Share

Kabanata 8

Penulis: Naja
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-15 22:03:41

Kinabukasan, bandang alas-sais ng gabi.

Katatapos ko pa lang maligo, naka-robe pa, basa pa ang buhok ko, nang may kumatok.

Pagbukas ko ng pinto, nandoon ulit si Sir Hendrik.

“Miss Lian,” mahinang sabi niya. “The King and Queen request your presence for dinner. In the North Dining Hall. Now.”

Bigla akong napatayo ng tuwid. “Now?”

“Yes, ma’am. Formal.”

“As in… long dress, heels, straight back, no slouching kind of formal?”

“Correct.”

“Okay, sige. Fifteen minutes?”

“Ten.”

Napalunok ako. Lord, pahinga lang po sana ang hinihingi ko.

Labing-limang minuto ang lumipas, kahit sinabi niyang sampu lang, buti na lang tinulungan ako ni Marta sa pag-ayos. Pinili ko ‘yung navy blue na long dress na hindi masyadong flashy, pero elegante. Walang maraming alahas. Just enough para hindi ako magmukhang turista sa sariling buhay.

Pagdating ko sa North Dining Hall, napakalawak ng espasyo. Gintong candelabra, glass panels, malambot ang ilaw. Sa gitna ng mahaba’t makintab na mesa, nakaupo na ang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 9 (SPG)

    Pagkalapat ng pinto, bumuntong-hininga ako nang malalim. Pakiramdam ko, buong araw na akong naglalakad sa tightrope na walang safety net. Akala ko noon, kapag tapos na ang dinner with the King and Queen, tapos na rin ang pressure. Pero iba pala. Mas lalo lang akong hinihila papasok sa mundo na kahit ngayon, hindi ko pa rin lubos maintindihan. “Are you that tired?” tanong ni Yul mula sa likod ko. Hindi agad ako sumagot. Tumayo lang ako doon, nakatalikod sa kanya, hawak-hawak ang gilid ng pintuan. Akala ko kasi nakalabas na siya, hindi pa pala. Nilugay ko ang buhok since basa pa rin. Ramdam ko ang malamig na patak ng tubig mula sa dulo ng buhok ko hanggang sa batok. “Pagod,” sagot ko. “Pero… siguro masasanay din ako." Naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi ko pinansin. Pagkatapos nanigas ako nang maramdaman kong inabot niya ang buhok ko at piniga nang marahan. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa batok ko, sa balikat ko. Napalunok ako. Biglang uminit ang paligid o

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 8

    Kinabukasan, bandang alas-sais ng gabi. Katatapos ko pa lang maligo, naka-robe pa, basa pa ang buhok ko, nang may kumatok. Pagbukas ko ng pinto, nandoon ulit si Sir Hendrik. “Miss Lian,” mahinang sabi niya. “The King and Queen request your presence for dinner. In the North Dining Hall. Now.” Bigla akong napatayo ng tuwid. “Now?” “Yes, ma’am. Formal.” “As in… long dress, heels, straight back, no slouching kind of formal?” “Correct.” “Okay, sige. Fifteen minutes?” “Ten.” Napalunok ako. Lord, pahinga lang po sana ang hinihingi ko. Labing-limang minuto ang lumipas, kahit sinabi niyang sampu lang, buti na lang tinulungan ako ni Marta sa pag-ayos. Pinili ko ‘yung navy blue na long dress na hindi masyadong flashy, pero elegante. Walang maraming alahas. Just enough para hindi ako magmukhang turista sa sariling buhay. Pagdating ko sa North Dining Hall, napakalawak ng espasyo. Gintong candelabra, glass panels, malambot ang ilaw. Sa gitna ng mahaba’t makintab na mesa, nakaupo na ang

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 7

    Wala na akong lakas pagbalik ng kwarto.Tapos na ang buong araw na puno ng pagbasa, pagsulat, at pagkukunwaring hindi ako lutang. Naka-ponytail na lang ako, suot ‘yung oversized shirt na binigay ng laundry staff, at halos mahulog na sa kama habang tinititigan ko lang ang ceiling.Tahimik ang buong wing. Wala na ring tao sa hallway, base sa tunog ng paligid. Halos maramdaman ko pa nga ‘yung huni ng air vent.Tapos—biglang may kumatok.Napaupo ako agad.Sino na naman ‘to?Pagbukas ko ng pinto, isang pamilyar na mukha ang bumungad.Si Sir Hendrik, ang assistant ng Royal Chamberlain. Tahimik lang ‘to pero mukhang may sadya ngayon.“Miss Lian,” mahinang bati niya. “May ipinabibigay po ang mga Kamahalan.”May hawak siyang envelope. Makapal. May wax seal ng Royal Crest.“Ano po 'yon?” tanong ko. "Urgent po ba?"“Yes, ma’am. Their Majesties requested you to read and understand it before the end of the week. Pero mas maigi po kung ngayong gabi na para ma-process natin agad.” Sabay lahad niya s

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 6

    Isa na namang hapon sa reading room. And as usual, boring. Kailan ba ako natuwa sa ganitong set-up? Parang mas gusto kong magtrabaho na lang sa palengke kesa mag-basa rito.Sa totoo lang, nakaka-nosebleed ang mga term na binabasa ko. Hindi ako makarelate. Sino bang makakarelate? Eh hindi naman ako galing sa maharlikang pamilya.I was just a commoner na pinili lang ng isang prinsipe na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit.Alam kong may malalim siyang rason, ayaw niya lang sabihin sa akin. At 'yon ang kailangan kong malaman habang nandito ako.Napabuntong hininga na lamang ako. Nasa third chapter na ako ng Royal Governance and Power Shifts during the Post-Founding Era, pero kahit ilang beses kong basahin 'yung paragraph tungkol sa diplomatic marriages, hindi pa rin pumapasok sa utak ko.May tatlong tutor sa kabilang mesa, nagbabasa rin. May assistant na inaayos ang susunod na lesson plan. At ako, pilit na pinipigilan ang antok habang hinihila-hila ko ang highlighter ko sa ma

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 5

    Nang sandaling maghiwalay ang labi namin, napatitig kami sa isa’t isa. Pero ako agad ang nagbawi ng tingin.“Sapat na ba ’yon para manahimik ka muna?” Nahimigan ko ang tuwa sa kanyang boses.“Gago,” usal ko at palihim siyang kinurot.Nag-init ang mukha ko nang magpalakpakan ang mga tao, na para bang napakabigdeal ng halik niya sa harap nila.Gusto kong mag-walkout. O matunaw na lang sa sahig. Pero hindi, wala akong choice kundi ngumiti ng konti at magpatuloy sa pagkukunwari, magpanggap na para kaming bagong kasal.After the ceremony, we were led to one of the private function rooms sa loob ng palasyo. Tahimik lang kami ni Yul habang naglalakad, pareho yatang pagod, siya siguro mentally, ako emotionally.Baka nga nagsisisi na siya ngayon kasi ako... parang oo na hindi.“May short talk lang with the Queen and King,” bulong ni Yul. “Nothing scary. Pero kapag nandoon ka na, mas mabuti kung magsalita ka ng English."“Sinasabi mo lang ’yan kasi hindi ikaw ’yung kakausapin," sabi ko pero sus

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 4

    Natahimik ang lahat. Walang gumalaw. Pero ramdam ko ang gulat at pagkabigla nilang lahat. Maski ako. Sa gitna ng engrandeng bulwagan, habang nakatingin sa akin ang lahat ng maharlika, royal guest, at mga kinatawan ng ibang kaharian, ako lang ang hindi humihinga. "Anong…" Nakagat ko ang ibabang labi, pilit pinipigilan ang panginginig ng tuhod ko. “Lian,” mahinang sambit ni Yul, hawak pa rin ang bukas na kahon. “This isn’t about forgiveness. It’s not about clearing my name. I’m doing this because I want to choose you. Please… accept my proposal.” Bakit ako pa? Malaki ang galit ko sa kanya pero bakit... ako? "Help me, Lian," halos pabulong niyang sabi. Saan? Saan ko siya tutulungan? May humugong na pag-ubo mula sa gilid. Isang matandang ministro. Naroon ang hari’t reyna sa trono, parehong nakamasid, parehong hindi ngumiti o pumalakpak. Maging si Princess Ianna, ang tanging mukhang kalmado ay tahimik lang sa tabi. Dumapo sa balikat ko ang malamig na kamay ng tagapagsalita

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status