author-banner
Wilson Peredo
Author

Novel-novel oleh Wilson Peredo

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Baca
Chapter: KABANATA 4: MGA PAGHIHIRAP NI AMARRA
Unang sinag pa lang ng araw ay abala na itong si Amarra sa pagwawalis sa malawak na veranda. Tagaktak na ang kanyang pawis at bahagya niyang pinupunasan ng bimpo ang kanyang leeg at noo. Sa gitna ng kanyang pagpupunas sa sarili, napansin niyang may nakamasid mula sa ikalawang palapag. Isang binatang may hawak ng cellphone, nakapang-amerikana, may ngiti ng palihim. Tila ba katatapos lang din kuhanan ng picture si Amarra ng palihim. Naconcious si Amarra ngunit di siya nagpatinag, tinuloy lang niya ang kanyang gawain. Sa isip ni Amarra ngayon palang niya nakita ang binatang iyon. “Siya na marahil ang nag-iisang anak ni Doña Consuelo.” dagdag sabi ni Amarra sa kanyang isipan. Bago pa man ibuka ni Amarra ang kanyang bibig upang magtanong kay Marites, agad na niyang sinagot ang nasa isipan ni Amarra.“Siya ang kaisa-isang anak ni Doña Consuelo,” bulong ni Marites na nasa tabi. “Siya si Senyorito Claudio Benedicto Arguelles. Mag-ingat ka dyan, Amarra. Huwag kang mahuhulog sa kagwapuhan, ka
Terakhir Diperbarui: 2025-11-12
Chapter: KABANATA 3: SI DOÑA CONSUELO
Matapos ang unang pagharap nina Amarra at Andeng sa Doña ng Hacienda Avaristo, tila napansin ni Tiyang Rosa ang naging takbo ng usapan.“Amarra, humanda ka. Sapagkat sa inyong dalawa ni Andeng, sa’yo mas napukaw ang atensyon ni Doña Consuelo.”“Ano po? bakit ako?” napatanong ako ng may gulat sa aking mga mata.“Anong sinabi ko tungkol sa pagtatanong? Sundin mo na lang ang pinag-uutos ni Doña Consuelo kung ayaw mong mapahamak ka at mas bumigat ang mga ipagawa sa’yo.” Sa pangyayaring iyon, hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya. Ang mga nasambit kaya ni Doña Consuelo ay isang hamon o isang pagbabanta. Sa unang araw pa lang, nabatid niyang ang Hacienda Avaristo ay hindi lamang lugar ng mga ekta-ektaryang lupain, ito rin pala ay pugad ng mga lihim, poot, hirap at pagtitiis. At nag-umpisa na nga ang araw ng kanyang pagsubok at pagtitiis. Sa gitna ng matinding sikat ng araw, habang kinukusot at pinipiga niya ang mga basang damit ng mga amo, tumingin siya sa malawak na taniman. Ti
Terakhir Diperbarui: 2025-11-12
Chapter: KABANATA 2: ANG MANSYON
Nang makalagpas na ang pick-up truck sa mabigat na gate, pakiramdam ni Amarra’y pumasok siya sa ibang mundo. Ang mundo ng mayayamang puno ng kinang sa labas, ngunit umaalingasaw ang lihim at kasinungalingan sa loob. Napabulong si Andeng kay Amarra. Mangha kasi ito sa karangyaan ng lugar. “Amarra, ito pala ang lugar ng mayayaman. Kay ganda.”“Oo Andeng, ngunit wag kang pakakasilaw dahil ang mga yamang iyong nakikita ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa atin.”Napakunot noo na lamang si Andeng sa sinabi ni Amarra, at matapos ay tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkamangha sa mga nakikita niya. Pagdating sa loob, napanganga sila sa lawak ng bakuran. May malawak na hardin, punong-puno ng mga naggagandahang bulaklak. May napakalaking fountain sa gitna nito. Pero habang ginagala ni Amarra ang kanyang mga mata sa dami ng magagandang bagay na kasalukuyan niyang nakikita, Tila napukaw ang atensyon niya sa isang lalakeng nakapanghardinero na nakatayo sa gitna ng hardin. Makisig, may katangkaran,
Terakhir Diperbarui: 2025-11-12
Chapter: KABANATA 1: ANG NAPIPINTONG KAPALARAN NI AMARRA
Sa probinsya ng Damortis sa Bayan ng Sto. Cristo, matatagpuan ang isang napakalaking hacienda— Ang “Hacienda Avaristo” na pag-aari ni Doña Consuelo Vitalia viuda de Arguelles asawa ng namayapang Gobernador na si Don Fausto Arguelles. Sadyang maimpluwensya Ang mga Arguelles. Sila lang naman ang pinakamakapangyarihan sa Damortis. Ang kanilang pag-aari ay hindi basta-basta. Libo-libo, ekta-ektaryang lupain ang kanilang nasa malaking palad.Sa lupaing ito naninirahan ang isang dalagita na nagngangalang Amarra Villasanta. Morena, katamtaman ang taas, may kurba ang katawan at talaga namang may kakaibang ganda. Sayang nga lang na sa kabila ng kanyang natatagong alindog at ganda ay inaalila lamang siya ng kumupkop sa kanyang si Celing. Si Amarra sampu ng kanyang mga kababata ay sapilitang pinagtatrabaho ng kani-kanilang mga magulang bilang magsasaka sa Hacienda Avaristo.Ni minsan, di nakaranas ng amor si Amarra sa kanyang ina na si Celing. Tila ba sumpa kung ituring ni Celing si Amarra. Nak
Terakhir Diperbarui: 2025-11-12
Anda juga akan menyukai
Married a Secret Billionaire
Married a Secret Billionaire
Romance · Breaking Wave
1.2M Dibaca
Played By Fate
Played By Fate
Romance · Yeiron Jee
1.1M Dibaca
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Romance · Simple Silence
1.1M Dibaca
Just One Night [Tagalog]
Just One Night [Tagalog]
Romance · Mairisian
997.6K Dibaca
MY CEO BOSS IS MY LOVER (SPG)
MY CEO BOSS IS MY LOVER (SPG)
Romance · dyowanabi
972.9K Dibaca
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status