Chapter: Chapter 5[5]Malamig ang hangin ng madaling-araw, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nanginginig ang buong katawan ko."Ma! Mama, gumising ka! Huminga ka nang malalim, Ma!"Habol-habol ang hininga ni Mama habang nakahawak siya sa dibdib niya. Ang kanyang mukha ay namumutla at pinagpapawisan. Pakiramdam ko ay hihinto rin ang puso ko sa takot habang nakikita ko siyang nahihirapan."Mommy... what's happening to Lola?" iyak ni Liovie sa gilid"Lio, stay with your lola. Sandali lang!"Hindi na ako nag-isip. Lumabas ako ng bahay na suot lang ang tsinelas at mabilis na kumatok sa kabilang bahay. Mabuti nalang ay mabilis na nagising si Mang Kaloy. Sa tulong niya, naisakay namin si Mama sa tricycle. Bawat liko, bawat lubak, bawat tunog ng makina ng tricycle ay tila binibilang ang natitirang oras ni Mama.Pagdating sa emergency room ng Malvaran Community Hospital, agad na sinalubong kami ng mga nurse. Isinakay si Mama sa stretcher at mabilis na ipinasok sa loob."Dito na lang po muna kayo, Ma'am." p
Última actualización: 2026-02-02
Chapter: Chapter 4[4]Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng school gate, halos kaladkarin ko na si Liovie sa pagmamadali. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang lumayo. Kailangan naming lumayo. Kailangan kong ilayo ang anak ko sa presensya ng lalaking iyon bago pa tuluyang gumuho ang pader na limang taon kong binuo."Mommy, slow down! My legs are tired!" reklamo ni Liovie, hinihingal habang pilit na sumasabay sa akin.Napatigil ako at napabuntong-hininga. "Sorry, baby. Sorry. Uuwi na tayo, okay? Pagod lang si Mommy."Binuhat ko siya kahit medyo mabigat na siya para sa akin. Gusto ko lang talagang makauwi sa bahay ni Mama, kung saan ligtas kami, kung saan walang Lionel na titingin sa akin na tila may hinahanap na bahagi ng nakaraan niya."Miss Montiel!"Halos tumalon ang puso ko sa lalamunan ko nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi ako lumingon. Alam ko kung sino iyon. Kahit hindi ko siya makita, ang bawat pagtawag niya sakin ang nagiging dahilan ng pagnginginig ng kamay ko.Narinig ko an
Última actualización: 2026-02-02
Chapter: Chapter 3[3]Napabuntong hininga ako matapos ko mahugasan ang huling pinggan at inilagay iyon sa dish rack. "Mama, nainom niyo na po ba ang gamot niyo?" tanong ko kay Mama"Katatapos ko lang. Medyo maigi na nga pakiramdam ko nitong nakaraang araw. Siguro nakabuti sakin na nandito kayo ni Liovie." wika niya bago siya naupo muli sa kaniyang tumba-tumbaSasagot na sana ako sakaniya kaso biglang tumunog ang phone ko na nakasuksok sa bulsa ko.Unknown number ang tumatawag pero sinagot ko naman ito."Hello, is this Emilia Savine Montiel? Mother of Savanna Liovie Montiel?" tanong sakin ng tao sa kabilang linya"Yes po? Ano pong meron?""Nasa disciplinary office po ngayon si Savanna Liovie. Gusto po kayo makausap ng principal." sambit nitoNapakunot naman ang noo ko. Disciplinary office?! "Ano pong nangyari?! Bakit nasa disciplinary si Liovie?" tanong ko ulit"Mas mabuti po kung pupunta kayo dito para mas maexplain namin ng maayos."Yun lang ang sinabi niya bago nito ibinababa ang tawag.Wala pang d
Última actualización: 2026-02-02
Chapter: Chapter 2[2]Five years. Limang taon na ang lumipas simula noong huli akong tumapak sa bayang ‘to.Pero habang nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na papalapit sa familiar na arko ng Malvaran, parang kahapon lang ang lahat. Same trees, same air. Same pain na pilit kong kinalimutan pero ngayon ay bumabalik na muli."Mommy, is this Lola's place?" tanong ni Liovie habang hawak-hawak ang sketchpad niya. May ginuguhit na naman siya, bata pa lang, lagi nang may hawak na lapis.Nilipad ng hangin ang mahabang buhok ni Liovie, everything about her face looks just like me except for her eyes, she got it from Lionel."Oo, anak." sagot ko, pinilit ngumiti."We're home."Hinawakan ko ang kamay ni Liovie. Bago kami pumasok sa loob ay tinanggal ko muna ang suot na kwintas ni Liovie. The half-heart pendant necklace. Kailangan ko munang itago 'to.Iniuwi ko si Liovie hindi dahil handa na akong harapin ang nakaraan. Ginawa ko 'to para kay Mama. Lalo nang lumalala ang sakit niya. Kahit anong pilit ko sakaniya
Última actualización: 2026-02-02
Chapter: Chapter 1[1]Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa dalawang malinaw na guhit.Positive.Napahawak ako sa tiyan ko, habang ang kabilang kamay ay nakatakip sa bibig ko, hindi ko mapigil ang hikbing pilit kong kinikimkim.May anak kami.Mabilis akong lumabas ng banyo, dala pa rin ang pregnancy test. Nasa kusina si Lionel, maingat na naghuhugas ng pinggan. Hawak ko pa ang nanginginig kong kamay habang lumapit ako sa kanya at marahang hinawakan ang braso niya.Napalingon siya agad, nakakunot ang noo."Elvi? You're shaking. May nangyari ba?" tanong niya, mahinahon pero halatang may bahid ng pag-aalala.Pinunasan ko ang luha ko bago sumagot."W-wala. Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Sabi ko sayo, umupo ka na lang.""Hayaan mo na ako." nakangiti niyang tugon. "Eto na nga lang ang kaya kong maitulong sayo."Lionel is blind. He lost his sight due to an accident.Tumalikod siya at dahan-dahang kinapa ang mukha ko. Nang matagpuan niya ang pisngi ko, marahan niya itong kinurot."Your face is puffy. Kaya a
Última actualización: 2026-02-02