Planning His Wedding

Planning His Wedding

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-09-01
Oleh:  Kara NobelaBaru saja diperbarui
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
56 Peringkat. 56 Ulasan-ulasan
256Bab
86.2KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Muling nagtagpo ang landas ng dating magkasintahan na sina Ella at Miguel. Sa pagkakataong ito, wedding planner si Ella. Samantalang si Miguel naman ay kanyang kliyente at ikakasal na sa fiancee nito. Kakayanin ba ni Ella na siya mismo ang mag-asikaso ng kasal ng dating kasintahan - ang lalaking nagawa niyang iwan 4 years ago dahil sa sobrang pagmamahal niya dito.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Ella POV

“Okay ka na ba? Gusto mo ipagdrive na lang kita?” alok ko kay Macy, kaibigan at boss ko sa trabaho. Umiling ito habang may pag-aalala pa rin sa kanyang mukha.

“Okay lang best, kaya ko pa namang magdrive. Basta ikaw nang bahalang sa bagong clients natin ha. Ikaw na rin ang magpaliwanag kung bakit hindi ako makakarating.” anito.

Katatanggap lang kasi ni Macy ng tawag na isinugod sa hospital ang ina. Kaya naman kailangan na nitong umalis agad kahit may imi-meet pa sana itong bagong clients.

“Relax ka lang, ako nang bahala. Puntahan mo na si tita.” pagbibigay ko ng assurance sa kanya.

“Thank you bestie!” anito na mukhang nakahinga nang maluwag at nagmamadaling umalis.

“Mag-ingat ka sa pagda-drive.” pahabol kong bilin sa kanya.

Hindi na bago sa amin ang mga ganitong eksena na ipapasa ang trabaho sa isa’t isa kapag may mga emergency na kagaya ngayon. Assistant wedding coordinator ako sa ahensya na pag-aari ni Macy, ang BRIDES. Kapag mga bigating kliyente ay siya ang humahawak ng mga projects dahil bukod sa siya ang may ari, ay siya rin ang Senior wedding coordinator ng kumpanya. Kaya naman alam kong hindi basta basta ang proyektong iniwan niya sa akin ngayon.

Initial consultation lang naman ito at kukunin ko lang ang mga important information ng mga kliyente. Bibigyan ko sila ng konting briefing tungkol sa primary needs and goals para sa kasal at konting introduction tungkol sa services na ino-offer namin.

Yun lang naman ang gagawin ko ngayon then sa susunod ay si Macy na ang bahalang magkipag-usap sa kanila para naman sa discovery meeting upang pag-usapan ang client’s wishes, styles at budget para sa dream wedding nila.

Agad na rin akong umalis ng opisina upang tagpuin na ang clients ni Macy sa isang restaurant. Company car ang kotseng ginamit ko para makarating sa meeting place. Fifteen minutes earlier nang dumating ako.

Sofia Bautista ang pangalan ng bride-to-be. Bukod dun ay wala na akong iba pang info tungkol sa kanya dahil nga biglaan ang pakikipagkita ko sa kanila. Mas marami pa naman akong makukuhang info tungkol sa mga ito after kong ibigay ang consultation packet dahil nasa loob nito ang Client Questionnaire.

Maya maya pa ay nakita ko nang papalapit ang isang magandang babae. Nakatingin siya sa akin kaya nasisiguro kong si Ms. Sofia na nga ito. Nang makalapit ito ay masaya siyang ngumiti sa akin. Para siyang anghel, ang amo kanyang mukha. Agad akong tumayo at nagpakilala sa kanya.

“Hi, I’m Ms. Ella Chavez, assistant wedding coordinator of BRIDES.” may pagkaprofessional kong pagbati sabay abot ng aking kamay.

“I’m Sofia Bautista. Pasensya na, medyo na-late ako.” tugon nito at kinamayan ako.

Nagulat ako sa tono ng kanyang pagsasalita. Ang bait naman ng babaeng ito. Ineexpect kong may pagka-snob siya dahil nabanggit sa akin ni Macy na CEO ng isang malaking kumpanya ang mapapangasawa nito kaya naman inihanda ko na ang aking sarili na isang sosyalera ang makakaharap ko, pero ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay simple lang kumilos pero mukhang elegante.

Nang maka-upo kami ay agad akong humingi ng dispensa tungkol sa hindi pagsipot ni Macy. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari. Naunawaan niya at mukhang hindi naman ito big deal para sa kanya.

“Ms. Bautista, gusto kong magpasalamat sa pagtitiwala nyo sa BRIDES para mag-asikaso ng wedding nyo.” pasasalamat ko sa magandang babaeng kaharap ko ngayon.

“Kaibigan ng mga in-laws ko ang nagrecommend sa company nyo. Magaganda ang sinasabi nila tungkol sa service nyo kaya kampante akong magiging maayos din ang kasal namin ng finance ko." tugon naman nito sa mababang tono.

Unang tingin pa lang ay halatang may kaya sa buhay si Ms. Sofia dahil sa mamahalin ang mga suot at bag nitong dala. Mukha rin siyang mabait hindi kagaya ng ibang mayayaman na naging kliyente namin dati. Sa tingin ko ay hindi mahihirapan si Macy sa isang ito. Ganitong mga kliyente ang gustong gusto namin. Yung mukhang madaling kausap at higit sa lahat ay mukhang galante.

“I am happy to hear that you have received positive feedback about our company, and rest assured that we are fully committed to meeting your expectations.” confident kong tugon sa magagandang salitang binitiwan niya.

Tumunog ang cellphone ni Ms. Sofia. Humingi muna ito nang paumanhin sa akin upang sagutin ang tawag. Ilang saglit din itong tahimik na nakipag-usap sa kabilang linya. Nang matapos ang phonecall ay hinarap niya akong muli ng may ngiti sa labi.

“Nasa parking lot na ang fiance ko, He'll be here shortly." anito sa malumanay na boses.

“Okay.” nakangiti kong sagot.

Mas maganda na pareho silang narito. Nakakatuwa rin na pareho nilang binibigyan ang oras ang pagpaplano ng kanilang kasal. Magandang senyales na maganda ang relasyon nang magkasintahan. Habang hinihintay namin ang fiance nito ay kinuha ko sa bag ang Consultation packet para sabay ko nang ipakita sa kanilang dalawa. Hindi ko namalayang nakalapit na pala ang mapapangasawa niya.

“Ms. Chavez... “ ani Ms. Sofia.

Itiniklop ko ang folder at saka tumingala para humarap sa kanila. Muntik ko nang mabitawan ang hawak ko nang makilala ang lalaking nakatayo sa aking harapan. Nagsalubong ang aming mga paningin.

"Ms. Chavez, I'd like you to meet my fiancé, Miguel dela Vega." ani Ms. Sofia.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas para tumayo kahit nanlalambot ang aking mga tuhod. Para bang may maliliit na martilyo sa loob ng aking dibdib na paulit-ulit na ipinupukpok sa aking puso. Nanlalamig ang aking buong katawan lalo na ang aking mga palad na ngayon ay unti-unti nang pinagpapawisan.

“Nice meeting you Ms. Chavez.” wika nang baritonong boses ng lalaki.

Parang huminto ang takbo ng oras nang magtagpo ang aming mga mata. Hindi ko sukat akalain na sa lahat ng oras at pagkakataon ay dito ko pa siya muling makikita pagkalipas ng mahabang panahon.

Napadako ang aking tingin sa kamay na inilahad ng lalaking kaharap ko ngayon, ang lalaking sobra kong minahal, at dahil na rin sa pagmamahal na yun kaya wala akong nagawa kundi ang pakawalan at iwan siya tatlong taon na ang nakakaraan. Siya rin ang lalaking nagbitaw sa akin ng mga salitang....

“Kapag lumabas ka sa pintuang yan, hinding hindi mo na ako makikita kahit kailan!”
Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(56)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
56 Peringkat · 56 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
Analyn Bermudez
congratulations Ms Kara !!isa na naman kwento na naisulat mo tlga ng ang ganda at grabeh super sulit ung puyat kakaantay ng update haha..Ayuko pa sana mag end kaso tlga ng ganun kailangan tlga mag end DHIL meron kapa kwento na nakapila..aabangan ko ung susunod sana si Mike naman gagawan mo ng story
2025-09-01 07:44:19
0
user avatar
Analyn Bermudez
sana mapag isipan mo pa Ms Kara ung suggestion ko at magawan mo pa ng paraan at madugtungan itong story Nina Macy at Enzo please please...sna bago mag ending makilala din ni Macy tatay niya kahit pa sabihin natin May sarili na siya pamilya iba parin ung makilala niya kahit hindi sila magkakasama..
2025-08-30 11:20:43
0
user avatar
Analyn Bermudez
Ms Kara wag naman ending agad agad..sad naman kung ending mo na agad..Ela man lang happy moment ng diwa ska kung maari sna gusto rin na makilala din ni Macy ung tatay niya na iniwan siya para lang sa ibang babae...syempre hindi naman buo ung pagkatao ni Macy kung hindi man lang makilala ama niya
2025-08-30 11:18:17
0
user avatar
Analyn Bermudez
sana okay lang si Enzo at sna din mahuli na step mom ni Enzo Ms Kara...sana wag muna mag end agad please Ms Kara....
2025-08-28 07:09:17
0
user avatar
Adah Dino
gnda ng story nkktuwang basahin
2025-08-26 22:14:22
0
user avatar
Analyn Bermudez
yung excited ka malaman kung ano pa mga susunod na mangyayari dahil Nalaman na ni Enzo...sad dahil kung kailan okay na sana..kaso ,,,saka nman na bumitaw si Macy...ang babae hindi basta basta yan bibitaw...pero pag nasaktan na ng todo kusa yan bumibitaw at mahirap ng suyuin..kaya Enzo wag ka bibitaw
2025-08-19 05:19:46
0
user avatar
Analyn Bermudez
naku naku Enzo!! ito ung sinsabi ko sa Yo na pag nagkalaman ska ka magigising at iiyak nlang at kahit anong pagsisisi mo mahihirapan ka paamuin si Macy ..abay kung ako si Macy eh tlga naman aabot ako iwanan kna tlga noh... thanks Ms Kara sa update tlga naman nadala na NMN kami mga readers mo
2025-08-18 05:00:02
0
user avatar
Analyn Bermudez
sinabi ko ayaw ko muna magbukas Ms Kara,kaso di nakatiis nagbukas din..pic ni Enzo magkakaalaman na..sad DHIL sumabay na na naaksidente si Macy..waiting po next update mo...nawa'y saksispol operasyon ni hubby Ms Kara at gumaling agad..
2025-08-13 04:49:49
0
user avatar
Analyn Bermudez
Ms Kara magbubukas sana ako eh..kaso pic PLA ni Enzo Ayuko pa buksan kay Macy ako magbubukas...waahh sana lang okay si Macy sna ung lalake mahuli pow...
2025-08-12 04:38:45
0
user avatar
emiluvs
Salamat sa napakagandang love story nina Ella at Miguel. Ang galing mo talaga miss Kara lahat Ng stories mo super duper ganda . Excited na ko para Kay Macy at Enzo. Sana meron ding Sophia at Xandro. abangan ko Yung paghihiganti ni Ella Kay Xandro..
2025-08-11 11:00:27
0
user avatar
Analyn Bermudez
Ms Kara baka pwede maaga ka mag update mmya haha atat na kami malaman saan pupunta si Macy kung aalis naba siya sa condo ni Enzo or uuwi lang siya papalipas ng sama ng loob ?? kawawa naman si buntis wahh
2025-08-10 19:21:01
0
user avatar
chalk83
yong na-hooked ako sa story ni Ella, akala ko hanggang doon lang pero nang dumating si Book 2 (macy and enzo) ay ang ganda rin, npaka exciting!
2025-07-29 14:08:12
1
user avatar
Kara Nobela
Kabanata 138 po ang simula ng Book2.
2025-07-07 11:02:55
6
user avatar
Kara Nobela
Ongoing na po ang Book2... karugtong lang po ng story nina Miguel at Ella.
2025-07-02 00:53:43
5
user avatar
Abegail
On going po ba to pero may final chapter naman na po
2025-06-14 07:01:57
2
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
256 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status