author-banner
onlyjoedes
Author

onlyjoedes의 작품

The Billionaire’s Cruel Game

The Billionaire’s Cruel Game

Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte! “Kygan…” usal ko sa mahinang tinig. Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya. Kaya pala kahit anong hanap ko sa kanya noon ay wala akong makuhang kahit anong impormasyon tungkol sa kanya. Magkaibang mundo pala ang ginagalawan namin. Paano ko siya mahahanap kung kabilang pala siya sa mge elitista?
읽기
Chapter: Chapter 4
Kinabukasan ay tumigil din ang ulan. Sabado kaya walang pasok. Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng lugaw at gumawa ng tortang itlog, saka nagpainit ng gatas para kay Keagan.Pagkatapos naming kumain, gusto sana ni Ashtine kaming ihatid, pero hindi ko siya pinayagan.“Tingnan mo eyebags mo. Magpahinga ka na lang. Magje-jeep na lang kami,” wika ko sa kanya. Hindi naman na siya nakipagtalo pa.Pagdating namin sa apartment ay mga kalat at basang gamit ang sumalubong sa amin. Napatapik ako sa noo nang maalalang hindi ko pala naisara ang bintana kahapon.Basang-basa ang sahig, at pati mga bagong laba kong damit ay nadumihan ulit. Napabuntong-hininga ako.“Mama, tulungan po kita,” sabi ni Keagan nang makitang nagsisimula na akong ayusin ang mga kalat. “Sige, ikaw na bahala sa pagpunas ng sahig.” “Opo!” masunurin siyang tumango. Binigyan ko siya ng tuyong basahan. Maya-maya pa ay masigla ang kanyang mga kilos. Habang pinapanood ko si Kaegan ay kahit papano ay gumaga
최신 업데이트: 2026-04-22
Chapter: Chapter 3
Alam kong tatanungin ako ni Sir Gabriel, kaya bago pa man niya ako ipatawag, ay napaghandaan ko na ang isasagot ko. “Wala naman pong special,” wika ko sa kaswal na boses. “Nagtrabaho po ako dati sa subsidiary ng Guidotte Corporation sa Naga City, tapos nagkataon na nandoon din si Sir Kygan noon. Nagkasama lang po kami sa trabaho.” I paused a bit then continued.“Hindi ko rin po alam noon kung sino talaga siya.”“Really?” tanong niya na parang hindi kumbinsido.“Opo, Sir,” tango ko naman habang pilit kong pinapanatili na kalmado ang aking mukha kahit ang totoo ay parang sasabog na ang aking dibd ib. Sir Gabriel’s mouth lifted like he just had an idea. “Why does he look like Kaegan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. “Hindi naman, Sir,” mabilis kong sagot. “Saan po banda magkamukha? Hindi po, ah. Kapag narinig niya ‘yan, baka isipin pa ni sir Kygan ginagamit ko pangalan niya.”Nagkita na sina Sir Gabriel at Kaegan noong nasa Naga C
최신 업데이트: 2026-04-22
Chapter: Chapter 2
Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa boss ko. Lumabas na agad ako na parang may kung anong hinahabol. Saka pa lamang ako nakahinga nang maayos nang makasakay ako sa taxi. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumuhos. Tinakpan ko ang aking bibig para supilin ang hagulgol na gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang sakit-sakit pala. Akala ko, handa ako sa ganitong pangyayari. Hindi pala…Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating sa tapat ng bahay ng kaibigan kong si Ashtine ang taxi. Kararating pa lang namin ng anak ko sa Manila, ilang araw pa lang ang nakalilipas kaya dito muna kami tumutuloy habang naghahanap ako ng apartment. Dahil kare-resign pa lang ni Ashtine sa trabaho, ay nagboluntaryo siya na siya na muna ang magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. “Tulog na si Keagan. Ang bait ng batang ‘yon, ha. Naligo mag-isa, natulog nang hindi ako pinahirapan,” salubong sa akin ni Ashtine. Napangiti ako nang marinig
최신 업데이트: 2026-04-22
Chapter: Chapter 1
“Dumating na si Mr. Guidotte!”Halos sabay-sabay kaming napatayo sa loob ng VIP room. Sumunod ako kahit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung gaano kabigat ang presensya ng taong kanina pa namin hinihintay. Ang alam ko lang, bihira siyang magpakita at hindi basta-basta napapapunta sa ganitong klaseng dinner.Ngayong gabi, sumama ako sa boss kong si Gabriel. Kakabalik lang niya sa Manila para pumasok sa main office ng kompanya, at kailangan niyang magpalawak ng koneksyon. Kaya nang inimbitahan siya ng kaibigan para sa pagtitipon na ito ay hindi na siya tumanggi. Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte!“Kygan…” usal ko sa mahinang tinig.Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya.Kaya pala kahit anong h
최신 업데이트: 2026-04-22
다른 추천
Guilty Pleasures
Guilty Pleasures
Romance · Nhelle Joy Dan
3.6K 조회수
Defend Me, Ninong Azrael
Defend Me, Ninong Azrael
Romance · Eyah
3.6K 조회수
PAG-IBIG MO ANG PIPILIIN KO
PAG-IBIG MO ANG PIPILIIN KO
Romance · Bb.Taklesa
3.6K 조회수
ONE PERFECT WEDDING DAY
ONE PERFECT WEDDING DAY
Romance · Bb.Taklesa
3.6K 조회수
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status