Compartir

Chapter 78

Autor: RGA.Write
last update Fecha de publicación: 2026-02-08 20:58:33

Hindi ako iniwanan ni Terrence. Hindi na rin siya pumasok muna sa trabaho kahit anong pilit ko na bumalik na siya sa office.

“Gusto ko na magkasama tayong makikita ni Mommy when she wakes up again,” sabi niya habang nakayapos pa rin sa akin. “Ayaw kong isipin niya na mag-isa ka sa mga oras na ‘to. Aba, bigyan mo naman ng chance ang asawa mo na ‘to para magka-points sa aking mother-in-law.”

Natawa ako nang mahina, saka ko siya tinitigan nang matagal—yung tipong ayokong kumurap dahil gusto kong t
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 84

    WARNING!!! SPG!!!Pagkasara pa lang ng pinto ng silid namin, parang sabay-sabay na bumigay ang lahat ng lakas na pilit kong kinakapitan buong araw. Napahinto ako at napasandal sa likod ng pinto, sandaling ipinikit ang mga mata ko habang pilit kinokontrol ang paghinga. Ang bigat sa dibdib ko ay hindi basta nawawala, kahit alam kong nasa loob na kami ng bahay—sa lugar na dapat sana ay ligtas.Pero hindi na ganoon kasimple ngayon.Narinig ko ang marahang paglapit ni Terrence, at bago pa ako tuluyang makabawi, naramdaman ko na ang init ng katawan niya sa harapan ko.“Hey…” mahina niyang tawag, halos pabulong, na parang ayaw akong gulatin.Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at tumingin sa kanya. Kita ko agad ang pag-aalala sa ekspresyon niya, ang paraan ng pagtitig niya sa akin na parang sinusubukan niyang basahin ang bawat iniisip ko.“Okay ka lang?” tanong niya, marahan ang boses pero puno ng sincerity.Napangiti ako nang bahagya, pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa kanya.“Hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 83

    Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa naging reaksyon ni Mommy matapos ang biro ni Terrence. Sa gitna ng takot at tensyon, nagawa pa rin niyang pagaanin ang sitwasyon, na para bang wala kami sa gitna ng isang delikadong sitwasyon. Nakita ko kung paano bahagyang nag-relax ang mukha ni Mommy, at kahit sandali lang iyon, sapat na para kumalma ang dibdib ko.Hinuli ni Terrence ang kamay ko matapos ko siyang hampasin, saka iyon marahang pinisil. Walang salita, pero malinaw ang mensahe—nandito siya, at hindi niya ako pababayaan.Napailing na lang ako, pero hindi ko maitatanggi na sa kabila ng lahat, mas lumalakas ang loob ko dahil sa kanya.Gayunpaman, hindi pwedeng manatili kami sa ganoong estado. Hindi pwedeng magpaka-komportable sa isang lugar na malinaw nang hindi ligtas.Muling bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha ko habang nakatingin kay Terrence. “We need to move her,” mahinahon kong sabi, pero may bigat ang bawat salita. “As soon as possible.”Hindi siya nag-atubiling

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 82

    Hindi ko gustong umalis.Kahit ilang araw na akong halos hindi natutulog, kahit paulit-ulit na akong kinakausap ni Terrence na magpahinga, may parte sa akin na tumatanggi. Parang may kung anong mali na naghihintay na mangyari sa sandaling iwan ko ang silid ni Mommy.Tahimik siyang natutulog nang mga oras na iyon, payapa ang mukha, malayo sa takot na nakita ko sa kanya ilang araw na ang nakalipas. Pero kahit ganon, hindi pa rin nawawala ang kaba sa dibdib ko.“Baby…”Marahan akong napalingon kay Terrence na nakatayo sa likod ko. Ramdam ko ang init ng kanyang kamay nang ipatong niya iyon sa balikat ko.“Kailangan mong magpahinga,” mahinahon niyang sabi. “Hindi ka na nakakabawi.”Hindi agad ako sumagot, napatingin lang ako ulit kay Mommy.“May mga tao sa labas,” dagdag niya. “Naka-brief na ang lahat. Walang makakalapit sa kanya.”Saglit akong napapikit.Dalawang bodyguard ang nakapwesto sa labas ng silid. May naka-assign din sa hallway. Alam kong hindi siya nagkulang sa pag-iingat.At hi

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 81

    Isang linggo ang lumipas.Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming araw ng kaba at paghihintay, unti-unti nang bumabalik ang sigla ni Mommy.Hindi pa rin siya ganap na malakas, pero kitang-kita ang malaking pagbabago sa kanyang kalagayan. Mas malinaw na ang kanyang mga mata, mas maayos na ang kanyang paghinga, at nagagawa na niyang makipag-usap nang hindi agad napapagod.Sa mga nakaraang araw, sinigurado ni Terrence na hindi kami mawawalan ng proteksyon.May dalawang bodyguards na palaging nakapwesto sa labas ng silid. May isa pang nakabantay sa dulo ng hallway. At ayon kay Terrence, may isa pang team na palihim na nagmo-monitor sa paligid ng hospital.Hindi niya sinasabi nang detalyado ang lahat, pero alam kong ginagawa niya ang lahat para sa kaligtasan naming mag-ina.Ngayong gabi, tahimik ang hospital room.Ako ay nakaupo sa tabi ng kama ni Mommy habang hawak ang kanyang kamay. Sa kabilang side naman ng kama ay nakaupo si Terrence, nakasandal nang bahagya sa upuan habang pinag

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 80

    Lumipas ang ilang araw na halos pare-pareho ang takbo.Tahimik. Maingat. At puno ng paghihintay.Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napatingin sa pintuan ng hospital room, parang may inaasahang biglang papasok na hindi ko naman alam kung sino.Simula nang sabihin ni Terrence na may posibilidad na may taong gustong patahimikin si Mommy, hindi na nawala sa isip ko ang posibilidad na may nagmamasid sa amin.Kaya naman kahit hindi ko nakikita, alam kong may mga tao sa labas ng silid.Mga bodyguard na ipinadala ni Terrence.Hindi niya iyon ipinagmamalaki, pero nararamdaman ko ang pag-aalala niya sa bawat maliit na detalye. Mula sa pag-check ng CCTV sa hallway hanggang sa pagtiyak na iisa lang ang nurse na papasok sa room ni Mommy.At higit sa lahat, patuloy niyang pinapanatili ang lihim na nagising na si Mommy.Sa lahat ng tao sa hospital, tanging si Dr. Guerrero at ang dalawang nurse na pinagkakatiwalaan nito ang may alam ng totoo.Sa paningin ng lahat ay nasa coma pa rin ang aki

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 79

    Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kamay ko kahit makalipas ang ilang minuto mula nang muling mawalan ng malay si Mommy.Tahimik ang silid, pero pakiramdam ko ang lakas ng ingay sa loob ng ulo ko na parang may sirang speaker na paulit-ulit ang tugtog.Your step-uncle.Paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang mga salitang iyon. Kahit pilitin kong huwag isipin, kusang bumabalik.Hindi puwede, hindi tama, at mas lalong hindi kapani-paniwala.Pero ang sarili ko ng ina ang may sabi. At kumpara sa iba ang salita niya ang talagang may bigat sa akin at higit sa lahat ang tangi kong papaniwalaan.“Baby… breathe.”Napansin kong hawak na pala ni Terrence ang magkabilang balikat ko. Hindi ko man lang namalayang lumalalim na pala ang paghinga ko at parang nahihilo na ako sa dami ng iniisip.Marahan niya akong inupo sa couch sa gilid ng silid habang pinipilit kong kumalma.“Hinga ka muna,” bulong niya, marahang hinahaplos ang likod ko. “One step at a time. Nandito lang ako.”Pinikit

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 17

    Sobrang pagod ko, ‘yung tipong pagdampi pa lang ng likod ko sa kama, knockout agad. As in wala na akong narinig, wala na akong naramdaman parang pinatay lahat ng switch sa katawan ko. Buti na lang talaga at nagawa ko pang mag-shower bago humiga. Kung hindi, baka kanina pa ako nagkakamot sa kati o na

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 16

    Tahimik kaming naglalakad sa hallway ng hotel, pero ‘yung presensyang bumabalot sa pagitan namin? Grabe. Para akong sinisilaban sa ilalim ng emerald green kong dress. Nakasuot ako ng heels, straight posture kahit ang totoo ay para akong naglalakad sa edge ng isang cliff. Parang eksena sa pelikula na

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 14

    Kumabog ng malakas ang dibdib ko at pakiramdam ko ay parang hindi aircon ang bumabati sa balat ko kundi init na galing sa lalaking halos dumikit na sa tabi ko.Hindi ko na napigilan ang sarili. Bumaling ako sa kanya at nagsalita, medyo pabulong pero puno ng inis.“Pwede ba, lumayo ka nga? Para kang

  • Status: Enemies with Benefits   Chapter 12

    Sinubukan kong itulak siya palayo, pero sa halip na bumitaw, mas lalo pa niya akong hinapit papalapit. Ramdam ko ‘yung mahigpit niyang pagkakapulupot sa likod ko na parang ayaw na niya akong bitawan.“Terrence…” bulong ng isip ko, nanlalaki ang mga mata ko habang nakatitig sa kanya. Alam ba niya na

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status