay... umangat sa hirap.July 6 — ShieldForce Training CampMaaga akong nagising. Alas-kuwatro pa lang, naglalakad na ako papuntang terminal.Pagdating ko sa training facility, hindi ako makapaniwala. Malawak ang compound, parang pang-militar. May mga babaeng nakasports gear, iba’t-ibang edad,
Huling Na-update: 2025-07-04
Chapter: Kabanata 1Magsasalita pa sana ako nang biglang may dumaan at sa di inaasahan, nasagi ako at bumuhos sa akin ang alak, mula ulo, balikat, hanggang dibdib. Ramdam ko agad ang lamig ng alak na parang yelo na dumampi sa balat ko. Nabasa ang suot kong puting blouse, at hindi ko na napigilan ang mapasinghap nang maramdaman kong bumakat ang itim kong bra sa manipis kong uniporme. "Shît," bulong ko, nanginginig. Nagtawanan sila. Akala ko maririnig ko lang ang tunog ng yelo na bumagsak sa tray, pero mas malakas pa pala ang halakhak ng mga mayayamang impakto sa VIP. Minamata nila ako dahil alam nilang mahirap lang ako at sila? Kayang-kaya nilang gawin kung anuman ang gusto nila dahil mapera sila. May yaman kaya nagagawa nilang apak-apakan ang mga taong tulad ko. Napapikit ako ng mariin at nakuyom ang kamao. Tingin ko mas malala 'to kesa doon sa trabaho nina Charlie at Miks. Iyon kasi puro katawan ang habol, 'yong dito, tingin ko, pambubully. "Kawawa naman. Parang basang sisiw. Sorry gir
Huling Na-update: 2025-07-04
Chapter: SimulaLian's Point of View Bilang breadwinner ng isang pamilya na may tatay na lasinggero at kapatid na puro bisyo, isa lang ang gusto ko, ang makalaya. Okay na sa akin na si nanay lang ang makasama ko sa buhay, huwag lang ang tatay at kapatid kong walang ginawa kundi lustayin ang pera ko na dapat sana pambayad sa gamot at hospital bills ni nanay. Pero may pagpipilian ba ako kung sa akin sinisingil lahat ng utang nila? Kailangan kong magabayad kundi baka mabalita na lang sa akin na wala na si tatay o 'di kaya ang kapatid ko. Ganun palagi ang cycle ko sa buhay na gustong-gusto kong takasan. Hirap na hirap na akong pasanin sila pero sa huli pamilya ko pa rin sila. Mapait akong napangiti at napailing, bitbit ang trash bag na itatapon sa basurahan. Araw-araw akong nakikipaglaban sa buhay para lang may makain, may maipambayad sa utang at sa hospital bills habang ang tatay at kapatid ko, walang pakialam sa akiin. Puro bisyo ang inaatupag. "Dati ko pa sinabi sa kanya na magserve siya sa mga
Huling Na-update: 2025-07-04