MasukLove is sweeter the second time around, ika nga nila. Pero paano kung ang pagmamahalang akala mong tapos na ay bumalik dala ang mga lihim na matagal mong itinago? Si Marie Violetta Gutierrez ang pinakamagaling na scholar ni Madame Giselle Hauxley. Sa tagal niyang namalagi sa mansion ng mga Hauxley, itinuring na siyang parang tunay na anak ng pamilya. At doon niya nakilala si Logan Hauxley. Ang lalaking minahal niya nang higit sa sarili niya. Ang lalaking handang ibigay sa kanya ang buong mundo. Pero nagbago ang lahat nang mapilitan siyang umalis nang walang paalam at walang paliwanag. Sa pag-alis niya, hindi niya alam na may iniwan pala si Logan sa kanya na mas mahalaga pa sa kahit anong pangarap. Isang anak. Anim na taon siyang nagtago habang mag-isang pinalalaki ang kanilang anak na si Lollita. Akala niya ay hindi na muling magtatagpo ang landas nila. Nagkamali siya. Dahil sa pagbabalik niya sa buhay ni Logan, muli niyang natagpuan ang sarili sa piling ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan. At bago pa man niya maamin ang lahat ng katotohanan… Muling nagbunga ang kanilang pagkakasala. Ngayon, kailangan niyang itago hindi lang ang isang anak, kundi pati ang isa pang lihim na maaaring tuluyang sumira sa lahat. Habang pilit niyang iniiwasan ang nakaraan, mas lalo namang lumalapit si Logan—determinado na malaman kung bakit siya iniwan at bakit hanggang ngayon ay pakiramdam niya, may malaking bahagi ng buhay nito ang hindi niya alam. Pero hanggang kailan maitatago ni Violette ang katotohanan? At kapag nalaman ni Logan na mayroon na pala silang anak… at isa pa ang paparating… Pipiliin pa rin kaya niya si Violette, gayong may asawa na sya? O tuluyan nang mawawala ang pagkakataong matagal nilang hinihintay? A billionaire who refuses to let the woman he loves leave for the second time.
Lihat lebih banyak"Why are you like this?" tanong niya habang hinahawi ang ilang hibla ng buhok papunta sa likod ng tenga ko.
Hindi ako sumagot. "Bakit hindi mo sinabi?" tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. "Ang alin?" maikli niyang sagot. "Na ikakasal ka na! Edi sana—" Pinutol niya agad ang sasabihin ko. "Edi sana ano?" tanong niya habang nakakunot ang noo. "Edi sana hindi na nangyari 'to!" sigaw ko sabay tulak sa kanya palayo. "Hindi ganito kababa ang tingin ko sa sarili ko! Oo, scholar lang ako ng pamilya niyo at totoo ang nararamdaman ko sa'yo kaya pumapayag ako sa lahat ng gusto mo, p-pero bakit?" Naiiyak na ako sa galit. "Bakit mo ginawa sa'kin 'to?" "It's a fixed marriage, I don't even love her," paliwanag niya habang unti-unting lumalambot ang ekspresyon. "Ikaw ang gusto ko, Violette." Halos pabulong nyang sinabi habang papalapit sa akin “I'm willing to stop everything for you” bulong nya sa tainga ko, hindi ko na sya nasagot nang dahan-dahang naglapit ang mga labi namin. Alam kong mali 'to. Pero mas nananaig ang nararamdaman ko para sa lalaking ‘to, handa na ba akong ipaglaban sya? Alam kong maapektuhan ang pag aaral ko pero… Dahan-dahan akong nadala sa mainit na tensyon. Sa bawat halik niya, natunaw ang lahat ng galit at pride ko. Mula sa pagmamakaawa, naging mas madiin at mapilit ang bawat dampi—puno ng hindi maitatangging pagnanasa. Humila ang malalapad niyang kamay sa baywang ko, dahilan para lalong dumikit ang mga katawan namin hanggang sa sumandal ako sa pader. “Violette, please... let me show you,” bulong niya sa pagitan ng mga halik. Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya, hinahatak siya palapit. Sa ngayon? Wala na muna akong pakialam sa kung ano man ang mangyari. “Don’t stop,” marahan kong sabi habang naghahabol ng hininga. Sa gitna ng silid na punong-puno ng tensyon, hinayaan ko ang sarili kong malunod sa init ng gabing ito. Walang bukas, walang plano—basta sa oras na ‘to, akin lang siya at kanya lang ako. “I'll be in Milan tomorrow aayusin ko ang lahat, Violette” bulong nya sa tabi ko, at isang marahang halik ang binigay nya sa noo ko habang unti-unting nagdidilim ang paligid ko dahil sa antok -------------- PAK! Ramdam ko ang init ng sampal ni Madame Giselle sa mukha ko. Sobrang sakit ng pisngi ko, pero mas masakit ang nakakadismayang tingin niya sa akin. "Ikaw ang pinakamagaling kong scholar, Violette!" sigaw niya habang nanginginig sa galit. Naabutan niya akong lumalabas galing sa kwarto ni Logan. "Bakit? Saan ako nagkulang? Bakit sa lahat ng lalaki, si Logan pa?" Hindi ko na naoigilan ang maiyak. I failed her. Nadismaya ako sa sarili ko. "M-Madame... sorry po," pakiusap ko, pero umiling-iling lang siya. Halos hindi niya ako kayang tignan. "Leave," malamig na sabi niya habang umiiyak din. Naglabas siya ng blank check. "Ilagay mo kung magkano ang gusto mo. Basta wag na wag ka na magpapakita sa akin, sa amin, at lalo na kay Logan." Nanginginig ako. Alam kong disappointed na disappointed siya sa akin. "Umalis ka habang nasa business trip pa si Logan! Ayokong masira sila ng fiancé nya dahil lang sa hindi niyo naopigilan ang..." hindi na niya itinuloy, pero gets ko na kung ano ang ibig niyang sabihin. Doon ko lang na-realize ang lahat. Kailangan ko umalis. Dahil ang fiancé nya lang ang susi para hindi mauwi sa bankruptcy ang kompanya ng pamilya ni Logan. At ako? Kung hindi ako aalis, ako ang sisira sa mga pangarap ni Madame Giselle para sa kaisa isa nyang anak, Hindi ko tinanggap ang check. Tinignan ko lang siya nang huling beses, ang mga mata niyang dati’y puno ng pagmamalaki ay puno na ngayon ng pagkadismaya. Tumakbo ako palabas ng mansion. Umuulan nang malakas, pero hindi ko pinansin. Basang-basa na ako, nakaluhod sa gitna ng driveway dahil sa pagkadulas habang binabaybay ang malaking gate na hindi ko na muling mabubuksan. Iniwan ko ang lahat—ang gamit ko, ang scholarship ko, at ang puso ko na naiwan sa loob kasama ang lalaking alam kong hindi kailanman magiging akin. Tumigil ako at lumingon sa huling pag kakataon sa isang malaking bahay na naging tahanan ko sa loob ng ilang taon, “Paalam Logan” bulong ko sa gitna ng ulan ….. ------------- Nagising ako sa ingay sa baba, “Ack!” Daing ko, sabay sapo sa ulo ko Napanaginipan ko nanaman ang nangyari six years ago “Hayy, kailan ko ba makakalimutan ang lahat?” bulong ko sa hangin, tanging sinag lang ng araw ang kausap ko ngayon “Violettaaaaaaaaaaaa!” isang sigaw ang umalingaw ngaw sa baba ng kwarto “Mommaa, tawag ka na ni mamazilla! Kanina pa sya maingay sa baba” napa bangon ako agad nang marinig ko ang cute na boses ng aking star “Awww.. Good Morning my little star!” Masiglang bati ko sa kanya “Good morning, Mommaaa” bati nya rin sa akin “Tara na sa baba? Galit na si mamazilla” sambit ko sa kanya habang buhat ko sya “Ano Violetta? Ganyan ba ang mag tatrabaho?” tanong agad ni mama habang nag hahain sa maliit na lamesa “tanghaliin ang gising! Gutom na ang apo ko, hindi ka parin nabangon kung hindi ako sisiga-“ agad ko syang niyakap dahil sa sobrang ingay nya at dirediretso ang pag sasalita “Mamaaa, aga aga ang ingay mo, tatanda ka agad nyan”sambit ko habang nakayakap narin sa kanya si Lolly with matching cuta na cute na wink “hay nako kayong mag ina umupo na kayo, ginagawa nyo akong katulong” sagot nya lang ng mahinahon, wala talaga syang laban sa kakyutan ni Lolly “oh sya hala! Kumain na tayo mga prinsisita” dugtong pa ni mama Masaya kaming kumakain ng biglang tumunog ang phone ko Agad ko itong sinagot “Hello, is this Ms. Marie Violetta Gutierrez?” tunog propesyunal sa kabilang linya “Yes po, ako nga po” sagot ko “You’re hired” Plain, pero ang salitang yan ang nagpalundag sakin sa saya hindi ko napigilan ang na manlaki ang mga mata ko. Napangiti ako. Sa wakas, makakapag-provide na ako kay Lollita. Hindi ko alam na ang trabahong tinanggap ko ang babago sa buhay namin. At ibabalik ako sa lalaking iniwan ko sa loob ng anim na taon.Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa bintana. Pakiramdam ko ay biglang bumagal ang pag-ikot ng mundo nang makita si Logan na dahan-dahang bumababa mula sa sasakyan."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang nakatingin din sa labas. "Friend nyo po ba yan?"Mabilis akong napakurap at agad na isinara nang bahagya ang kurtina. Ayokong makita ni Logan ang loob ng bahay at mas lalong ayokong makita nya si Lolly."Aakyat ka muna sa kwarto." mabilis kong saad habang pilit na kalmado ang boses ko. "Maglaro ka muna doon at huwag kang bababa hangga't hindi kita tinatawag."Agad na kumunot ang noo ni Lolly at umusli ang labi nito. Halatang hindi nito nagustuhan ang utos ko."Bakit po?" reklamo nito habang nakakrus ang mga braso. "Kakauwi nyo lang.""Dahil sinabi ni Momma." mas malumanay kong sagot habang hinahaplos ang buhok nito. "Please."Napabuntong-hininga ito bago tumango. Mabuti na lamang at hindi na ito nangulit pa."Mamazilla, bantayan nyo po si Momma." seryoso nitong bilin
Nanginig agad ang mga daliri ko habang nakatitig sa mensahe ni Logan. Pakiramdam ko ay may humigpit na tali sa paligid ng dibdib ko habang paulit-ulit kong binabasa ang pangalan ni Lolly."Momma?" nagtatakang tawag ni Lolly habang kumakain ng biskwit. "Bakit po parang nakakita kayo ng multo?"Mabilis akong napakurap at agad na pinatay ang screen ng cellphone. Pilit akong ngumiti kahit ramdam kong namumutla na ako."Wala." mahinang sagot ko habang inilalagay ang cellphone sa mesa. "May problema lang sa trabaho."Bahagyang kumunot ang noo ni Lolly ngunit mabilis din itong nadistract nang tawagin ito ni Mama. Mabuti na lang at hindi na ito nagtanong pa.Samantalang ako ay pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawalan ng hangin. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pang banggitin ni Logan si Lolly.Ano bang napansin nya?Ano bang alam nya?O baka naman nag-ooverthink lang talaga ako?"Violette." biglang tawag ni Mama habang nakatingin sa akin. "Huminga ka muna."Napakurap ako at saka ko
"Pero may tinatago ka." mahinang dugtong nito. "At alam kong hindi mo sasabihin sa akin."Ilang segundo kaming nagkatitigan.Pagkatapos ay dahan-dahan itong tumalikod at naglakad pabalik sa sasakyan.Akala ko ay tapos na.Akala ko ay nakaligtas na naman ako.Ngunit bago ito tuluyang sumakay ay bigla itong huminto.At nang bahagya itong lumingon sa akin...Tuluyan akong nanlamig sa sumunod nitong sinabi."By the way..."Saglit itong tumingin sa bahay.Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa akin."Pareho kayong kaliwete."Nanlaki agad ang mga mata ko.Dahil ilang minuto ang nakalipas...Nakita ni Logan si Lolly na sumusulat sa maliit nitong notebook gamit ang kaliwang kamay.Tuluyan akong natigilan.Pakiramdam ko ay huminto ang mundo habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Logan. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang katotohanang may napansin sya o ang posibilidad na nagsisimula na syang magdugtong-dugtong ng mga bagay.Mabilis kong isinara ang gate at halos tumakbo papasok
Nanlaki agad ang mga mata ko at mabilis na bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko ay tumigil ang tibok ng puso ko nang makita si Lolly na nakatayo sa labas ng gate habang mahigpit na yakap ang stuffed toy nito."Momma!" masayang sigaw nito habang kumakaway sa akin.Agad akong lumapit at niyakap ito. Kasabay noon ang bahagyang pagluwag ng dibdib ko dahil mukhang hindi naman ganoon kalala ang nangyari kay Mama."Lolly." mahinang saad ko habang hinahaplos ang buhok nito. "Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na huwag lumabas mag-isa?"Agad na umusli ang labi nito at yumakap sa leeg ko. Halatang natakot ito sa nangyari."Nag-aalala po ako." reklamo nito. "Bigla pong nahilo si Mamazilla."Napabuntong-hininga ako at marahang hinalikan ang noo nito. Kahit kailan talaga ay hindi marunong magtago ng emosyon ang batang ito."Kumusta na si Mama?" mabilis kong tanong habang hawak ang magkabilang pisngi nito."Mabuti na po." sagot nito. "May nurse na po sa loob at pinapainom na sya ng gamot."Bahagyang gum












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasanLebih banyak