
Paid to Say I Do
Ang kuwento ay umiikot sa isang simpleng babae na nagtatrabaho bilang warehouse helper sa isang kumpanya. Tahimik ang kanyang buhay hanggang sa biglang magkasakit ang kanyang ina at mangailangan ng agarang operasyon. Dahil kapos sa pera, napilitan siyang maghanap ng dagdag na pagkakakitaan. Labag man sa kalooban niya ay pumasok siya bilang Escort sa isang bar.
Dito niya nakilala ang isang lalaki, handa siyang tulungan nito kapalit na kailangan niya rin itong tulungan dahil kailangan ng lalaki na may babaeng ipapakilala sa magulang niya bilang fiancee. Dahil kailangan daw munang maikasal ng lalake bago nito makuha ang mana mula sa magulang niya.
Laking gulat ng pamilya ng lalaki nang malaman nila kung sino ang babaeng napiling pakasalan ng kanilang anak. Nadiskubre nilang ang babae ay biological daughter ng kanilang matagal nang karibal sa negosyo. Nalaman nilang pinaampon ang babae noong bata pa siya upang maitago ang kanyang tunay na identity at mailayo sa magulong mundo ng kapangyarihan at yaman.
Nakita ng pamilya ng lalaki ang pagkakataon na gamitin ang babae laban sa kanilang karibal sa negosyo. Pinlano nilang ituloy ang kasal bilang bahagi ng kanilang corporate strategy, para mapabagsak ang pamilya ng babae.
Habang tumatagal, ang dating kontrata ay nauwi sa tunay na pagmamahalan. Dalawang araw bago ang kasal, nalaman ng babae ang kanyang tunay na identity. Iniisip niya kung itutuloy pa ba ang kasal sa kabila ng kasinungalingan, o talikuran ang lahat upang protektahan ang sarili niya.
Nang malaman ng lalaki ang tunay na plano ng kanyang mga magulang, tumutol siya rito. Handa siyang talikuran ang mana at labanan ang sariling pamilya para sa babaeng minahal niya. Sa gitna ng corporate rivalry, family politics, at personal betrayal, kailangang magdesisyon ang dalawa kung ang kanilang pagmamahalan ay sapat upang lampasan ang mga lihim at interes na bumabalot sa kanilang relasyon.
Read
Chapter: Chapter 163Tiffany’s POVHindi ako lumingon.Ayokong marinig pa ang kahit anong lalabas sa bibig niya.Ayokong makita pa ang mukha ng taong buong buhay ko hindi naman pala talaga naging parte ng buhay ko.Isang hakbang. Dalawa.Malapit na ako sa pinto.“Hindi mo ba siya sasabihan?”Boses ni Isabella.Huminto ang paa ko.Hindi dahil gusto kong makinig kundi dahil may kakaiba sa tono niya.Hindi galit. Hindi malamig.Kundi parang… nagmamadali.Dahan-dahan akong lumingon.“Nga ano?” tanong ko.Tahimik siya sandali.Nakatingin lang sa’kin mula sa hagdan.Pero bago pa siya makasagotBiglang may kumalabog sa labas.Isang malakas na yabag.Sunod pa.At sa isang iglapBumukas ang pintuan.Hindi isa. Hindi dalawa.Kundi sunod-sunod.Mga lalaking naka-itim.Armadong lahat.Mabilis ang galaw.Diretso sa loob.Napaatras ako nang kusa.Reflex.Pero hindi ako natakot.Kasi sa paraan pa lang ng pagkilos nila alam ko na agad kung kanino sila.Kay Isabella.Tahimik ang buong bahay.Walang sumigaw.Walang gumal
Last Updated: 2026-05-06
Chapter: Chapter 162Tiffany’s POVHindi na ako nagtanong kung saan kami pupunta.Hindi ko na kailangan.Ramdam ko na.Sa bigat ng hangin.Sa tahimik ni Javier.Sa paraan ng paghawak niya sa manibela—mahigpit, kontrolado, pero halatang may iniisip.Huminto ang sasakyan.Isang lumang bahay.Hindi engrande.Pero hindi rin basta-basta.Tahimik.Parang matagal nang walang nakatira pero may nagbabantay.“Dito,” sabi ni Javier.Hindi tanong.Hindi suggestion.Desisyon.Bumaba ako.Hindi ako nag-atubili.Kung ito na ‘yon tatapusin ko na.Pagpasok namin, sumalubong ang amoy ng lumang kahoy at alikabok.Pero may isa pang amoy.Pamilyar.Hindi ko maipaliwanag.Parang nakilala ko na dati.“Stay behind me,” bulong ni Javier.Hindi ako sumunod.Lumampas ako sa kanya.“Hindi na,” sagot ko.“Hindi na ako magtatago.”Hindi na siya kumontra.Hinayaan niya ako.At ilang hakbang pa may bumungad.Isang lalaki.Nakatayo sa gitna ng sala.Parang kanina pa naghihintay.Hindi na siya bata.Pero hindi rin mahina.Maayos ang postu
Last Updated: 2026-05-05
Chapter: Chapter 161Tiffany’s POV Hindi dahil hindi ko maintindihan.Kundi dahil… masyado kong naiintindihan.Matagal ko nang alam na iba ang ama ko.Hindi siya yung pangalan na ginamit ko buong buhay ko.Alam ko na ‘yon.Matagal na.Pero—“Anak… ng iisang lalaki.”Doon ako tinamaan.Doon ako napahinto.Hindi sa katotohanang may iba akong ama.Kundi sa katotohanang hindi lang pala ako.“Magkapatid kayo.”Parang may biglang bumigat sa dibdib ko.Hindi hangin.Hindi takot.Kundi isang bagay na ayaw kong pangalanan.Napatingin ako kay Javier.Hindi ako humihingi ng sagot.Kasi alam ko narinig niya rin.At pareho kami ng iniisip.Dahan-dahan akong lumingon.Sa lalaking nasa sahig.“Ulitin mo,” sabi ko.Mahina.Pero buo.Ngumiti siya.Parang hinihintay niya ‘to.“Pareho kayong anak,” sabi niya ulit.Mas malinaw.Mas madiin.“Ng iisang lalaki.”Napahigpit ang kamay ko sa gilid ng damit ko.Hindi ako umiiyak.Hindi ako sisigaw.Pero may kumakalmot sa loob ko.“Si Isabella…” bulong ko.Hindi ko na kailangan tap
Last Updated: 2026-05-04
Chapter: Chapter 160Javier’s POVHindi ako agad nakapagsalita.Yung sinabi niya hindi pumasok agad.Parang tumama… pero hindi pa nagsi-sink in.“Anak ka ng taong sumira sa buhay niya.”Nanlaki ang mga mata ko.Dahan-dahan kong binalik ang tingin sa lalaking hawak ko.Mas humigpit ang kapit ko sa collar niya.“Ano’ng ibig mong sabihin?” mababa kong tanong.Malamig.Kontrolado.Pero sa loob ko gumagalaw na ang lahat.Ngumiti siya.Parang natutuwa pa.Parang hinihintay lang na itanong ko.“Hindi mo pa alam?” sagot niya.Hindi ko na napigilan.Isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa mukha niya.Napaatras siya, napaluhod.Pero hindi siya tumahimik.Hindi pa rin.“Sumagot ka,” madiin kong sabi.Lumapit ako ulit.Hinila siya pataas.“Anong koneksyon nila Isabella kay Cyanne?”Dumura siya ng dugo sa gilid.Tapos tumingin sa’kin diretso.“Pareho silang anak,” sabi niya.Isang segundo.Dalawa.Hindi ako gumalaw.“Anak… ng iisang lalaki.”Parang may sumabog sa ulo ko.Napaatras ako ng kalahating hakbang.Hind
Last Updated: 2026-05-02
Chapter: Chapter 159Tahimik ang kwarto pero hindi kalmado.Ramdam ko sa hangin pa lang.May nagmamadali.May paparating.Hindi na ito yung katahimikan ng pahinga.Kundi yung katahimikan bago may mangyari.Nakabihis na ako.Simpleng damit lang, pero bawat galaw ko may kirot. Hindi pa rin okay ang katawan ko pero wala na akong pakialam.Mas masakit yung nawala.At hindi na ako papayag na may sumunod pa.Sa gilid ng kama, maingat kong inilalagay ang ilang gamit sa bag.Kaunti lang.Yung kailangan lang.Wala nang luho.Wala nang arte.Survival na lang.Narinig ko ang pag-click ng pinto.Pumasok si Javier.Diretso ang lakad.Walang salita.Pero kita ko agad handa na siya.“Malapit na,” sabi niya, mababa ang boses.Tumango lang ako.Hindi na kailangan ng mahabang usapan.Pareho na naming alam.Lumapit siya sa’kin at kinuha ang bag.“Ako na,” sabi niya.Hinayaan ko.Pero hindi ako tumigil.Tiningnan ko ang paligid ng kwarto parang sinisigurado ko kung may naiwan ba akong mahalaga.Pero ang totoo wala naman na.
Last Updated: 2026-05-02
Chapter: Chapter 158Javier’s POVHindi pa rin ako kumakalma.Kahit ilang minuto na akong nakatayo sa hallway, nakatitig lang sa kawalan hindi pa rin bumababa yung galit.Mas lalo pa nga.Parang mas lumalala habang tumatagal.Biglang nag-vibrate ang phone ko.Isang mensahe.Unknown number.Nanikip agad ang dibdib ko.Hindi na ako nag-atubili.Binuksan ko.“Masakit mawalan, ‘no?”Nanlaki ang mga mata ko.Sumunod agad ang isa pang mensahe.“Ngayon alam mo na pakiramdam.”Napahigpit ang hawak ko sa phone.Isabella.Wala nang ibang gagawa nito.“Pero huwag kang mag-alala…” “Simula pa lang ‘yan.”“Damn it…” madiin kong bulong.Tumawag ako agad.Hindi na nag-ring.Sinagot agad.“Hello, My husband.”Malamig.Kalma.Parang wala lang.Parang hindi siya ang dahilan kung bakit may nawalan ng buhay.“Nasaan ka?” diretso kong tanong.Walang emosyon.Pero sa loob ko gusto ko siyang durugin.Mahina siyang natawa.“Miss mo na ako agad?”“Stop the game,” putol ko.“Hindi na ito laro.”Tahimik siya sandali.“Para sa’yo si
Last Updated: 2026-04-25