My Hired Boyfriend is a CEO
Riza Gomez only wanted one thing, to shut up her ex and her evil stepsister.
Ang plano? Mag-hire ng fake boyfriend na may konting porma at swag — para lang ipakitang she’s totally moved on.
Then nakilala niya itong si Kenneth Sy, a mysterious “mechanic” na may ngiting nakakainis pero strangely attractive. Mabilis ang usapan, one thousand five hundred pesos per month. No feelings involved. No strings attached.
Simple, ‘di ba?
Well... not when your “mechanic bf” suddenly shows up in a luxury car, wearing a suit, and being called “Sir Kenneth” by hotel managers. Turns out, she didn’t just hire a fake boyfriend — she accidentally signed up for the most complicated love contract ever... with a billionaire in disguise.
Now Riza must survive pretending in front of her ex, her family, and the whole city. She only wanted a drama-free act, but love had other plans and this time, there’s no “cut” or “take 2.”
"When the contract ends, will their love expire too?”
Read
Chapter: CHAPTER SIXPagpasok nila sa bahay, agad na napansin ni Riza ang kalinisan at aliwalas nito. Napansin din niya ang mga mamahaling mga gamit. Napakagara ng loob nito. Napakalinis na parang may katulong na naglilinis dito.“Wow… simple pero ang ganda pala dito sa loob. Mahal suguro ang renta dito.” bulong niya habang nag-iikot.Ngumiti lang si Kenneth, pilit itinatago ang inis sa tauhan, “Oo, ganyan kasi kabait ang boss ko sa mga empleyado niya. Gusto niya the best at komportable kami."Lumapit si Riza sa sofa at pabagsak na umupo sabay tanong. “So… gaano ka na katagal na mekaniko?”“Ah… ilang taon na rin.” sagot ni Kenneth, malamig at maikling paliwanag.“Ah, dapat alagaan mo ang trabaho mo. Ang swerte mo sa boss mo. Siguro ang laki ng sweldo mo. Mukha ka kasing mayaman. Ang bango-bango mo hindi ka amoy, mekaniko.” patuloy ni Riza, halatang curious.“Uh… perks lang. Galing sa kumpanya,” sagot ni Kenneth, bahagyang napangiti. “Salamat sa papuri."Habang nagkukwentuhan, hindi mapigilan ni Riza ang m
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: CHAPTER FIVENataranta si Leo. “Sir, janitor tutulungan mo?”Napangiti si Kenneth. “OO, gusto kong makita kung paano siya magtrabaho. And Leo…”“Sir?”“Walang makakaalam na konektado siya sa’kin. Lalo na si Lola.”“Yes, sir!” sagot ni Leo, halos mag-salute sa kaba.Habang naglalakad si Kenneth, nakatingin siya sa bintana ng opisina. Mula ro’n, tanaw niya ang gusali ng KS Luxe Hotel.Napangiti siya, halos pabulong, "Let’s see, Miss Janitress. Kung paano mo tatakbuhan ang destiny mo papunta pa sa akin.” ______Unang araw ni Riza bilang janitress sa KS Luxe Hotel. Bitbit niya ang mop, tabo, at balde ng tubig habang humihinga nang malalim.“Okay, Riza Gomez,” bulong niya sa sarili. “Ito na ‘to. Linisin mo iyan parang nililinis mo ang love life mong puro kalat!”Habang nagmamop, hindi niya napansin na basa na pala ang sahig sa harapan niya.“Ayyyyy!”Bago pa siya tuluyang bumagsak, may dalawang kamay na mabilis na sumalo sa kanya. Mainit, matatag, at amoy mamahaling pabango. Pag-angat ng ulo niya ay n
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: CHAPTER FOURNang makaalis na si Riza, agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kenneth. Mula sa ngiti, naging seryoso ang mukha niya, parang may switch na na-turn off. Ilang sandali pa, sinulyapan niya ang direksyong tinahak ni Riza, saka niya sinenyasan ang driver na kanina’y muntik na niyang mapagalitan. Agad itong lumapit at pinarada ang mamahaling SUV sa harapan ni Kenneth.“Sir, pasensya na po. Akala ko—”“Next time,” malamig niyang putol, “Kapag kasama ko ang babaeng iyon, wag kang lalapit. Huwag kang tatawag ng sir, huwag mo akong titignan, huwag kang magpapakita. Maliwanag ba?”Tumango agad ang driver, pawis na pawis sa takot “Opo, Sir Kenneth.”Sumakay na siya sa likurang upuan. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang assistant niyang si Leo, ang pinakamatapat at pinakakabado niyang empleyado.“Leo, maghanap ka ng simpleng bahay sa area na ito,” malamig niyang utos. “Gusto ko ‘yung pang-mekaniko lang, maliit, pero malinis. Sabihin mong rush.”“Sir? Simpleng bahay po? Sino ang titira?”
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: CHAPTER THREE“Ha?“Let’s make a deal. Magpanggap kang girlfriend ko for a while.”“Ano?! Bakit ako?”“Dahil nakita kong magaling kang umarte. Lalo na sa halikan. Ang lola ko ay wala ng ginawa kundi i set up ako kung kani-kaninong babae. Kung malalaman niya na may gf na ako, titigilan na niya ako.”Namula si Riza. “H-hindi naman ako—”“Fake lang ‘to. Contractt girlfriend kita. At wag kang mag-alala, hindi ako mayaman. Kaya hindi ko kaialangan ng sosyal na babae.”“Okay,” sabi ni Riza, medyo nakahinga ng maluwag. “Ayoko sa mga mayayabang na mayaman.”Ngumiti si Kenneth. Kung alam mo lang, sabi ng isip niya. At sa likod ng ngiting iyon, unti-unti na niyang naisip: Maybe this “six-hundred-peso girlfriend” could be worth more than he expected.______"Pasensya na ha." sabi ni Riza habang naglalakad sila ni Kenneth. “Dito na lang tayo kumain. Wala akong budget para sa fancy restaurant mo."Tumingin si Kenneth sa karatula sa harap ng maliit na karinderya: "Aling Bebang’s Karinderya – Sulit sa Sarap!"Nap
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: CHAPTER TWO“Bestie! Buksan mo ‘tong pinto bago ako magka-pneumonia!” Sigaw ni Riza habang kumakatok sa pintuan ng maliit nilang apartment.Basang-basa siya mula ulo hanggang paa, parang naligo sa kanal at sabay tinapon sa baha.Pagbukas ni Nerissa, agad nitong natigilan.“Girl... anong nangyari? Nilunod ka ba ng ex mo sa drama n’yong teleserye?”Napasinghap si Riza. “Mas masahol pa! Nahuli ko silang dalawa ni Tanya sa kama!”“WHAT?!” sabay hawak ni Nerissa sa dibdib. “As in, literal na kama?!”“Hindi nga ako makapaniwala, bestie. Akala ko scene lang sa mga pelikula ‘yung mahuhuli mo ang boyfriend mo na may iba — pero hindi pala! Live show, bestie, live show!” Umupo siya sa sofa, tumutulo pa ang tubig mula sa buhok.“Eh bakit ka basang sisiw?” tanong ni Nerissa habang pinupunasan ng tuwalya ang basa niyang ulo.“Habang naglalakad ako, pinagtatawanan ata ako ng tadhana. May convoy ng mamahaling sasakyan — siguro pagmamay-ari ng kung sinong mayaman, tapos tinalsikan ako ng tubig! Wala man lang sorry
Last Updated: 2025-11-11
Chapter: CHAPTER ONESimple lang si Riza — nakaipit sa likod ang buhok, may lumang headband, at tanging ngiti lang ang kayamanang hindi niya kailangang bilhin. Sa murang edad, siya na ang tumayong haligi’t ilaw ng tahanan. Dahil matapos mamatay ng kanyang ina, siya na lang at ang kanyang Tatay Mario ang naiwan. Ngunit simula nang dumating si Veronica, ang bagong asawa ng kanyang ama, naging parang ulila uli si Riza. Kung ano ang meron siya, madalas ay si Tanya — anak ni Veronica ang nakikinabang.“Babe, bayaran mo na muna yung kuryente ha? Naputulan na naman ako eh…”Malambing na mensahe ni Nikko, ang boyfriend niyang tatlong taon na niyang sinusuportahan — emotionally at financially. “ Sige na love. Ibibigay ko mamaya pag sweldo ko.”Naiiling siyang napakamot ng ulo dahil alam ni Riza, hindi naman ito nagtatrabaho si Nikko. Sa totoo lang, mas madalas itong nasa gym kaysa sa trabaho. At kahit alam niyang babaero ito, pinipili pa rin niyang maniwala.“Baka magbago naman siya,” bulong niya sa sarili.______
Last Updated: 2025-11-11

MAKING MR. HEARTLESS FALL
She’s loud. He’s cold.
She believes in happy endings. He doesn’t believe in love at all.
Sa mundo ng luxury, deadlines, at perfection, siya ang lalaking hindi marunong ngumiti. Cesar Araneta, 35, CEO ng Luxe Life Magazine, gwapo, matalino, at mayaman — pero kilalang pusong bato. Para sa kanya, ang feelings ay sagabal, at ang pag-ibig ay walang lugar sa success story niya.
Hanggang dumating si Gabriela “Gavine” Gutierrez, isang Gen Z aspiring writer na kasing ingay ng alarm clock at kasing saya ng kape sa umaga. Masayahin, palpak minsan, pero may tapang at puso.Hindi siya intimidated sa suplado niyang boss sa katunayan, crush pa nga niya ito simula pa college!
Ngunit isang viral post ang gugulo sa tahimik na buhay ni Cesar. Ang “Heartless but Handsome Boss” article ni Gavine ay magpapainit hindi lang ng internet, kundi pati ng opisina ng Luxe Life.
But when her “Heartless but Handsome” post goes viral, their worlds collide in the most chaotic, hilarious, and unexpectedly romantic way.
Pero paano nga ba magtatagpo ang dalawang magkaibang mundo?
Siya, mayaman, sikat, at sanay na lahat sumusunod. At siya, simpleng dalaga lang walang pangalan sa lipunan, pero may pusong kayang umintindi kahit sa pinaka-malamig na tao.
“You called me heartless.”
Can a cheerful nobody melts the heart of a man who thinks love is overrated?
Maybe love isn’t overrated after all — maybe it just needed the right kind of disaster to begin.
Read
Chapter: CHAPTER 8Monday morning. Tahimik ang opisina ng Luxe Life. Mas tahimik kaysa dati — kasi wala si Gavine.“Sir, si Gavine po—absent daw today,” sabi ni Zoila. “May sakit po yata.”“Sakit?” kunot-noong tanong ni Cesar, pilit ipinapakitang wala lang. “Or maybe she just couldn’t handle criticism.”Pero kahit anong gawin niyang pagpapanggap, hindi siya mapalagay. Hindi siya sanay sa katahimikan. Hindi siya sanay na walang ingay ni Gavine — ‘yong bungisngis, ‘yong mga corny jokes, ‘yong pagka-makulit sa opisina.Pag-uwi niya ng hapon, hindi na siya nakatiis. Inopen niya ang HR file at kinuha ang address nito. Calamba City. Pagkatapos ng isang oras sa biyahe, huminto ang sasakyan niya sa tapat ng isang maliit pero maaliwalas na bahay — kulay mint green, may mga paso ng halaman, at may mga mga batang nagtatawanan sa loob.Lumabas siya ng kotse, medyo kabado.Hindi niya alam kung anong sasabihin, pero dala niya ang isang maliit na paper bag ng mga prutas — awkward pero sincere.Kumatok siya. Pagbukas ng
Last Updated: 2025-11-14
Chapter: CHAPTER 7“Gavine!” halos pasigaw na tawag ni Zoila habang tumatakbo papunta sa desk niya."You need to see this!”“What?” naguguluhan si Gavine, hawak pa ang kape niya.Sinabayan siya ni Miggy, hawak ang cellphone.“Girl… viral na kayo ni Sir!”“Ha?!” muntik na niyang mabitawan ang kape.“Ano’ng kami ni Sir?!”“‘Yong photo shoot kahapon! Someone from the studio leaked one of the test shots!”Binuksan nila ang link. At ayun nga — isang litrato na mukhang straight out of a movie poster. Si Cesar, nakasalo kay Gavine habang halos magdikit ang labi nila.Ang caption: “When professionalism meets passion — Luxe Life’s power duo?”At sa comments section? Puro , “Sana all jowa ang boss,” at “Cold boss, warm moment!”Gavine’s face turned crimson. “Oh no. No, no, no!”Bago pa siya makagalaw, bumukas ang pinto ng opisina. Si Cesar at galit na galit ito. The kind of calm anger na mas nakakatakot kaysa sigaw.“Gavine Gutierrez,” malamig niyang sambit, tinig na parang yelo sa tanghali. “Inside. My office!
Last Updated: 2025-11-12
Chapter: CHAPTER 6“WHAT?!” halos sabay-sabay na sigaw ng buong editorial team nang ihayag ni Zoila ang proposal.“Yes!” sagot nito, proud pa. “Ang next cover natin ay si… Mr. Cesar Araneta himself!”Tila gumuho ang mundo ni Gavine. Ang suplado kong boss ang cover?Si Miggy, halatang tuwang-tuwa. “Perfect! Viral na nga si Sir, why not make it official?”Amanda giggled. “Imagine—‘THE HEARTLESS BOSS: The Man Behind the Viral Post.’ I can already see the likes flooding in!”Ngunit bago pa sila makapag-high five, bumukas ang glass door. At ayun na nga — ang bida ng araw.Tall. Serious. Suplado. Cesar Araneta, in full gray suit, looking like sin in corporate form.“Who approved this?” malamig ang boses ni Cesar, pero sapat para mag-freeze ang buong opisina.Tahimik. Walang kumikibo. Hanggang sa si Gavine na ang sumalo ng bomba. “Sir… it’s just a proposal. But it’s actually a good idea. People are curious about you—”“Curious?” tumaas ang kilay nito. “You mean they’re mocking at me.”Gavine took a deep breath
Last Updated: 2025-11-12
Chapter: CHAPTER 5Tahimik sa opisina kinabukasan.Halos walang gustong mag-ingay, baka marinig ulit ni Cesar Araneta, ang kilalang “Heartless Boss” na viral pa rin hanggang ngayon.Si Gavine, bagama’t halatang puyat at puffy-eyed, ay nakangiti pa rin. Parang walang nangyari kagabi kahit buong mundo alam na kung sino ang sumulat ng “Heartless but Handsome” post.Habang nagkakape sina Zoila, Joshua, Miggy, Amanda, at Nicolas sa pantry, pinag-uusapan nila ang kabayanihan—o kabaliwan—ni Gavine.“Girl, seryoso ka ba talaga? Bakit ka pa rin bumabalik dito? Kung ako ‘yon, nag-resign na ako kahapon!” pabulong na sabi ni Zoila. “Oo nga, tinawag ka nang delusional ni boss sa harap ng buong staff. Ako siguro, naglaho na sa timeline.” Singit ni Joshua.“Pero admit it, she’s brave. I mean, she made Luxe Life viral!” natutuwang sabi ni Miggy“Viral nga, pero muntik nang maging funeral ng karera niya.” Natatawa ni Nicolas.Tawanan silang lahat.Tahimik lang si Gavine habang nakikinig. Kalmado, pero may bahagyang lun
Last Updated: 2025-11-12
Chapter: CHAPTER 4Kinabukasan, parang nasa sementeryo sa Luxe Life Magazine. Walang matapang na kayang bumati kay Cesar Araneta — ang CEO na trending kagabi bilang “#HeartlessButHandsomeBoss.”Ang post ni Gavine, na akala niya ay simpleng joke, ay nagmistulang atomic bomb sa opisina.Sa conference room, tahimik ang buong team,lahat halos nakayuko, para bang nasa funeral ng kanilang mga karera.Pumasok si Cesar, suot ang itim na suit at mukhang kalmado. May hawak siyang tablet — at nakabukas ang viral post.Ang title: “10 Signs Your Boss Might Be Handsome but Heartless.”By: Anonymous InternMalamig ang boses ni Cesar. “Anonymous?” Tumingin siya kay Gavine. “I wonder who that could be.”Tahimik.Ang tunog lang sa kwarto ay ang tik-tak ng relo at ang kabog ng dibdib ni Gavine.“Sir…” mahina niyang sabi, “it wasn’t meant to insult you. It was supposed to be funny—relatable lang po sa mga Gen Z readers.”“Funny?” ulit ni Cesar, malamig. “You think it’s funny to publicly humiliate your own boss? To make
Last Updated: 2025-11-12
Chapter: CHAPTER 3Ikalawang araw pa lang niya sa Luxe Life magazine — pero parang isang taon na agad ang stress. Ang boss niyang si Cesar Araneta ay consistent: gwapo pero grabe kung mag-panic attack ang buong department tuwing may meeting.Habang naglalakad siya sa hallway, sinalubong siya ng mga kasama niya sa editorial team.“Morning, team!” sigaw ni Gavine, dala-dala ang kape at energy ng 10 motivational quotes.Sa table ni Zoila, may tissue, kape, at stress ball. Si Zoila, ang art director, laging overworked. Laging naka-ponytail, laging may eyebags. “Gavine, please tell me you brought donuts. I’ve been awake for thirty six hours fixing layouts!”“Wala akong donuts, pero may yakap ako—virtual nga lang.”Sa kabilang mesa, si Joshua, ang senior writer, mukhang may trauma sa pagtaas ng boses ni Cesar. “I had a dream na nagalit sa font si Sir Cesar. Paggising ko… totoo pala.”“Tara, Joshua,” sabi ni Gavine. “I’ll protect you with my charm. Kung sisigawan ka ni Sir, magti-TikTok ako para doon mabalin
Last Updated: 2025-11-12