LOGINBe ready mamaya, Evelyn... hehehe
Nagmamadali akong naglakad papasok ng ospital matapos kong magbayad sa sasakyan. Wala na akong oras para lumingon pa. Hindi ko na rin iniinda ang mga taong kasalubong ko o ang malamig na hangin sa lobby. Ang utak ko, may iisang direksyon lang—ang silid ni Mommy.Parang kabisado na ng katawan ko ang daan kahit nanginginig pa ang mga tuhod ko sa halo-halong emosyon. Excitement. Takot. Pag-asa. Lahat nagsasabay-sabay.Pagdating ko sa tapat ng kwarto niya, bigla akong natigilan. Nakatayo lang ako roon ng ilang segundo—o baka minuto, hindi ko na rin alam. Huminga muna ako nang malalim, parang kailangan kong ipunin ang sarili ko bago ko siya harapin. Natatakot akong baka kapag binuksan ko ang pinto ay panaginip lang lahat ng ‘to.Pero hindi na ako pwedeng umatras pa.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob at pinihit iyon.Agad na napatingin sa akin ang mga taong nasa loob. Si Dr. Guerrero at isang nurse. Pero halos hindi ko na sila nakita. Bumaling agad ang tingin ko sa kama sa gitna ng si
Naging sobrang busy na si Terrence. Hindi lang sa kumpanya, kundi pati sa personal kong issue. At dahil doon, ako naman ‘tong hindi mapakali. Ang hirap mag-focus kapag alam mong may kinikimkim na delikadong bagay ang isang taong mahalaga sayo. Lalo na at sinabi niya pa mismo sa’kin na ayaw niya akong madamay.At yes, mahalaga na sa akin Terrence pati na ang buong pamilya niya. Kita ko ang sincerity nila sa akin. Lalo na si Audrey na talagang willing makabawi dahil sa mga sinabi niya noong mga unang pagkikita namin.Back to Terrence, kapag ganitong alam ko na maaaring may nakaambang panganib ay hindi ko na rin mapigilan ang matakot para sa kanya dahil nga sa sinabi niya.Kung ganon… ibig sabihin ba ay may puwedeng mangyaring masama? May taong posibleng gumawa ng hindi maganda, at may kinalaman iyon sa nangyari sa pamilya ko?Si Warren, ganon din ang kilos. Akala mo ay laging alert at laging may binabantayan. Kaya kahit kinakabahan ako, ako na lang ang nag-take over ng ilang office task
Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa kami muling nagkausap ni Terrence tungkol sa hiniling ko. Hindi ko na rin siya kinulit, kahit gustong-gusto ko sanang magtanong. Pero alam ko at ramdam ko na hindi niya iyon kakalimutan. I trust him, lalo na at sinabi na rin niyang pati ang mga magulang niya ang nag-push para bilisan ang lahat. He loves them too much to disappoint them, and I know he won’t disappoint me either.Araw ng Martes ng kasunod na linggo, pumasok si Warren sa office. Seryoso ang mukha niya, mas seryoso pa kaysa sa usual niyang “work mode.” May bitbit siyang makapal na folder, at paglapag niya roon sa mesa, para bang may mabigat na pumintig sa dibdib ko.“Here’s what we’ve got so far,” sabi ni Warren.Kinuha iyon ni Terrence, binuklat, at agad kong napansin ang pagtaas ng kilay niya, kasunod ay ang malalim na kunot ng noo. Sinusundan ko ang bawat galaw niya, kahit ang paghinga niyang parang mas mabagal.“Sa tingin mo may iba pa tayong pwedeng malaman?” tanong ni Terrence, h
“Please, Terrence…” sabi ko, halos pabulong pero may halong pakiusap sa boses. Nakatayo ako sa harap ng office table niya, hawak-hawak pa ang gilid ng mesa na parang ‘yon na lang ang kakapitan ko.Kakasabi ko lang na gusto kong alamin ang totoo tungkol sa nangyari noon—pero heto siya, nakatingin lang sa akin. Tahimik. Walang reaksyon.“I already told you,” sa wakas ay sabi niya, mababa ang boses pero buo, “na papatunayan ko sayo na walang kinalaman ang pamilya ko sa nangyari sa pamilya mo. Ano pa ba ang gusto mong gawin ko?”“Pero… iba ‘yon,” sagot ko, pilit kong pinatatag ang boses ko kahit nanginginig na. “Iba ‘yong patunayan mo lang, kaysa ‘yong talagang mahuli kung sino ang may kasalanan.”“Silly,” mahina pero may ngiti sa labi niyang sagot, sabay tayo at lakad palapit sa akin, which is kabilang side na ng mesa. “When I said I’ll prove you wrong about my family, natural kasama na doon ‘yung paghuli sa totoong may kagagawan.”Napahinto ako. Hindi ako agad nakapagsalita.“Really?” ta
“It’s weekend, anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Terrence habang pinapanood ang mga magulang niyang umupo sa sofa. Si Audrey naman, mula pa kanina, hindi makatingin nang diretso sa akin. Para bang may gustong sabihin pero pinipigilan.“Masama bang dalawin namin kayo?” sagot ng kanyang ina, halatang nagtatampo pero may halong lambing. Elegant pa rin kahit tila nagdadabog. Ang ama naman ni Terrence ay simpleng nagkibit-balikat, parang sinasabing ‘Don’t look at me , hinila lang ako rito.’“Hindi naman,” sagot ni Terrence na may ngiti sa labi, “pero alam n’yo namang bagong kasal lang kami. Baka gusto niyo naman kaming bigyan ng konting privacy. Ayaw nyo ba ng apo?”“Terrence!” bulalas ko, sabay takip ng palad sa mukha. Ramdam kong uminit ang pisngi ko. Narinig ko na lang ang tawa ng kanyang mga magulang. ‘Yung halakhak na tipong pinagtatawanan ako pero may halong kilig at asar.“Wala kayong dapat alalahanin,” sabi ng ginang na ngayon ay may pilyang ngiti, “hindi naman namin kayo aabalah
“Okay lang ba na abutin tayo ng… mga tatlong oras sa paliligo?” tanong ni Terrence na may kasama pang pagkindat.Napakurap ako, hindi agad makapaniwala sa narinig ko. Pero kasabay ng gulat, may kung anong excitement na kumislot sa dibdib ko na parang boltahe ng kuryente na gumapang sa balat ko.“Excuse me?” sagot ko, pilit na nagpipigil ng ngiti. “Conserve water and energy kaya ang dahilan ng sabay ligong ‘to, baby. Anong three hours na pinagsasabi mo?” Pinatamis ko ang tono, sabay marahang pagkiling ng ulo, alam kong weakness niya ‘tong part ng leeg ko.“Damn, baby,” bulong niya, halos paos. “Mukhang hindi lang three hours ‘to. You have no idea how much you're killing me right now.”Bago pa ako makasagot, hinila niya ako papalapit. Nasa loob na kami ng bathroom, nakatayo sa harap ng lavatory, at sa salamin, nakita ko kung gaano ka-intense ang tingin niya. Para bang bawat hinga niya ay humahalo sa akin.Nagtagpo ang mga mata namin sa repleksyon. Walang nagsasalita, pero ang lahat ng em







