공유

CHAPTER 67

last update 게시일: 2026-06-21 22:24:31

Wala na akong ibang nagawa nang simulan ng tatlong kasambahay ang paglilipat ng mga gamit ko sa kwarto ni Rule. Ang tanging nagawa ko lamang ay panoorin sila habang panay ang buntong-hininga. Paminsan-minsan ay napapailing pa ako habang pinagmamasdan ang paglabas-masok nila sa silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang desisyon lang mula kay Rule ay tuluyan nang nagbago ang magiging setup naming dalawa.

Hindi naman kailangan ito e. Isa pa, iniisip ko ang magiging reaksyon
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 70

    Dala-dala ang kanyang suitcase ay maingat akong umakyat ng hagdan patungo sa kanyang kwarto. At nang marating ko iyon ay kaagad akong pumasok at nahiga. Nakaligo na naman ako at nakasuot na din ako ng pantulog ko.Pakiramdam ko ay nawala ang antok na nararamdaman ko kanina dahil gusto ko na lamang hintayin ang pagpasok ni Rule. Mga ilang minuto din siguro ang lumipas nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.Napalingon ako sa kanya at mukhang naligo na din siya sa ibaba. Nakasuot na lamang siya ng sweatpants na kulay abo at wala siyang kahit anong suot sa kanyang pang-itaas. Nakabalandra tuloy ang mga tattoo niya sa kanyang katawan.Nang magsalubong ang mga mata namin ay ako kaagad ang umiwas sa kanyang tingin at pagkatapos ay bigla na lamang dumilim ang paligid dahil pinatay niya ang ilaw. Maya-maya pa ay binuksan niya ang lamp na nasa gilid bago siya nahiga sa tabi ko.Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ang mga bagay na gusto kong pag-usapan naming dalawa.“What’s bothering

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 69

    Maghapon akong lutang dahil sa tanong ni Aurora na hindi ko nasagot. Hindi ko alam kung natuwa siya sa balita ko na magkakaroon na siya ng kapatid dahil mahirap siyang basahin.Parang pilit niya itong ikinukubli sa akin.Sa bagay, naiintindihan ko naman siya. Kailan lang niya nalaman na ako ang ina na nang-iwan sa kanya tapos heto at magkakaroon na kaagad siya ng kapatid kahit na hindi pa ako nakakabawi ng maayos sa kanya.Mas lalo siyang naging tahimik dahil sa pag-uusap naming dalawa. Alam ko iniisip niya kung paano na ang kanyang Mommy Chloe. Mahal niya si Chloe bilang tunay niyang ina at hindi ko iyon kahit kailan maaalis sa kanya. Kaya kailangan naming mag-usap ni Rule kung paano ba namin aayusin ang bagay na ito.Kaya heto, kasalukuyan akong nasa sala at nakaupo sa sofa. Patay na ang mga ilaw dahil nagpapahinga na ang lahat. Nakatulog na din si Aurora dahil medyo late na din.Hindi ko alam kung anong oras makakauwi si Rule at ayaw ko namang magtanong sa kanya. Ginagawa lang nama

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 68

    Balot na balot ako ng comforter pag gising ko. Pakiramdam ko rin ay nakatodo ang aircon dahil sa lamig kaya napasarap ang tulog ko. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko ang alarm clock na nasa gilid ng malaking kama ni Rule.Speaking of Rule…Wala na siya nang magising ako. Marahil ay pumasok na siya sa trabaho. Ni hindi man lang niya ako nagawang gisingin. Tanghali tuloy akong nagising.Nagmamadali akong pumasok sa bathroom upang mag-toothbrush at maligo na rin. Hindi na ako nagbabad nang matagal sa shower dahil iniisip ko si Aurora. Baka hindi pa rin siya nakakakain ng almusal, pero imposible naman na pabayaan siya ng ibang kasambahay. Pero kasi trabaho ko iyon bilang nanny at nanay na rin niya.Nang matapos ay humagilap lamang ako ng damit na maisusuot ko at saka ako bumaba. Hindi ko na rin nagawang magsuklay dahil bukod sa nagmamadali ako ay tinatamad din ako.Bago ako bumaba ay sinilip ko muna ang kwarto ng anak ko pero wala siya doon kaya nagpasya akong magtungo na sa kusin

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 67

    Wala na akong ibang nagawa nang simulan ng tatlong kasambahay ang paglilipat ng mga gamit ko sa kwarto ni Rule. Ang tanging nagawa ko lamang ay panoorin sila habang panay ang buntong-hininga. Paminsan-minsan ay napapailing pa ako habang pinagmamasdan ang paglabas-masok nila sa silid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na isang desisyon lang mula kay Rule ay tuluyan nang nagbago ang magiging setup naming dalawa.Hindi naman kailangan ito e. Isa pa, iniisip ko ang magiging reaksyon ni Chloe kapag nalaman niya na doon na ako sa kwarto ni Rule matutulog at mas lalo lamang akong natatakot kapag nalaman niya na buntis ako.Ayaw ko ng gulo at mas lalong ayaw kong madamay ang mga anak ko sa sitwasyon namin. Hangga’t maaari ay kailangan kong umiwas sa stress ayon sa doctor ko.Kaya lang ay paano?Kung maya’t maya ko naiisip ang posibleng maging reaksyon ni Chloe.Alam kong magagalit siya sa akin.Kailangan kong kausapin si Rule tungkol sa bagay na ito. Kaya lang baka magmukha nam

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 66

    Tahimik ang naging biyahe namin ni Rule. Seryoso lamang siyang nakatingin sa dinadaanan namin ngunit pansin na pansin ko ang pagtiim ng kanyang panga. Hindi ko alam kung galit ba siya o disappointed dahil tinago ko sa kanya ang pagbubuntis ko. Hindi rin siya nagsasalita simula nang umalis kami sa clinic. Kahit isang salita ay wala akong narinig mula sa kanya kaya mas lalo lamang akong kinakabahan.Mas gugustuhin ko pang sigawan niya ako kaysa sa ganitong pananahimik. Pakiramdam ko kasi ay napakarami niyang iniisip at hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka galit siya. Baka nasaktan siya. O baka naman pareho. Sa bawat segundong lumilipas ay mas lalo lamang bumibigat ang pakiramdam ko.Kinagat-kagat ko ang kuko ko habang hindi mapakali sa kinauupuan ko. Paminsan-minsan ay pasimple akong sumusulyap sa kanya ngunit ni minsan ay hindi niya ako nilingon. Nanatili lamang siyang nakatutok sa daan hanggang sa marating namin ang mansyon.Tahimik siyang lumabas ng sasakyan habang

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 65

    Nakabalik na si Rule mula sa Italy.At sa pagdaan ng bawat araw ay siya namang paglaki ng tiyan ko. Puro malalaking damit na ang isinusuot ko para hindi iyon mahalata ng mga taong nasa paligid ko. Mahigit isang buwan na rin ang lumipas at habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nahihirapang sabihin ang bagay na ito kay Rule. Pakiramdam ko ay bawat araw na lumilipas ay lalo lamang bumibigat ang lihim na dala-dala ko.Pero kailangan ko na itong ipaalam sa kanya dahil alam kong malalaman at malalaman din niya ang tungkol dito. Ihahanda ko na lamang ang sarili ko sa maaaring maging reaksyon niya at ng anak ko. Ngunit bago iyon ay kailangan ko munang magtungo ulit sa clinic dahil pinapabalik ako ng doctor ko. Kailangan daw ulit ma-check ang baby para masigurong maayos ang paglaki nito at para mabigyan niya rin ako ng panibagong vitamins na dapat kong inumin.Mabuti na lamang at wala si Rule ngayon dahil may mahalaga raw siyang aasikasuhin sa kanyang kumpanya. Marahil ay mayroon na naman

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 8

    “Get in, ihahatid na kita.” Lumingon ako sa likod ko para tingnan kung may iba pa bang tao bukod sa akin kaya lang ay wala. Tama ba ang pagkakarinig ko? Pinapasakay niya ako sa kanyang sasakyan para ihatid? Pero bakit? Hindi naman kami close ah? “Naku Sir! Huwag na po mag aabang na lang ako ng try

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 7

    Lunes na, ibig sabihin ay may trabaho ako ngayon sa Karinderya ni Aling Sally. Ngayon lamang ako nakaramdam ng pagka-excite habang tinutulungan si Aling Sally sa mga ititinda naming ulam. Umaasa akong makikita ko muli ang mag-ama ngayong araw at makakasama ko ulit si Aurora kahit na sa kaunting or

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 6

    Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? O isa lang ito sa mga panaginip ko? Kung panaginip lang ito sana ay huwag na akong magising pa. Hindi ko namalayan na nag iinit na pala ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag babadya ng tumulo sa pisngi ko. Natauhan

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 5

    Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status