Para kay Evelyn ay immortal enemy na niya si Terrence Montemayor. As in, hindi kailanman mawawala ang galit niya para sa lalaki. Ngunit sa kanilang muling pagkikita ay magiging amo niya ito kasabay ang pangangailangan niya ng pera para sa kanyang comatose na ina and Terrence is offering her help kapalit ng kasal at wala siyang choice kung hindi ang pumayag. Mabago kaya ng pagsasama nila ang tingin ni Evelyn kay Terrence? Mapigilan kaya niya ang sarili na mahulog ang loob sa lalaking sinumpa na niyang maging kaaway hanggang kamatayan kung sa bawat pang-aakit nito sa kanya ay unti-unting nanlalambot ang kanyang mga tuhod? They’re enemies and they benefited from each other. Status: Enemies with Benefits.
View More“Evelyn, I'm really sorry about this. Alam ko na ginagawa mo ang lahat ngunit lumobo na ng husto ang bill ng mommy mo at halos isang taon ka na rin na hindi nakakapag-bawas man lang sa balance,” mahinahon ang pagkakasabi ng doktor, halatang iniiwasan din niya na masaktan ang damdamin ko.
“‘Wag kang mag-alala Dok Mikee, may bago na akong trabaho na di hamak na mas malaki ang sahod. Makakabawas na ako ng utang ko at kung papalarin ay baka magkaroon ako ng chance na maka-loan after kong ma-regular. Nakakahiya man, sana ay mapagbigyan pa rin ako.”
Huminga ng malalim ang doktor. Sa tuwina ay siya ang kumakausap sa akin pagdating sa aking bayarin. Nahihiya na rin ako sa kanya dahil alam ko na siya lang din ang pumipigil sa hospital para gawan ng aksyon ang kaso ko.
“Kung ganon, gagawin ko ang lahat para mapigilan pa ang hospital. Makikiusap ako para sayo,” tugon niya.
Gusto kong maiyak dahil sa kahirapan na dinaranas ko. Pero kailangan kong maging matatag para sa Mommy ko. Hindi ko siya pwedeng sukuan dahil siya na lang ang meron ako.
“Maraming salamat, Doc Mikee. Tatanawin kong malaking utang na loob ito.”
“Kung makakatulong ako, bakit hindi. Masaya ako na kahit papaano ay gumaan man lang ang dalahin mo.”
Kahit papaano ay magaan na ang kalooban ko ng umalis ng hospital. Dumalaw lang ako kay Mommy para sana ipaalam sa kanya na may bago na nga akong trabaho tapos nasingil pa ako ni Doc. Hindi naman sa ayaw ko, alam ko naman na kailangan kong magbayad dahil kahit papaano ay may pag-asa pa akong makasama ang aking ina. Buti na lang talaga at natanggap ako sa inaplayan kong trabaho nitong nakaraang linggo.
Bukas ay magsisimula na ako bilang PA or personal assistant ng CEO ng Nylerret IT Corp. Dalawang taon pa lang ang kumpanya pero sikat na sikat na ito.
Sinasabi na napakagaling daw ng CEO kaya naman looking forward ako na makilala siya bukas.
Dumating ang kaibigan kong si Casey at naupo sa sofa na nasa harap ko habang nakangiting nakatingin sa akin. Diretso uwi ako dahil wala naman akong panggala. Isa pa, naalala ko na may gagawin pa ako.
Kasalukuyan akong nagtitiklop ng nilabhan kong damit kasama na rin ang sa kaibigan ko. Iyon man lang ay magawa ko kapalit ng pagiging mabuti niya sa akin kaya kahit anong pigil niya ay nagpupumilit pa rin ako.
“Mukhang masaya ka, ah! May nangyari ba?”
“Wala naman, usual date lang namin ni Orion.”
“Bakit maaga ka yatang umuwi?” tanong ko pa.
“Syempre, excited ako para sa first day of work mo bukas.” Napailing ako sa sinabi niya. “Gusto ko na magkakwentuhan tayo dahil baka hindi na natin ito magawa kapag nagsisimula ka na lalo at indefinite ang working hours mo.”
“Nasiguro mo na maaga ako ngayon dito?” nakangiti kong tanong.
“Syempre naman, we're bestfriends kaya kilala na kita.” Napangiti ako sa sinabi niya. Next to my Mom, siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
“Kamusta si Tita?” tanong niya na puno ng pag-aalala.
Two years ago ay nangailangan ako ng pera para kay Mommy at dahil wala daw siyang maipapahiram na malaking halaga ay sa kanya na lang daw ako tumira kaya magkasama kami ngayon. Pero kapag nagkakaroon ako ng extra ay binibigyan ko siya, hindi bayad kung hindi bilang pasasalamat.
Marami akong kaibigan na nautangan ko na para pambayad sa hospital bill ni Mommy at napakalaki na rin non. Pasalamat na lang ako na hindi nila ako pinupwersang magbayad. Ngunit hindi ko na dinagdagan pa ang hiniram ko dahil sobra na ang hiyang nararamdaman ko.
“Okay naman, pero sinisingil na ako ni Dok Mikee. Nahihiya na rin ako dahil malamang ay hindi na naman niya malaman kung paano ako ipagtatanggol sa hospital.”
“Public naman ‘yon,” tugon niya.
“Alam ko. Pero kahit pampublikong hospital ay nangangailangan din naman ng bayad, lalo na at dalawang taon ng nakahiga si Mommy doon.”Napansin ko ang paglamlam ng kanyang mga mata at alam ko ang dahilan non.
“Kung hindi dahil sa nangyari sa Daddy mo ay hindi mangyayari ito sayo ngayon. Ano na ang gagawin mo? Hindi mo mapatunayan ang kainosentihan ni Tito dahil mas kailangan mong unahin si Tita?”
“Darating din ako dyan. Ngayong maganda na ang sahod ko, higit pa sa inaasahan ko ay sigurado na may mag-i-improve na rin sa buhay ko. At kapag nalaman ko na may kinalaman nga ang pamilya ni Terrence Montemayor sa issue ng Daddy ko ay hindi ako titigil hanggat hindi ko sila napagbabayad.”
Si Terrence Montemayor ang lalaki na junior high school pa lang ay sinumpa ko na dahil hindi siya patas. At kagaya ng sinabi ko na, ang kanyang ama ay hinihinala kong isa sa dahilan ng mga paratang sa aking ama noon.
Maging okay lang si Mommy ay sisiguraduhin ko na paglalaanan ko ng oras at pera ang kaso ng aking ama. Lilinisin ko ang pangalan niya na sinira ng Montemayor Holdings Inc.
Nagkakwentuhan pa kami ni Casey bago ako nagpaalam na magpapahinga na. Ayaw kong ma-late sa first day of work. First impressions last eka nga.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda para sa aking pagpasok. Medyo malayo ang apartment ni Casey sa kumpanya kaya kailangan kong maglaan talaga ng extra time para sa traffic.
Naka business suit ako, skirt na below the knee at blazer na black na tinernuhan ko ng white na inner tops. Hindi ko na kailangan na mag-stocking kaya diretso ko ng sinuot ang aking high heels.
Dahil ayaw ko ngang magpahuli ay nagdesisyon na akong magbook ng ride para fresh pa rin ako kaya hindi nagtagal ay nasa building na ako kung saan nagre-rent ng office ang Nylerret IT Corp.
Isang forty storey ang building at ang aming opisina ay sinasakop ang 8th-10th floor kung nasaan ang office ng CEO. Sumakay na ako ng elevator at saktong pagbukas non ay nakatanggap din ako ng chat mula kay Casey.
Napailing ako na may kasamang pagngiti dahil sigurado akong chika lang ang hatid niya.
“Bestie, dumating na pala kahapon si Terrence! At guess what, siya na ang hahawak ng Montemayor Holdings!”
“Ano naman ang nakakagulat don?” reply ko sa mabilis na pagta-type habang naglalakad. Hindi man niya nakikita ay alam kong alam na niyang nakataas na ang kilay ko.
“Kinikilala siya ngayon bilang double CEO dahil bukod sa Montemayor Holdings ay may sarili rin siyang negosyo na nasimulan.” Lalong tumaas ang kilay ko sa reply niya. Ibang klase din naman talaga at mukhang mas lalo pang gumanda ang buhay ng hayop na ‘yon.
“Wala akong pakialam sa kanya, hindi ko ikayayaman kung may malaman akong kahit na anong balita tungkol sa lalaking ‘yon.” Pinindot ko ang send button. At dahil napansin ko na may mga tao na sa paligid ko ay nagdesisyon akong mag-type ulit.
“Sige na Bestie at need ko ng maghanda for work. See you later!”
Binalik ko sa bag ang aking phone at nagsimula ng lumapit sa lalaki na natatandaan kong isa sa mga nag-interview sa akin. Ano nga ulit ang pangalan niya?
Ah… alam ko na!
“Good morning, Sir Warren…” Ngumiti ako ng ubod tamis pero punong-puno ng paggalang. Ayaw kong isipin na may ibang kahulugan ang ginawa kong iyon.
Bumaling naman siya ng tingin sa akin at ngumiti rin bago nagsalita.
“Good morning din, Miss Evelyn. You can call me Warren, hindi mo kailangang maging formal.”
“Okay po,” mabilis kong tugon. Hindi naman kasi ako yung tipo na madaling ma-intimidate kaya isang sabi lang talaga ay agree na ako.
“Mabuti at maaga ka, padating na si Sir kaya sana ay ready ka na.”
“Yes, Warren.”
“Good,” nakangiti niyang sabi. Tapos ay nagsimula na siyang tawagin ang ibang staff sa office of the CEO at nagsihilera na rin sila. “Dito ka, Evelyn.”
Pinatayo niya ako sa tabi niya, tapos ay ginaya ko na ang posture niya na ready na rin to meet our CEO.
Hindi nagtagal at narinig na namin ang pagtunog ng elevator na nagsasabing bumukas iyon. Yumuko pa ako para tingnan kung maayos ba ang damit ko dahil sabi ni Warren noong isang linggo ay gusto ng aming boss na laging mukhang presentable at kagalang-galang ang kanyang mga staff.
Inayos ko pa ng konti ang aking ID at tsaka nakangiting nag-angat ng tingin. Ngunit ganon na lang ang pagkamaang ko ng makita ang isa sa dalawang lalaki na naglalakad na palapit sa amin.
Ang nauuna ay ang lalaking ni hindi ko gugustuhin marinig man lang ang boses pero heto at seryosong nakatingin sa akin. Dapat ay magulat siya na kagaya ko, pero bakit parang wala man lang epekto sa kanya ang pagtatama ng aming mga mata?
Hindi ba niya ako natatandaan? Ganon ba kaliit ang tingin niya sa akin para makalimutan ng ganon lang? Nagtagis ang bagang ko dahil sa naisip ko.
Ngayon ay alam ko na, siya ang aking boss. Ang lalaking ayaw kong makita kahit sa huling hininga ko. Ang lalaking pagbabayarin ko ng mahal dahil sa nangyari sa aking pamilya.
Si Terrence Montemayor!
WARNING!! SPG!!Lumalim pa lalo ang bawat halik ni Terrence, at sa bawat segundo ay para akong nauupos sa init ng katawan naming dalawa. Habang kinukulong niya ako sa kanyang mga bisig, ramdam ko ang tigas at pagtibok ng kanyang pagkalalaki sa pagitan naming dalawa. Matigas, mainit, at walang tigil sa panunukso sa aking pagkababae.“Terrence…” halos paungol kong sambit ng pangalan niya, hindi na ako sigurado kung babala ba iyon o pagmamakaawa.Ngumiti siya ng mapangahas, tinapunan ako ng titig na punong-puno ng pagnanasa. “Aminin mo, Evie… ako lang ang nakakapagpalabas ng ganyang tunog mula sa’yo.”Bago pa ako makasagot, naramdaman ko ang pag-angat ng kanyang kamay, gumapang ito mula sa aking balakang paakyat sa ilalim ng aking damit. Mainit ang palad niya, parang sinusunog ang balat kong kanina pa nanginginig.Hinila niya nang bahagya ang tela, sapat para mabunyag ang aking dibdib, at agad niyang sinunggaban iyon ng labi at dila. Napahawak ako nang mas mahigpit sa kanyang balikat, at
Mainit ang silid kahit todo ang lamig ng aircon. O baka naman ako lang ang literal na nag-aapoy sa pakiramdam. Nakupo pa rin ako sa gilid ng kama, pilit na nilalabanan ang bawat kilabot at kuryenteng dulot ng presensya ni Terrence na nasa likuran ko lang. Para bang bawat segundo, lumalakas ang tension na ayaw ko pero gusto ko rin.“Tumigil ka na, Terrence…” bulong ko, mahina, parang ako mismo ay hindi sigurado kung gusto ko ba talagang tumigil siya.Narinig ko ang mahinang tawa niya bago ko maramdaman ang palad niyang dumapo sa bewang ko. Hinila niya ako palapit na parang wala akong choice. “Kung ayaw mo talaga, Eveie…” ramdam ko ang panginginig ng boses niya sa tenga ko, “…bakit hindi mo ako tinutulak? Bakit hinahayaan mo ako?”Napapikit ako kasabay ang mahigpit na pagkapit sa bedsheet. Kaya ko ba talaga? Kaya ko ba siyang itaboy gayong mismong katawan ko ang sumisigaw ng yes sa bawat haplos niya?Huminga siya nang malalim, at ramdam ko ang init ng hininga niya sa leeg ko na parang ap
Unang gabi namin sa villa at literal na kami na lang ni Terrence ang naiwan. Umalis na ang mag-inang katiwala kaya parang biglang lumaki ang paligid. Masyadong tahimik, malamig, at kami lang dalawa ang humihinga sa buong bahay. Sa mismong silid, ramdam ko ang panginginig ng dibdib ko. Kanina pa sinabi ni Terrence na “aangkinin na raw niya ang kanya” dahil binigyan na niya ako ng sapat na panahon para makapag-adjust.Adjust? Seriously? Anong adjust ang pinagsasabi niya? Para bang simpleng kinausap lang niya ako para patunayan na wala silang kinalaman sa nangyari sa pamilya namin, tapos expected niyang ready na ako sa lahat?Napailing ako nang palihim. Pero sige na nga, baka ito na rin ang tamang panahon. At kahit papaano, aaminin ko, siya rin ang dahilan kung bakit nakahinga ako ng konti tungkol sa kalagayan ni Mommy.Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako ng bathroom, bitbit pa ang init ng steam na parang ayaw kumawala sa balat ko. At ayun siya, agad kong nakita si Terrence, nakaupo sa
“Hindi mo alam kung anong mga bagay na ginawa ko, lahat ng tiniis ko… para lang makilala ka,” tugon niya na halos pabulong pero matalim ang dating.Natigilan ako. Hindi ko in-expect na iyon ang isasagot niya. Parang bigla akong kinilabutan, kasi may bigat sa bawat salitang binitawan niya. Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko—hindi marahas, pero sapat para magpahinto sa akin. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya, naghahanap ng kasinungalingan, pero ang nakita ko lang ay pagod at desperasyon.Huminga siya ng malalim, parang sinusubukang pigilan ang sarili niyang emosyon. Pagkatapos ay kinuha niya ang kamay ko, marahang dinadala sa labi niya, bago niya hinalikan ang likod ng palad ko. Doon ako tuluyang napatigil. Na-touch ako, sobra—kasi sino pa ba ang gumagawa ng ganito ngayon? Sa mundong puro bilis at pakitang-tao, may isang lalaki pang ganito ka-old school.“Pwede bang magtiwala ka sa akin? Gusto ko lang… magsama
“Umayos ka, Terrence. Baka dumating na ang mag-ina at makita pa tayo,” bulong ko habang bahagyang tinutulak ang dibdib niya. Ramdam ko ang init ng palad niya sa bewang ko, parang ayaw niya talagang bumitaw.Huminga siya nang malalim bago nagsalita, mababa at seryoso ang boses. “I bring you here for our honeymoon, Evie.” May diin sa salitang honeymoon na parang pinapaalala niya kung bakit kami narito.“I know,” sagot ko agad, pilit na kalmado ang tono. “Pero alam mo na may ibang tao na pwedeng makakita sa atin.” Malumanay ang pagkakasabi ko, halos pabulong, dahil ayaw kong isipin niya na umiiwas ako. Ayaw kong magmukhang malamig lalo na at alam kong ayaw na ayaw niya ng ganon. We had a deal, and kailangan kong tuparin ‘yon. Wala akong karapatang umatras, lalo na at nagawa na rin niya ang parte niya.“Fine, anong gusto mo munang gawin natin?” Tanong niya, pero hindi ito tunog sarkastiko. Sa akin lan
Nagpaalam din si Aling Derla nang nasa tapat na kami ng silid. Pagkapasok ko, literal na napanganga ako. Ang laki ng kwarto, parang mas maluwag pa kaysa sa buong apartment na tinirhan namin ni Casey. Ang wall ay warm at neutral tones na creamy ivory, at may venetian plaster na may texture na parang painting. May depth at rustic charm ito na hindi mo makikita sa mga ordinaryong kwarto.Mataas ang kisame, halos ma-strain ang leeg ko sa kakatingala. Doon ko napansin ang wooden exposed beams na gawa sa dark mahogany kaya ang dramatic ng dating, pero at the same time cozy. Para bang mixture ng luxury at comfort na hindi ko akalaing mararamdaman ko.“Maganda ba?” bumulong si Terrence mula sa likuran ko, mababa ang boses na parang may kasamang ngiti. Naisara na pala niya ang pinto at, gaya ng inaasahan, naramdaman ko agad ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko.Napapikit ako nang maramdaman kong hinila na naman niya ako palapit, hanggang sa sumandal ang likod ko
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments