author-banner
iris7102023
Author

روايات بقلم iris7102023

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

SI KELLY na lamang ang tanging pisi na nag-uugnay kay Camilla at sa pag-ibig niya sa asawang si Philip Limjoco. Nagawa niyang magtiis nang ilang taon kahit pa nga hayagang pinaparada ng lalaki sa kaniyang harapan ang ex-girlfriend at totoo nitong minamahal na si Shaira. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid ang pisi na iyon na siya ring nagpabaklas ng damdamin ni Camilla para sa asawa. Ang kaniyang balak sana ay magpakalayu-layo na at kalimutan ang masalimuot na bahaging iyon ng kaniyang buhay. Ngunit may ibang plano ang bilyonaryo niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita—si Davian Matthews. Sa pagbabalik ni Davian ay siya namang pagbangon ni Camilla dahil sa bilyonaryong tutulong sa kaniya upang maghiganti. Ngunit bakit kaya? Ano ang mapapala ni Davian sa pagtulong sa kaniya?
قراءة
Chapter: CHAPTER 33 – AUTHENTIC
NAPABUGA NG hangin si Philip. The truth is, he had suspected this before, but he did not expect the outcome to be this severe. He really did not expect Camilla to be that cunning, capable of completely manipulating his grandfather into giving her such a large inheritance. “Is it possible to verify the authenticity of this will?” Pilit niyang tinago ang inis at gigil nang tanungin ang manager. Hindi rin siya makapaniwala na ganoon pala katanga ang lolo niya. Ano't nagawa itong paikutin ni Camilla? At hindi niya akalain na napakatuso pala ng babaeng ’yon at may kakayahang gumawa ng pekeng testamento. Sumulyap ang manager sa kaniya bago tumugon, “These kinds of wills are usually made with a third party present and the whole process is recorded, so the possibility of forgery is almost zero.” And alas! It stopped Philip from getting anywhere. Hindi niya naitago ang pagkadismaya sa kaniyang mukha, pero wala na siyang sinabi pa, ikinumpas lang ang kamay at sinabing, “I understand.” Nil
آخر تحديث: 2026-03-01
Chapter: CHAPTER 32 – GIFT OF INHERITANCE
NAPAGTANTO NI CAMILLA na matagal-tagal din nga pala ang ilang taon nilang hindi pagkikita ni Davian. Dati ay happy-go-lucky at makulit na kaibigan niya lang ito, pero ngayon ay isa nang tuso at mapanganib na negosyante. Marami na itong kayang gawin at ipagawa sa isang pitik lamang ng mga daliri. Gayunpaman, alam niyang hindi naman naging masamang tao ang kaibigan niya, naging palaban lang ito at marunong makipaglaro sa mga kapwa nito negosyante. Alam niyang sa malaking mundong ginagalawan nito ngayon ay hindi ito maaaring magpakakampante, lagi at lagi ay may nakaambang panganib sa linya na pinasok nito. At ngayon ay handa siya nitong tulungan sa kaniyang laban kina Philip, gamit ang naipon nitong talino at kaalaman. Huminga siya nang malalim. “Nangako ako kay Lolo na aalagaan kong mabuti ang pamilyang binuo namin ni Philip, pero ngayon sisirain ko ang pangakong ‘yon dahil sa mula't simula naman pala ay ako lang mag-isa ang tumitindig para manatili ang pamilya ni Kelly.” Nakaramdam
آخر تحديث: 2026-03-01
Chapter: CHAPTER 31 - THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE
PAGKAKITA NI Davian kay Camilla ay otomatikong nagliwanag ang mukha ng lalaki. Nagpaalam ito sa mga kausap at patakbong lumapit sa kotse.“Hey!” anito. Ni hindi na nahintay na pagbuksan pa siya ng pinto ni Tucker at siya na mismo ang nagbukas ng pinto sa kaniyang side. Umusog na lang si Camilla para bigyan ng espasyo ang lalaki. “What are you doing here? Saan ka galing?”Nagkatinginan sila ni Tucker mula sa rearview mirror at nagngitian.“Ganito kasi...” At sinimulan na niya ang pagkukwento, sa haba ng salaysay niya ay nauwi sila sa opisina ni Davian dahil may kukunin daw ito. Hanggang doon ay tuloy-tuloy ang kwento niya na kung saan-saang panig na ng bangungot niyang relasyon kay Philip.“So, ano ang balak mo?” anito nang magsawa siya sa kara-rant.Nagkibit-balikat siya. “Ano pa? E di kunin ang nararapat sa amin ni Kelly. Maipagpagawa ko man lang ng mas maayos na musoleo ang anak ko.”Huminga nang malalim si Davian bago binuksan ang pinto na may kumakatok. Nanatiling nakatitig sa kaw
آخر تحديث: 2025-10-16
Chapter: CHAPTER 30 - STAY-AT-HOME MOM
“KUNG INAAKALA MO na maisasalba mo pa ang kasal natin dahil sa pekeng papeles na iyan ay nagkakamali ka,” ani Philip kay Camilla. “At kung totoo man iyan—which I highly doubt—so what? Sa akala mo ay kaya mong patakbuhin ang kompanya on your own? Nagpapatawa ka talaga, baka akala mo ay hindi ko alam na saksakan ka ng b0b@!”Napangiti na lamang si Camilla. Talaga palang mas mababa pa sa putik ang tingin sa kaniya ni Philip. Ang akala siguro nito, porke't sa isang state university lamang siya nagtapos ng pagaaral at hindi sa isang kilalang pamantasan gaya ng St. Ithuriel University ay totoo na nga ang mga pinagsasasabi nito sa kaniya. Na siya ay b*b0.Hindi nito alam na sa kabila ng pagiging swimmer sa kanilang unibersidad ay nagawa niyang pagsabayin ang athletics at academics, nagtapos siya bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Science in Business Administration. Bukod sa natamo niyang latin awards ay may mga karagdagan pa siyang parangal na natanggap kaugnay sa nasabing kurso.
آخر تحديث: 2025-10-16
Chapter: CHAPTER 29 - MY SHARE
“A, OK.” SIMPLENG tugon ni Camilla nang matanggap ang tawag ni Rica. Gusto siyang papuntahin ni Philip sa ospital kung saan sinugod si Shaira, inatake raw ng anxiety ang babae nang dahil sa kaniya.Natawa na lamang siya. Talagang nakapag-drive pa nga ang babaeng ’yon hanggang Manila bago inatake ng kung anumang karamdaman nito. Ang galing naman. At siya raw ang may kasalanan.‘Mema,’ aniya sa isip bago muling nagsalita sa cellphone, “Since, ’yang amo mo ang may kailangan sa akin. I demand na sunduin ako rito ng company car o ng chopper. Malayu-layong biyahe rin ang Laguna to Manila, baka mamatay na lang si Shaira ay wala pa ako riyan,” sarkastikong wika niya.Hindi kaagad nakasagot si Rica, pero mayamaya ay... “Y-yes, Ma'am. I'll arrange the chopper ride for you. Makikipag-coordinate na rin po ako sa malapit na building sa inyo para sa landing pad.”“Good. Ipasundo mo na lang ako rito sa bahay.” In-end call na niya kahit hindi pa nakasasagot si Rica. Hindi naman sa pagiging bastos, ka
آخر تحديث: 2025-10-16
Chapter: CHAPTER 28 - HALF THE COMPANY
HINILA NI CAMILLA nang malakas ang buhok ni Shaira pagkatapos ay sinipa ito sa alak-alakan hanggang sa ito ay mapaluhod. Gamit ang kabilang kamay, tinulak niya ang batok ni Shaira pababa at pinisil iyon nang mariin. Halos humalik ito sa lupa.“Bitiwan mo ako! Baliw ka na! Sira-ulong taong-bundok!” sigaw pa rin nito habang pilit na kumakawala. “God! I don't know what Don Fausto saw unto you! Hindi ka deserving sa lahat ng kabutihan niya!” Halos mapaiyak na ito pero talakera pa rin.Dinukdok niya sa lupa ang ulo nito pero nang banggitin nito ang pangalan ni Don Fausto ay tila may kung anong kumalabit sa kaniyang alaala. Nawalan ng lakas ang mga braso niyang nagpapaluhod kay Shaira kaya ito nakawala. Itinaas nito ang kamay para gumanti, pero nasunggaban agad niya ang mga braso nito.“Akala mo ba, kapag nawala ako, magiging mayamang-mayamang Mrs. Limjoco ka?” mariin niyang wika matapos luminaw sa kaniyang alaala ang pamana ni Don Fausto. “Alam mo ba kung paano inayos ni Lolo ang mana nami
آخر تحديث: 2025-10-11
قد تعجبك أيضًا
Lustful Night
Lustful Night
Romance · Chantria
4.9K وجهات النظر
Wag mo akong mahalin
Wag mo akong mahalin
Romance · Lady-V
4.9K وجهات النظر
Beauty Revenge
Beauty Revenge
Romance · Queenvineeee
4.9K وجهات النظر
Sold To A Billionaire
Sold To A Billionaire
Romance · Athena Beatrice
4.8K وجهات النظر
Shut Up and Take Me
Shut Up and Take Me
Romance · Samantha Emanuelle
4.8K وجهات النظر
Married to Liam Gray
Married to Liam Gray
Romance · Miss A.
4.8K وجهات النظر
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status