Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-09-09 14:58:51

Sinadya ni Zion na malate sa meeting nila ni Kelly. Ganti niya iyon sa hindi pagsasabi ng babae na dumating na siya ng bansa.

Casual na t-shirt at pants at white rubber shoes ang pinili niyang isuot. Sa isang restaurant na malayo sa office building na pag-aari niya piniling makipagkita sa asawa niya. Hindi matao sa restaurant na iyon kapag umaga kaya iyon ang pinili niya. Ayaw niyang may makakita sa kanya na kasama ang isang babaeng kasing laki ng drum at hindi man lang marunong mag-ayos. Inimagine niya ang itsura nito limang taon mula nang huli silang magkita. Sigurado siya na mas triple pa ang laki ni Kelly ngayon.

Napangiwi tuloy siya dahil doon. Pagpasok pa lang niya sa entrance ay umagaw na agad ng atensyon niya ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng restaurant. Halos mabilaukan siya nang mapatitig sa magandang babaeng pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon.

"My Angel," excited na saad ni Zion. Kaagad siyang napangiti sabay lunok. Pero nasira rin ang isiping iyon dahil naalala niyang ka-meeting niya pala si Kelly. Ngunit muling luminaw ang isip niya nang muling mapatitig sa dalagang hindi nagpatulog sa kanya kagabi.

"Mukhang pumapanig sa akin ang tadhana."

Saglit siyang natulala habang pinaglalandas ang mata sa babaeng may inosenteng maliit na mukha. Balat pa lang alam mong maalaga sa katawan ang dalaga. She was pretty last night, pero mas maganda pa siya sa maliwanag. Nakatali ang itim na itim nitong buhok na bahagyang kulot ang dulo. She also had pouty lips na parang ang sarap halikan. Her eyes gaze look so gentle, nakatingin sa menu, saka hinawi ang buhok nitong kumalas sa pagkakatali at isinabit sa sexy nitong tainga.

"Fùck!" napamura siya. He could feel his pants tighten just watching her. Weird pero kakaiba ang babae.

Nakakabighani talaga ang ganda nito. At sisiguraduhin niyang mapapasa-akin ito. Ngayong mas nakikita niya ito sa maliwanag ay lalo siyang naaakit. At sa sandaling iyon ang tanging laman ng isipan niya ay gusto niyang i-kama ang babaeng nagpapabilis ng pintig ng pulso niya.

"Totoo kayang may asawa na siya?" dinig niyang tanong ng isang lalaki.

"Lapitan ko kaya, baka palusot lang niya kasi ayaw niyang makipagkilala?" hirit nito sa mga kasama.

Bigla siyang nairita sa mga lalaking nagpi-fiesta sa kagandahan na dapat para sa kanya lang. Marami na siyang nakilalang babae kaya alam niyang single pa rin ang Angel niya. Mahiyain at mukhang pihikan eh.

Mukhang may dalang suwerte rin sa kanya si Kelly. Naisip niya. Pero sa naisip niya ay bigla siyang naasar at napilitang hanapin ng mata ang asawa. Ngunit wala siyang ibang babaeng nakita doon, maliban sa babaeng gusto na niyang lapitan.

Muli na namang naagaw ng babae ang atensyon niya. Mala-dyosa ang ganda nito sa paningin niya.

"Kung ganyan kaganda ang asawa ko hindi ko talaga palalabasin ng bahay 'yan," dinig niyang sabi ng isa pang lalaki. Kulang na lang ata tumulo ang laway nito.

Gusto na sanang sumabat ni Zion pero nag-ring ang phone niya na medyo napalakas kaya nag-angat ng tingin ang babae na hawak rin ang phone nito. Kumabog ang puso niya nang magtama ang mga titig nila. Pero dahil tumatawag si Kelly, napilitan siyang sagutin ang tawag. Naipagdasal tuloy niya na sana wala ito ngayon.

Noon ay inangat ng magandang babae ang phone nito saka nagsalita. I clearly read her lips said.

"I'm over here."

Iyon rin ang narinig niya sa kabilang linya. Saka nag-beep na lang ito.

Tila pinagsakluban siya ng langit sa isiping naglalaro sa utak niya.

"Is she? Oh no, imposible! Baka abogada ni Kelly," giit ng utak niya. Pero sinabi ni Kelly na hindi siya magsasama ng abogado.

Natagpuan ni Zion ang sarili niyang naglalakad palapit sa magandang babae na halos ayaw niyang alisin sa paningin.

Habang papalapit siya ay unti-unting nagiging pamilyar sa kanya ang mga mata nito. The gentleness in her eyes remind him of his wife Kelly. Iyon lang siguro ang natatandaan niyang maganda sa asawa niya noon.

Pero bakit, ibang iba ito sa Kelly na nakita niya noon. Sa babaeng matabang pinakasalan niya noon. Litong napatitig siya sa maamong mukha nito.

"Are you..." alanganin niyang tanong nang makalapit siya rito. Sa lakas ng tambol ng puso niya parang lalabas na iyon sa rib cage niya.

"Nasaan ang lawyer?" ganting tanong ni Kelly. May biglaang lakad ang abogado ni Zion kaya binigyan na lang siya ng kopya ng annulment paper.

Ayon dito kung wala namang magiging problema kay Kelly sapat nang pagpirma nito para umusad ang annulment.

"Teka, nagkita tayo kagabi sa club di ba?" kita niyang natigilan ito. Bigla siyang nainis sa ekspresyon nitong tila hindi siya naaalala.

"Don't tell me ikaw 'yon... Hindi kita nakilala. Ang tagal na rin kasi... five years right." she said calmly na ikinalunok ni Zion.

****

"Tandaan mo, Kelly. Huwag mong ipakita sa asawa mong mahina ka. Show him that he dismissed the chance with you!"

Salamat sa bilin na iyon ni Tess, mukhang nakumbinsi naman ni Kelly si Zion nang magpanggap siyang hindi niya ito nakilala kagabi. Pero damang dama pa rin niya ang malakas na kabog ng puso niya sa sandaling iyon. Kagabi medyo kalmado pa ang puso niya dahil nagulat lang siyang naroon rin si Zion sa bar. Pero hindi niya inaasahang kakabahan pa rin siya ngayon.

Subalit gusto niyang matuwa sa sarili niya dahil nagagawa niyang titigan si Zion nang diretso. Bakit naman hindi? She had no reason para mailang sa kanya. Sa kanilang dalawa, ito ang walang ibang ginawa sa durasyon ng kasal nila kundi ang mamuhay binata.

Nang unang beses niyang makita si Zion, alam niya sa sarili niyang love at first sight iyon. Kaya hindi na siya tumanggi sa hiling nina Lolo Paquito at Lolo Enrile sa kanya.

"Do you have the papers?" tanong niya, kumurap-kurap pa siya upang kalmahin ang sarili niya. Her heart was thudding so loud that everything else seemed inaudible to her. But she could see his perfect white teeth almost flashing... na hindi niya alam kung gustong ngumiti o ngumiwi nang makita niya.

He didn't like her, at all. Naisip niya.

"So..." he started, saka tumikhim. "Are you really my wife?" tanong nitong halatang hindi naniniwala.

"Unfortunately yes, Mr. Zion Arcangel." Gusto niyang palakpakan ang sarili niya dahil hindi man lang siya nautal sa kabila ng malakas na kabog ng puso niya. Isang marahas na paglunok ang ginawa niya.

"Nasaan ang lawyer mo at ang papel," ulit niya, para kasing natutulala na lang si Zion sa kanya. Natural lang sigurong magulat ito.

"Hindi kasi makakarating ang lawyer kaya... sorry kung na late ako," anito. Hindi niya alam kung sincere ito sa sinasabi niya kasi parang nalilito ito sa tingin niya.

"Ah, ganun ba? Sana tinawag mo na lang para na-reschedule na lang natin. Or I can get a copy," suhesyon niya pa. Kita niyang natigilan ito.

"Why the rush, we can have lunch together or..."

"Rush? Hindi ba rush na pinauwi mo ako for this? Kinailangan ko ring i-rush ang mga commitment ko dahil nagmamadali kang makipaghiwalay sa akin. I guess we can rush things now. Dapat matagal na nga natin itong ginawa." Nagawa niyang ngumiti sa kanya. Ibinaba niya ang menu na bigla niyang dinampot kanina nang makita niyang nakatitig ito sa kanya.

"Ah..." sambit nito saka ipinaghila ang sarili ng upuan.

"Kung wala naman ang documents, siguro i-reschedule na lang natin ang meeting, pero sana mas mabilis kasi may mga kailangan rin akong gawin."

"Saan ka ba nag-stay ngayon, sana dumiretso ka na lang sa bahay ko," anitong tumikhim pa na ikinatawa niya. Kita niyang pagkabigla sa mata nito.

"Paano naman ako pupunta sa bahay mo, hindi ko nga alam kung saan ka nakatira. And I'm sure hindi ako welcome doon," kalmadong saad niya.

Mukhang nabagabag ito sa sinabi niya. Pero hinayaan na lang niya. Isinukbit niya ang sling purse sa balikat niya.

"Teka... Kelly saan ka..." pigil nito nang aktong tatayo siya.

Mabilis niyang nabawi ang kamay niyang hinawakan niya. Para kasing bigla siyang nakuryente na hindi niya maintindihan. Kita niyang nagulat rin ito. Halatang naguguluhan.

Siguro hindi niya inaasahang ang asawa niyang babaing tinawag niyang Angel kagabi, ay ang babaing nireject niya bilang asawa niya. Hindi niya alam kung dapat niyang ikatuwa ang remorse na nakikita niya sa mata ni Zion.

"I had no reason to stay. Saka may mga gagawin pa ako. Tawagan o i-text mo na lang ulit ako kung ready na ang dokumento," ani niya saka siya tumayo na.

"Nice meeting you again Mr. Arcangel," saad niya saka siya naglakad palayo rito.

May parte sa kanya na masaya siya dahil pagkalipas ng limang taon nakita niya ulit si Zion ng malapitan. He had no idea how much she liked him back then. Zion Arcangel was her saviour and her knight in shining armour back then, kaya nga kahit nakalimutan siya nito, hinding hindi niya nagawang kalimutan ang nakaraan.

Pero ngayon kailangan na niyang bitawan ang pangarap niya. Huminga pa siya ng malalim bago siya tuluyang lumabas ng restaurant.

Pababa siya ng hagdan nang di sinasadyang natapilok siya dahilan upang magulat siya. Kinabahan siya dahil matutumba siya sa harap ng maraming tao.

Pero ganoon na lang ang pagkabigla niya nang may matipunong braso ang biglang kumabig sa kanya. Protecting her from falling and embarrassment.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 4

    Hindi alam ni Zion kung anong mararamdaman niya sa sandaling iyon. Ang babaing tinawag niyang isang Anghel, at itinuring na future wife niya kagabi sa club, ay ang mismong asawa niya.Ang asawang ni-reject at ipinadala niya sa ibang bansa pagkatapos ng kasal para hindi siya maobligang pakisamahan ito. Dahil lang isa itong matabang babae at hindi nag-aayos noon.Ang babaing sinabihan pa niya ng, "Uuwi ka lang nang bansa para sa annulment natin."He clearly remember that.Kaya sa halip na ilabas niya ang dala niyang dokumento na parang basura lang na inilagay niya sa bulsa nang umalis siya sa office, natagpuan niya ang sariling nagsisinungaling na lang kay Kelly na hindi niya dala ang dokumento.Buong magdamag siyang hindi pinatulog ng asawa niyang hindi man lang niya nakilala."How stupid of me," inis niyang bulalas sa sarili.Sa buong durasyon ng pag-uusap nila, hindi na ata gumana ang utak niya."Teka... Kelly saan ka..." dala ng pagkataranta niya nang aktong tatayo na ito ay mabilis

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 3

    Sinadya ni Zion na malate sa meeting nila ni Kelly. Ganti niya iyon sa hindi pagsasabi ng babae na dumating na siya ng bansa.Casual na t-shirt at pants at white rubber shoes ang pinili niyang isuot. Sa isang restaurant na malayo sa office building na pag-aari niya piniling makipagkita sa asawa niya. Hindi matao sa restaurant na iyon kapag umaga kaya iyon ang pinili niya. Ayaw niyang may makakita sa kanya na kasama ang isang babaeng kasing laki ng drum at hindi man lang marunong mag-ayos. Inimagine niya ang itsura nito limang taon mula nang huli silang magkita. Sigurado siya na mas triple pa ang laki ni Kelly ngayon.Napangiwi tuloy siya dahil doon. Pagpasok pa lang niya sa entrance ay umagaw na agad ng atensyon niya ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng restaurant. Halos mabilaukan siya nang mapatitig sa magandang babaeng pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon."My Angel," excited na saad ni Zion. Kaagad siyang napangiti sabay lunok. Pero nasira rin ang i

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 2

    "Drinks on me tonight, mga bro!" Deklara ni Zion sa mga kaibigan niyang kasama niya sa club ngayon.Siyempre, he was having his party celebration para sa nalalapit niyang kalayaan. Itinaas niya ang basong brandy at mabilis na tinunga iyon."Wooo... dude hinay-hinay lang bro, ano bang meron?" tanong ni Spade sa kanya, habang umindak-indak pa ito sa saliw ng malakas na music sa bar."Well, I am finally getting my annulment.""What!" bulalas ng dalawang kasama niya sa mesa.Natawa siya sa reaksyon ng mga ito. Kaibigan niya sila, yes. Pero walang alam ang mga ito na kasal na siya. Malamang, paano niya naman ipagmamalaki ang babaing pinakasalan niya sa mga kaibigan niya. Kaya pinili niyang huwag nang magkuwento pa sa kanila."Langya ka, may asawa ka na?" hindi pa rin makapaniwalang saad ni Yulo. "Sino? Bakit di namin kilala?" sunod-sunod na usisa nito."Oo nga naman, para namang hindi mo kami kaibigan niyan. So since when?" usisa ni Spade."Five years ago," sagot ni Zion na ikinabuga ni Yu

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 1

    Nagising si Kelly sa malakas na vibrate at ring ng kanyang cellphone. Halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Isa lang ang mata niyang kalahating nakabukas nang sulyapan niya ang digital wall clock sa kuwarto."Hello," malamig ang tinig mula sa kabilang linya, mas malamig pa sa simoy ng winter na paparating ngayong Pasko.Napabalikwas siya ng bangon dahil sa tawag na iyon. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso."Y-Yes..." Napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang hindi sinasadya."Kelly, it’s me... Zion..." malamig na saad mula sa kabilang linya na lalo pang nagpalamig sa kanyang pakiramdam.Si Zion Arcangel, ang CEO ng Arcangel Global Enterprises. Ang kanyang asawa. Ang lalaking pinili niyang mahalin. Naroon ang halo-halong kaba, excitement, at takot na alam naman niya kung bakit.Excited siyang marinig ang boses ni Zion, pero batid niyang kakaiba ang dahilan ng tawag nito. Baka kasama na naman nito ang Lolo nila. Kaya tumikhim siya ng mahina, nagkunwaring masaya."B-Ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status