Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-09-09 14:58:43

"Drinks on me tonight, mga bro!" Deklara ni Zion sa mga kaibigan niyang kasama niya sa club ngayon.

Siyempre, he was having his party celebration para sa nalalapit niyang kalayaan. Itinaas niya ang basong brandy at mabilis na tinunga iyon.

"Wooo... dude hinay-hinay lang bro, ano bang meron?" tanong ni Spade sa kanya, habang umindak-indak pa ito sa saliw ng malakas na music sa bar.

"Well, I am finally getting my annulment."

"What!" bulalas ng dalawang kasama niya sa mesa.

Natawa siya sa reaksyon ng mga ito. Kaibigan niya sila, yes. Pero walang alam ang mga ito na kasal na siya. Malamang, paano niya naman ipagmamalaki ang babaing pinakasalan niya sa mga kaibigan niya. Kaya pinili niyang huwag nang magkuwento pa sa kanila.

"Langya ka, may asawa ka na?" hindi pa rin makapaniwalang saad ni Yulo. "Sino? Bakit di namin kilala?" sunod-sunod na usisa nito.

"Oo nga naman, para namang hindi mo kami kaibigan niyan. So since when?" usisa ni Spade.

"Five years ago," sagot ni Zion na ikinabuga ni Yulo at ikinamura naman ng malutong ni Spade.

"Seryoso talaga, five years ka nang kasal? All along ang alam namin at ng mga tao single ka. Ang putcha, wala man lang paki ang asawa mo sa kaliwa’t kanang pambababae mo."

"Ganun ang agreement namin and my marriage wasn’t something I can brag about. Mag-asawa lang kami sa papel. At sa New Zealand siya nanatili for five years, pero ang alam ko flight niya noong isang araw so basically baka nasa bansa na siya ngayon." Baliwalang paliwanag ni Zion.

Asar rin siya na hindi man lang nag-inform ang babaing iyon na naka-uwi na pala. Sabi kasi nito sa message ay may tinatapos itong trabaho bago uuwi. Wala naman siyang pakialam basta ang gusto niya ay umuwi ito para makapagpirmahan na sila.

"Hindi ba dapat ipakilala mo man lang siya sa amin. Grabe ka talaga!" nagkakamot pang sinabi ni Spade sa kanya.

"Come on, ayaw kong maging komplikado ang mga bagay-bagay saka, wala naman kaming paki sa isa’t isa." Nasabi niya. Pero naasar siya na kay Lolo Enrile pa niya nalamang nakabalik na itong bansa. He clearly told her to call him kapag nakarating na ito.

"Buti pumayag na maghiwalay kayo?" maya-maya tanong ni Yulo. Subalit nawala ang atensyon niya rito dahil sa babaing hinihila ng kasama nito papasok sa club.

"What the...." usal niya, tila huminto ang mundo niya habang nakatitig sa magandang babae.

Madilim ang club pero parang anghel na nagliliwanag sa paningin niya ang babaing mukhang ayaw pumasok ng club.

"Pùtang ina, ganyan ang gusto kong maging asawa, dude." Dinig niyang saad ni Yulo na nakatitig na rin pala sa babaing tinititigan niya.

"Shut up! She's mine!"nDeklara ni Zion saka siya tumayo. Habang ang mga mata niya ay nakatuon lang sa babaing mala-anghel na bumaba sa lupa para lang ipakita sa kanya ang totoong kagandahan.

Malakas na kumabog ang dibdib niya sa unang pagkakataon. He didn’t know what was going on with him pero para siyang na mamagnet na naglakad pasalubong sa babaing napipilitang pumasok sa club.

"Tang ina, target lock na naman ang mokong." Dinig pa niyang tawa ni Spade.

"Girl, umayos ka nga!" saway ng babaing kasama ng kanyang magandang anghel sa lupa.

"Eh ayaw ko nga dito." Tangi ng babae. Halatang mahiyain ito at mukhang takot ata sa ingay ng club.

"Birthday ko ngayon kaya we should celebrate. At dapat ka nang humanap ng kapalit ng palikirong hudas barabas mong ex."

Napangiti si Zion sa narinig niya.

"Mukhang brokenhearted ang anghel ko. Sinong tanga ang pakakawalan ang tulad ng aking future wife." Parang timang na kausap niya ang sarili niya. Saka niya binilisan ang lakad at sinadya niyang banggain ito.

"Aray..."

"God, I’m sorry Miss Beautiful." Mapang-akit na sambit niya na ikinatitig sa kanya nito. Hindi nakaligtas sa mata niya ang pagkabigla nito. At maging ang babaing kasama nito ay mukhang nagulat rin at natakpan pa ang bibig. Malamang nagulat sila sa kagwapuhan niya.

"Are you hurt anywhere? Nasilaw kasi ako sa ganda mo kaya para akong magnet na nahila palapit sa’yo." Sinamahan pa niya ng kindat ang tinuran niya.

Sinong babae ang tatangi sa isang Zion Arcangel. Mga sikat na model at may ilang artista na rin siyang na-date noon.

"And this woman is no exemption." Kumpiyansang deklara ng utak niya.

"Wow, ha!" sambit ng babaing kasama ng kanyang anghel. Pero hindi na niya iyon pinansin dahil parang na-locked na ang mga titig niya sa babaing kaharap niya ngayon.

"Hi beautiful... want some company?" Sinadya pa niyang ilapit ang sarili niya sa kanya. Saka niya sininghot ang mabangong aroma ng katawan ng kanyang magandang anghel. Kaya ikinagulat niya nang umatras ito at tila naguguluhang napatitig sa kanya.

"No... no," tarantang saad nito na lumayo pa talaga ng bahagya. "Please excuse us."

Agad na iniwasan siya nito at mabilis nang lumayo na ikinakunot noo niya.

Tila may sumipa sa sikmura niya sa ginawa ng babae. Para siyang may nakakahawang sakit na nilayuan nito.

"Did she just reject me?" Baling na senyas niya sa dalawang kaibigan niyang natatawa pa.

Saka niya muling binalingan ng tingin ang magandang babae. Mukhang may pinagbubulungan ang dalawang babae na nakaupo na ngayon sa may bar counter

****

"Ibang klase!" bulalas ni Tess nang makabalik sila sa hotel, four days ago nang makarating sila ng bansa. Sumama si Tess para magbakasyon na rin dahil magpapasko na rin naman.

Hindi pinaalam ni Kelly kay Zion na naka-uwi na siya. Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob na harapin ito. Pero kanina pinilit siya ni Tess na mag-club sila, para lang makita nila si Zion. At hindi siya makapaniwala na he’s hitting on her. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dito. He was obviously playing his game para makapagkama ng babae. At tama si Tess, hindi nga siya makikilala ni Zion.

Sabagay, ang pinakamatagal na encounter lang nila ay noong kasal nila. Dahil kahit noong honeymoon nila sa Maldives ay magkaiba sila ng room na tinuluyan, at nagkita lang ulit sila noong mag-usap sila tungkol sa plano nitong pag-aralin na lang siya sa New Zealand. Alam niyang excuse iyon, para lang hindi sila magsama sa iisang bahay.

Pero tapos na iyon kaya dapat na niyang kalimutan. Dahil sa mga narinig niya sa kanya, lalo siyang nakukumbinsi na tama si Tess. That Zion is just a face with billions in his pocket. Kaya hindi talaga nakapagtatakang marami siyang babae sa nakalipas na taon kahit kasal pa sila.

"Alam mo, parang blessing na ring nakita natin siya sa club, girl," maya-maya sabi nito.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Kelly.

"Ano ka ba, imagine, na love at first sight sa’yo ang asawa mo, girl. Wasn't it a good chance for your revenge on him? Natitiyak kong mawiwindang siya kapag nagkita na kayo para magkapirmahan na ng annulment. At ipupusta ko ang tìnggil ko, hindi matutuloy ang divorce n’yo," natatawang saad nito. "Naiimagine ko na ang hitsura niyang tulo-laway kapag nagkataon. Magmumukha siyang asong binawian ng masarap na buto," masayang palatak pa nitong napapailing pa.

Maging si Kelly ay natawa sa sinasabi ni Tess.

"Pero paano kung magalit siya na hindi ko sinabi sa kanyang kilala ko siya kapag nagkita kami?" nag-aalalang tanong niya.

"Girl, hindi ka niya nakilala, kasi nagbago ka na. At five years na rin naman nang huli kayong magkita. So puwede mong gawing dahilan na hindi mo siya nakilala, diba? Ilang taon kang nagmukhang tanga para sa asawa mong ‘yan. It’s time you slap him hard back. Kaya dapat super bongga ka sa meeting n’yo. At..." nagbabanta ang tinging ipinukol nito kay Kelly. "Siguruhin mong ikaw na ngayon ang may hawak ng baraha. Sa hitsura ng asawa mo kanina, hindi papayag ‘yon ng hindi ka makuha," kumpiyansang kombinsi nito.

"Hindi ba OA naman ‘yon?"

"It’s not, it’s just right. Kaso kailangan kong umuwi ng probinsya kaya hindi kita masasamahang bukas. Will you be okay? At ipangako mong hindi ka magmumukhang in love pa rin d’yan sa asawa mong hudas barabasha," may diing bilin nito.

"Siya naman ang may gusto nito eh, kaya gagawin ko. Saka pagkatapos naming magkapirmahan ni Zion, uuwi rin ako sa bahay namin. Gusto ko ring makita sina Lolo. Then maybe kapag naasikaso kaagad ang annulment at naiproceso na, babalik na ako ng New Zealand. "

May plano na siya ahead, dahil ayaw niyang mag-stay ng matagal para lang masaktan pa. Alam niyang hindi na siya dapat umasa sa nararamdaman niya para kay Zion. Kapag nalaman nitong siya ang babaeng inaayawan niya noon na makasama o kahit makasex man lang sa bangungot nito, sigurado siyang magbabago ang isip nito kapag nakilala na siya.

Nagagawa nitong ipagsigawan sa ibang single siya. Kaya dapat palayain na rin niya ang sarili niya at magsimula ulit. Tutal, wala namang nawala sa kanya, diba?

"That’s the spirit. Maging masaya ka para makita ni Zion na siya ang nawalan at hindi ikaw, hmm..." anito na ikinatango ni Kelly.

At siya ang unang babaeng annulled pero virgin pa rin. Napangiti na lang siya sa naisip niya. Dahil naka-inom rin siya ng kaunting alak kanina kaya nakatulog rin siya kaagad.

Kinabukasan ay maaga nang nagpaalam sa kanya si Tess. One year ago pa nang huling umuwi ito sa ina nito sa Cebu. Sa hotel na siya nag-almusal. Pero pagkabalik pa lang niya sa unit ay natanggap na niya ang tawag ni Zion.

Kaagad na kumabog ang dibdib ni Kelly, pero sinaway rin niya ang sarili niya. "Tama na yan, Kelly... mag-move on ka na," kausap niya ang sarili niya saka humugot ng malalim na paghinga upang sagutin ang tawag.

"What took you so long to answer my call, nasa bansa ka na hindi ba?" kababakasan ng iritasyon at pagkainip ang boses nito sa kabilang linya.

Samantalang kagabi, Angel pa ang tawag nito sa kanya.

"Sorry, nagpahinga lang ako at—"

"Fine, nag-set ako ng lunch meeting sa isang restaurant. May kasama akong lawyer kaya puwede kang magdala ng sa’yo," formal nitong saad.

"Ah... hindi na, okay lang. Kahit ‘yong lawyer mo na lang siguro. I just have to sign the documents, diba? Ikaw nang bahala sa proseso," nasabi niya.

She could still feel the lumps in her throat, pero ipinagsawalang bahala na lang niya iyon. Wala na rin namang silbi na manghinayang pa siya. Sa mga nangyari kagabi, alam niyang dapat na talaga siyang tumigil sa pangarap niya.

Hindi talaga meant to be ang mga first love, lalo na kung one sided lang.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 3

    Sinadya ni Zion na malate sa meeting nila ni Kelly. Ganti niya iyon sa hindi pagsasabi ng babae na dumating na siya ng bansa.Casual na t-shirt at pants at white rubber shoes ang pinili niyang isuot. Sa isang restaurant na malayo sa office building na pag-aari niya piniling makipagkita sa asawa niya. Hindi matao sa restaurant na iyon kapag umaga kaya iyon ang pinili niya. Ayaw niyang may makakita sa kanya na kasama ang isang babaeng kasing laki ng drum at hindi man lang marunong mag-ayos. Inimagine niya ang itsura nito limang taon mula nang huli silang magkita. Sigurado siya na mas triple pa ang laki ni Kelly ngayon.Napangiwi tuloy siya dahil doon. Pagpasok pa lang niya sa entrance ay umagaw na agad ng atensyon niya ang mga lalaking may kung anong sinisilip sa dulong bahagi ng restaurant. Halos mabilaukan siya nang mapatitig sa magandang babaeng pinagkakaguluhan ng tatlong lalaking naroon."My Angel," excited na saad ni Zion. Kaagad siyang napangiti sabay lunok. Pero nasira rin ang i

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 2

    "Drinks on me tonight, mga bro!" Deklara ni Zion sa mga kaibigan niyang kasama niya sa club ngayon.Siyempre, he was having his party celebration para sa nalalapit niyang kalayaan. Itinaas niya ang basong brandy at mabilis na tinunga iyon."Wooo... dude hinay-hinay lang bro, ano bang meron?" tanong ni Spade sa kanya, habang umindak-indak pa ito sa saliw ng malakas na music sa bar."Well, I am finally getting my annulment.""What!" bulalas ng dalawang kasama niya sa mesa.Natawa siya sa reaksyon ng mga ito. Kaibigan niya sila, yes. Pero walang alam ang mga ito na kasal na siya. Malamang, paano niya naman ipagmamalaki ang babaing pinakasalan niya sa mga kaibigan niya. Kaya pinili niyang huwag nang magkuwento pa sa kanila."Langya ka, may asawa ka na?" hindi pa rin makapaniwalang saad ni Yulo. "Sino? Bakit di namin kilala?" sunod-sunod na usisa nito."Oo nga naman, para namang hindi mo kami kaibigan niyan. So since when?" usisa ni Spade."Five years ago," sagot ni Zion na ikinabuga ni Yu

  • The Billionaire's Ugly Wife Is Now A Goddess    Chapter 1

    Nagising si Kelly sa malakas na vibrate at ring ng kanyang cellphone. Halos hindi niya maidilat ang kanyang mga mata. Isa lang ang mata niyang kalahating nakabukas nang sulyapan niya ang digital wall clock sa kuwarto."Hello," malamig ang tinig mula sa kabilang linya, mas malamig pa sa simoy ng winter na paparating ngayong Pasko.Napabalikwas siya ng bangon dahil sa tawag na iyon. Biglang lumakas ang kabog ng kanyang puso."Y-Yes..." Napakagat siya sa kanyang ibabang labi nang hindi sinasadya."Kelly, it’s me... Zion..." malamig na saad mula sa kabilang linya na lalo pang nagpalamig sa kanyang pakiramdam.Si Zion Arcangel, ang CEO ng Arcangel Global Enterprises. Ang kanyang asawa. Ang lalaking pinili niyang mahalin. Naroon ang halo-halong kaba, excitement, at takot na alam naman niya kung bakit.Excited siyang marinig ang boses ni Zion, pero batid niyang kakaiba ang dahilan ng tawag nito. Baka kasama na naman nito ang Lolo nila. Kaya tumikhim siya ng mahina, nagkunwaring masaya."B-Ba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status