LOGINShe knew exactly what she signed up for—tuition coverage, top-tier mentorship, and a fake dating clause tucked between academic terms. What she didn’t anticipate was the emotional loophole, falling in love without a clause to protect her heart.
View MoreHindi ko alam kung paano kakausapin sina dad; kinakabahan ako at nag-aalala. Oo nga’t ang sama ni Evone sa akin, pero hindi ko gugustuhin na malagay sa panganib ang buhay niya. Kapatid ko pa rin siya, nananalaytay sa ugat namin ang dugo ni dad. Kaya kahit sobrang sama ng kapatid ko, may parte sa akin na nasasaktan ako.Hindi ko sinasadya na mapahamak siya. Hindi ko ginusto na mahulog siya sa hagdan. Kung maibabalik ko lang ang oras ay hindi na sana ako lumabas ng classroom; sana hindi na lang ako nanlaban at hinayaan siya sa pang-aaway sa akin, wala sana siya ngayon sa emergency room. Hindi biro ang sinapit niya; nabagok ang ulo niya, at dahil iyon sa pagkakahulog niya sa hagdan.Dad will kill me. Baka this time, itatakwil na niya ako bilang anak niya. Oo, masakit dahil mas pinapaboran niya ang pangalawang pamilya niya, pero mas masakit kapag pinutol na niya ang relasyon namin bilang mag-ama. Siya na lang ang mayroon ako magmula nang mawala si mama. Kapag itinakwil ako ng sarili kong
‘Good morning, Aunt Sparkle!’Napangiti ako sa natanggap na message. Umagang-umaga pero ito agad ang bumungad sa akin. Pinanindigan na talaga ng batang iyon na aunt sparkle ang itawag sa akin. Tinanong ko siya kung bakit iyon ang tinawag niya sa akin. Ang sagot niya lang ay simple, dahil kumikinang daw ako sa paningin niya. Nakakatuwa ang batang ‘yon at ang cute pa niya. Alam na niya kung paano mambola. Siguro tinuturuan ‘yon ng tatay niya kaya gano’n.Matapos ko siyang tulungan kahapon, nag-usap pa kami saglit. Panay siya tanong sa akin na kinagigiliwan ko namang sagutin. Base sa nalaman ko, apo siya ng mayamang negosyante, pero hindi niya nabanggit kung sino. Ang tanging nasabi niya lang ay ang tawag niya sa lolo niya. Nalaman ko rin ang pangalan niya, Inigo. Bago siya umalis ay hiningi niya ang number ko at Facebook account. Kaya ngayon, name-message na niya ako. “Grabe ‘tong si Inigo, adult ang galawan. Six years old pa lang ‘yan siya ha, pero kung makaasta parang gurang,” bulong
“So, pinuntahan ka lang ni Mr. Kael para asarin ka? Iba rin tama no’n ah, inaasar ka na,” wika ni Saffie matapos kung ikuwento sa kaniya ang nangyari kanina sa labas ng gate nila. Tinatawanan nga niya ako habang kinukuwento ko sa kaniya iyon. Napapatingin sa gawi namin ang ibang estudyante na nakakasalubong namin dahil sa tawa niya na malutong at may halong gigil.Gusto kong takpan ang bibig niya pero lumalayo siya sa akin, kaya hinahayaan ko na lang si Saffie na pagtawanan ako. Mabilis na narating namin ang classroom at kaagad na umupo sa mga upuan. Kakaunti pa lang kami rito kasi maaga pa. May kaniya-kaniyang mundo ang mga classmate namin kaya hindi na namin sila pinansin pa. “Ay best, kailan tayo pupunta sa Zobellian Cooperatives? Next week na ‘yong pasahan no’n, ‘di ba?” pag-iiba ni Saffie ng topic. At muntik ko na ngang makalimutan na may term paper nga pala kaming requirements sa subject ni Veronique.Nilibot ko ng tingin ang classroom at nakita ang mga members ko maliban kay Du
Iminulat ko ang aking mga mata at tumambad sa akin ang payapang paligid; mga halamang sumasayaw sa malamig na ihip ng hangin na parang mga kaluluwang naghahanap ng sariling himig, samantalang ang mga puno’y nakatindig na wari’y mga matandang tagapagbantay ng panahon, at ang mga bulaklak ay marahang nagbubukas na tila mga ngiti sa umaga. Sa katamtamang sikat ng araw, ang lahat ay nagiging isang awit ng kalikasan–isang paalala na kahit sa katahimikan, may musika ang buhay.Hindi ko alam kung paano ako napunta sa magandang lugar na ito. Pero alam kong panaginip lang lahat. Himala yata at matino ang panaginip ko ngayon. Hindi tulad ng nakasanayan ko na pagmumukha nina Inez ang nagpapainis sa akin at palaging humahantong sa pagpapahirap sa akin. Dahil na rin siguro sa environment ko, na ngayon ay peaceful na at tahimik kaya hindi na sila sumasagi sa panaginip ko.Ibinuka ko ang aking mga braso habang dinadama ang sariwang hangin at ang bango ng paligid. Walang polusyon na malalanghap kaya












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews