LOGINNagising si Amarra sa malamig na dampi ng hangin sa kanyang pisngi.Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog sa loob ng maliit na kuweba. Ang huli niyang alaala ay ang pag-iyak habang yakap ang sarili, pagod na pagod mula sa pagtakas sa gitna ng ulan. Ang kanyang katawan ay mabigat pa rin, puno ng kirot at pasa.Sinubukan niyang bumangon, ngunit agad siyang napangiwi sa sakit ng kanyang tuhod at balakang. Ramdam niya ang mga sugat sa kanyang palad at paa—mga bakas ng gabing halos kumitil sa kanya.“Anak…” bulong niya habang hinahaplos ang kanyang tiyan. “Kapit lang tayo.”Ngunit bago pa siya tuluyang makatayo, may narinig siyang yabag sa labas ng kuweba.Napatigil siya. Nanlamig ang kanyang dugo. Bumalik sa kanya ang takot—baka natunton na siya ng mga tauhan ni Claudio. Mabilis siyang umurong patungo sa sulok ng kuweba, pilit kinakalma ang sarili. Ngunit ang yabag ay hindi mabigat o marahas. Bagkus, mabagal. Maingat. Isang anino ang lumitaw sa bungad ng kuweba.Isang matand
Unang bumagsak ang patak ng ulan sa kanyang pisngi na parang babala. Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Amarra sa lumang kubo ng kanyang ina ay narinig na niya ang mas malinaw na sigaw ng mga tauhan ni Claudio. Ang mga yabag ay papalapit. Ang mga boses ay nagiging mas marahas.“Hanapin ninyo siya sa likod!”“Hindi siya makakalayo!”Humigpit ang hawak niya sa laylayan ng kanyang damit habang pilit binibilisan ang paglakad patungo sa masukal na bahagi ng kagubatan. Hindi pa siya maaaring tumakbo nang todo. Kailangan niyang mag-ingat. Kailangan niyang protektahan ang batang dinadala niya.Ngunit nang muling marinig ang pagkabali ng mga sanga sa likod niya—isang malinaw na senyales na malapit na ang humahabol—napilitan siyang tumakbo. Lumakas ang ulan. Sa loob lamang ng ilang minuto, ang mahinang ambon ay naging buhos na parang ibinuhos ng langit ang lahat ng galit nito sa mundo. Nabasa ang kanyang buhok, dumikit sa kanyang mukha. Ang kanyang damit ay kumapit sa kanyang katawan, mabigat
Mabigat ang bawat hakbang ni Amarra habang tinatahak niya ang daang pabalik sa kanyang dating tahanan—ang maliit at halos gumuguhong kubo. Ilang buwan na rin mula nang huli siyang tumira roon. Ilang taon ng sakit, pag-aapi, at pagtitiis ang nakalipas. Ngunit gaano man kalayo ang marating ng tao, may mga lugar talagang bumabalik at bumabalik sa kanya—lalo na kung doon nagsimula ang lahat ng sugat.Tahimik ang paligid. Ang mga puno ay tila nakayuko sa bigat ng hangin. Ang bubong ng kubo ay mas luma na, ang dingding ay may bitak, at ang pinto ay bahagyang nakabukas na parang naghihintay. Huminga nang malalim si Amarra bago tuluyang pumasok. Sa loob ay may amoy ng gamot at lumang kahoy. At sa sulok ng silid—nakahiga sa lumang kama na yari sa kawayan—ang babaeng minsang naging bangungot ng kanyang kabataan. Ang kanyang ina. Payat. Halos buto’t balat. Ang dating matalim na mga mata ay lumubog na. Ang balat ay nanilaw at tila manipis na lamang na kumakapit sa mga buto. Ang malakas at matapan
Hindi natapos sa pagpapaalis ang galit ni Claudio. Sa loob ng kanyang silid, mag-isa siyang nakaupo habang ang sugat sa kanyang labi ay bahagyang namamaga pa mula sa suntok ni Julio. Ngunit mas masakit kaysa sa tama sa mukha ang tama sa kanyang pride. Isang hamak na hardinero ang naglakas-loob na tumayo laban sa kanya—sa harap ng kanyang ina, ng kanyang magiging asawa, at ng buong Hacienda. At mas masakit pa roon—pinili ni Amarra na banggitin ang kanyang pangalan. Pinili niyang ipahiya siya.“Hindi maaaring manatiling buhay ang mga lihim,” malamig niyang bulong sa sarili.Lumapit siya sa mesa kunuha ang kanyang cellphone at tinawag ang dalawa niyang pinagkakatiwalaang tauhan—mga lalaking sanay sa tahimik na utos at maruruming gawain.“Hanapin ninyo sila,” mahinahon ngunit mabigat ang kanyang tinig. “Ayokong makarating pa sa bayan ang mga kasinungalingang iyon.”“Paano po kung lumaban?” tanong ng isa.Saglit na natahimik si Claudio.“Huwag pakasiguro. Tawagan mo ang mga ibang tauhan, b
Nagmistulang hukuman ang bulwagan ng Hacienda Avaristo kinabukasan. Mabigat ang hangin, puno ng bulungan ng mga kasambahay at mga katiwala na lihim na nagmamasid sa kung ano ang kahihinatnan ng iskandalong bumalot sa pamilya Arguelles. Nakatayo sa gitna si Amarra—maputla, nakayuko, ngunit hindi na nanginginig. Sa kabila ng mga matang mapanghusga, may kakaibang tibay na sa kanyang tindig. Sa kanyang sinapupunan ay may buhay, at iyon ang tanging lakas na kanyang pinanghahawakan. Sa mataas na silya, nakaupo si Doña Consuelo—mukhang marmol ang mukha, malamig, walang bahid ng awa.“Wala kang lugar sa Hacienda na ito,” mariing wika ng Doña. “Hindi ako magpapalaki ng batang bunga ng kahihiyan.”“Hindi po ito kahihiyan,” mahina ngunit malinaw na sagot ni Amarra. “Ito po ay bata.”“Bastardo!” singit ni Vanessa, na tila sabik makitang durugin ang dalaga.Saglit na tumingin si Claudio kay Amarra. Hindi na siya makatingin nang diretso. May gumuguhit na tensyon sa kanyang panga—isang lihim na siya
Maagang nagising ang Hacienda Avaristo sa tunog ng mga kaluskos at utos ng mga panginoon. Ngunit sa loob ng lumang kusina, may isang katahimikan na tila mas mabigat kaysa sa karaniwang umaga. Si Amarra, maputla at nanghihina, ay pilit na naggugulay habang umiikot ang kanyang paningin. Ilang araw na siyang nahihilo, madalas sumasakit ang tiyan, at may kakaibang kirot na hindi niya maipaliwanag—isang lihim na unti-unting sumisibol sa kanyang sinapupunan.“Amarra, ano’ng nangyayari sa’yo?” tanong ni Tyang Rosa nang makita siyang mapaupo at kumapit sa mesa.“Ayos lang po ako,” mahinang sagot niya, kahit ang pawis ay namumuo sa kanyang noo.Ngunit hindi lingid sa mata ng mga tao sa Hacienda ang kanyang pagbabago. Ang dating masigla at tahimik na dalaga ay naging lalong tahimik, at ang kanyang katawan ay tila may tinatagong hiwaga.Isang umaga, habang naglilinis siya sa may hardin, bigla siyang napaupo sa lupa dahil sa matinding hilo. Nakita iyon ni Vanessa, na noo’y naglalakad habang may h

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





