Contract Marriage With The Billionaire

Contract Marriage With The Billionaire

last updateLast Updated : 2026-04-06
By:  eiah_povsUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Maxene is a girl who only ever wanted to feel loved, yet she keeps getting dragged into endless blind dates with rich, random men arranged by her father. Her solution is simple—she escapes every single time. But everything changed when she met Lewis. A gentleman, yet cold, distant, and impossible to read. Just like all the others, she walked away, thinking that would be the end of it. But she was wrong. The next day, her parents finally discover her habit of escaping every blind date. As punishment, she is forced to stop her carefree lifestyle and work at one of their affiliated companies, Lewis Company. But fate clearly is not done playing with her. The moment she steps inside the company, she comes face to face with her boss, a man who looks exactly like the one she left behind. Same face. Same surname. But completely different. Warm, jolly, and effortlessly charming. Caught in a situation she does not understand, Maxene soon discovers the truth—they are twins. Now stuck between two identical men with opposite personalities, she finds herself pulled into a confusing and unexpected situation, and this time, running away might no longer be an option.

View More

Chapter 1

Chapter 1 - The Preparation

“Max! Your blind date is in an hour. Prepare yourself" my stepfather said as soon as he entered the house from work.

I just glanced at him by the front door while lying on the couch, watching a movie, pretending nothing happened before going back to what I was watching.

Sino ba naman kasi ang hindi magsasawa kung ganito na lang palagi ang sineset up niya sa’kin. Always putting me on dates with a bunch of random guys, mga anak daw ng mga mayayaman na kakilala niya.

The reason? Palagpas na raw sa kalendaryo ang edad ko, at ni isa wala pa akong pinapakilala sa kanila.

Or maybe there’s a deeper reason. 

Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na palugi na yung isa niyang kumpanya… and he’s using me para makipag-connect sa ibang pamilya at maisalba pa yung negosyo niya.

“Oh ano?! You’re just gonna lay there and manood lang? Ang gulo pa ng buhok mo. Hindi mo man lang ayusin sarili mo”

I ignored him once again.

“Max!” he suddenly shouted.

“Fine. I will prepare na" I said as I stood up and turned off the television.

“Kainis ito” bulong ko.

I went upstairs and entered my room, looking for something to wear. Kung ano na lang makita kong maayos dito at wala pa sa labahan, ayos na.

To be honest, I really don’t care kung ano man ang suotin ko or kung ano ang magiging itsura ko sa panibagong ‘blind date’ na ‘to.

Nakakapagod na kasi. Literal.

Every week may messages na lang akong natatanggap na he arranged me to date someone. Minsan pa nga every other day kapag nalaman niyang failed yung mga sineset up niya sa’kin.

Paano ba naman eh ni isa sa mga lalaking nakaharap ko ay hindi ko tipo?

May gwapo naman, kaso nakakaumay naman kapag tinitigan mo nang matagal. May madaldal, may nonchalant, may masyadong seryoso, may maingay kumain, maliit, matangkad masyado na hindi sakto pang-forehead kiss sa’kin. At higit sa lahat, mayabang.

I admit it, all of them are rich, of course. But anong magagawa ng yaman nila kung hindi ko naman sila tipo?

Habang busy akong nagmu-murmur ng kung anu-anong reklamo dito, biglang nawala ang inis ko nang makita ko ang red dress na matagal ko nang hinahanap.

Tagal na kasi nitong nawawala, tapos favorite ko pa. Yun pala, nakatago lang sa pinakasuksok ng cabinet ko.

“Pwede na ito”

Dumiretso na ako sa CR para maligo. After that, pumunta ako sa vanity area kung saan nakalagay lahat ng make-up ko.

“Alexa, play She Will Be Loved by Maroon 5.”

Then the music suddenly blasted in my room.

Eto kasi palagi kong pinapatugtog every time na nagga-GRWM ako. Maliban sa favorite song ko, isa din ‘to sa mga kantang dini-dedicate ko sa sarili ko, hoping that in the future, I’ll find someone who will love me the way I’ve always wanted.

Love na genuine. Walang tinatago. Open sa isa’t isa. Someone who will always make time for me. Basta… someone who will make everything feel right.

Nakakapagod na kasi kung ganito na lang palagi yung setup sa’kin. Paano ako makakahanap ng lalaking genuine niyan?

“And she will be loved… and she will be loved~” sabay ko sa kanta.

*Knock, knock.*

“Sino ‘yan? Alexa, stop.”

“Your date will arrive in 20 minutes. Bilisan mo mag-ready. Nakakahiya kung paghihintayin pa siya sa labas” my stepfather said coldly.

“W-what?! What do you mean he will arrive here in 20 minutes?”

“Nabingi ka na ba? Or do you want me to shout it for you?”

“Come on, Dad…” I said in disbelief. 

“Hindi mo na ako papayagan mag-drive papunta sa date? Wala ka na bang tiwala sa’kin?”

He walked closer, crossing his arms as he leaned against the wall beside my vanity mirror.

“Sa tingin mo ba papayagan kitang mag-drive kung binangga mo yung isa sa mga bagong sasakyan?”

I sighed as I put my make-up brush down.

“Nabangga, Dad. Hindi ‘binangga.’ Magkaiba ‘yon. Okay?”

“Oh really? Ako pa talaga lolokohin mo. Ano ako, pinanganak kahapon?”

“May pusang biglang tumawid sa daan. Syempre no choice kung hindi ibangga ko sa puno kaysa sa pusa.”

“Mahalaga kaya ang buhay ng pusa, duh. Makasuhan pa ako" dagdag ko habang bumabalik sa pagme-make up.

He suddenly applauded sarcastically.

“Great job. Woo! Great job for saving the cat’s life. But have you ever crossed your mind kung how much it will cost para ipagawa ang sasakyan?” he said while circling around me.

“Okay pa sana eh… kung yung ibang car ko yung sinira mo. Pero seriously? Yung bagong bili na Mercedes na kakadeliver lang last week?”

“Edi pagawa mo. Pare-parehas lang naman na sasakyan ‘yan" pilosopo kong sagot.

“Baka nakakalimutan mong hindi pa alam ng mommy mo na nasira mo ‘tong sasakyan niya. And what’s worse, siya ang nagbayad nang buo para doon without my help.”

I froze.

Nakalimutan kong kay Mommy nga pala ‘yon. Yun yung ginamit ko nung isang araw para mag-club sa BGC.

And she’s not even aware of what’s been happening to me these past few days dahil busy siya sa business trip out of the country.

“Ano, natauhan ka na?”

I snapped and looked at him.

Nagkatitigan kami sandali. I forced a smile, a fake one, yung hindi niya mahahalata na kinakabahan ako. Kasi for sure, baka bigla niya akong isumbong.

“I don’t have much time for this. Baka mag-away na naman tayo. And again, your date will arrive soon. Bilisan mo.” he said before leaving my room.

“That moron… kahit kailan talaga.”

Bakit ba kasi siya pa yung pinakasalan ni Mama?

Agad kong kinuha ang hair dryer ko dahil nakabalot pa rin ng tuwalya ang buhok ko. Since wala na akong time ayusin pa, I decided to just stick with my natural wavy hair instead of straightening it.

A few minutes passed, and narinig kong bumukas na ang gate namin.

“Max! Bumaba ka na" my stepfather called as he knocked on my door.

“Eto na, wait lang!”

Pagbukas ko ng pinto, sinalubong na naman ako ng malamig niyang tingin.

“Don’t embarrass me this time” he said before walking away.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status