Share

Kabanata 11

Author: Naja
last update Last Updated: 2025-08-03 09:36:09

Pagkatapos ng ball, bumalik ako sa aking kwarto na durog, umiiyak sa sakit ng nararamdaman.

Anong problema niya? Bakit niya ako ginaganito? Bakit hindi niya sa akin sabihin ng deritso ang dahilan bakit parang estranghero na lang ako sa kanya? Hindi 'yong iiwasan niya ako ng ganito.

Ilang araw ang lumipas at parang multo ako sa palasyo. Ginagawa ko ang mga daily routines ko, pero ang utak ko, tuloy-tuloy sa pag-overthink. Hindi ako mapakali.

Isang araw, nalaman kong nasa training grounds si Yul. Isa itong malawak na open field kung saan nagpapraktis ang mga prinsipe at ang kanilang mga guwardiya sa sword fighting, archery, at iba pang martial skills.

Nakatago ako ngayon sa gilid, sa likod ng malalaking puno, habang pinapanood siya.

Ang galing niya. Bawat galaw, preciso at malakas. Nakakamangha.

Nang matapos ang training niya, lumapit sa kanya ang ilang mga guards. Binigyan nila siya ng tubig at towel. Pagkatapos, dumating din ang ibang royalties, mga babae. Nakita ko silang nakipagta
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 11

    Pagkatapos ng ball, bumalik ako sa aking kwarto na durog, umiiyak sa sakit ng nararamdaman. Anong problema niya? Bakit niya ako ginaganito? Bakit hindi niya sa akin sabihin ng deritso ang dahilan bakit parang estranghero na lang ako sa kanya? Hindi 'yong iiwasan niya ako ng ganito.Ilang araw ang lumipas at parang multo ako sa palasyo. Ginagawa ko ang mga daily routines ko, pero ang utak ko, tuloy-tuloy sa pag-overthink. Hindi ako mapakali.Isang araw, nalaman kong nasa training grounds si Yul. Isa itong malawak na open field kung saan nagpapraktis ang mga prinsipe at ang kanilang mga guwardiya sa sword fighting, archery, at iba pang martial skills. Nakatago ako ngayon sa gilid, sa likod ng malalaking puno, habang pinapanood siya.Ang galing niya. Bawat galaw, preciso at malakas. Nakakamangha.Nang matapos ang training niya, lumapit sa kanya ang ilang mga guards. Binigyan nila siya ng tubig at towel. Pagkatapos, dumating din ang ibang royalties, mga babae. Nakita ko silang nakipagta

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 10

    Pagkatapos ng gabing 'yon, nagbago ang lahat. Or, mas tama siguro sabihin na nagbago si Yul. Para akong hinulog sa isang malalim na balon na walang sapit, iniwan sa dilim matapos niyang iparamdam ang init. Ang dating tingin niya na puno ng pagnanasa at pag-unawa ay napalitan ng isang blangko at malamig na ekspresyon. Akala ko, ang gabing 'yon ang magiging simula namin. Ang magiging tulay para mas maging malalim ang koneksyon namin sa mundong ito na pareho naming pinasok. Pero nagkamali ako, I was left alone in the dark. Sa madaling salita, tinikman lang niya ako. Kinabukasan, pagkagising ko, wala na siya sa tabi ko. Ni isang bakas ng presensya niya, wala. Ang tanging natira ay ang amoy niya sa unan, at ang bakas ng init niya sa kumot. Pakiramdam ko, ang tanga-tanga ko. Bakit ba ako umasa? Bumalik sa dati ang lahat. Ang pakiramdam ng pagiging mag-isa, ang bigat ng responsibilidad na hindi ko pa rin lubos maintindihan. Bumalik ako sa pag-aaral ng mga tradisyon, sa pagsasanay sa

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 9

    Pagkalapat ng pinto, bumuntong-hininga ako nang malalim. Pakiramdam ko, buong araw na akong naglalakad sa tightrope na walang safety net. Akala ko noon, kapag tapos na ang dinner with the King and Queen, tapos na rin ang pressure. Pero iba pala. Mas lalo lang akong hinihila papasok sa mundo na kahit ngayon, hindi ko pa rin lubos maintindihan. “Are you that tired?” tanong ni Yul mula sa likod ko. Hindi agad ako sumagot. Tumayo lang ako doon, nakatalikod sa kanya, hawak-hawak ang gilid ng pintuan. Akala ko kasi nakalabas na siya, hindi pa pala. Nilugay ko ang buhok since basa pa rin. Ramdam ko ang malamig na patak ng tubig mula sa dulo ng buhok ko hanggang sa batok. “Pagod,” sagot ko. “Pero… siguro masasanay din ako." Naramdaman kong lumapit siya sa akin pero hindi ko pinansin. Pagkatapos nanigas ako nang maramdaman kong inabot niya ang buhok ko at piniga nang marahan. Naramdaman ko ang init ng palad niya sa batok ko, sa balikat ko. Napalunok ako. Biglang uminit ang pal

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 8

    Kinabukasan, bandang alas-sais ng gabi. Katatapos ko pa lang maligo, naka-robe pa, basa pa ang buhok ko, nang may kumatok. Pagbukas ko ng pinto, nandoon ulit si Sir Hendrik. “Miss Lian,” mahinang sabi niya. “The King and Queen request your presence for dinner. In the North Dining Hall. Now.” Bigla akong napatayo ng tuwid. “Now?” “Yes, ma’am. Formal.” “As in… long dress, heels, straight back, no slouching kind of formal?” “Correct.” “Okay, sige. Fifteen minutes?” “Ten.” Napalunok ako. Lord, pahinga lang po sana ang hinihingi ko. Labing-limang minuto ang lumipas, kahit sinabi niyang sampu lang, buti na lang tinulungan ako ni Marta sa pag-ayos. Pinili ko ‘yung navy blue na long dress na hindi masyadong flashy, pero elegante. Walang maraming alahas. Just enough para hindi ako magmukhang turista sa sariling buhay. Pagdating ko sa North Dining Hall, napakalawak ng espasyo. Gintong candelabra, glass panels, malambot ang ilaw. Sa gitna ng mahaba’t makintab na mesa, nakaupo na ang

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 7

    Wala na akong lakas pagbalik ng kwarto.Tapos na ang buong araw na puno ng pagbasa, pagsulat, at pagkukunwaring hindi ako lutang. Naka-ponytail na lang ako, suot ‘yung oversized shirt na binigay ng laundry staff, at halos mahulog na sa kama habang tinititigan ko lang ang ceiling.Tahimik ang buong wing. Wala na ring tao sa hallway, base sa tunog ng paligid. Halos maramdaman ko pa nga ‘yung huni ng air vent.Tapos—biglang may kumatok.Napaupo ako agad.Sino na naman ‘to?Pagbukas ko ng pinto, isang pamilyar na mukha ang bumungad.Si Sir Hendrik, ang assistant ng Royal Chamberlain. Tahimik lang ‘to pero mukhang may sadya ngayon.“Miss Lian,” mahinang bati niya. “May ipinabibigay po ang mga Kamahalan.”May hawak siyang envelope. Makapal. May wax seal ng Royal Crest.“Ano po 'yon?” tanong ko. "Urgent po ba?"“Yes, ma’am. Their Majesties requested you to read and understand it before the end of the week. Pero mas maigi po kung ngayong gabi na para ma-process natin agad.” Sabay lahad niya s

  • Crown Prince Proposal   Kabanata 6

    Isa na namang hapon sa reading room. And as usual, boring. Kailan ba ako natuwa sa ganitong set-up? Parang mas gusto kong magtrabaho na lang sa palengke kesa mag-basa rito.Sa totoo lang, nakaka-nosebleed ang mga term na binabasa ko. Hindi ako makarelate. Sino bang makakarelate? Eh hindi naman ako galing sa maharlikang pamilya.I was just a commoner na pinili lang ng isang prinsipe na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung bakit.Alam kong may malalim siyang rason, ayaw niya lang sabihin sa akin. At 'yon ang kailangan kong malaman habang nandito ako.Napabuntong hininga na lamang ako. Nasa third chapter na ako ng Royal Governance and Power Shifts during the Post-Founding Era, pero kahit ilang beses kong basahin 'yung paragraph tungkol sa diplomatic marriages, hindi pa rin pumapasok sa utak ko.May tatlong tutor sa kabilang mesa, nagbabasa rin. May assistant na inaayos ang susunod na lesson plan. At ako, pilit na pinipigilan ang antok habang hinihila-hila ko ang highlighter ko sa ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status