LOGIN"Don't think of running away again...you're my expensive purchase. At gagawin ko ang lahat para mahanap ka— kahit pa balibaliktarin ko ang mundo makita ka lang." *** Para mabuhay ni Suzy Constanino ang kanyang mga walang pusong adopted parents ay kailangan nyang magtrabaho sa isang sikat na bar na lungga ng mga mayayaman. Doon nya makikilala si Travis El Frigero— isang mayaman na negosyante. Nasa kanya na ang lahat, karangyaan, itsura at pera. Maliban sa isa—relasyon. Napagkamalan ni Travis na si Suzy ang kanyang matagal ng patay na fiancé na si Irish. Agad nahumaling si Travis sa kanya at gagawin nya ang lahat para pakasalan sya ni Suzy. At totoo ngang nagagawa ng pera ang lahat, dahil nagawa syang bilihin ni Travis sa kanyang mukhang perang adopted parents. Buong akala nya ay kailangan nya lang pakasalan si Travis at umaktong mag-asawa sila. Ngunit sya ay nagkamali, dahil kailangan nya rin palang tumayong ina sa spoiled at masungit na anak ni Travis at Irish. At panghuli, iwasan ang stepbrother ni Travis na si Troy—na syang nakakuha ng kanyang first kiss bago ang kanilang kasal ni Travis. Hindi nagtagal at nahuhulog na ang loob nila sa isa't isa. Ngunit paano kung may isang taong magbabalik? Magagawa kayang ipaglaban ni Suzy ang kanyang pagmamahal kay Travis? O tatalikuran sya ni Travis dahil sa mabigat na rason sa madilim na nakaraan? A twisted fate for the both of them. "Sa dalawang taon. Nasaan ako non? H'wag mo sabihing... humihiram lang ako ng asawa ng iba?"
View More"15,000 para sa tuition ni Precious, 8,000 para sa allowance…" napalunok si Suzy Constantino. "Walang para sa tubig, kuryente, ni pagkain..." nanghihina niyang bulong nang mapagtantong kulang ang kanyang sahod ngayong gabi bilang waitress at entertainer sa isang sikat na high-end bar.
Sa lalim ng pag-iisip, napalayo na siya sa kanyang nilalakad. Patay-sindi ang ilaw sa kalye, at ang mga upos ng sigarilyo at basag na bote ay gumagawa ng ingay kapag natatapakan niya. Napatigil siya nang maaninag ang dalawang matangkad na lalaking marahang nag-uusap sa kanyang harapan. "Ang malas naman! Late na ngang makakauwi, may nakaharang pa sa daan! Pwede naman kasing sa ibang lugar na lang sila mag-usap. Bakit dito pa?!" mahina niyang singhal. Alam niyang lasing ang mga ito, at natatakot naman siyang may gawin ang dalawang lalaki sa kanya. Kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan, may nag-udyok sa kanya na magtago sa likod ng mga sako ng basura at hintayin na lamang ang pag-alis ng dalawa. "I'll drive you home. What the fvck are you even doing now?! Gabi-gabi ka na lang nagpapakalunod sa alak! You're slowly killing yourself! Don't you know that?!" galit na wika ng lalaking nakaputi. "What's the purpose of this life anyway?" sarkastikong sagot ng lalaking nakaitim gamit ang baritono at malamig niyang boses habang bumubuga ng sigarilyo. "Ohhh come on, man! Sa tingin mo ba matutuwa si Irish—" "Don't you fvcking dare say her name!" sigaw nito, na parang malakas na kidlat na tumama sa lupa. Nagsitayuan ang mga balahibo ni Suzy. "I understand your frustrations... But drinking heavily every night will not resolve the problem. We're also trying our best to help you, pero hanggang ngayon wala pa rin talagang lead... What if she's already deād—" Natawa nang pagak ang binata, "Can't you hear yourself, Joaquin?" Maririnig sa tawa niya ang sakit na nararamdaman. "Hindi siya patāy! Narinig mo 'yon?! And I don't fvcking care how long it'll take! How many years or decades do I need to spend to find her again and again! Hindi ako magsasawang hanapin siya!" Halos magilitan ng hininga si Suzy nang aksidente niyang magalaw ang isang lata na walang laman sa basurahan, dahilan ng pagkahulog nito at paggawa ng malakas na ingay. Napahawak siya sa kanyang bibig. Hindi niya alam ang gagawin—tatakbo ba o haharapin ang dalawa. "Someone might be spying on us!" ani ni Joaquin. Nanlaki ang mga mata ni Suzy. Hindi siya spy! At hindi niya naman intensyong marinig ang usapan nilang dalawa! Sa takot na baka may mangyari sa kanya, kaagad siyang tumayo at, bago pa makapag-isip, kusang kumaripas ang kanyang mga paa palayo sa kanila. Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'to! "There she is!" turo ng isa sa kanya. Napatingin siya sa dalawang lalaking nagsisimula nang habulin siya. Hindi niya kabisado ang kalye dahil ito ay pasikot-sikot. "Shît!" malutong niyang mura. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Naghahabol na rin siya ng hininga habang patuloy sa pagtakbo. "You go this way, and I'll go here!" sigaw ng kausap ni Joaquin, at rinig pa rin niya iyon kahit malayo. Akala niya ay ligtas na siya nang biglang umalingawngaw ang putok ng baril kasabay ng pagpatay ng ilaw sa kalye na kanyang pinasukan. "AHHHHH!" tili niya. Kaagad nangangatog ang kanyang tuhod sa panghihina dahilan ng pagbagsak niya paluhod sa sahig. Hawak niya ang magkabilaang tenga sa lakas ng tunog ng baril na tumama sa isang bote ng alak sa kanyang harapan dahilan ng pagkabasag nito. Hindi na magkamayaw ang kanyang puso sa pagtibok. Katapusan na ba niya 'to?! Kumawala ang luha sa kanyang mga mata sa sobrang takot. Nahihinuha niyang bihasa gumamit ng baril ang lalaki dahil maaari naman siyang barilin nito agad, ngunit binaril pa talaga nito ang bote sa kanyang harapan upang patigilin siya sa pagtakbo. "And where do you think you're going?!" isang boses na parang kulog ang nagmula sa kanyang likuran. "Who are you and why are you eavesdropping on us?!" mariing tanong nito. Alam niyang nasa likuran na niya ang lalaki. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo nang maramdaman ang nguso ng baril na nakatutok sa likuran ng kanyang ulo. "H-huwag po..." halos mapiyok niyang pakiusap. "H-hindi ko sinasadya na marinig ang usapan n'yo... At wala akong intensyon na masama." Hindi niya alam kung naintindihan ba ng lalaki ang kanyang sinasabi dahil halos magkandabulol siya sa takot. "Is that so?" sarkastikong tugon nito, halatang hindi naniniwala. "Nagsasabi po ako ng totoo... H-hindi po ako spy na inaakala n'yo." Narinig niya ang pagkasa ng baril na mas lalo pang nagpalamig sa kanyang katawan. "Who's your boss?!" dumagundong ang boses nito. Sino ang sasabihin niya? Iisa lang naman ang boss niya at iyon ay si Ma'am Gineva—ang nagmamay-ari ng bar na kanyang pinagtatrabahuhan. "S-si Ma'am—" Hindi niya natuloy ang sasabihin nang utusan siya ng lalaki. "Stand up." Tagaktak ang kanyang pawis at nanginginig siyang napatayo. "W-wala rin po akong masyadong narinig kanina... Parang awa n'yo na po... Maawa po kayo sa akin..." humihikbi niyang ani. "Itaas mo ang mga kamay mo at humarap ka sa akin," utos nito, na agad namang sinunod ni Suzy. Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki. Hindi niya ito tinitingnan at mariin lamang na nakapikit. Ang mahaba niyang buhok ay tumatabon sa kanyang mukha. Hindi rin naman siya makita nang maayos ng lalaki dahil patay pa ang ilaw. "I'll repeat my question. Who's your boss?!" "S-si Ma'am Gineva po..." Kahit hindi niya buksan ang kanyang mga mata, alam niyang nakatutok pa rin sa kanya ang baril—sa gitna ng kanyang noo. Sarkastikong natawa ang binata. "Talaga ba?" malumanay nitong sabi, ngunit sa tono nito ay mahihinuha ni Suzy na hindi ito naniniwala. Umismid ang lalaki. "You know what... A lot of people are spying on us, and when we catch them, they keep denying it. So why would I trust your words? Hmmm? When I can just easily plant this bullet into that fvcking head." Mas lalo siyang nanlalamig. Taimtim na siyang nagdarasal, tinatawag ang lahat ng kilalang santo para lamang hindi siya patayin. Umaasang maililigtas siya ng isang milagro. Mas lalo pang inilapit ng binata ang baril sa ulo ni Suzy. Ginamit nito ang baril upang ayusin ang kanyang buhok. Minsan na nga lang may hahalik sa kanyang noo—labi pa talaga ng baril! "Gagawin ko po lahat ng gusto n'yo... W-wala po talaga akong masamang intensyon... Gusto ko lang pong umuwi sa amin..." tuluyan nang umagos ang kanyang mga luha. "M-may naghihintay po sa pag-uwi ko..." Biglang bumukas ang ilaw, exposing her face. Napapitlag siya nang marinig ang pagbagsak ng kung ano. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Wala siyang narinig kundi ang mabibigat na paghinga ng lalaking nasa harapan niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata. Tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang magtama ang kanilang tingin ng lalaki. Hindi maipinta ang mukha nito. Ngunit ang mga mata nito—mapupungay at maraming sinasabi. Bumagsak ang kanyang paningin sa baril na nasa sahig. Ibig bang sabihin nito ay ligtas na siya? Lumambot ang ekspresyon ng binata. "Irish..." tawag nito sa kanya. Napalitan ng kalungkutan at sakit ang tono nito. Hindi pa man nakakagalaw si Suzy ay kaagad siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Naamoy niya ang mamahaling alak na nainom ng lalaki. Mas lalo siyang hindi makahinga nang higpitan pa nito ang yakap sa kanya. "I long for you..." Nakaramdam siya ng mainit na tumutulo sa kanyang braso. Teka... umiiyak ba ito ngayon? Ano ba ang nangyayari? Bumaliktad na ata ang mundo—at ang lalaki na ang umiiyak ngayon at sa kanyang balikat pa talaga. "I miss you..." bulong nito sa kanya, punong-puno ng pagmamahal. Gustong sampalin ni Suzy ang kanyang sarili dahil bakit siya nakakaramdam ng kirot sa puso sa tatlong salitang iyon. Kusang umangat ang kanyang mga kamay sa likod ng lalaki upang haplusin iyon para sana tumigil ito sa pag-iyak. Ngunit mas lalo lamang bumuhos ang mabigat na emosyon ni Travis nang maramdaman ang init ng kanyang palad. "Irish... please come back..." Natigil siya sa paghahaplos. Teka… Hindi nga pala siya si Irish. Kaya ano ba ang sinasabi nito? Sinubukan niyang kumawala, ngunit mas lalo siyang hinigpitan ng lalaki sa yakap. Mas lalo tuloy bumibilis ang tibok ng kanyang puso. "P-please… come back… come back into my arms," pagmamakaawa nito. "I need you, Irish... I really do... badly, down bad need you…”"Don't let it bother you..."Si Travis na nagbabasa ng dyaryo, ngunit halatang hindi naman talaga iyon ang laman ng kanyang isip. Prente itong nakaupo sa sofa, nakataas nang bahagya ang isang paa, habang paminsan-minsang inaayos ang pagkakahawak sa papel. Saglit siyang napasulyap sa lalaki. Chill lang ito, tila hindi man lang nabulabog ang mundo kanina. Tila walang nangyaring kahihiyan, walang tensyon at parang normal lang ang lahat.Gabi na, at heto siya, kumakain ng hapunang pinadeliver ni Granny Vera. Nakaupo pa rin siya sa kama, may maliit na bed table sa harapan niya. Tahimik ang kwarto maliban sa mahihinang kaluskos ng kubyertos at pagpitik ng dyaryo ni Travis.Napasulyap siya sa isang baso na puno ng tubig. May lumulutang doon na mga spices gaya ng cloves. Galing pa raw iyon sa Europe. Nakakatulong daw kasi iyon para tumaas ang chance na mabuntis siya.Napangiwi siya nang bahagya dahil nagsisimula nya nanamang marinig ang boses ni Granny Vera. Grabe naman, pati sa paginom ng
“Surprise! Did I surprise all of you?!”Umalingawngaw sa buong silid ang masigla at halos theatrical na boses ni Granny Vera, na para bang may sarili pa itong spotlight sa pagpasok.“T-Travis…” mahina at halos pabulong na utal ni Suzy, na tila gustong magtago sa ilalim ng kumot.Sandali… Akala ba nila ay nasa Europe pa sya? Bakit sya nandito ngayon? “Granny?!” Si Travis mismo ay napaatras ng bahagya, halatang hindi rin handa sa biglaang pagdating ng kanyang lola.May malawak at pilyang ngiti si Granny habang naglalakad papalapit sa kanila bitbit ang isang basket ng prutas. Puno 'yon at halata ang kabigatan na pilit tinatago ng matanda masabi lang na malakas na sya. “Granny! We already warned you!” mabilis na salubong ni Joaquin, halos agawin ang basket. “You shouldn’t carry heavy things! Matanda na kayo! What if mapaano kayo?!”Nagulat si Joaquin ng malakas na hinampas ni Granny ang kanyang kamay. Malutong 'yon na tumunog. “Thank you, apo! But I can do this,” mataray ngunit may hal
Kulang na lang ay harangan ni Suzy ang buong katawan niya gamit ang mga unan dahil sa sobrang kahihiyan. Halos ipitin na niya ang sarili sa pagitan ng mga ito, para bang kapag hindi siya nakita… baka sakaling mawala rin ang mga nangyari kanina. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa silid. Tanging mabibigat na paghinga lang ang naririnig. At dahil doon… mas lalong umuugong ang kahihiyan sa kanyang dibdib. Nakatayo si Travis sa gilid niya tuwid ang tindig, isang kamay ay nakasuporta sa kanyang baba habang pinagmamasdan ang mga kaibigan niya. Hindi siya nagsasalita, pero sapat na ang titig niya para maramdaman ng lahat ang bigat ng sitwasyon.Si Jesha naman ay komportableng nakaupo sa gilid ng kama, sa maliit na couch, naka-cross ang mga braso at tila ba aliw na aliw sa nangyayari.“How did y’all know that we’re here?” panimulang tanong ni Travis, kalmado… pero may laman ang boses.Ang mga kaibigan niya ay nagsisiksikan sa couch. Yung iba ay naka-kandong na sa kasama, yung isa ay ha
"Is it still really painful?" Tanong ni Travis kay Suzy. Hindi nya na ata mabilang kung ilang beses nya na itong tinanong sa kanya, at kung paano nya ito paulit-ulit na sagutin. Ilang araw na ang nakalilipas, at sa mga araw na iyon ay halos hindi na siya iniiwan ni Travis mag-isa. Tila ba nakadikit sila gamit ang rugby at hindi maihiwalay. Tumango sya dahilan ng malalim na buntong hininga ng lalaki. Sa bawat galaw niya gaya ng pagbangon, pag-upo, kahit simpleng pag-ikot ng katawan sa kama ay laging nandoon ang lalaki, handang umalalay, tila ba babasagin siya ng hangin kapag pinabayaan.Kung tititigan siya ni Travis, para siyang isang mamahaling porselana na kinaingat ingatan, halos hindi niya mahawakan nang buo.At kahit ilang araw na rin ang lumipas… hindi pa rin humuhupa ang sakit sa kanyang pagkababae. Kahit ang pag-ihi ay nagiging pahirap na gawain para sa kanya.“Anong ginagawa mo?” Tanong ni Suzy, bahagyang paos ang boses, nang makita si Travis na abalang nag-iimpake ng kung
Kinakabahan si Suzy habang dahan-dahang naglalakad pataas ng malapad na hagdan ng mansion. Bawat hakbang niya ay tila mas bumibigat, kasabay ng kakaibang kaba na gumagapang sa kanyang dibdib. Hindi niya maiwasang dalhin ang kanyang mga daliri sa labi, pilit pinipigilan ang sarili na h'wag kagatin
“Ay, puw*t ng kabayo!”Napapitlag si Suzy nang biglang may yumakap mula sa kanyang likuran. Kabababa niya lang upang maghanap ng puwedeng pagkaabalahan dahil baka mabaliw na sya kaiisip ng kung ano-ano. “OMG! I couldn’t believe this! You’re really back!” matinis na tili ng isang babae.Agad niya i
Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa gali
“A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi ni












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews