THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

THE BILLIONAIRE'S ASSISTANCE ON MY VENGEANCE

last updateLast Updated : 2025-09-06
By:  IrisUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

SI KELLY na lamang ang tanging pisi na nag-uugnay kay Camilla at sa pag-ibig niya sa asawang si Philip Limjoco. Nagawa niyang magtiis nang ilang taon kahit pa nga hayagang pinaparada ng lalaki sa kaniyang harapan ang ex-girlfriend at totoo nitong minamahal na si Shaira. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay napatid ang pisi na iyon na siya ring nagpabaklas ng damdamin ni Camilla para sa asawa. Ang kaniyang balak sana ay magpakalayu-layo na at kalimutan ang masalimuot na bahaging iyon ng kaniyang buhay. Ngunit may ibang plano ang bilyonaryo niyang kaibigan na matagal na niyang hindi nakikita—si Davian Matthews. Sa pagbabalik ni Davian ay siya namang pagbangon ni Camilla dahil sa bilyonaryong tutulong sa kaniya upang maghiganti. Ngunit bakit kaya? Ano ang mapapala ni Davian sa pagtulong sa kaniya?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

HALOS MADULAS sa pagtakbo si Camilla, hindi siya nakapagsuot ng matinong sapatos o tsinelas man lang dahil sa natanggap na tawag mula sa teacher ni Kelly.

Nagtutumining sa kaniyang mga tainga ang mga salitang binitiwan ni Teacher Joan nang tawagan siya nito.

‘Mommy, sinugod namin si Kelly sa ospital. Nahihirapan kasi siyang huminga at nagkukulay blue na ang mga labi...’

Alam niyang mabilis mapagod si Kelly, pero ano iyong nagkukulay blue raw ang mga labi nito?

“Doc!” sigaw niya sa doktor na nakitang lumabas sa emergency room kung saan daw naroon si Kelly. “Doc, ako si Mrs. Limjoco. Mommy ni Kelly. K-kumusta siya?”

Pinakatitigan siya ng doktor bago ito huminga nang malalim at inimbitahan siyang maupo muna. Hindi niya gusto ang kaseryosuhan nito na tila ba may napakabigat na balita itong ihahatid sa kaniya. Pumalo sa kaba ang kaniyang puso.

“Mrs. Limjoco... hindi ko alam kung bakit hindi ninyo kaagad napansin ang signs pero… si Kelly ay may severe congenital heart disease. Late na siya na-diagnose kaya sobrang hina na ng puso niya at naapektuhan na ang iba pang organs. Kung operahan ngayon, halos wala nang chance na makaligtas pa siya—kaya’t sa totoo lang, isang buwan na lang ang taning ng anak ninyo.”

Tila sinuntok sa sikmura at dibdib ang pakiramdam ni Camilla. Mabuti na lamang at nakaupo siya dahil kung hindi ay tiyak na babagsak siyang tila nauupos na kandila.

“Bakit?” pabulong niyang tanong.

“Alam kong mabigat pakinggan,” wika muli ng doktor. “pero sa nalalabi niyang oras, ang pinakamahalaga ay huwag nating pasasamain ang loob niya. Kapag sobra siyang nai-stress o nalulungkot, mas bibilis ang paghina ng puso. Iparamdam na lang natin sa kanya ang pagmamahal at kasayahan, dahil iyon ang pinakamahalagang maibibigay ninyo ngayon.”

Lutang ang pakiramdam ni Camilla. Bakit hindi kaagad niya nalaman na malubha pala ang sakit ni Kelly? Ang akala niya ay simpleng asthma lamang iyon. Masama ba siyang ina? Pabaya? Limang taong gulang na si Kelly pero bakit wala siyang napansing anumang senyales ng malubha nitong karamdaman?

“Ma?”

Tila may pumitik sa harapan ni Camilla nang marinig ang boses ng anak. Naroon na pala siya sa silid nito sa ospital, hindi niya maalala kung paano siya napunta roon ngunit binigyan niya ng napakatamis na ngiti ang anak. “Ano po yun? Kumusta ang pakiramdam mo, anak?”

Tumitig sa kaniya ang mabibilog na mga mata nito. “Uwi na po tayo.”

“Oo sige. Uuwi na tayo, birthday mo bukas di ba? Gusto mo bumili tayo ng cake at balloons?” pilit niyang pinasigla ang tinig.

“Pupunta po ba si Papa bukas?”

Kagyat siyang natigilan ngunit agad na tumugon. “Oo naman, birthday mo, e. Syempre pupunta siya.”

Nagliwanag ang mukha ng bata. “Talaga po? Yay!”

“Oo, anak... Pangako...”

NAKADALAWANG RING ang kabilang linya bago may tumanggap ng tawag.

“Hello—”

“Nasaan si Philip?” diretsang tanong ni Camilla.

“May importanteng bagay pong inaasikaso si—”

“Mas mahalaga ang pakay ko sa kaniya kaysa sa kahit na ano pa. Nasaan siya?”

Narinig niya ang pagbuntung-hininga ng sekretarya ni Philip, halatang inis na ito sa kaniya. Kungsabagay, kahit noon naman ay hindi siya nito kinikilala at nirerespeto bilang asawa ng amo nito.

“Um-attend po ng birthday ni Ms. Angsioco—”

“Saan?”

Muli, ang malalim na buntunghininga. “Dito sa Regalia Heights po—”

“Hintayin mo ako riyan.”

Hindi na niya tinapos ang tawag. Nagtungo na siya sa nasabing hotel. At hindi naman siya binigo ng sekretarya ni Philip, bagama't alam niyang inis ito sa kaniya ay wala itong choice kundi ibigay ang nais niya dahil kahit baliktarin ang mundo ay asawa pa rin siya ng amo nito na si Philip Limjoco.

Inakay siya nito patungo sa isang restaurant ng hotel. Pagkatapos ay sa isang VIP room na bahagyang nakaawang ang pinto. Doon ay dinig niya ang masayang kwentuhan ng mga nasa loob.

“... tama naman di ba? Kung hindi lang nagpabuntis sa iyo ang haliparot na ‘yon, e di sana kayo pa rin ni Shaira!”

Napahinto sa akmang pagkatok si Camilla. Hindi niya kilala ang nagsalita ngunit dahil sa binanggit nitong pangalan ay alam na niya kung sino ang kausap nito.

“Tuso ang babaeng ‘yon,” boses ni Philip. “Sinigurado niyang mabubuntis siya sa isang gabi lang, malay ko ba kung ako nga ang ama ng bastardang tiyanak na ‘yon.”

Tawanan.

Ang lutang na pakiramdam ni Camilla magmula pa nang kaniyang malaman ang kondisyon ni Kelly ay biglang nag-init. Matatanggap niyang tawagin siya ng mga ito sa kung anu-anong pangalan ngunit hindi ang kaniyang anak. Ang kanilang anak. Sariling laman at dugo ni Philip ang bata.

Tinulak niya pabukas ang pinto at gulat na napalingon sa kaniya ang tatlo kataong naroon. Si Philip, katabi ang Ms. Angsioco na tinutukoy ng sekretarya nito, walang iba kundi si Shaira—ang ex ng kaniyang asawa. Sa harap ng mga ito ay isang lalaki na malaki ang pagkakahawig kay Shaira.

“Camilla...” ang malamig na turan ni Philip.

“May kondisyon na ako para sa anullment natin,” ang malamig din niyang tugon.

Huminga nang malalim si Philip at nilingon ang mga kasama. “Lalabas muna ako para makausap—”

“Bakit pa?” kunot-noong agap niya. “Sasabihin mo rin naman sa kanila ang napag-usapan natin lalo na riyan sa kabit mo, kaya bakit—”

“Camilla!” sigaw ni Philip.

“Aba't tarantado pala ‘tong babaeng ‘to, e!” sabad naman ng isa pang lalaki at dinuro siya. “Kung hindi dahil sa kakatihan mo, sina Philip at ang kapatid ko ang magkasama ngayon! Tapos may gana ka pang tawagin siyang kabit—”

“Asawa ko sa papel at sa mata ng mga tao si Philip kaya kahit saan tayo makarating ay kabit ‘yang kapatid mo!” maanghang niyang banat. Wala na siyang pakialam kung umusok man ang bumbunan ng mga ito. Ang mahalaga ay si Kelly.

“Bawiin mo ang sinabi mo bago—”

“Kuya, tama na...” ang mahinahong saway ni Shaira habang nakayuko at nakasandal kay Philip. Animo'y matimtimang babae na hindi gumagawa ng kalaswaan kasama ang asawa ng iba. Nag-angat ito saglit ng tingin sa kaniya, kaawa-awa ang ekspresyon ng mga mata at tila maiiyak pa.

‘Ang galing na artista,’ aniya sa isipan.

“Totoo naman ang sinabi niya, k-kabit ako.” At sumubsob ito sa mga palad at umiyak.

Nanlilisik ang mga mata ni Philip nang lingunin siya nito. “Pagkatapos mong sirain ang relasyon namin, hindi ka pa rin ba nakukuntento? Kung anu-ano pang pinagsasasabi mo kay Shaira. Bawiin mo yun at humingi ka ng tawad!”

Huminga siya nang malalim, wala siyang pakialam sa dama ng mga ito. “Narito ako para sabihin ang kondisyon ko ukol sa annulment natin, makinig ka dahil kung hindi mo ito susundin ay mabubulok ka kasama ko at lalong hindi kayo liligaya.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status