Share

Chapter 31

Author: purplepink
last update Last Updated: 2026-02-19 10:10:06

“Calla!” ang tawag sa akin ni Lia. Kaagad siyang lumapit sa akin para hilahin ako palayo sa mga candidates. Mukhang natataranta pa siya. “Kailangan mo itong makita!”

Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Parang ang dating sa akin ay may problema na naman. ‘Wag naman sana sa mga susuotin ko.

“Ano iyon, Lia?”

Ayokong ipakita sa kaniya na kabado ako. Pinilit kong maging kalmado.

“Iyong evening gown mo,” pabulong niyang sabi.

Nanlaki ang mga mata ko at patakbong nilapitan ko ang gown ko. Kahit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 35

    It’s been five days pero hindi na kami nakakapag-usap ni Kael—ni anino niya ay hindi ko makita. Wala rin akong alam kung anong nangyari sa kaniya.Hindi sa nag-aalala ako, pero nakakapanibago.Isa siyang Cojuangco and it’s weird na wala man lang balita tungkol sa happenings sa buhay niya. Hindi ko rin nababasa ang pangalan niya sa portal ng Valerio. Lahat ng naka-post doon ay tungkol lang sa school at sa ibang students.Ano kayang nangyari sa kaniya? “Miss mo ‘no?”Tumabi sa akin si Saffie. Bale, nakaupo kami ngayon sa damuhan na narito sa field. May part kasi rito na mapuno kaya puwedeng tumambay rito kahit maaraw.Nilingon ko si Saffie. Kumakain siya ng burger at hawak niya naman sa kabilang kamay ang soda. Umiling na lang ako.Gutom na naman ang isa kong alaga. “So, ano na? Miss mo ba?” tanong niya ulit. “Sino?” tanong ko. Kahit may pakiramdam ako kung sino ang tinutukoy niya.Ayoko lang pangunahan siya.Ayokong isipin niya na iniisip ko nga si Kael. Bibigyan na naman niya ng ma

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 34

    Gaya ng sinabi ko, dinala ako ni Kael sa isang restaurant. Nasa VIP room kami kaya wala akong ibang nakikitang customer. Kami lang ni Kael.Tahimik lang ako. Hindi sa nangyari kanina, kun’di sa hindi ko alam kung anong sasabihin.Na-mental block yata ako.Ito namang si Kael ay hindi nagsasalita. Kanina pa siya walang kibo magmula nang sumakay kami sa kotse niya.Nakakapanibago. Kung likas na siyang tahimik dati, mas tahimik ngayon. Hindi ko mawari kung ang pagiging tahimik niya ay natural lang o may ibang dahilan. “Here’s your order, Mr. Kael,” sabi ng waiter at nilapag ang mga pagkain sa mesa. Pagkatapos niyang ayusin ang pagkain namin, humarap din siya sa akin. “Enjoy your meal, madam.”Nakaalis na ang waiter pero tahimik pa rin siya.Sa totoo lang, ay hindi ko gusto ang nangyayari ngayon. Ang awkward.Wala ba siyang balak na kausapin ako man lang?So, ano ako rito? Taga-kain lang? “Eat.”Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya. And there, nasalubong ko ang mga mata niya na hi

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 33

    Hindi pa rin ako makapaniwala na nakuha ko ang title. Me over candidate number 1? Mas magaling pa nga siya kaysa sa akin, eh.Hindi ko maintindihan ang desisyon ng mga judges. “Once again, our Mr. & Ms. CIT 2026… Sean Andreu Mortiza of Architectural Drafting Technology and Calla Ezeline Navarro of Electronics Technology! Congratulations!”Panay ngiti na lang ang ginawa ko at kaway-kaway sa mga kakilala. I’m so overwhelmed right now. “Sabi ko ‘di ba? Para sa iyo ang korona,” sabi ni Alexander, sabay yakap sa akin. Pero ang ikinagulat ko ay ang paghalik niya sa pisngi ko.Uminit ang pisngi ko at nanlalaki ang mga mata na tumingin sa kaniya. Humalakhak lang si Alexander, samantalang ako ay gulat na gulat pa rin.Bakit niya kasi ako hinalikan sa pisngi? Maraming nakakita. “Walang halong malisya iyon, Calla… Or should I say relative,” dagdag pa niya.Napansin din pala ni Alexander na pareho kaming Evangelista. Siguro nga kapamilya ko siya, malayong kamag-anak. Marami naman kasing Evange

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 32

    “Hello, candidate number 3,” bati ni Kael.Napa-rolled eyes na lang ako sa isip ko. Asal anghel siya ngayon. Nahihiya sigurong makita ng iba ang totoo niyang ugali. “Hello, Mr. Cojuangco,” tugon ko na lang, dahil nakakahiya kung hindi ko siya gagantihan sa pagbati. Isipin pa nilang kill joy ako. “Ayieee!” “Tatanungin ka lang niyan ng ‘will you marry me!’”Nagtawanan ang lahat sa sinabi ng lalaking iyon. Maging ang mga judges ay tawang-tawa rin. Umiinit tuloy ang mukha ko. Mabuti na lang at naka-makeup ako. Kung hindi, makikita nila ang pagiging kamatis ko.Eh, kasi naman eh, nakakahiya ang sinabi ng lalaking iyon. “Oh, wala pa kami sa part na iyan. Pero puwede ko siyang tanungin ngayon,” sagot ni Kael, kaya lalong nag-ingay ang audience.Packing tape ka talaga, Kael!Masyado kang mapapel. “Just kidding. I think hindi na comfortable si candidate number 3. Kaya, tatanungin ko na siya.”Mabuti naman. Kung ano-ano pa kasi ang sinasabi eh. Epal. “Na pakasalan ka na niya?” sagot ng isa

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 31

    “Calla!” ang tawag sa akin ni Lia. Kaagad siyang lumapit sa akin para hilahin ako palayo sa mga candidates. Mukhang natataranta pa siya. “Kailangan mo itong makita!”Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Parang ang dating sa akin ay may problema na naman. ‘Wag naman sana sa mga susuotin ko. “Ano iyon, Lia?”Ayokong ipakita sa kaniya na kabado ako. Pinilit kong maging kalmado. “Iyong evening gown mo,” pabulong niyang sabi.Nanlaki ang mga mata ko at patakbong nilapitan ko ang gown ko. Kahit naka-heels ay nagawa ko pa ring tumakbo. Muntik pa akong matapilok kanina, pero nagawa ko namang i-balance ang sarili. “Packing tape.”Kinuyom ko ang mga kamay ko. Nagsisimula na akong mainis.Pati ba naman ang evening gown ko ay hindi rin pinalampas?Malakas na talaga ang kutob ko na may sumasabotahe sa akin. Una, ang sports attire ko. Ngayon naman, evening gown ko na. “Ano na ang gagawin natin? Isa lang ang nirentahan namin dahil hindi namin inisip na mangyayari ito,” ani Lia.Halatang namom

  • My Billion-Dollar Semester   Chapter 30

    It’s already 6 pm. Tapos na kaming ayusan at nasa backstage na kami at hinihintay na tawagin kami para sa production number. Candidate number 3 kami ng partner ko, pero grabe ang kaba sa dibdib ko. Parang milyon-milyong kabayo ang nagtatakbuhan sa dibdib ko.Nagbabalak akong mag-backout, pero iniisip ko ang section namin. Baka mapahiya kami, ako rin naman sisisihin ng mga kaklase ko. Panira kasi ang ex ni Kael. Imbes na nag-e-enjoy ako ngayon na mag-cheer sa mga bet ko. Ako pa tuloy i-che-cheer ng mga kaklase ko. “First time mo?” tanong ng partner ko.Tumango lang ako bilang sagot dahil ‘di ko feel na makipag-usap sa kaniya. Hindi kasi kami close. As in never kami nagkaroon ng encounter simula first year. Ngayon lang. Kaya hindi ko alam kung paanong approach ang gagawin ko. “Hinga lang nang malalim. Malalampasan mo rin ‘to.”Wow. Parang sinasabi niya na ako lang ang kinakabahan sa amin. “Hindi ka kinakabahan?”Sa wakas ay kinausap ko rin siya, pero nag-alinlangan pa ako. “Nah. Ne

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status