Share

Chapter 3

Author: Joe Des
last update publish date: 2026-04-22 10:03:59

Alam kong tatanungin ako ni Sir Gabriel, kaya bago pa man niya ako ipatawag, ay napaghandaan ko na ang isasagot ko. 

“Wala naman pong special,” wika ko sa kaswal na boses. “Nagtrabaho po ako dati sa subsidiary ng Guidotte Corporation sa Naga City, tapos nagkataon na nandoon din si Sir Kygan noon. Nagkasama lang po kami sa trabaho.”

 I paused a bit then continued.

“Hindi ko rin po alam noon kung sino talaga siya.”

“Really?” tanong niya na parang hindi kumbinsido.

“Opo, Sir,” tango ko naman habang pilit kong pinapanatili na kalmado ang aking mukha kahit ang totoo ay parang sasabog na ang aking dibd ib. 

Sir Gabriel’s mouth lifted like he just had an idea. “Why does he look like Kaegan?”

 Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. 

“Hindi naman, Sir,” mabilis kong sagot. “Saan po banda magkamukha? Hindi po, ah. Kapag narinig niya ‘yan, baka isipin pa ni sir Kygan ginagamit ko pangalan niya.”

Nagkita na sina Sir Gabriel at Kaegan noong nasa Naga City pa kami.

Isang beses ko siyang dinala sa office dahil may sakit at walang magbabantay. Naalala ko pa na nakipaglaro siya sa anak ko. Pero sa totoo lang, mas kamukha ako ni Keagan kaysa kay Kygan.

Sir Gabriel stared at me for more than a minute. He looked like he’s trying to read what’s on my mind. 

“Who’s Keagan’s father?” diretsahan niyang tanong. Alam niya kasi na single mom ako, hindi kasal. 

“Sir… personal na po ‘yun,” sagot ko. 

“Sige, hindi ko na hihingin ang pangalan. Buhay pa ba o patay na?”

Hindi ko alam kung iiyak ba ako o matatawa sa pagiging mapilit niya. 

“Patay na po,” sagot ko matapos ang ilang sandaling pananahimik. Pareho lang naman. Wala sa buhay namin si Kygan kaya para na siyang patay sa akin. Wala rin akong kabalak-balak na papasukin siya sa buhay namin o kahit ipakilala man lang siya kay Kaegan.

Magkakaroon din naman siya ng sariling asawa’t mga anak.

Si Keagan… akin lang.

Matapos ang ilang segundong tila pananantya ni Sir Gabriel ay tumango siya. “Sige, lumabas ka na.”

Makulimlim ang langit sa Manila nitong mga nakaraang araw at gaya ng inaasahan, umulan na naman bago mag-uwian.

Ilang beses kong chineck ang Grab app, pero walang tumatanggap ng booking. Alam kong mahirap talaga sumakay kapag rush hour at umuulan.

Napatingin ako sa buhos ng ulan at saka huminga nang malalim. Dahil wala akong payong, ay tumakbo ako patungo sa bus stop.

Pagdating ko roon, basang-basa na ang blazer ko. Tinanggal ko na lang ito at hinawakan sa kamay, naiwan akong naka-white blouse. Umupo ako sa bench habang naghihintay ng masasakyan.

Ilang minuto pa lang, may humintong itim na Maybach sa harap ko. Bumaba ang bintana niyon at malakas na nagsalita si Sir Gabriel. 

“Get in!”

“Sir, okay lang po. Magbu-bus na lang ako,” nahihiyang tanggi ko.

 “Wala kang makukuhang masasakyan. Sa lakas ng ulan at rush hour pa, siguradomg punuan. Baka abutin ka ng gabi.”

Naalala kong kailangan ko pa nga palang sunduin si Keagan. Sa huli, ay pumayag na ako.

Mabilis akong pumasok sa passenger seat dahil hindi ko naman pwedeng hayaang maging driver ko ang boss ko.

Kakasara ko pa lang ng pinto nang biglang may sunod-sunod na busina sa likod.

Napatingin si Gabriel sa rearview mirror.

“Bentley,” bulong niya. “Mukhang rich kid na naman na walang pasensya.” 

Napailing siya, pero hindi na bumaba. Umalis na lang siya nang mag-green light. Habang umaandar kami, sumingit ang Bentley sa harap namin nang biglaan.

Napakapit ako sa upuan dahil muntik na kaming mahagip.

“Sira-ulo!” inis na bulalas ni Sir Gabriel.

Napatingin naman ako sa kotse. Ang katulad ng Bentley na iyon ay tanging mayayaman lamang ang nakakabibili sa ibang bansa.

Napailing ako sa isip ko. Ang daming mayayaman sa Manila. Pagka-green ng ilaw, mabilis na nawala ang sasakyan, sabay talsikan ng mga tubig nang sumagitsit ang gulong niyon. 

Hindi ko alam, pero may kakaibang pakiramdam sa dibdib ko habang tinatanaw ang papalayong Bentley. 

......

SAMANTALA…

Hindi mapakali si Kygan. Limang taon na ang nakalipas. Akala niya, matagal na niyang nalimutan ang lahat. Pero nang makita niya si Kate ulit, parang bumalik ang lahat ng galit na pilit niyang kinakalimutan noon. 

Hindi niya maintindihan kung bakit. Dalawang araw na siyang pumupunta sa labas ng opisina ni Gabriel. Kahapon, hindi niya ito nakita.

 Ngayon ay pumasok ngunit sumakay naman sa kotse ni Gabriel. 

Ano ang relasyon nila? Hindi niya gusto ang naiisip niya. Napahigpit ang hawak niya sa manibela. Hindi niya napigilan ang sarili na paulit-ulit na bumusina. Hanggang sa hindi niya napansin, napabilis na pala ang takbo niya at napasobra sa pag-overtake.

Bigla siyang natauhan. Hindi siya ganito!

Hindi siya nawawalan ng kontrol dahil lang sa isang babae.

Isang babaeng matagal na niyang tinanggal sa buhay niya. Huminto siya sa gilid ng kalsada at nagsindi ng sigarilyo. ......

***

Kate Point of View

 “Sir, dito na lang po ako sa gate,” wika ko nang makarating kami sa gate ng subdivision ng bahay ni Ashtine

“Ihatid na kita sa mismong bahay. Umuulan pa rin.”

“Hindi naman na ako tumanggi.”

Nagbigay siya ng ID sa gwardiya bago kami pinapasok. 

“Sir, salamat po,” sabi ko habang nagtatanggal ng seatbelt.

“I just helped you because it’s raining.”

Ngumiti ako. “Kahit na po, thank you pa rin.”

“Bumaba ka na. Uuwi pa ako.”

Agad naman akong bumaba at tumakbo papunta sa terrace ng bahay ng kaibigan ko. 

......

“Basang-basa ka,” salubong sa akin ni Ashtine habang kinukuha ang bag ko. “Mag-shower ka na, baka magkasakit ka.”

 “Salamat ulit sa pag-aalaga kay Keagan.”

“Dito na kayo matulog. Ang lakas ng ulan,” wika niya sa akin na hindi ko naman tinanggihan. 

Pagkatapos kong maligo, binasahan ko ng storybook si Kaegan hanggang sa makatulog siya. Habang pinagmamasdan ko ang mukha niya, hindi ko mapigilan ang sarili ko na maaawa sa kanya.

Pinangako ko sa kanya na hahanapin ko ang tatay niya pero mukhang hindi na matutupad iyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 4

    Kinabukasan ay tumigil din ang ulan. Sabado kaya walang pasok. Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng lugaw at gumawa ng tortang itlog, saka nagpainit ng gatas para kay Keagan.Pagkatapos naming kumain, gusto sana ni Ashtine kaming ihatid, pero hindi ko siya pinayagan.“Tingnan mo eyebags mo. Magpahinga ka na lang. Magje-jeep na lang kami,” wika ko sa kanya. Hindi naman na siya nakipagtalo pa.Pagdating namin sa apartment ay mga kalat at basang gamit ang sumalubong sa amin. Napatapik ako sa noo nang maalalang hindi ko pala naisara ang bintana kahapon.Basang-basa ang sahig, at pati mga bagong laba kong damit ay nadumihan ulit. Napabuntong-hininga ako.“Mama, tulungan po kita,” sabi ni Keagan nang makitang nagsisimula na akong ayusin ang mga kalat. “Sige, ikaw na bahala sa pagpunas ng sahig.” “Opo!” masunurin siyang tumango. Binigyan ko siya ng tuyong basahan. Maya-maya pa ay masigla ang kanyang mga kilos. Habang pinapanood ko si Kaegan ay kahit papano ay gumaga

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 3

    Alam kong tatanungin ako ni Sir Gabriel, kaya bago pa man niya ako ipatawag, ay napaghandaan ko na ang isasagot ko. “Wala naman pong special,” wika ko sa kaswal na boses. “Nagtrabaho po ako dati sa subsidiary ng Guidotte Corporation sa Naga City, tapos nagkataon na nandoon din si Sir Kygan noon. Nagkasama lang po kami sa trabaho.” I paused a bit then continued.“Hindi ko rin po alam noon kung sino talaga siya.”“Really?” tanong niya na parang hindi kumbinsido.“Opo, Sir,” tango ko naman habang pilit kong pinapanatili na kalmado ang aking mukha kahit ang totoo ay parang sasabog na ang aking dibd ib. Sir Gabriel’s mouth lifted like he just had an idea. “Why does he look like Kaegan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. “Hindi naman, Sir,” mabilis kong sagot. “Saan po banda magkamukha? Hindi po, ah. Kapag narinig niya ‘yan, baka isipin pa ni sir Kygan ginagamit ko pangalan niya.”Nagkita na sina Sir Gabriel at Kaegan noong nasa Naga C

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 2

    Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa boss ko. Lumabas na agad ako na parang may kung anong hinahabol. Saka pa lamang ako nakahinga nang maayos nang makasakay ako sa taxi. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumuhos. Tinakpan ko ang aking bibig para supilin ang hagulgol na gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang sakit-sakit pala. Akala ko, handa ako sa ganitong pangyayari. Hindi pala…Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating sa tapat ng bahay ng kaibigan kong si Ashtine ang taxi. Kararating pa lang namin ng anak ko sa Manila, ilang araw pa lang ang nakalilipas kaya dito muna kami tumutuloy habang naghahanap ako ng apartment. Dahil kare-resign pa lang ni Ashtine sa trabaho, ay nagboluntaryo siya na siya na muna ang magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. “Tulog na si Keagan. Ang bait ng batang ‘yon, ha. Naligo mag-isa, natulog nang hindi ako pinahirapan,” salubong sa akin ni Ashtine. Napangiti ako nang marinig

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 1

    “Dumating na si Mr. Guidotte!”Halos sabay-sabay kaming napatayo sa loob ng VIP room. Sumunod ako kahit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung gaano kabigat ang presensya ng taong kanina pa namin hinihintay. Ang alam ko lang, bihira siyang magpakita at hindi basta-basta napapapunta sa ganitong klaseng dinner.Ngayong gabi, sumama ako sa boss kong si Gabriel. Kakabalik lang niya sa Manila para pumasok sa main office ng kompanya, at kailangan niyang magpalawak ng koneksyon. Kaya nang inimbitahan siya ng kaibigan para sa pagtitipon na ito ay hindi na siya tumanggi. Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte!“Kygan…” usal ko sa mahinang tinig.Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya.Kaya pala kahit anong h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status