Chapter: Chapter 6:Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa galit, at ang mga mata’y nagliliyab na tila handang manakit anumang oras.Siya na nga ang sumusubok pumagitna upang pahupain ang galit ni Travis, ngunit mukhang siya pa ang nagmumukhang mali sa lagay na ito.“I don’t need your fvcking help!” galit na dugtong ni Arianna.Napapikit na lamang si Suzy, pinipigilan ang sumasakit na ulo. Wala pa siyang isang linggo sa lugar na ito, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng stress na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.Padabog na nilagpasan sila ni Arianna, nakapulupot ang magkabila niyang braso sa dibdib habang nagmamartsa palayo.Napabuntong-hininga si Suzy at napahawak sa kanyang sintido, marahang minamasahe iyon upang maibsan ang kirot.“D
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-18
Chapter: Chapter 5“A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi niya alam kung bakit tila may tumutusok sa kanyang puso—isang damdaming nagtutulak sa kanyang yakapin ang bata.Marahil ay dahil naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam na maulila sa ina sa murang edad. At dahil kamukha niya si Irish, paniguradong katulad ni Travis, nakikita ng bata sa kanya ang alaala ng kanyang ina.Lumapit si Manang Tata sa bata at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kumusta ang biyahe mo? Nahihilo ka ba o pagod? Baka gusto mo munang pumunta sa kwarto mo at magpahinga?”Ngunit tila walang narinig ang paslit. Nakatingin lamang ito kay Suzy—hindi inaalis ang titig, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.“I…” panimula ng bata, ngunit hindi nito mabigkas ang nai
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-18
Chapter: Chapter 4Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?Kaagad siyang bumango
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-14
Chapter: Chapter 3“ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya?Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya.“Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob.Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya.Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan.“Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya.Umaasa pa rin siya.Umaasa na may lalabas mula sa kung saan.Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasa
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-14
Chapter: Chapter 2Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama.Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa.“Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar.Napatingin silang lahat sa kanya.Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy.Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-14
Chapter: Chapter 1Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama.Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing."Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig."Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?
ปรับปรุงล่าสุด: 2026-03-14