Chapter: Kabanata 6Hindi sumipot ang ex husband ni Adah sa napagkasunduang lugar nang magpadala siya ng imbetasyon dito. Kaya mapipilitan siyang magtungo sa dating bahay nilang mag-asawa upang makausap ito ng personal.Kaya lang pagkabukas ng pinto ay ang kabit nitong si Sofia ang bumungad sa kaniya. Ngumisi ang babae nang makita siya ngunit ang ngisi nito ay tila nanunuya.“Nandito ako para sa makipag-usap kay Jake,” taas noong bungad niya rito.“Si Jake ba? Naku! Nasa taas. Pinagod ko kasi kagabi,” sabay ngisi nito.Nagtagis ang bagang niya. Bago lang sila nagkahiwalay ng dating asawa niya kaya nakakaramdam ng kaunting kirot sa dibdib si Adah sa narinig mula sa kabit ng lalaki. “Pero para sa'yo. Gigisingin ko siya. Saglit, ha. Pumasok ka muna sa bahay ko!” masiglang iginiya siya ni Sofia sa sofa ng sala.Talagang pinagdiinan pa nga ni Sofia ang salitang ‘bahay ko’ na animo ito talaga ang may-ari niyon. Parang gusto niyang matawa sa pinagsasabi nito.Pinagmasdan niya ang paligid. Parang kailan lang no
Last Updated: 2026-04-23
Chapter: Kabanata 5Ubos na ubos na si Adah. Pakiramdam niya'y hindi niya na kayang huminga sa bahay na iyon kasama ang mga taong nandoon lamang para gamitin lang siya. Nasa teresa siya habang pinagmamasdan ang kadiliman. Linggo ng gabi. Gusto niyang magsimba kanina at ipagdasal na karmahin ang dalawa. Kaya lang magkakasala lang siya kapag ginawa niya iyon. Hindi naman worth it iyon. “Let's have a coffee,” aniya kay Jake nang makarating ito sa teresa ang lalaki. May mesa doon at upuan. Ready na ang coffee ng lalaki at kaniya. Pumunta siya sa office ng lalaki at humingi siya ng kaunting oras para rito.“Tinawag mo lang ako para rito?” natatawang saad ni Jake.“What? May problema ba? Nakita ko wala ka nang gagawin. May problema ba kung humingi ako ng kaunting oras para makausap ka?” aniya sa kalmadong boses.Natigilan ang lalaki at tinitigan siya saglit bago tumikhim. Napansin din nitong tila may kakaiba sa tuno ng boses niya.“Fine. So what now?” umupo ito sa kabilang side ng mesa.Sumimsim siya ng kap
Last Updated: 2026-04-16
Chapter: Kabanata 4Kahit na ganun ang ginawa ni Jake ay bibigyan ito ni Adah ng second chance. Hindi siya makatulog kaya bandang 5 AM ay nagluto siya. Gusto niyang ipagluto si Jake. Nagluto siya ng buttered shrimp, sinabawan at nag-bake na rin. Fucos siya sa ginagawa niya at sinisiguro niyang sinasamahan niya ng pagmamahal ang mga luto niya. Napangiti siya nang maiayos niya na ang mesa. Nag-chat na rin siya sa asawa at nag-reply naman agad ito na 7AM makakauwi. Kaya lang tipid na tipid ang reply ng lalaki. Ngunit kahit ganoon ay masaya siyang kahit papaano ay nag-effort itong mag-reply.“Wow! Saktong sakto. Gutom na rin ako!” Biglang lumabas si Sofia sa silid nito mga bandang seven. Ang daliri nitong may mahabang kuko at kulay pula ay pumulot ng buttered shrimp.Nagtagis ang bagang niya. Talagang ito pa ang unang tumikim ng luto niya. Pumikit si Sofia habang nginunguya ang shrimp. Tumalikod na siya at nagsimula nang tanggalin ang epron para ayusin ang ibang kalat sa kusina.Kaya lang biglang dumati
Last Updated: 2026-04-16
Chapter: Kabanata 3“Bata lang yun. Bibo at masayahin siya kaya asahan mo nang ganun talaga ang mga ikikilos niya,” galit na sumbat sa kaniya ni Jake isang gabi.Nagulat siya nang malaman na nagsumbong pala talaga si Sofia kay Jake. Ang problema ay siya itong nagmukhang kontrabida sa eksena.“May ginawa ba akong mali? Di ba wala naman? Nahulog ang lagayan ng asukal at dinaluhan ko ang bata—”“Umiyak ang bata nang dumating si Sofia. May marka ng kamay ang braso. Sinong gumawa no'n sa tingin mo?” putol ni Jake sa sasabihin niya.Maging siya ay nagulat sa narinig. Ni hindi niya hinawakan ang bata. Ang totoo ay nag-alala pa siya rito.“Noong sinabi kong gusto kong patirahin sa bahay na 'to sina Sofia, bigla kang nagulat. Una pa lang alam kong ayaw mo sa kanila. Pero for fvck sake, Adah! Kailangan ba na umabot sa point na palihim mong saktan ang bata?!” bulyaw ni Jake dahilan para mapapiksi siya.Napatayo na siya kalaunan dahil sa inis. Hindi na siya natutuwa sa mga pagbibintang nito sa kaniya.“Gosh Jake! Hi
Last Updated: 2026-04-16
Chapter: Kabanata 2Pinagmasdan ni Adah ang asawa niyang nakaupo sa pangmaramihan na upuan. Kahit kailan ay hindi niya naalalang pinagmamalaki siya nito bilang asawa o ipakilala man lang sa mga kaibigan at malapit na kapamilya. Iilan lang ang nakakaalam na asawa siya ni Jake. Ngayon ang lamay ng asawa ni Sofia na nakatatandang kapatid naman ni Jake. At habang katabi ni Jake si Sofia sa upuan malapit sa kabaong ay siya naman ang tumutulong sa pag-aasikaso sa mga taong nagpunta sa lamay. “Oh! Akala koy buntis ka na!”Kaagad na nilingon ni Adah ang nagsalita. Ang Auntie iyon ni Jake.Nahihiyang ngumiti siya. “Ah, hindi pa po, e.”“Ayaw mo pang magkaanak? Ayaw mo ba ng anak? Kasi ang alam ko, gustong gusto na ni Jake na mag-anak. Ayaw mo bang masira ang figure mo? May asawa ka na kaya dapat kalimutan mo na ang buhay dalaga. Dapat bigyan mo na ng anak si Jake. Hindi pwedeng parating gusto na'tin ang nasusunod. Ibigay mo rin ang pangangailangan ng asawa mo,” mahabang lintanya ng Auntie ni Jake.Medyo off an
Last Updated: 2026-04-16
Chapter: Kabanata 1Saktong pagkapasok ni Adah sa silid nilang mag-asawa ay nakita niya si Sofia na sinusukat ang damit niya sa closet. Pagkatapos ng babae sa damit niya ay ang mga pabango at make-up naman niya ang sunod na pinakialaman nito.Tila ang saya-saya nitong ginagamit ang mga gamit niya. Sa sobrang saya nito ay hindi nito napansin na nandoon siya at pinagmamasdan lang ito.“Gusto mo ang mga 'yan?” Gulat na binitiwan kaagad ni Sofia ang make-up na hawak at humarap sa kaniya.“Uh, hindi, ah. Anong akala mo sa'kin poor? Afford ko rin ang mga 'yan,” depensa ni Sofia.Parang gusto niyang matawa. Ngayon-ngayon niya lang nakitang tuwang-tuwa ito sa mga gamit niya tapos ide-deny pa talaga nito?“Di bale. Sa'yo na ‘yan. Wala nang dahilan para dalhin ko ang mga 'yan,” aniya at nilampasan ang babae para magtungo sa closet. Dadalhin niya lang ang mga gamit na kailangan niyang dalhin at pagkatapos ay aalis na siya at tapos na ang lahat. “Oh bakit? Magbabakasyon ka ba? Kayong dalawa lang ni Jake? Saan ka
Last Updated: 2026-04-16