author-banner
Iamgorgeousbela
Iamgorgeousbela
Author

Novels by Iamgorgeousbela

The Billionaire’s Instant Baby

The Billionaire’s Instant Baby

Dating stripper si Demitria “Mia” nang makilala niya si Rule Montclair—isang lalaking hindi niya inaasahang babago sa buhay niya. Isang gabi ang nagdulot ng pagbubuntis niya… at tuluyang pagkawala niya. Dahil sa takot at paniniwalang wala siyang maibibigay na magandang buhay, iniwan niya ang anak sa ama nito at piniling lumayo. Ang hindi niya alam—matagal na siyang hinahanap ni Rule, at hindi rin ito tumigil sa paghahanap sa kanya matapos tanggapin at palakihin ang kanilang anak. Pagkalipas ng limang taon, muli silang pinagtagpo.
อ่าน
Chapter: CHAPTER 67
Wala na akong ibang nagawa nang simulan ng tatlong kasambahay ang paglilipat ng mga gamit ko sa kwarto ni Rule. Ang tanging nagawa ko lamang ay panoorin sila habang panay ang buntong-hininga. Paminsan-minsan ay napapailing pa ako habang pinagmamasdan ang paglabas-masok nila sa silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang desisyon lang mula kay Rule ay tuluyan nang nagbago ang magiging setup naming dalawa.Hindi naman kailangan ito e. Isa pa, iniisip ko ang magiging reaksyon ni Chloe kapag nalaman niya na doon na ako sa kwarto ni Rule matutulog at mas lalo lamang akong natatakot kapag nalaman niya na buntis ako.Ayaw ko ng gulo at mas lalong ayaw kong madamay ang mga anak ko sa sitwasyon namin. Hangga’t maaari ay kailangan kong umiwas sa stress ayon sa doctor ko.Kaya lang ay paano?Kung maya’t maya ko naiisip ang posibleng maging reaksyon ni Chloe.Alam kong magagalit siya sa akin.Kailangan kong kausapin si Rule tungkol sa bagay na ito. Kaya lang baka magmukha nam
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-21
Chapter: CHAPTER 66
Tahimik ang naging biyahe namin ni Rule. Seryoso lamang siyang nakatingin sa dinadaanan namin ngunit pansin na pansin ko ang pagtiim ng kanyang panga. Hindi ko alam kung galit ba siya o disappointed dahil tinago ko sa kanya ang pagbubuntis ko. Hindi rin siya nagsasalita simula nang umalis kami sa clinic. Kahit isang salita ay wala akong narinig mula sa kanya kaya mas lalo lamang akong kinakabahan.Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako kaysa sa ganitong pananahimik. Pakiramdam ko kasi ay napakarami niyang iniisip at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka galit siya. Baka nasaktan siya. O baka naman pareho. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko.Kinagat-kagat ko ang kuko ko habang hindi mapakali sa kinauupuan ko. Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap sa kanya ngunit ni minsan ay hindi niya ako nilingon. Nanatili lamang siyang nakatutok sa daan hanggang sa marating namin ang mansyon.Tahimik siyang lumabas ng sasakyan habang
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-20
Chapter: CHAPTER 65
Nakabalik na si Rule mula sa Italy.At sa pagdaan ng bawat araw ay siya namang paglaki ng tiyan ko. Puro malalaking damit na ang isinusuot ko para hindi iyon mahalata ng mga taong nasa paligid ko. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas at habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nahihirapang sabihin ang bagay na ito kay Rule. Pakiramdam ko ay bawat araw na lumilipas ay lalo lamang bumibigat ang lihim na dala-dala ko.Pero kailangan ko na itong ipaalam sa kanya dahil alam kong malalaman at malalaman din niya ang tungkol dito. Ihahanda ko na lamang ang sarili ko sa maaaring maging reaksyon niya at ng anak ko. Ngunit bago iyon ay kailangan ko munang magtungo ulit sa clinic dahil pinapabalik ako ng doctor ko. Kailangan daw ulit ma-check ang baby para masigurong maayos ang paglaki nito at para mabigyan niya rin ako ng panibagong vitamins na dapat kong inumin.Mabuti na lamang at wala si Rule ngayon dahil may mahalaga raw siyang aasikasuhin sa kanyang kumpanya. Marahil ay mayroon na naman
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-15
Chapter: CHAPTER 64
Kinabukasan ay ganoon pa rin ang naging routine ko. Maaga akong gumising para ipaghanda ng makakain si Aurora. May klase kasi siya ngayon pero dito lang din sa bahay. Hindi ko pa naitatanong kay Rule kung bakit imbis na sa totoong school nag-aaral ang anak namin ay dito lamang sa bahay. Mas maganda kasi kung sa school siya mag-aral dahil bukod sa marami siyang makakasalamuhang estudyante ay magkakaroon pa siya ng maraming kaibigan. Mas matututo siyang makisalamuha sa ibang tao at hindi puro matatanda lamang ang kasama niya sa araw-araw.Susubukan kong kausapin si Rule tungkol dito at kung sakaling hindi siya pumayag ay wala naman akong magagawa dahil siya pa rin naman ang masusunod.Naiintindihan ko naman siya. Masyado siyang protective pagdating sa anak namin. Kaya lang ay hindi naman pwedeng ikulong na lamang si Aurora dito sa mansyon lalo na at nagkakaisip na siya. Kailangan din niyang maranasan ang mga bagay na normal na nararanasan ng mga batang kaedad niya.Hindi ko tuloy maiwas
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-14
Chapter: CHAPTER 63
Tahimik ang buong mansyon, ngunit sa pagkakataong iyon ay tila mas mabigat at mas nakakabingi ang katahimikan. Marahil ay dahil wala si Rule.Nagpaalam siya sa akin kaninang umaga. May business trip daw sila sa Italy at tatlong araw siyang mawawala. Tatlong araw.Hindi ko akalaing ganoon kahirap ang simpleng pagkawala niya.Pakiramdam ko ay daig ko pa ang pinagbagsakan ng langit at lupa. Alam kong siya ang pinaglilihihan ko. Araw-araw ay gusto ko siyang nakikita. Kapag nasa bahay siya, palihim ko siyang sinusulyapan. Minsan habang nagbabasa siya, minsan habang may kausap sa telepono, at kung minsan naman ay habang tahimik lamang siyang nakaupo.Hindi ko alam kung napapansin niya ang mga kakaiba kong kilos. Sa tingin ko ay nagtataka na rin siya sa akin, ngunit wala naman siyang sinasabi.Hindi ko alam kung makakaya kong hindi siya makita sa loob ng tatlong araw.Iyon ngang mawala siya sa paningin ko nang ilang oras ay para na akong maiiyak.Siguro ay hinahanap din siya ng baby na nasa
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-14
Chapter: CHAPTER 62
Mag-aalas dose na at hindi pa ako nakakatulog. Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko ay naiimagine ko na kumakain ako ng lechon. Takam na takam ako at pakiramdam ko ay hindi ako mapapakali kapag hindi ko iyon natikman.Hindi ko naman alam kung saan ako makakahanap noon ng ganitong oras. Tiyak akong sarado na ang mga bilihan at hindi ko din alam kung saan may lechon. Pakiramdam ko nga ay mababaliw ako. Parang gusto ko na lang umiyak pero ang tanging nagawa ko lamang ay lumunok ng sarili kong laway.Nang hindi makatiis ay bumangon ako sa aking kama at tahimik na lumabas ng kwarto.Madilim ang buong mansyon at tanging maliliit na ilaw lamang sa hallway ang nagbibigay liwanag sa daan ko. Dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdanan habang yakap-yakap ang sarili ko.Baka sakaling may makita ako sa kusina na pwedeng pamalit sa lechon.Kahit ano, basta yung may lasa at kasing sarap ng lechon.Nang makarating ako sa kusina ay kaagad kong binuksan ang ref. Hinalughog ko ang laman nito at halo
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-06-14
บางทีคุณอาจจะชอบ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status