Chapter: Chapter 3Sinadya ni Zion na malate sa meeting nila ni Kelly. Ganti niya iyon sa hindi pagsasabi ng babae na dumating na siya ng bansa.Casual na t-shirt at pants at white rubber shoes ang pinili niyang isuot. Sa isang restaurant na malayo sa office building na pag-aari niya piniling makipagkita sa asawa niya. Hindi matao sa restaurant na iyon kapag umaga kaya iyon ang pinili niya. Ayaw niyang may makakita sa kanya na kasama ang isang babaeng kasing laki ng drum at hindi man lang marunong mag-ayos. Inimagine niya ang itsura nito limang taon mula nang huli silang magkita. Sigurado siya na mas triple pa ang laki ni Kelly ngayon.Napangiwi tuloy siya dahil doon. Pagpasok pa lang niya sa entrance ay umagaw na agad ng atensyon niya ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng restaurant. Halos mabilaukan siya nang mapatitig sa magandang babaeng pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon."My Angel," excited na saad ni Zion. Kaagad siyang napangiti sabay lunok. Pero nasira rin ang i
Last Updated: 2025-09-09
Chapter: Chapter 2"Drinks on me tonight, mga bro!" Deklara ni Zion sa mga kaibigan niyang kasama niya sa club ngayon.Siyempre, he was having his party celebration para sa nalalapit niyang kalayaan. Itinaas niya ang basong brandy at mabilis na tinunga iyon."Wooo... dude hinay-hinay lang bro, ano bang meron?" tanong ni Spade sa kanya, habang umindak-indak pa ito sa saliw ng malakas na music sa bar."Well, I am finally getting my annulment.""What!" bulalas ng dalawang kasama niya sa mesa.Natawa siya sa reaksyon ng mga ito. Kaibigan niya sila, yes. Pero walang alam ang mga ito na kasal na siya. Malamang, paano niya naman ipagmamalaki ang babaing pinakasalan niya sa mga kaibigan niya. Kaya pinili niyang huwag nang magkuwento pa sa kanila."Langya ka, may asawa ka na?" hindi pa rin makapaniwalang saad ni Yulo. "Sino? Bakit di namin kilala?" sunod-sunod na usisa nito."Oo nga naman, para namang hindi mo kami kaibigan niyan. So since when?" usisa ni Spade."Five years ago," sagot ni Zion na ikinabuga ni Yu
Last Updated: 2025-09-09
Chapter: Chapter 1Nagising si Kelly sa malakas na vibrate at ring ng kanyang cellphone. Halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Isa lang ang mata niyang kalahating nakabukas nang sulyapan niya ang digital wall clock sa kuwarto."Hello," malamig ang tinig mula sa kabilang linya, mas malamig pa sa simoy ng winter na paparating ngayong Pasko.Napabalikwas siya ng bangon dahil sa tawag na iyon. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso."Y-Yes..." Napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang hindi sinasadya."Kelly, it’s me... Zion..." malamig na saad mula sa kabilang linya na lalo pang nagpalamig sa kanyang pakiramdam.Si Zion Arcangel, ang CEO ng Arcangel Global Enterprises. Ang kanyang asawa. Ang lalaking pinili niyang mahalin. Naroon ang halo-halong kaba, excitement, at takot na alam naman niya kung bakit.Excited siyang marinig ang boses ni Zion, pero batid niyang kakaiba ang dahilan ng tawag nito. Baka kasama na naman nito ang Lolo nila. Kaya tumikhim siya ng mahina, nagkunwaring masaya."B-Ba
Last Updated: 2025-09-09