Sabi nila kaakibat ng pagmamahal ang masaktan. Paano naman kung sobra-sobra nang sakit ang nararamdaman mo? Magmamahal ka pa rin ba? ... Si Maria Ingrid Natasha Garcia, o kilala sa tawag na 'Ming' ay head over heels ang pagmamahal sa kanyang boss kahit pa walking freezer ito. At kasing liwanag man ng ilaw na may kasintahan na ito, patuloy niya pa rin itong minamahal. Martir na kung martir. Pero hindi naman mapigilan ni Ming ang patuloy na pagkabaliw ng kanyang puso sa kanyang gwapings na amo. At sa gabi-gabi niyang pagdarasal narindi na ang diyos ng pag-ibig kaya pinagbigyan na ang panalangin nito. Sa wakas! nakuha nito ang atensyon ng kanyang amo. Kaya lang hindi rin pala ito magta-tagal dahil muling magbabalik ang unang babaeng nag-patibok sa puso ng kanyang Boss.
View MoreTatlong buwan na ako sa trabaho ko bilang katulong. Maayos naman kung makitungo ang amo namin at maganda rin ang pasahod nito. Complete benefits pa, galente rin daw itong magbigay ng bonus. Iyon nga lang medyo tagilid kami sa ugali niya.
Naglilinis ako sa sala ng maalala ko iyong pinanood namin kagabi sa F******k ni Linda. Ngumiti ako bago tumikhim at sinimulan kong kantahin ang theme song nito. Kinuha ko pa iyong walis tambo at ginawa ko itong microphone.
"Let it go! Let it go! I can't hold it back anymore. Let it go! Let--" Natigil ako sa pagkanta ng makarinig ako nang pagtikhim sa likuran ko.
"Ehem!"
"Boss Rex," sambit ko habang may hilaw na ngiti sa labi kong nakatingin sa pinakagwapong lalaking nakilala ko. Ganado na naman akong magtrabaho buong araw nito.
" What are you doing?" salubong ang kilay nito. Napakamalig rin ng boses niya.
Sa cold niyang personality kami tagilid. Wala kang makikitang imosyon sa mukha niya. Kahit nga yata papanoorin siya ng comedy poker face pa rin ang mukha niya. Noong una kong dating dito medyo na takot pa ako sakanya dahil akala ko hindi siya satisfied sa trabaho ko. Pero kalaunan nalaman kong emotionless lang talaga siyang tao. Hindi ko nga akalaing may katulad niya sa mundo.
"Naglilinis boss," sagot ko saka inangat pa ang walis tambo at basahang pang punasa ko sa mamahaling vase at lamesa dito sa sala.
"I know I'm not stupid."
Bakit po naging ganito ka cold ang boss ko Lord?
Nakaka turn off ang pagiging cold niya. Pero syempre joke lang iyon. Kasing lamig man siya ng freezer, hindi pa rin magbabago ang feelings ko sa kanya. Oo, may gusto ako kay Rex, kahit na alam kong suntok sa pader na mapapansin niya ako.
"Sabi ko nga po boss." Ngumiti pa ako ng bahagya pero tinalikuran na niya ako at naglakad na ito patungo sa kusina. Suplado! Pasalamat siya kamukhang-kamukha niya si Lee Soo Hyuk. Kung sakaling maging kamukha niya si hulk, nakoh! hinding-hindi ko siya pagpapantasyahan gabi-gabi.
Nag simula ulit akong maglinis at sinabayan ko ulit ng pagkanta.
" Let it go! Let it go! I'm one with the wind and sky! Let--"
Hindi ko na naman natapos ang kanta dahil naramdaman kong may tao sa likuran ko. Lilingon sana ako para tingnan kung sino ito. Pero naramdaman ko ang mainit na hininga sa tenga ko.
"Do you wanna build a--baby?"
Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig sa puno ng tenga ko ang malalim na boses ni Rex. Halos maging kasing init ng kalderong nakasalang sa kalan naman ang mukha ko. Hindi pa ito na kuntento hinipan pa nito ang nakalantad kong leeg.
Nang maramdaman kung wala na ito sa likuran ko, dahan-dahan akong lumingon. Ang palayong likod nito ang nakita ko.
Napasukan siguro ng alikabok ang utak ko kaya nasabi ko ang mga salitang... "Owww, sure boss, saan tayo mag build ng baby?" Agaran ko ring tinakpan ang bibig ko ng mapagtanto ang sinabi ko. Pero huli na para bawiin ko pa iyon.
Tumigil ito sa paglalakad.
Nang lumingon ito siya namang karipas ko nang takbo palabas ng bahay. Mahirap ng mawalan ng trabaho. Maliban sa hindi ako makakaipon para mabawi ang pagkakasanla ng lupa namin. Hindi ko na rin makikita ang gwapo niyang mukha sa araw-araw. Kung bakit naman kasi salita ako nang salita ng hindi iniisip ang kalalabasan nito.
***
"Ming." Napatalon ako sa gulat ng bigla nalang sumulpot si Aling Loleng sa tabi ko.
"Aling Loleng naman! papatayin ninyo ako sa gulat," sinabi ko habang sapo ang dibdib ko.
Mag-i-isang oras na rin siguro akong nasa labas ng bahay. Natatakot kasi akong bumalik sa loob baka hinihintay niya ako para sabihing tanggal na ako sa trabaho. Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon.
"Bakit nandito ka? Hindi naman ang pagdidilig ang trabaho mo." Kinuha nito ang host na hawak ko.
" E, kasi Aling Loleng.."
"Halah! Pumasok ka sa loob at kanina kapa hinihintay ni Sir doon. Bilisan mo," bahagya pa niya akong itinulak.
Jusko! Ito naba ang katapusan ng mga pantasya at pangarap ko. Bawat hakbang ko palapit sa bahay ay kasing bigat ng bakal ang mga paa ko. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako sa pintuan ng bahay. Bakit ba hindi naging America to Manila ang layo ng pintuan sa akin ngayon?!
"Lord! Ayoko pong mawalan ng trabaho."
Pagtapak na pagtapak ko palang sa pintuan ng bahay nakita ko na agad si Rex. Nakaupo ito sa sofa habang nag babasa ng libro.
Minsan hinihiling ko na sana ako na lang ang librong hawak niya para sa akin lang ang atensyon niya. Napaka-gwapo niya talaga! dumagdag sa pagiging hot niya sa paningin ko ang suot niyang eyeglasses.
"Lord hindi ko na ba makikita ang ganitong tanawin tuwing sasapit ang linggo," bulong ko habang nakatitig sa future husband ko.
Naramdaman siguro nito ang paninitig ko sa kanya kaya dahan-dahan itong lumingon sa akin. Nags-slow mo naman sa paningin ko ang paglingon niya sa akin. Araw-araw akong nakakakita ng anghel sa tuwing masisilayan ko ang napaka-gwapo niyang mukha. Nakakabingi naman ang malakas na tibok ng puso ko habang nakatingin ito sa akin. Kahit walang emosyon ang mga mata niya iba pa rin ang hatid naligaya ng mga iyon sa puso ko.
"B-boss," utal na sabi ko. Dahan-dahan akong lumapit. Hindi naman ito gumalaw sa kinauupuan niya. Iyong mga mata lang niya ang nakasunod ng tingin sa akin.
Sa pantasya ko kapag ganitong palapit ako sa kanya. Napakatamis ng ngiti nito habang nakalahad ang kamay niya at hinihintay niyang hawakan ko iyon. Pero sabi ko nga sa pantasya ko lang iyon, dahil ngayon habang palapit ako sa kanya may posibilidad na mawalan ako ng trabaho dahil sa katangahan ko.
"Go upstairs," malamig na sabi niya nang makalapit ako.
"P-po bakit ?"
Katulong ka lang Ming! Wala kang karapatang magtanong! Singhal ng bahagi ng utak kong matino.
"Go to my room and wait me there."Matapos niyang mag-salita tumayo na ito at iniwan niya akong naguguluhan.
Lord, Ito naba ang sagot sa mga pantasya ko?! Madidiligan na rin sa wakas ang tuyot kong bulaklak.
Nangingiti ako habang paakyat sa hagdan patungo sa kwarto niya. Kung anu-ano na ring pumapasok sa utak ko kaya hindi na ako nag aksaya pa ng oras.
Halos takbuhin ko ang pag-akyat ng hagdanan makarating lang ng mabilis sa kwarto nito. Pagpasok ko palang sa kwarto niya nanuot sa ilong ko ang amoy nito dahilan para lalo lang akong matakam sa kanya. Amoy niya palang iyan pero iba na ang epekto sa akin. Paano pa kaya kung katawan na niya ang nakadikit sa akin habang nasa ibabaw ko siya.
Ahhhh! Masisiraan siguro ako ng ulo.
Sinapo ko ang magkabilang pisngi ko dahil nag-iinit ito. Para rin akong bulateng na budburan ng asin dahil namimilipit ako sa kilig.
Ilang sandali pa bumukas na ang pinto at pumasok si Rex. Wala na ang salamin nito kaya malinaw ko nang nakikita ang dark brown nitong mga mata. Tumitig ito sa akin ng ilang segundo bago ito naglakad palapit sa kinatatayuan ko. This is it! Handa na ba ako?! Pero kung si Rex naman ang pagsusukuan ko ng bataan lagi akong magiging handa. Sa wakas! ito na ang katuparan ng pantasya ko.
Ilang araw pa ang lumipas at sa mga araw na nagdaan napansin ko ang pag-iiba ng pakikitungo ni Boss Rex. Noong una inisip kong kaya hindi ito gaanong nagsusungit sa akin ay dahil alam niyang may kasalanan siya sa pagkaka-sugat ng paa ko. Pero sa mga sumunod na araw madalas na itong ngumingiti sa akin kapag nagkaka-salubong kami sa loob ng bahay. Ang isa pang nakakagulat, nagpapasalamat na ito kapag may iuutos o ibibigay siya sa akin, nagtatanong na rin ito kung kumusta ang pagtatrabaho ko sa bahay niya.Kaninang umaga nga pinag-timpla niya pa ako ng kape ng magkasabay kami. Nagulat ako nang sabihin niyang siya na ang magti-timpla. Kaya nga sobra-sobra na ang pagtataka ko ngayon sa mga kinikilos niya."Hindi kaya na appreciate na niya lahat ng efforts mo sa kanya. Kaya na realized niyang mahal ka na rin niya," saad ni Linda.Nasa likod kami ngayon ng bahay at abala sa paglalagay ng lupa sa mga pasong pagtataniman namin ng mga namumulaklak na halaman. Naiwan naman sa kusina si Aling Lol
Nagising ako sa mga pagtawag ni Linda sa akin at pagtapik nito sa pisngi ko. Hindi ko sana ito papansin dahil antok na antok pa ako. Pero hindi lang ito na kuntento sa pag-tapik sa pisngi, niyugyog pa nito ang balikat ko."Linda, halos katutulog ko lang," reklamo ko sa malat na boses at nanatiling pikit ang mga mata ko. "Iyong pasyente mo. Ginagawang gamot ang alak." Nagmulat ako ng mata.Kahit mabigat ang pakiramdam ko mabilis akong bumangon at nagtungo sa kwarto ni Rex. Ni hindi na ako nag-abalang kumatok pa.Naabutan ko itong nakaupo sa sahig ng kwarto at nakaharap sa glass door patungo sa balkonahe. Nakasandal ito sa kama niya at may hawak itong bote ng alak.Nilapitan ko ito at walang imik na kinuha ng bote ng alak sa kamay nito. Nag-angat naman ito ng tingin sa akin at matalim ang mga mata nitong tumitig sa akin."Anong ginagawa mo?!" dahan-dahan itong tumayo pagkatapos niyang mag-salita."Anong ginagawa mo?" balik kong tanong.Magdamag akong gising sa pag-aalaga sa kanya. At h
Kababa lang namin sa Rollercoaster ni Patrick. Gusto ko pang sumakay sa ibang rides pero sa itsura nito ngayon, hindi na kakayanin ng konsensya kung pasakayin pa siya ulit sa iba pang rides.Nakayuko ito habang nakaupo kami sa isang bench dito sa amusement park. Ilang minuto na siyang nasa ganoo'g ayos kaya nakaramdam na ako ng pag-aalala."Pasensya ka na. Sinabi ko naman kasing ako nalang ang sa-sakay," sabi ko, saka marahang tinapik-tapik ang likod nito.Umayos naman ito sa pag kakaupo. Sumadal ito saka i-niling-iling ang ulo bago binaling ang tingin niya sakin. "Ako ang nag-aya sayo kaya hindi pwedeng iwanan kita," nakangiting sabi niya. "Pero kahit na. Alam kung pinilit mo lang ang sarili mong samahan ako," sabi ko."Ayos lang ako kaya huwag ka ng mag-alala. Isa pa, masaya akong kasama ka."Umiwas ako nang tingin sa kanya."Uwi na tayo," aya ko.Tumayo na ako. Sumunod naman ito.Masayang kasama si Patrick at nasisiguro kong hindi ito mahirap mahalin. Nasa kanya rin ang katangian
Linggo ngayon ibig sabihin pahinga kami sa trabaho sa bahay. Pag-ganitong linggo lumalabas ako para magpadala ng pera kay Mamang para may panggastos sila sa bahay. Pagkatapos, bibili na ako ng personal needs ko bago ako bumalik. Minsan magkasama kami ni Linda. Kaya lang napapa-gastos ako kapag kasama ko ito."Lalabas ka ngayon, Ming?" tanong ni Aling Loleng nang magkasalubong kami sa sala ng bahay."Opo, ilang araw na po kasi akong kinukulit ni Patrick na lumabas kaya pinagbigyan ko na," sagot ko. Ilang araw na rin kaming magka-tawagan ni Patrick. Tulad ng sabi niya gabi-gabi ito kung tumawag. Minsan pa'y hindi ko na sinasagot dahil sa pagod at minsan talagang ayoko lang siyang makausap. Alam kung kabastusan iyon. Pero mas mabuti na iyon kesa sagutin ko nga wala din naman akong sasabihin sa kanya. Kapag nag-uusap kasi kami tagapakinig lang ako sa mga kuwento niya."Ganon ba. Anong oras kayo magkikita?" Nakangiting tanong ni Aling Loleng."Mamaya pa pong hapon," agap kong sagot.
Akala ko aalagaan ako ni Rex matapos niya akong iwanan sa kwarto niya. Pero akala ko lang iyon dahil ilang minuto lang ang nakalipas ng umalis siya pumasok si Aling loleng at sinabi nitong lumipat ako sa guest room.Hindi man sinabi ni Aling Loleng, alam kong si Rex ang nag-utos kanyang palipatin ako doon. Iyong kaligayahan ko hindi man lang umabot ng isang oras. Paglipat ko naman sa guest room hinintay ko itong pumunta doon para kumustahin ako. Pero nakatulugan ko na lang ang paghihintay sa kanya. Palagi na lang talaga akong aasa."Sigurado kabang okey na ang pakiramdam mo?" tanong ni Aling loleng nang makita niya ako sa sala at naghahanda na sa paglilinis." Opo, magaling kayong mag alaga ni Linda, e," nakangiting sagot ko."Abah! mahirap ng masi-" "Linisin mo ang barukan." utos ni Aling Loleng kay Linda na nakasimangot namang umalis."Huwag ka muna masyadong magpapagod baka mabinat ka," sabi pa ni Aling loleng bago niya ako iwanan.Kapag nakasanayan na ng katawan mo ang pagtatra
[Board meeting in Toralba Company]"Pwede tayong mag-bahay-bahay para ipakilala ang product natin.""That's a waste of time.""That is what we call effort Mr. Toralba. Kung gusto nating makabenta at kilalanin ang product natin kailangan nating gumawa ng efforts.""So you're saying Mr. Del Fino, na basta na lang tayong kakatok sa bahay ng kung sino para magbenta!""I'm suggesting a way, Mr.Toralba at sa tingin ko walang masama doon. Ginagawa na ngayon iyan ng ibang kumpanya.""Your suggesting it because your doing it. Basta-basta na lang pumapasok sa bahay ng hindi manlang humihingi ng permiso sa may-ari!""For your information, Mr. Toralba. That's my way of effort and it just so happen, na iyong pinaglalaanan ko ng effort na iyon ay nasa bahay mo.""That's trespassing you can be on jail because of that effort your talking about.""Ang hirap kasi sayo, Mr Toralba. Ibang tao ang gumagawa para sayo. Kaya ka iniwan dahil hindi ka marunong mag-effort."***"Hindi pa po bumababa ang lagnat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments