Chapter: Chapter 27Huminga nang malalim si Dylan bago muling nagsalita, parang pinipilit buuin ang sarili bago iharap sa kanya ang totoo.“May problema talaga sa kumpanya noon,” sabi niya, mabagal at maingat. “At nagpunta ako sa restaurant para personal na puntahan ang artist. Kung gusto mo, pwede mong i-check. Two years ago, kinuwento na niya ang buong nangyari. Nasa social media na lahat, every detail.”Nanatili ang tingin ni Juliette sa kanya, hindi kumukurap. Pinipilit niyang basahin ang mukha ni Dylan, kung may bahid man lang ng kasinungalingan. At sa isang iglap, naisip niyang… baka nga mali ang narinig niya noon. Baka hindi lahat ng akala niya ay totoo.“What about the other anniversaries?” tanong niya, pinipilit gawing steady ang boses kahit kumikirot ang puso niya.“I admit,” sagot ni Dylan, walang pag-iwas, “talagang hindi ako umuuwi noon. Pero wala akong ibang pinupuntahan. Kumpanya lang.” Nanigas ang panga niya, parang mabigat din iyon para sa kanya. “Alam kong hindi iyon sapat. Alam kong hi
Last Updated: 2025-12-10
Chapter: Chapter 26“Paano ang kambal?” tanong ni Dylan, halatang may pinipigilang panginginig sa boses. “They really missed you. Hinahanap-hanap ka nila. At matapos ka nilang makita ulit ay hindi na sila natahimik pa. Paulit-ulit nilang sinasabi na gusto ka nilang makasama.”Napalunok si Juliette. May kung anong kumirot sa dibdib niya, isang kirot na pilit niyang hindi pinapansin mula nang umalis siya. Naiintindihan niya si Dylan dahil ganoon din ang nararamdaman niya para sa kambal. Araw-araw. Bawat gabi. At dahil doon, may biglang ideyang sumulpot sa isip niya, isang desisyong matagal na niyang itinataboy.Pero bago pa man siya makahanap ng tamang salita, nagsalita na ulit si Dylan.“Mga bata lang sila,” he continued,
Last Updated: 2025-11-20
Chapter: Chapter 25Nanatiling tahimik si Dylan matapos magsalita ni Juliette. Para siyang sinakal ng katahimikan—mabigat, nakakabingi. Pilit niyang inangat ang tingin mula sa mesa bago nagsalita, paos, mababa, parang may kinakalaban sa loob.“Is it because of him?” tanong ni Dylan makalipas ang ilang saglit.Kumunot ang noo ni Juliette. “What?” napapailing na sagot niya, halatang hindi inaasahan ang direksiyon ng usapan.“Is it because of Santamena kaya gusto mo ng divorce?” ulit ni Dylan, mas matalim, mas mabigat ang boses ngayon. Kita sa mga mata niya ang halong selos, takot, at pagsisisi—pero nakabalot iyon sa galit na ayaw niyang ipakitang nasasaktan siya.Hindi makapaniwala si Juliette. Saglit siyang napatitig kay Dylan bago tuluyang natawa—hindi dahil natutuwa, kundi dahil sa sobrang absurd ng akusasyon. Isang mapait, maikling tawa na parang sampal sa ego ni Dylan.“What’s so funny?” dagdag pa ni Dylan. Hindi gumagalaw ang mukha niya, pero halatang hindi niya nagustuhan ang reaksyon ni Juliette. Ku
Last Updated: 2025-11-19
Chapter: Chapter 24“Nandito na tayo.” Nilingon nin Juliette ang nagsalitang si Andrew na nakatingin na rin pala sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango bago hinawakan ang door handle ng sasakyan para lumabas. “Are you sure kaya mong magi-isa?”Muling tumingin si Juliette sa lalaki at ngumiti. “Anong akala mo sa akin?”“Init ulo agad, nagtatanong lang?” taas ang kilay na tugonn ni Andrew dahilan upang matawa si Juliette at kahit papaano ay narelax ng konti.“You can leave, kaya ko na rin umuwing mag-isa.” Nagtitigan ang dalawa at marahang tumango si Andrew bilang tugon. Alam niya na iyon talaga ang gusto ng kaibigan.Tuluyan ng bumaba si Juliette at naglakad papasok sa building habang nakatanaw sa kanya si Andrew. “Hay naku, Juliette. Sana lang ay makapagdesisyon ka ng tama para maging tuluyan ka ng maging masaya,” hindi naiwasan na sabihin ng lalaki habang patuloy lang niyang hinatid ng tingin ang kaibigan.Si Andrew Santamena ay kuya ni Camila. Malaki ang utang na loob niya kay Don Horacio, a
Last Updated: 2025-11-17
Chapter: Chapter 23Napaisip si Juliette sa mga salitang iniwan ni Andrew na baka pareho pa rin silang nasasaktan ni Dylan sa parehong dahilan.Matagal siyang nakatulala, nakatitig sa kawalan, habang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga alaala.Hindi madali para sa kanya na talikuran ang kambal na anak na ngayon ay nasa poder ni Dylan. Ngunit sa tuwing maaalala niya ang mga salitang binitiwan ng mga ito, ang malamig na tingin, at ang paglayo ng mga yakap na dati ay sa kanya lamang nakalaan, unti-unti niyang nararamdaman kung paano natatabunan ng sakit ang puso ng isang inang sabik sa sariling mga anak.Isang iglap, lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Gener, ang batang walang ibang alam kundi umunawa. Na kahit hindi sa kanya nagmula ay pinadama naman sa kanya kung paano mahalin ng tunay na anak.Kasunod noon, ang kambal na sina Jamima at Janina na palaging nakayakap sa kanya, sabay-sabay na tumatawag ng “Mommy!” habang nagtatawanan.Ni minsan, hindi niya narinig sa kanila ang salitang “ayaw.” Lagi
Last Updated: 2025-11-15
Chapter: Chapter 22“What’s this?” malamig pero matalim ang tanong ni Dylan, habang dahan-dahang ibinababa ang dokumentong kanina lang ay hawak niya. Ngunit nang masipat ang heading ng papel, mabilis na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Nanigas ang panga, at unti-unting naningkit ang mga mata.“Pinadala po ng abogado ni Mr. Santamena, Sir,” mahinang sabi ni Meynard, halos hindi na makatingin. Alam niyang hindi magugustuhan ng amo ang laman ng dokumento.Mabigat ang katahimikang sumunod. Tanging ang mahinang ugong ng aircon ang maririnig.Dahan-dahang iniangat ni Dylan ang tingin, diretso sa assistant niya at sa isang iglap, umapoy ang galit sa mga mata niya.“Pinadala ng abogado ni Santamena?” paulit niyang sabi, halos pabulong pero puno ng poot. “So, humingi pa talaga siya ng tulong sa lalaking ‘yon? Para makipaghiwalay sa akin?”Isang iglap lang ay tumilapon ang mga papel sa hangin nang itapon niya iyon sa mesa. Nagkalat ang mga dokumento sa sahig, at isa-isang bumagsak sa paligid ni Meynard.“Te
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: Chapter 76Naging sobrang busy na si Terrence. Hindi lang sa kumpanya, kundi pati sa personal kong issue. At dahil doon, ako naman ‘tong hindi mapakali. Ang hirap mag-focus kapag alam mong may kinikimkim na delikadong bagay ang isang taong mahalaga sayo. Lalo na at sinabi niya pa mismo sa’kin na ayaw niya akong madamay.At yes, mahalaga na sa akin Terrence pati na ang buong pamilya niya. Kita ko ang sincerity nila sa akin. Lalo na si Audrey na talagang willing makabawi dahil sa mga sinabi niya noong mga unang pagkikita namin.Back to Terrence, kapag ganitong alam ko na maaaring may nakaambang panganib ay hindi ko na rin mapigilan ang matakot para sa kanya dahil nga sa sinabi niya.Kung ganon… ibig sabihin ba ay may puwedeng mangyaring masama? May taong posibleng gumawa ng hindi maganda, at may kinalaman iyon sa nangyari sa pamilya ko?Si Warren, ganon din ang kilos. Akala mo ay laging alert at laging may binabantayan. Kaya kahit kinakabahan ako, ako na lang ang nag-take over ng ilang office task
Last Updated: 2025-12-12
Chapter: Chapter 75Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa kami muling nagkausap ni Terrence tungkol sa hiniling ko. Hindi ko na rin siya kinulit, kahit gustong-gusto ko sanang magtanong. Pero alam ko at ramdam ko na hindi niya iyon kakalimutan. I trust him, lalo na at sinabi na rin niyang pati ang mga magulang niya ang nag-push para bilisan ang lahat. He loves them too much to disappoint them, and I know he won’t disappoint me either.Araw ng Martes ng kasunod na linggo, pumasok si Warren sa office. Seryoso ang mukha niya, mas seryoso pa kaysa sa usual niyang “work mode.” May bitbit siyang makapal na folder, at paglapag niya roon sa mesa, para bang may mabigat na pumintig sa dibdib ko.“Here’s what we’ve got so far,” sabi ni Warren.Kinuha iyon ni Terrence, binuklat, at agad kong napansin ang pagtaas ng kilay niya, kasunod ay ang malalim na kunot ng noo. Sinusundan ko ang bawat galaw niya, kahit ang paghinga niyang parang mas mabagal.“Sa tingin mo may iba pa tayong pwedeng malaman?” tanong ni Terrence, h
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: Chapter 74“Please, Terrence…” sabi ko, halos pabulong pero may halong pakiusap sa boses. Nakatayo ako sa harap ng office table niya, hawak-hawak pa ang gilid ng mesa na parang ‘yon na lang ang kakapitan ko.Kakasabi ko lang na gusto kong alamin ang totoo tungkol sa nangyari noon—pero heto siya, nakatingin lang sa akin. Tahimik. Walang reaksyon.“I already told you,” sa wakas ay sabi niya, mababa ang boses pero buo, “na papatunayan ko sayo na walang kinalaman ang pamilya ko sa nangyari sa pamilya mo. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?”“Pero… iba ‘yon,” sagot ko, pilit kong pinatatag ang boses ko kahit nanginginig na. “Iba ‘yong patunayan mo lang, kaysa ‘yong talagang mahuli kung sino ang may kasalanan.”“Silly,” mahina pero may ngiti sa labi niyang sagot, sabay tayo at lakad palapit sa akin, which is kabilang side na ng mesa. “When I said I’ll prove you wrong about my family, natural kasama na doon ‘yung paghuli sa totoong may kagagawan.”Napahinto ako. Hindi ako agad nakapagsalita.“Really?” ta
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: Chapter 73“It’s weekend, anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Terrence habang pinapanood ang mga magulang niyang umupo sa sofa. Si Audrey naman, mula pa kanina, hindi makatingin nang diretso sa akin. Para bang may gustong sabihin pero pinipigilan.“Masama bang dalawin namin kayo?” sagot ng kanyang ina, halatang nagtatampo pero may halong lambing. Elegant pa rin kahit tila nagdadabog. Ang ama naman ni Terrence ay simpleng nagkibit-balikat, parang sinasabing ‘Don’t look at me , hinila lang ako rito.’“Hindi naman,” sagot ni Terrence na may ngiti sa labi, “pero alam n’yo namang bagong kasal lang kami. Baka gusto niyo naman kaming bigyan ng konting privacy. Ayaw nyo ba ng apo?”“Terrence!” bulalas ko, sabay takip ng palad sa mukha. Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Narinig ko na lang ang tawa ng kanyang mga magulang. ‘Yung halakhak na tipong pinagtatawanan ako pero may halong kilig at asar.“Wala kayong dapat alalahanin,” sabi ng ginang na ngayon ay may pilyang ngiti, “hindi naman namin kayo aabalah
Last Updated: 2025-11-05
Chapter: Chapter 72“Okay lang ba na abutin tayo ng… mga tatlong oras sa paliligo?” tanong ni Terrence na may kasama pang pagkindat.Napakurap ako, hindi agad makapaniwala sa narinig ko. Pero kasabay ng gulat, may kung anong excitement na kumislot sa dibdib ko na parang boltahe ng kuryente na gumapang sa balat ko.“Excuse me?” sagot ko, pilit na nagpipigil ng ngiti. “Conserve water and energy kaya ang dahilan ng sabay ligong ‘to, baby. Anong three hours na pinagsasabi mo?” Pinatamis ko ang tono, sabay marahang pagkiling ng ulo, alam kong weakness niya ‘tong part ng leeg ko.“Damn, baby,” bulong niya, halos paos. “Mukhang hindi lang three hours ‘to. You have no idea how much you're killing me right now.”Bago pa ako makasagot, hinila niya ako papalapit. Nasa loob na kami ng bathroom, nakatayo sa harap ng lavatory, at sa salamin, nakita ko kung gaano ka-intense ang tingin niya. Para bang bawat hinga niya ay humahalo sa akin.Nagtagpo ang mga mata namin sa repleksyon. Walang nagsasalita, pero ang lahat ng em
Last Updated: 2025-10-27
Chapter: Chapter 71Sunday. Tahimik ang buong hospital, maliban sa mahinang ugong ng aircon at langitngit ng mga gulong ng nurse cart sa hallway. Nasa tabi ako ng kama ni Mommy, hawak ang kamay niyang malamig pero buhay pa rin sa init ng pag-asa ko.At siyempre, si Terrence na hindi pumayag na hindi sumama. Nakahawak siya sa balikat ko kanina habang naglalakad kami papasok, parang bodyguard na ayaw akong bitiwan kahit isang segundo.“Paano kung magising si Mommy tapos wala ako sa tabi?” reklamo niya kanina nang subukan kong pigilan siya. “Baka isipin niya na pinapabayaan ko ang kanyang precious daughter.”Napailing na lang ako noon, sabay ngiti. Wala naman daw siyang gagawin maghapon, kaya ayun, heto kami, magkasama sa hospital room.Hinaplos ko ang buhok ng aking ina. “Mom, I’m fine. Tapos, lalo pa akong gumanda kaya dapat ay gumising ka na para makita mo na ako, okay?”Sumingit si Terrence, nakasandal pa sa gilid ng kama. “Tsaka ang gwapo ko rin po, kaya bilis-bilisan niyo na ang paggising para makita n
Last Updated: 2025-10-24