Chapter: Chapter 4ZACHARYHindi ako madaling matinag. Pero buong maghapon, iisa lang ang laman ng isip ko. Walang iba kundi ang imahe ng asawa kong nakaluhod sa tabi ng tiyuhin ko, kumikilos na para bang sanay na sanay na siya sa ganong sitwasyon.Hindi iyon ang Nicoline Castro na kilala ko. Sakitin siya at halos hindi makakyat ng hagdan nang hindi hinihingal. Halos lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay binigyan na siya ng taning na dalawang taon na lang ang itatagal niya rito sa mundo.She had been described to me as a burden, a pawn her family was desperate to marry off.Pero ang babaeng nasa bahay ko ngayon? Iba siya.Nagbuhos ako ng alak sa baso sa loob ng study ko, ang amber na likido ay kumikislap sa ilalim ng ilaw ng lampara. Pero kahit ang init ng whiskey, hindi napawi ang gumugulo sa dibdib ko.“You’re brooding again, Zachary.”Napatingala ako nang bigla na lang pumasok ang kaibigan ko, gaya ng lagi niyang ginagawa.“Anong ginagawa mo rito, Samuel?”Siya ang pinakamatalik kong kaibigan at pi
Última atualização: 2025-10-20
Chapter: Chapter 3MADELINEKinabukasan, pagkalabas ko pa lang sa kwarto ay dama ko na agad ang bigat ng mga matang nakasunod sa akin habang naglalakad ako sa maluluwang na bulwagan. Ang mga katulong ay napapahinto pa at palihim na sumisilip sa akin, saka sila magbubulungan na akala nila ay hindi ko napapansin.“Siya pala iyong sakiting tagapagmana ng mga Castro…”“Hindi naman siya mukhang mahina gaya ng sinasabi.”“Kawawa si Sir Zach, nakatali sa ganyan…”Napairap na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi ako papatinag. Tinaasan ko lang ng kilay ang ilaw at taas-noong naglakad. Ilang taon akong namuhay sa ospital kung saan ang tsismis ay mas matalim pa kaysa sa kutsilyo.At isa pa, whispers and gossip couldn’t kill me. I died once at the hands of my husband. Mas may sasakit pa ba doon?Pagdating ko sa dining hall, nadatnan ko si Zachary nakaupo na sa dulo ng mesa. He wore a crisp black shirt, sleeves rolled up to his forearms, every line of him exuding authority. Sandali niya akong tiningnan.“You’re late
Última atualização: 2025-10-20
Chapter: Chapter 2ZACHARYHindi ako naniniwala sa tadhana. Ang tanging pinagtitiwalaan ko ay kung ano ang kontrolado ko—deals, plans, at power. Ngunit nang nakatayo na ako sa harap ng altar, at malapit ng maitali sa isang babaeng halos hindi ko kilala, pakiramdam ko’y pinagtatawanan ako mismo ng tadhana.Umalingawngaw sa malawak na bulwagan ang mga bulungan, parang langaw na hindi matigil sa paligid ko. Wala akong pakialam sa awa ng mga bisita. Wala rin akong pakialam sa usap-usapan tungkol sa “sakiting tagapagmana ng mga Castro” na ngayo’y dala ang apelyidong Buenaventura.Ngunit nang lumitaw ang babae sa dulo ng pasilyo ay natigilan ako.May kakaiba rito.Inasahan kong mahina ang babae at magiging sabik ito na kumapit sa pangalan ng pamilya ko tulad ng mga babaeng naghahanap ng pabor sa akin. Pero nang magtama ang mga mata namin… iba ito sa inaasahan ko.It was clear, sharp, and filled with something fierce. I felt… unsettled.Parang biglang nabaligtad ang mundo ko. Sandali pa’y naisip kong baka iban
Última atualização: 2025-10-20
Chapter: Chapter 1MADELINEAmoy ng alcohol ang kumapit sa buong paligid haban inayos ko ang suot kong mask at tumingin sa pasyenteng walang malay sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng operating room. My hands were steady at malinaw ang aking isip pero ang dibdib ko… para bang may bigat na hindi ko maipaliwanag.“Dermatome,” sabi ko at inilahad ko ang kamay ko nang hindi tumitingin.Inabot iyon ng nurse sa aking palad.Dapat simpleng operasyon lang ito. Ilang ulit ko na itong nagawa, dahilan kung bakit kinilala ako bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na surgeon sa bansa. Pero ngayong gabi… pakiramdam ko ay may kakaiba sa operating room na lagi kong pinupuntahan.Nasa tabi ko ang asawa ko bilang assistant na si Enrique Pastino na isa ring Doctor.“You look tense, honey..” Malumanay ang boses nito, tila nagbibigay-kumpiyansa sa akin. “Don’t worry. This is nothing compared to your critical operations before.”Gusto kong maniwala sa kanya. Ngunit nang sulyapan ko ito, hindi sa pasyente nakatutok ang mg
Última atualização: 2025-10-20