MADELINE
Amoy ng alcohol ang kumapit sa buong paligid haban inayos ko ang suot kong mask at tumingin sa pasyenteng walang malay sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng operating room. My hands were steady at malinaw ang aking isip pero ang dibdib ko… para bang may bigat na hindi ko maipaliwanag.
“Dermatome,” sabi ko at inilahad ko ang kamay ko nang hindi tumitingin.
Inabot iyon ng nurse sa aking palad.
Dapat simpleng operasyon lang ito. Ilang ulit ko na itong nagawa, dahilan kung bakit kinilala ako bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na surgeon sa bansa. Pero ngayong gabi… pakiramdam ko ay may kakaiba sa operating room na lagi kong pinupuntahan.
Nasa tabi ko ang asawa ko bilang assistant na si Enrique Pastino na isa ring Doctor.
“You look tense, honey..” Malumanay ang boses nito, tila nagbibigay-kumpiyansa sa akin. “Don’t worry. This is nothing compared to your critical operations before.”
Gusto kong maniwala sa kanya. Ngunit nang sulyapan ko ito, hindi sa pasyente nakatutok ang mga mata niya kundi nasa akin.
Isang kilabot ang gumapang sa aking mga kalamnan nang tumama ang mata ko rito.
He looks cold and dangerous.
“Dr. Pastino, huwag sa akin ang tingin mo. I-check mo ulit ang vitals ng pasyente,” mariin kong utos. May kumakabog na babala sa loob ko.
Ngunit bago pa man makagalaw ang anesthesiologist, umalingawngaw ang mabilis na beep ng monitor. Biglang bumagsak ang tibok ng puso ng pasyente.
“Ano’ng—!” napamura ako at agad kumilos. “Epinephrine, now!”
Ngunit nang tanggapin ko ang iniabot na syringe sa akin ay wala itong laman.
Mabilis akong napatingin sa tray. Wala na roon ang iba pang emergency meds.
Nanlamig ang sikmura ko.
Ang mga nurse sa paligid ko na pinagkatiwalaan ko sa loob ng maraming taon ay umiwas ng tingin.
At si Enrique… nahuli ko itong nakangisi. Kaunti lang, ngunit sapat para makita ko.
Bumigat ang pintig ng puso ko.
“E-Enrique... anong ginagawa mo?” Kunot-noo kong tanong nang makitang humakbang ito papalapit sa akin.
Automatic na humakbang ang paa ko paatras pero lalo pang lumapit ang lalaking minamahal at pinagkatiwalaan ko, halos dumampi ang labi nito sa aking tainga.
“Kailangan mo na mawala, Madeline.” Pabulong nitong sinambit ang mga salitang nagpayanig sa buong pagkatao ko.
At tuluyang nanlamig ang aking katawan.
Bago pa ako nakagalaw ay sumabog ang kirot sa aking dibdib. Nabitiwan ko ang Dermatome, bumagsak iyon sa sahig na siyang bumasag sa katahimikan ng operating room.
Nagdidilim ang paningin ko. Nanlilisik ang mga mata ko nang biglang may tumusok na matalim sa tagiliran ko. My loving husband for two fucking years stabbed me while pretending to assist me.
Huling imaheng nasilayan ko ay ang pagpasok ng kapatid ko na isa ring doktor, si Dr. Malia Aguas. Ngunit imbes na saklolohan ako ay matamis ang ngumiti nito. A cruel and triumphant smile.
Anong nagawa kong mali para pagkaisahan ako ng mga taong pinakamalapit sa akin?
Hindi ko malaman kung alin ba ang mas masakit pero mas matindi pa ang hapdi ng pagtataksil ng mga ito kaysa sa kirot na dumadaloy sa katawan ko.
Napuno ng dugo ang aking baga at nanlabo ang paningin ko.
My final thought was a bitter whisper in my head. Ganito ba matatapos ang buhay ko? Not by fate. Not by failure. Kundi sa mga kamay ng mga taong pinili kong pagkatiwalaan.
Unti-unting bumagsak ang talukap ng aking mata kasabay nang pagbagsak ng aking katawan at tuluyan akong kinain ng dilim.
Napahugot ako ng malalim na hininga at mabilis na napamulat. Nalilito ako dahil wala na ako sa operating room. Wala na ang nakakasilaw na ilaw, wala na ang mga machine at mas lalong hindi amoy ospital ang kwarto.
Sa halip ay nakahiga ako ngayon sa isang kama. Mabigat ang bumubundol na belo sa aking mukha. Mula sa kabila ng pader, naririnig ko ang mahinang tunog ng musika at mga usapan.
Napabalikwas ako, nanginginig ang mga kamay. Ngunit nang tumingin ako roon ay hindi iyon ang mga kamay ko. These weren’t my hands... these were pale, delicate, and fragile. Not the steady hands of a surgeon.
“Na… nasaan ako?”
Mabilis ang tibok ng aking puso.
“Nicoline! Thank God, you’re finally awake!”
Isang babae na naka-uniporme ng kasambahay ang mabilis na lumapit sa akin saka manilis na inayos ang belo sa aking ulo.
“Sino’ng tinatawag mong—?” Naputol ang salita ko nang mahagip ng tingin ang repleksyon sa salamin.
Isang estranghera ang nakatingin sa akin pabalik. Ang mukha nito ay maputlang maputi, makinis ang balat, at nakaayos ng wavy curl ang malambot na buhok. Nanginginig ang aking kamay ng dumaan ang mata ko sa katawan nitong naka-puting dress na pangkasal. Kumikinang ang mga alahas na suot lalo na ang nasa leeg ko.
Bakit nakadamit pangkasal ako? Hindi ba dapat ay hospital coat ang suot ko?
I am... getting married?
“No. No, no, no,” mariing bulong ko at umiiling.
Panaginip ba ito?
This had to be a dream!
Yeah, right. A coma-induced hallucination. But the sting of my nails digging into my palm felt too real. The pounding of my heart, the smell of roses, the sensation of silk beneath me—everything screamed reality.
What the hell is happening?
Nalilito ang kasambahay habang nakatingin sa akin.
“Maam Nicoline, oras na po. Magsisimula na ang kasal. Huwag… huwag n’yo sanang paghintayin ang Sir Zach.”
Kasal? Sir Zach? Tek, ako ang ikakasal?
Gumuho ang isip ko. I remember everything. Naalala ko ang pagtataksil ni Enrique, ang mapanuksong ngiti ni Malia. I remembered the agony of my last breath. And yet here I was, alive. In someone else’s body.
Isang pangyayari lang ang sumiksik sa aking utak… Rebirth.
Hindi ba ganito iyong mga babasa ko noong nag-aaral pa ako?
I’m a doctor. And rebirth is the last thing I’ll believe. Hindi ito scientifically correct at walang scientific explanation or basis para dito.
How can someone die and be reborn into someone else's body? Sa mga libro lang iyon nangyayari at hindi sa totoong buhay.
My lips trembled as the truth settled in. I died. And now I’m… her. Whoever she is.
The doors creaked open.
“Nicoline!” matalim na tinig ng isang babae ang dumagundong sa buong kwarto.
Sophisticated ang babae at talagang nakaka-intimidate kung titingnan. Bigla akong napalunok ng laway.
“Tigilan mo ang pag-iinarte diyan. Magpasalamat ka na lang at pumayag pa ang pamilya Buenaventura na makasal ka matapos ang mga kalokohan mo.”
Buenaventura?
Napakurap ako. I had heard of that name... They're one of the most powerful families in the city, their influence stretching across medicine, business, and politics.
Pero ano ang kinalaman ng katawang ito sa kanila?
Nilapitan ako ng babae at mariing hinawakan nito ang aking braso.
“Huwag mo kaming ipahiya, kung hindi… pagsisisihan mo.” Pinanlakihan niya ako nang mata.
A flash of pain shot through my frail body. I gritted my teeth but said nothing. Sa ngayon ay impormasyon ang pinakamahalaga para sa akin. And confrontation is the least to do.
Makalipas ang ilang minuto, inihatid ako sa isang marangyang bulwagan.
Kasabay ang biglang pagtunog ng wedding march.
Kumakabog ang dibdib ko habang humahakbang papunta sa altar. Unti-unting lumiliit ang mundo ko, nakatuon ang paningin ko sa lalaking naghihintay sa dulo.
Matangkad. Malapad ang balikat. Ang presensya’y nangingibabaw sa buong silid. Ang navy suit na suot nito ay lalong nagbigay-diin sa tindig nito.
His face was sharp, chiseled, and intimidatingly handsome like a Greek God from Mount Olympus. And his eyes… It's cold, piercing, and unreadable.
Diretsong nakatutok ang tingin niya sa akin mula nang pumasok ako.
Bahagyang natigilan ang mga hakbang ko.
Hindi ko siya kilala. Pero nang magtama ang aming mga mata, may kakaibang init na kumislot sa dibdib ko.
Tumaas ang balahibo sa aking batok at nanlamig ang katawan ko.
This man pulled recognition buried deep in my bones.
Umugong ang mga bulungan sa paligid.
“Kawawa naman si Zachary... pinilit lang pakasalan ang sakitin na tagapagmana ng mga Castro.”
Sakitin. Tagapagmana. Nicoline Castro.
Ngayon ko lang lubusang nakuha na iyon ang bagong katauhan ko.
Nagsimula ang seremonya. Ngunit dumaan lang sa pandinig ko na parang alon ang mga salita ng pari. Ang isip ko’y gulong-gulo. Bakit dito? Bakit sa katawan na ito? At bakit ako?
At saka dumating ang sandaling kinatatakutan ko—
“You may kiss the bride.”
“I can't wait to marry you and say I do, Nicoline.”
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit ang lalaki sa akin at itinaas ang belo. His touch was surprisingly gentle. Dumampi ang kamay nito sa pisngi ko.
“From now on, you’re mine, Mrs. Buenaventura. My beautiful wife…” he murmured just for me.
Napatigil ang hininga ko. Magaan lang ang halik na iginawad ng lalaki. Isang dampi sa labi ngunit ang pintig ng puso ko’y parang pinasabog sa sobrang bilis.
Nagpalakpakan ang mga bisita. Kumislap ang mga kamera.
Sa isipan ko ay sumisigaw ako. Anong klaseng biro ito? Namatay akong pinagtaksilan ng asawa at kapatid ko, tapos magigising bilang asawa ng isang lalaking hindi ko kilala?
Ngunit nang mahigpit na hinawakan ni Zachary ang kamay ko ay banayad iyon at parang… protective.
May isang ideya ang sumulpot sa isipan ko.
Fine. If fate gives me a second chance, I’ll use it. I’ll uncover the truth. I’ll take back everything stolen from me. And I’ll make them pay.
“I'm yours, my husband.”
At nang muling magtagpo ang aming mga mata ay agad akong nag-iwas ng tingin dahil sa nakakahiyang sinabi ko.
ZACHARYHindi ako madaling matinag. Pero buong maghapon, iisa lang ang laman ng isip ko. Walang iba kundi ang imahe ng asawa kong nakaluhod sa tabi ng tiyuhin ko, kumikilos na para bang sanay na sanay na siya sa ganong sitwasyon.Hindi iyon ang Nicoline Castro na kilala ko. Sakitin siya at halos hindi makakyat ng hagdan nang hindi hinihingal. Halos lahat ng taong nakakakilala sa kanya ay binigyan na siya ng taning na dalawang taon na lang ang itatagal niya rito sa mundo.She had been described to me as a burden, a pawn her family was desperate to marry off.Pero ang babaeng nasa bahay ko ngayon? Iba siya.Nagbuhos ako ng alak sa baso sa loob ng study ko, ang amber na likido ay kumikislap sa ilalim ng ilaw ng lampara. Pero kahit ang init ng whiskey, hindi napawi ang gumugulo sa dibdib ko.“You’re brooding again, Zachary.”Napatingala ako nang bigla na lang pumasok ang kaibigan ko, gaya ng lagi niyang ginagawa.“Anong ginagawa mo rito, Samuel?”Siya ang pinakamatalik kong kaibigan at pi
MADELINEKinabukasan, pagkalabas ko pa lang sa kwarto ay dama ko na agad ang bigat ng mga matang nakasunod sa akin habang naglalakad ako sa maluluwang na bulwagan. Ang mga katulong ay napapahinto pa at palihim na sumisilip sa akin, saka sila magbubulungan na akala nila ay hindi ko napapansin.“Siya pala iyong sakiting tagapagmana ng mga Castro…”“Hindi naman siya mukhang mahina gaya ng sinasabi.”“Kawawa si Sir Zach, nakatali sa ganyan…”Napairap na lang ako sa mga naririnig ko. Hindi ako papatinag. Tinaasan ko lang ng kilay ang ilaw at taas-noong naglakad. Ilang taon akong namuhay sa ospital kung saan ang tsismis ay mas matalim pa kaysa sa kutsilyo.At isa pa, whispers and gossip couldn’t kill me. I died once at the hands of my husband. Mas may sasakit pa ba doon?Pagdating ko sa dining hall, nadatnan ko si Zachary nakaupo na sa dulo ng mesa. He wore a crisp black shirt, sleeves rolled up to his forearms, every line of him exuding authority. Sandali niya akong tiningnan.“You’re late
ZACHARYHindi ako naniniwala sa tadhana. Ang tanging pinagtitiwalaan ko ay kung ano ang kontrolado ko—deals, plans, at power. Ngunit nang nakatayo na ako sa harap ng altar, at malapit ng maitali sa isang babaeng halos hindi ko kilala, pakiramdam ko’y pinagtatawanan ako mismo ng tadhana.Umalingawngaw sa malawak na bulwagan ang mga bulungan, parang langaw na hindi matigil sa paligid ko. Wala akong pakialam sa awa ng mga bisita. Wala rin akong pakialam sa usap-usapan tungkol sa “sakiting tagapagmana ng mga Castro” na ngayo’y dala ang apelyidong Buenaventura.Ngunit nang lumitaw ang babae sa dulo ng pasilyo ay natigilan ako.May kakaiba rito.Inasahan kong mahina ang babae at magiging sabik ito na kumapit sa pangalan ng pamilya ko tulad ng mga babaeng naghahanap ng pabor sa akin. Pero nang magtama ang mga mata namin… iba ito sa inaasahan ko.It was clear, sharp, and filled with something fierce. I felt… unsettled.Parang biglang nabaligtad ang mundo ko. Sandali pa’y naisip kong baka iban
MADELINEAmoy ng alcohol ang kumapit sa buong paligid haban inayos ko ang suot kong mask at tumingin sa pasyenteng walang malay sa ilalim ng nakakasilaw na ilaw ng operating room. My hands were steady at malinaw ang aking isip pero ang dibdib ko… para bang may bigat na hindi ko maipaliwanag.“Dermatome,” sabi ko at inilahad ko ang kamay ko nang hindi tumitingin.Inabot iyon ng nurse sa aking palad.Dapat simpleng operasyon lang ito. Ilang ulit ko na itong nagawa, dahilan kung bakit kinilala ako bilang isa sa pinakabata at pinakamagaling na surgeon sa bansa. Pero ngayong gabi… pakiramdam ko ay may kakaiba sa operating room na lagi kong pinupuntahan.Nasa tabi ko ang asawa ko bilang assistant na si Enrique Pastino na isa ring Doctor.“You look tense, honey..” Malumanay ang boses nito, tila nagbibigay-kumpiyansa sa akin. “Don’t worry. This is nothing compared to your critical operations before.”Gusto kong maniwala sa kanya. Ngunit nang sulyapan ko ito, hindi sa pasyente nakatutok ang mg