LOGINPinakiramdaman muna ni Nigel ang ekspresyon ng bata at nakita niya na nagsasabi naman ito ng totoo. Naisip niya rin na hindi niya pwedeng basta na lamang iwanan ang bata lalo pa at wala siyang kasama sa airport. "Kean, please paki-background check ang bata bago ko i-contact ang magulang niya para ibalik siya sa kanila." Utos niya. "Ara, I'll bring you to my home okay? Kailangan nating palitan ang damit mo. Pagkatapos kang magpalit, tatawagan ko ang mommy mo para kunin ka, is that clear?" Nanlaki naman ang mga mata ni Ara nang makita niyang naglalakad sina Nicolas at Nathan at sigurado siyang hinahanap na siya ng mga ito dahil tumagal na siya sa cr. "Nakuha ni bad daddy si Ara!" Kinakabahang saad ni Nicolas kay Nathan dahil nakita nila si Nigel at Ara sa may malapit lang. Wala silang ideya kung bakita nakuha na ni Nigel ang kanilang kapatid. Kaagad namang inutusan ni Nigel si Kean na kontakin na ang mga magulang ni Ara. Nang matapos niyang ihabilin ang lahat ay binuhat niya na an
Mabilis na pinanlakihan ng mga mata ni Cristina ang kanyang anak at nang maintindihan naman iyon ni Nicolas ay nagtago ulit ito sa ilalim ng kama. "Nandoon na sila sa helipad." Mabilis namang sumingit si Ara sa gitna nila Nathan at Nicolas at salitan siyang napabaling sa mga ito. "Ano na pong gagawin natin? Sinabihan na tayo ni mama na kina titia Amie tayo uuwi. Pero sundan natin siya. Baka saktan siya ni bad papa at ng bad girlfriend niya." Nagsalubong naman ang mga mata nila Nicolas at Nathan. "Sundan na lang kaya natin si mama sa city para mabilis natin siyang maitakas? Pero dapat hindi niya malaman ang gagawin natin." Bulong ni Nicolas."Pupunta din ako." Presenta ni Ara at makikita ang excitement sa kanyang mga mata at tinignan ang kuya Nathan niya na tahimik lang sa gilid na para bang kumukuha siya ng ideya rito. "It's dangerous. You plan has many loopholes." Sita niya sa dalawa."Nicolas, it's nothing. Papayag din si kuya Nathan." "Pero bago ang lahat. Hihingi muna tayo ng
"What are you trying to say in this picture?" "Sir Nigel, ang mga batang 'yan ang mga hacker." "These three kids?" At nagsalubong ang makakapal na kilay ni Nigel dahil sa gulat.Sa picture na ipinakita ni Kean ay may tatlong bata na nakatalikod mula sa camera. May suot ang mga ito ng tag-iisang bakcpack."Yes sir Nigel. As of now sila ang nakita namin sa video ng maretrieve ang footage kaya sila ang prime suspect natin. Base sa tracker nasa building lang ng hotel na ito ang loaction ng mga hackers. Possible po na katabi nating floor o nasa mismong floor natin." Report ni Kean. Napahimalos ng mukha si Nigel dahil hindi matanggap ang resulta ng imbestigasyon lalo pa at bata ang mga nakita sa footage. May hinala siya na ang target ng mga ito ay kasama lang nila sa floor ng building. Hindi niya rin maisip kung ano ang pakay ng mga ito."Hindi pa sila nakakaalis ng building kung ganon. Hanapin niyo sila para ma-interrogate natin isa-isa." Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Nigel haba
Parang tuod na nanigas si Cristina ng marinig niya si Nigel na bigla na lang nagsalita. Agad na bumaling ang kanyangn mga mata rito at napatitig siya kay Nigel. Tuliro ang kanyang isip at nauutal-utal niya itong kinausap. "Kailan ka pa rito? Nigel...andito ka pala." "What are you doing there?" Mariing tanong ni Nigel dahil kakaiba ang kilos ni Cristina. Nakaluhod ito sa may bandang paanan ng kanyang kama at parang may sinisilip na kung ano roon. Sinong normal na tao ang sisilip sa ilalim ng kama gayong wala naman ilaw? Tila ba ay may inaabot ito sa ilalim at iyon ang nasa isip ni Nigel. Doon lamang naisip ni Cristina kung gaano nga ka-werdo ang kanyang postura kaya naman ay mabilis siyang tumayo at hinarap si Nigel. "Tinitignan ko lang yong cellphone ko, nahulog ko kasi kanina nong nawalan ng ilaw." Ngunit imbes na sagutin siya ay malamig lamang ang mga titig sa kanya ni Nigel at parang tinatantya kung nagsasabi nga ba ito ng totoo. "At kailangan bang kasama pati ang mukha mo sa p
Hindi nakagalaw si Cristina sa kanyang kinatatayuan ay may pagkabigla pa rin sa kanyang mukha. Hindi ba siya nagkamali lang ng narinig sa sagot ni Nigel?Nang makita naman ni Nigel ang naguguluhang ekspresyon ni Cristina ay lihim siyang napangisi rito. "Aatras ka na ba?" Wala namang balak si Cristina na sakyan pa ang gusto ni Nigel kaya hinid na lamang siya kumibo rito, baka ay gagawa lang siya ng sariling bitag na ikakapahamak niya pa. Sa huli ay naiwan si Nigel sa presidential suite upang doon magpalipas ng gabi samantalang namili lamang ng isang simpleng kwarto si Cristina upang dooon mamahinga sa gabing iyon. Mabilis siyang naglakad papasok roon at kaagad na ni-lock ang pinto. Nan makapasok na si Cristina sa loob ng kwarto ay parang baliw na ngumingising mag-isa si Nigel dahil natatawa siya sa kapilyuhang ginawa nito kanina. Alam din ni Nigel na hindi na rin kakagat si Cristina sa hamon niya, gusto niya lang itong subukan. Samantala, si Milli ay naroon lamang sa gilid na para
"Tita Sarah, baka ano na po ang nangyari kay mama." Pangungulit ni Winter at nag-umpisa ng magtubig ang kanyang mga mata nag-babadya na ito ay paiyak na. Agad naman siyang nilapitan ni Sarah at niyakap ito. "Ara, stop worrying, okay? Nakausap lang natin ang mama mo kanina, she's safe with your papa. Makakauwi rin ang mama mo. So dito muna kayo pansamantala saakin ng mga kuya mo. Behave, okay?" "Pero po paano si mama....""Ara, makinig ka kay tita, okay? Dito muna kayo saakin at kailangan natin pakinggan si Cristina. Mag-aalala ang mom niyo sa inyo, gusto niyo ba siyango laging nag-iisip sa kaligtasan niyo?" "Ayaw ko pong nagkakaproblema saamin si mama." "Alright. kaya makinig ka saakin, okay?"Kahit naiiyak na si Ara ay pinipigilan niya ito at tumingin sa mga kuya niya bago kay Sarah. "Yes, tita. Behave lang po ako." "Kami din po tita, makikinig po kami sainyo." Singit naman ni Nathan kahit labag sa kalooban niya ang pagbaba ng kanyang bag. Nang makausap ng maayos ni Sarah ang







