author-banner
Ara San miguel
Author

Novels by Ara San miguel

CARRYING THE TRIPLETS  OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

CARRYING THE TRIPLETS OF MY BILLIONAIRE EX-HUSBAND

Sa loob ng tatlong taon na sila ay kasal, ni minsan ay hindi pa naramdaman ni Cristina na may asawa siya sa kanyang tabi. Una palang ay alam niya ng hindi siya mahal ni Nigel dahil may mahal itong iba at napilitan lamang ito na pakasalan siya dahil sa isang kasunduan ng pamilyang Montefalco sa ama ni Cristina. Ngunit may hangganan ang mga bagay na hindi pinapahalagahan. Nang malaman ni Cristina na napaparty si Nigel kasama ang pinakamamahal nitong babae na si Millicent habang siya ay mag-isang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang ina. Doon niya naisipang hiwalayan na ang asawa at lumayo kasama ang ipinagbubuntis niya. Makalipas ang limang taong pagtatago ay tadhana na ang gumagawa ng paraan upang mag-cross ulit ang kanilang mga landas. Paano kung hindi niya na kaya pang itago ang tungkol sa triplets na isinilang niya mula kay Nigel. Paano siya at ang mga triplets na sisingit sa buhay ni Nigel gayong kasal na ito sa ibang babae. Ilalaban ba ni Cristina ang kanyang mga anak pati na rin ang kanyang puso or she will run away again with her children?
Read
Chapter: Kabanata 5
Agad na pumunta roon ang mga tao sa kanyang likuran at doon lamang na-realize ni Ara na wala na siyang kawala pa sa mga ito. Habang nakahiga sa sahig ay tinakpad niya ang kanyang mukha gamit ang matataba niyang mga kamay. Dahan dahan namang humakbang si Nigel at sandali niya munang tinignan ang paslit na nakahiga sa malamig na sahig. Yumuko siya sa harapan nito at tuluyan nang binuhat ang bata babae. Kitang kita ni Nigel kung paano takpan ng bata ang kanyang mga mata na para bang hindi niya ito nakikita sa kanyang harapan. What an award winning actress, bulong nito sa sarili. “I see you. Huwag mo nang takpan ang mga mata mo.” Agad namang naisip ni Ara ang kanyang kinahinatnan. Magaling naman siyang maglaro ng tagu taguan kasama ang mga kuya niya ngunit sa pagkakataong iyon ay hindi siya swinerte. Iwinagayway niya ang kanyang mga kamay ngunit dahil buhat siya sa ere ni NIgel ay hindi niya maigalaw ang mga ito. Sinubukan niya na rin gumalaw gala ngunit hindi pa rin siya makababa.
Last Updated: 2025-12-10
Chapter: Kabanata 4
Nangangamba si Cristina na baka makilala na nila nang tuluyan kapag tumagal pa siya roon. Huminga siya nang malalim at hindi pa rin nila ito makukuha sa kahit anong presyo. “I’m priceless.” Iyon lamang ang kanyang isinagot at tuluyan nang nilisan ang silid. Nakasalubong niya si Nigel na nasa harapan lamang ng pinto. Hindi na pinilit pa ni Nigel ang auctioneer at hinayaan niya itong makaalis nang matiwasay. Ngunit nang maamoy niya ang pabango nito ay kaagad siyang may naisip. Tila ba napaka-pamilyar ng amoy na iyon ngunit hindi niya na matandaan kung saan niya na unang naamoy iyon.Napansin din ni Nigel na may kakaibgang ugali ang auctioneer na katulad ng dati niyang asawa. Mukhang tahimik at kalamadong tao si Cristina ngunit matatag ang damdamin nito at hindi umaasa sa ibang tao. Hindi rin ito nag-bibigay ng pangalawang pagkakataon o kahit man lang idaaan sa masinsinang usapan ang lahat. Kaya naman ay bigla na namang pumasok sa kanyang isipan ang dating asawa. Naging malamlam ang
Last Updated: 2025-12-10
Chapter: Kabanata 3
Umiling-uling na nakatingin si Nathan sa kambal niyang si Nicolas kabang minamasahe nito ang kanyang noo. “Lagi kang sinasabihan ni mama na mag-aral kang mag-basa ng mga libro at bawasan ang paglalaro mo ng computer. Pero hindi ka sumunod at naglaro na naman, right? You spellings are wrong. Two words are mispelled.” Pangangaral ni Nathan sa kapatid. “Huwag mo na kasing pansinin ang spelling.” Natatawang sagot naman ni Nicolas. Nang matapos niya ang sinuslat ay gumuhit siya ng aso sa tabi ng sinulat. “Haha. Aso si dad.” Hagikgik nito. Gusto nilang ipagkalat sa mga tao kung gaano kasamang tao si Nigel kaya naman ganun ang kanilang ginawa sa kotse nito. Sa loob ng limang taon ay hindi man nila nakita ang ama, lagi nilang naririnig ang pangalan nito kahit saan. Lagi rin nila itong napapanood sa tv at pumupunta sa iba’t-ibang events at paiba iba ang mga babaeng kasama nito. Kaya naman ay kaagad nilang nakilala si Nigel nang makita nila ito sa personal at hindi na sila nagpaligoyligoy
Last Updated: 2025-12-10
Chapter: Kabanata 2
Limang taon ang nakalipas.North Valley auction house.Napupuno ng mga sikat na artista ang isang napakalaking venue hall. Agaw tingin sa mimsong auction event ang tindig ng auctioneer nito. Nakasuot siya ng puting Chinese collar dress at nakatali paitaas ang itim nitong buhok. Nakabalot ng veil ang kanyang mukha kaya napaka-impossible na makita ang features ng mukha nito. Elegante at tipid ang mga galaw nito. Magaling siya at kalmado sa pagbibigay ng impormasyon sa bawat auction item na nakalatag sa isang stand. Fluent siya sa pagsasalita ng Ingles na kanyang ginagamit sa tuwing bidding. Kaya naman ay sabki ang mga manonood na mag-bid kapag siya na ang auctioneer.Sa gitna ng mga manonood at may pares ng mga mata ang nakabantay sa kanya at may hawak itong gavel na hudyat na siya ang may control sa auctioneer. “Siya ba ang auctioneer na gustong makita ni lolo?” Tanong ni Nigel. Nakapwesto ito sa second floor ng hall at inilibot ang paningin sa buong lugar. “Siya nga po sir.” At ma
Last Updated: 2025-12-10
Chapter: Kabanata 1
Suot ang puting bestida tanda ng kanyang pagdadalamhati ay nanatiling nakatayo si Cristina sa harapan kung saan matatagpuan ang kabaong ng kanyang ina. Nagmistulang ilaw ang mga kandila na nasa harapan niya at nag-rereplika ang liwanag ng mga ito sa mestiza niyang mukha. “Yna, hindi pa rin ba dumarating si Nigel? Mag-uumpisa na ang libing ng nanay mo.” Nakayuko niyang tinignan ang cellphone na malapit nang ma-lowbat. Hindi pa rin sinasagot ni Nigel ang mga tawag niya.Sa loob ng pitong araw na lamay ng kanyang ina ay hindi kailanman iniwan ni Cristina ang burol nito kahit pa ay pitong buwan na siyang buntis. Ngunit si Nigel na tatlong taon niya ng asawa ay hindi pa rin ito nagpapakita sa lamay kahit isang beses pa lamang. Lagi namang umiintindi si Cristina sa nature ng trabaho ni Nigel dahil talagang busy lang ito sa trabaho, at iyon lamang ang lagi niyang pang-kumbinsi sa sarili. “Hindi po makakapunta si Nigel. Marami siyang ginagawa.” May bakas pa ng mga luha sa kanyang pisngi
Last Updated: 2025-12-10
You may also like
Married a Secret Billionaire
Married a Secret Billionaire
Romance · Breaking Wave
1.2M views
Played By Fate
Played By Fate
Romance · Yeiron Jee
1.1M views
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Nang Namulat Ang Kanyang Mata
Romance · Simple Silence
1.1M views
Win Me Back, My CEO Husband!
Win Me Back, My CEO Husband!
Romance · Glazed Snow
1.1M views
Just One Night [Tagalog]
Just One Night [Tagalog]
Romance · Mairisian
1.0M views
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status