Compartilhar

Chapter 2

Autor: DARLENE KYLA
last update Última atualização: 2025-10-20 11:04:42

ZACHARY

Hindi ako naniniwala sa tadhana. Ang tanging pinagtitiwalaan ko ay kung ano ang kontrolado ko—deals, plans, at power. Ngunit nang nakatayo na ako sa harap ng altar, at malapit ng maitali sa isang babaeng halos hindi ko kilala, pakiramdam ko’y pinagtatawanan ako mismo ng tadhana.

Umalingawngaw sa malawak na bulwagan ang mga bulungan, parang langaw na hindi matigil sa paligid ko. Wala akong pakialam sa awa ng mga bisita. Wala rin akong pakialam sa usap-usapan tungkol sa “sakiting tagapagmana ng mga Castro” na ngayo’y dala ang apelyidong Buenaventura.

Ngunit nang lumitaw ang babae sa dulo ng pasilyo ay natigilan ako.

May kakaiba rito.

Inasahan kong mahina ang babae at magiging sabik ito na kumapit sa pangalan ng pamilya ko tulad ng mga babaeng naghahanap ng pabor sa akin. Pero nang magtama ang mga mata namin… iba ito sa inaasahan ko.

It was clear, sharp, and filled with something fierce. I felt… unsettled.

Parang biglang nabaligtad ang mundo ko. Sandali pa’y naisip kong baka ibang tao ang kaharap ko.

Dumaan lang sa pandinig ko ang seremonya dahil ang atensyon ko’y nakatutok lamang sa babae. Sa kung paano nanginginig ang mga kamay nito ngunit pinipilit maging matatag, sa paraang marahan nitong iniangat ang baba na tila hamon kahit nababalutan ng bulung-bulungan ang paligid.

At nang dumating ang huling parte ng seremonya ng kasal, marahan kong tinaas ang belo.

She was beautiful, yes. But it wasn’t beauty that struck me. Kundi ang mga mata nito. Mga matang natatabingan ng mahahabang pilik mata ngunit tila nakatingin nang diretso sa kaluluwa ko. Mga matang para bang alam ang isang bagay na matagal ko nang nakalimutan.

Maiksi lang ang halik na ibinigay ko rito. Ngunit kumirot ang dibdib ko, may munting apoy na sumiklab na matagal ko nang hindi nadarama. At agad ko itong pinatay sa loob. Mapanganib ang damdaming iyon. Love is not in my vocabulary. I don't believe in love. Para sa akin ay sagabal lang ang pagmamahal. Hindi ko puwedeng hayaang mangibabaw iyon.

“From now on, you’re mine,” bulong ko rito.

Hindi ko sinasadyang maging possessive pakinggan ang salitang lumabas sa bibig ko. But the words had slipped out unbidden, instinctive.

Natigil ako nang makitang nakangiti si Nicoline sa akin. Hindi iyon ngiting mahiyain o dahil sa takot. Kundi ngiti ng isang reyna na tinanggap ang korona. At doon… doon ko unang naramdaman ang bagay na hindi ko maipaliwanag.

Something about that smile unnerved me.

Sa malawak na silid ng Buena Estate ntapos na ang kasalan at naglaho na ang ingay ng kasiyahan. Ang natira na lamang ay ang mabigat na katahimikan sa master bedroom kung nasaan kaming dalawa.

Tinanggal ko ang pagkakatali ng aking kurbata, malamig ang mga mata habang lihim na sinulyapan ang babaeng nakaupo ngayon sa gilid ng kama ko.

Ang aking asawa si Nicoline Castro Buenaventura.

Lihim akong napangiti nang banggitin sa isipan ang buong pangalan niya pero agad ko itong pinigilan.

Ipinaalala ko sa sarili na pumayag ako sa kasalang ito hindi dahil sa pagmamahal. It's for politics, alliances, and business security. Paulit-ulit na iyon ang mantra ko.

Ngunit habang pinagmamasdan ko ang babae na maayos ang pagkakaupo, nakalapat ang mga kamay sa hita niya, at malamig ang ekspresyon—hindi ko maiwasang maramdaman na para bang nahulog ako sa isang bitag na ako mismo ang naglatag.

“You’re quieter than I expected,” sabi ko sa wakas, breaking the silence. My voice was calm.

Itinaas ni Nicoline ang tingin, diretsong nagtagpo ang mga mata namin. Hindi man lang ito kumurap.

“Mas prefer mo ba na maingay ang magiging asawa mo sana, Mr. Zachary Buenaventura?” The sharpness of her tone caught me off guard.

Hindi ko inasahan na matalim pala ang dila ng babae. Ang Nicoline na kilala ng lahat ay mahina, maselan, at laging sakitin. Pero ang babaeng ito… tila may kutsilyo sa boses.

Bahagyang umangat ang sulok ng kanyang labi—isang mapanuyang ngiti na may halong kuryosidad.

“Iilan lang ang naglalakas-loob na magsalita sa akin nang ganyan.”

“Then perhaps you’ve been surrounded by the wrong people,” sagot niya.

Sandali akong natahimik, nakatitig lang sa babaeng kaharap. Tumungo ako at mahinang natawa. He hadn’t laughed in years.

Ang tawa ko ay mabilis ding naputol, napalitan ng titig na mas matalim kaysa kanina.

“Bihira akong magkamali sa pagpili ng tao,” sabi ko, mababa ang boses habang tinatanggal ang butones ng manggas ko at nag-umpisang lumapit kay Nicoline. “Kaya’t nakakaintriga na ikaw… ay hindi tumutugma sa lahat ng narinig ko tungkol sa’yo.”

Hindi umatras si Nicoline. Bagkus, lalo pa niyang iniangat ang ulo, parang isang sundalong nakahanda sa laban.

“Siguro dahil mali ang pagkakakilala nila sa akin. O baka naman, masyado silang bulag para makita kung sino talaga ako.” Kibit balikat niyang sabi.

Lumapit ako ng mabagal na parang isang mabangis na hayop na pinipiling suriin muna ang biktima bago sumalakay.

Nang tuluyang makalapit, tumigil ako sa harap niya. Ang distansya namin ay halos konti na lang.

Naaaninag na ni Nicoline ang bawat linya ng mukha ko, pati ang malamig ngunit nag-aalab na ningning sa mga mata ko.

“Kung gano’n,” bulong ko, halos dumadampi na sa tenga niya ang init ng hininga ko, “kanino ba talaga ako ikinasal ngayong gabi? Sa sakiting tagapagmana ng Castro… o sa isang estrangherang may tinatagong lihim?”

Humigpit ang hawak ni Nicoline sa kobre-kama, ngunit pinanatili niyang kalmado ang tinig.

“Siguro,” sabi niya, “mas maganda kung ikaw mismo ang maghanap ng sagot sa tanong mo.”

Sandaling natahimik ako, nakatitig lamang sa kaniya. Para bang sinusubukan niyang basahin ang bawat hibla ng pagkatao ko. Ngunit walang bakas ng takot ang nakita ko, at iyon ang lalo pang nagpainit ng aking kuryosidad.

Isang ngiting mapanganib ang lumitaw sa labi ko.

Hindi ko hinalikan si Nicoline at hindi rin ko hinawakan, pero sapat na iyon para mag-init ang mukha niya.

Pagsapit ng gabi ay nakaupo ako sa tabi ng bintana, isang basong whiskey ang hawak, habang ang asawa ko’y pumasok sa banyo upang magpalit.

Muling lumipad ang isip ko sa kawalan. Mga pira-pirasong alaala. Iyon lang ang meron ako. Isang tinig ng babaeng hindi ko makita ang mukha. Isang nakakasilaw na liwanag at dugo. At ang pakiramdam ng desperadong pag-abot sa kamay ng isang tao bago ako tuluyang lamunin ng dilim.

Ayon sa mga doktor, trauma-induced amnesia ang nararanasan ko. I remembered my name, my empire, my responsibilities. Ngunit may mga puwang. Malalaking butas sa alaala kung saan tila may napakahalagang bagay na nawala sa akin.

At gabi-gabi mula nang aksidente, isa lang ang paulit-ulit kong napapanaginipan. Isang kamay ng babae na dahan-dahang dumudulas palayo sa akin. Hindi ko kailanman nasilayan ang mukha nito. Boses lang ang naiwan sa alaala ko at ang mahina nitong pagtawag sa pangalan ko.

But tonight, for the first time, when Nicoline smiled at me beneath her veil, I felt the same pull I felt in my dreams. It unsettled me more than I cared to admit.

Bumukas ang pintuan ng banyo.

Lumabas si Nicoline na nakasuot lamang ng simpleng nightgown. No jewelry, no heavy makeup. Just her. At muling kumislot ang dibdib ko.

“Huwag mo akong titigan nang ganyan.” Taas kilay nitong suway sa akin at mabilis na pumulupot ang mga braso sa dibdib.

Umangat ang isang kilay ko. “Like what?”

“Like I’m a stranger intruding in your life.” Nag-iwas ito ng tingin sa akin.

Ibinaba ko ang baso at tumayo. Mas matangkad ako sa kanya. Naglakad ako papalapit, hindi man lang umurong si Nicoline. Sa halip ay taas noo ito at matalim ang tingin.

Anong meron sa babaeng ito at hindi man lang natatakot sa akin?

“Let me clear it to you, Mr. Buenaventura. Hindi ko kailangan ang pagmamahal mo,” deretsong sabi niya. “At hindi ko rin inaasahan na ang marriage na ito’y maging higit pa sa kung ano lang ang nararapat. It's just a contract. Kasal lang tayo sa papel.”

Her words struck me oddly. Most women in her position would cling to me, beg for affection, security, and protection. But she… she demanded nothing.

Matagal ko siyang pinagmasdan bago muling nagsalita.

“At paano kung gusto ko ng higit pa?”

Nabuntong-hininga si Nicoline. A flicker of something like fear, longing, and anger flashed in her eyes. Ngunit agad niya itong tinakpan ng maskara ng kawalang-emosyo.

“Then you’d be wasting your time,” whispered she.

Magkatabi kaming nahiga sa kama, ngunit magkalayo ang aming mga katawan. Pero ako ay gising, pinakikinggan lamang ang mahinang ritmo ng paghinga ng babaeng katabi ko. Ngunit hindi ako makatulog.

Dahil sa unang pagkakataon mula nang ang aksidente ko, mula nang unti-unting gumising at gumulo ang mga pira-pirasong alaala ko, nagbago ang mga panaginip ko.

Ang babae sa mga panaginip ko ay hindi na walang mukha, at hindi na malabo. Ang babae sa panaginip ko… ay si Nicoline.

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Billionaire’s Brilliant Doctor Wife    Chapter 4

    ZACHARYHindi ako madaling matinag. Pero buong maghapon, iisa lang ang laman ng isip ko. Walang iba kundi ang imahe ng asawa kong nakaluhod sa tabi ng tiyuhin ko, kumikilos na para bang sanay na sanay na siya sa ganong sitwasyon.Hindi iyon ang Nicoline Castro na kilala ko. Sakitin siya at halos hindi makakyat ng hagdan nang hindi hinihingal. Halos lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay binigyan na siya ng taning na dalawang taon na lang ang itatagal niya rito sa mundo.She had been described to me as a burden, a pawn her family was desperate to marry off.Pero ang babaeng nasa bahay ko ngayon? Iba siya.Nagbuhos ako ng alak sa baso sa loob ng study ko, ang amber na likido ay kumikislap sa ilalim ng ilaw ng lampara. Pero kahit ang init ng whiskey, hindi napawi ang gumugulo sa dibdib ko.“You’re brooding again, Zachary.”Napatingala ako nang bigla na lang pumasok ang kaibigan ko, gaya ng lagi niyang ginagawa.“Anong ginagawa mo rito, Samuel?”Siya ang pinakamatalik kong kaibigan at pi

  • The Billionaire’s Brilliant Doctor Wife    Chapter 3

    MADELINEKinabukasan, pagkalabas ko pa lang sa kwarto ay dama ko na agad ang bigat ng mga matang nakasunod sa akin habang naglalakad ako sa maluluwang na bulwagan. Ang mga katulong ay napapahinto pa at palihim na sumisilip sa akin, saka sila magbubulungan na akala nila ay hindi ko napapansin.“Siya pala iyong sakiting tagapagmana ng mga Castro…”“Hindi naman siya mukhang mahina gaya ng sinasabi.”“Kawawa si Sir Zach, nakatali sa ganyan…”Napairap na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi ako papatinag. Tinaasan ko lang ng kilay ang ilaw at taas-noong naglakad. Ilang taon akong namuhay sa ospital kung saan ang tsismis ay mas matalim pa kaysa sa kutsilyo.At isa pa, whispers and gossip couldn’t kill me. I died once at the hands of my husband. Mas may sasakit pa ba doon?Pagdating ko sa dining hall, nadatnan ko si Zachary nakaupo na sa dulo ng mesa. He wore a crisp black shirt, sleeves rolled up to his forearms, every line of him exuding authority. Sandali niya akong tiningnan.“You’re late

  • The Billionaire’s Brilliant Doctor Wife    Chapter 2

    ZACHARYHindi ako naniniwala sa tadhana. Ang tanging pinagtitiwalaan ko ay kung ano ang kontrolado ko—deals, plans, at power. Ngunit nang nakatayo na ako sa harap ng altar, at malapit ng maitali sa isang babaeng halos hindi ko kilala, pakiramdam ko’y pinagtatawanan ako mismo ng tadhana.Umalingawngaw sa malawak na bulwagan ang mga bulungan, parang langaw na hindi matigil sa paligid ko. Wala akong pakialam sa awa ng mga bisita. Wala rin akong pakialam sa usap-usapan tungkol sa “sakiting tagapagmana ng mga Castro” na ngayo’y dala ang apelyidong Buenaventura.Ngunit nang lumitaw ang babae sa dulo ng pasilyo ay natigilan ako.May kakaiba rito.Inasahan kong mahina ang babae at magiging sabik ito na kumapit sa pangalan ng pamilya ko tulad ng mga babaeng naghahanap ng pabor sa akin. Pero nang magtama ang mga mata namin… iba ito sa inaasahan ko.It was clear, sharp, and filled with something fierce. I felt… unsettled.Parang biglang nabaligtad ang mundo ko. Sandali pa’y naisip kong baka iban

  • The Billionaire’s Brilliant Doctor Wife    Chapter 1

    MADELINEAmoy ng alcohol ang kumapit sa buong paligid haban inayos ko ang suot kong mask at tumingin sa pasyenteng walang malay sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng operating room. My hands were steady at malinaw ang aking isip pero ang dibdib ko… para bang may bigat na hindi ko maipaliwanag.“Dermatome,” sabi ko at inilahad ko ang kamay ko nang hindi tumitingin.Inabot iyon ng nurse sa aking palad.Dapat simpleng operasyon lang ito. Ilang ulit ko na itong nagawa, dahilan kung bakit kinilala ako bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na surgeon sa bansa. Pero ngayong gabi… pakiramdam ko ay may kakaiba sa operating room na lagi kong pinupuntahan.Nasa tabi ko ang asawa ko bilang assistant na si Enrique Pastino na isa ring Doctor.“You look tense, honey..” Malumanay ang boses nito, tila nagbibigay-kumpiyansa sa akin. “Don’t worry. This is nothing compared to your critical operations before.”Gusto kong maniwala sa kanya. Ngunit nang sulyapan ko ito, hindi sa pasyente nakatutok ang mg

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status