Noted, Akin Ka!

Noted, Akin Ka!

last updateLast Updated : 2023-06-19
By:  Maria Angela GonzalesOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
9.8
13 ratings. 13 reviews
50Chapters
8.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

"Palagi na lang kasi akong nari-reject kapag nagpapasa ako ng libro ko sa Good Nobela at hindi ako pwedeng ma-reject this year. Alam mo namang may usapan kami ng Daddy. Hindi na niya ako pipilitin na mag-masteral kapag may naipasa akong libro. Eh, lagi akong nari-reject dahil nga ang mga sinusulat ko raw ay walang kilig. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya." -- Jornaliza Smith Ang nais lang naman ni Jornaliza Smith ay maging sikat na manunulat kaya nagpaturo siya sa bestfriend niyang si Luigi Chances kung paanong maging ‘manyak’. Kahit kasi kahit 23 years old na siya hindi pa siya nakaranas ng first kiss. So, paano pa niya mailalarawan kung paanong umakyat sa ikapitong glorya? On going na ang 'erotic session' nila ni Luigi ng biglang bumukas ang pintuan ng kanyang kuwarto at nakita sila ng kanyang Daddy na saksakan ng konserbatibo. Kaya, wala sa oras na napamartsa si Jornaliza sa harap ng altar. Shucks, ang nais lang niya ay maging sikat na manunulat, paano niya gagampanan ang papel bilang asawa kung wala namang spark sa pagitan nila ni Luigi? Eh, bakit parang may dumadaloy na milyun-milyong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan kapag hinahalikan siya ng bestfriend niya?

View More

Chapter 1

Chapter 1 

"TURUAN mo ako ng kamanyakan," diretsahang sabi ni Jornaliza Smith sa matalik niyang kaibigang si Luigi Chances. Hindi rin siya humihinga nang ibulalas niya ang mga salitang iyon. Ni hindi rin niya tinitingnan ang kababata. Basta ang atensyon niya ang nasa monitor ng tv. 

Concentrate, iyon ang palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili kaya buong atensyon niya ay nais niyang ituon lang sa kanyang ginagawa. Ewan nga lang niya kung bakit kahit na matinding konsentrasyon ang ginagawa niya ay hindi pa rin sapat. Kung hindi niya naibabaling ang pansin niya sa ibang bagay, malamang humahagulgol na siya ngayon ng iyak dahil nabigo na naman siya. 

Kung noon ay balewala lang sa kanya kapag nari-reject siya pero ngayon ay namumublema na siya. Sabi ng kanyang editor kahit maganda ang kanyang plot kung kulang naman sa kilig balewala rin. Kailangan daw mailarawan niya ng maganda ang pakiramdam kapag nakikita mo ang taong gusto mo, dapat ay naibabahagi mo ang pakiramdam kapag ika'y hinahalikan, niyayakap at…

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan pagkaraan. Hindi kasi maaaring ma-reject siya nang ma-reject dahil may usapan sila ng kanyang ama. Hindi nito kukontrahin ang pangarap niyang maging manunulat kung sa loob ng isang taon ay makakapagpa-publish siya ng kahit isang libro. Ngunit, kapag sa loob ng panahong iyon ay walang nangyari sa pangarap niya, susundin niya ang gusto ng kanyang ama na mag-masteral. 

Nagtapos siya ng AB Mass Communication dahil alam niyang makatutulong iyon sa pangarap niya pero gusto pa ng ama niya na mag-level up ang kanyang kaalaman. Sa tuwing pinipilit siya nitong mag-masteral, hindi niya mapigilan ang mapabuntunghininga. Ang layunin kasi ng Daddy niya ay hikayatin siyang magturo. Kahit kailan ay hindi niya inasam na maging gabay ng mga estudyanteng pasaway. Hindi rin kasi siya sigurado kung may matututunan ang mga ito sa kanya. 

Kung minsan tuloy ay naiisip niyang mas maigi pa sigurong nag-asawa na lamang ulit ang ama niya. Mula kasi ng mamatay ang ina niya nu'ng five years old siya sanhi ng cancer, itinuon na lang ni Matthew Smith ang buong atensyon sa kanya. Hindi man ito mahigpit, hindi ron niya masasabing maluwag ito sa kanya. 

"Damn," bulalas ni Luigi sa kanyang tabi dahil hindi na nito naiwasan ang sunud-sunod niyang pagsipa. Mararahas na buntunghininga pa ang pinawalan nito na para bang hindi makapaniwala. Ewan nga lang niya kung ang iniisip nito ay kung paano makakabawi sa kanya. 

Sa kasalukuyan ay naglalaro sila ng Tekken 7 sa loob ng kuwarto ni Luigi. Pareho silang nakasalampak sa carpet at nakasandal sa paanan ng kama, habang nakatitig sa 36 inches monitor ng LCD at nagpipipindot sa game controller ng PS5. 

At dahil sa gigil na gigil siya kapag naaalala niya ang libro niyang na-reject ay mas nanggigigil siyang pindutin ang game controller. Dahilan kaya 10 hit combo ang ibinigay ni ‘Lili’ kay ‘Devil Jin’ na hindi na nakagalaw. Gayunman, siniguro naman niya siyempreng hindi masisira iyon. 

Para tuloy gusto niyang tuksuhin si Luigi ng mga oras na iyon at sabihan itong 'weak ka pala' dahil hindi man lang nito nagawang kumilos. Ang agad niyang inisip ay dahil iyon sa pagkabigla ngunit nang lingunin niya ito'y titig na titig ito sa kanya. Hindi lang pala ito basta nakatitig, tulala itong nakatingin sa kanya. Para tuloy gusto niyang tuksuhin itong nagagandahan sa kanya pero naalala niya ang sinabi niya rito. 

Turuan mo ako ng kamanyakan. 

Dapat sana ay mamumula ang kanyang mukha at tumakbo siya palabas ng silid ni Luigi dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang naging mistulan siyang manyakis ng mga sandaling iyon pero iyon lang ang naiisip niyang paraan para makagawa siya ng libro. Mas napangiti tuloy siya dahil alam niyang si Luigi ang perpektong tao na makatutulong sa kanya para maging maganda ang kanyang libro. 

"L-lasing ka ba?" Tanong sa kanya ni Luigi na wari'y nagising na mula sa malalim ba pagkakahimbing. Pinakunot pa nito ang noo na parang sinasabing hindi nagustuhan ang kanyang winika. 

Matalik na magkaibigan din ang kanyang Daddy Matthew at Daddy Solomon ni Luigi tapos magkatabi pa ang kanilang mga bahay kaya sila'y naging matalik na kaibigan na rin. At ang nakakatuwa pa parang sabay silang ginawa ni Luigi dahil iisa lang din ang kanilang birthday ngunit kung tutuusin ay mas matanda si Luigi dahil kumpleto ito sa buwan samantalang siya ay pitong buwan lang ng lumabas sa mundo. Kaya masasabi niyang nasa sinapupunan pa lang sila ng kanilang mga ina ay nakatalaga na talaga silang maging mag-bestfriends. 

Dahil nga yata inaatake siya ng kanyang 'topak', sa halip na sagutin niya si Luigi ay dinaluhong niya ito at hiningahan sa ilong. Hindi nito inasahan ang kanyang ginawa kaya naman na-out of balance ito at siya naman ay napadagan din dito. 

Napatitig muna siya sa mga mata nito bago niya sinabing. "O, mabaho bang hininga ko? Hah, amoy menthol kaya 'yan. After kong mag-toothbrush. Naga-gargle pa ako ng Listerine para walang bacteria ang bunganga ko at menthol flavor para siguradong mabango," mayabang niyang sabi kahit na parang gusto niyang magtaka kung nag-iiba ang pakiramdam niya sa pagkakatitig niya sa mga mata nito. Marahil dahil maganda naman talaga ang mga mata ng kanyang best friend. 

"Umalis ka nga sa ibabaw ko," mariing sabi ni Luigi sa kanya. 

Kumunot lang ang noo niya dahil kahit na may iritasyon siyang naaaninag sa boses ni Luigi, parang hindi naman ito galit. Sa pagkakadinig pa nga niya ay parang puno iyon ng pakiusap. Animo kasi'y nahihirapan ito. 

"Masisira ang controller," wika nito. Tumaas baba pa ang dibdib nito na para bang kinakapos sa paghinga. 

"Oh," bulalas niya nang mapagtanto niyang tama si Luigi. Nakadagan na kasi siya rito Kaya naiipit sa pagitan nila ang controller. Hindi lang niya napigilang ang mapasinghap dahil napagtanto niyang dahil hawak ni Luigi ang game controller ay nadadaganan din niya ang likod ng palad nito. Dahil doon ay parang nakapatong ang likod ng palad nito sa kanyang dibdib. Ewan niya pero parang may kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang katawan.

Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nang maisip niyang iyon ang pakiramdam ng mga bida sa nobelang nababasa niya. Platonic love lang naman ang nararamdaman nila ni Luigi sa isa't isa. 

"Alis ka na muna," wika nito. 

"Pinauuwi mo na ako?" Hindi nakapaniwalang tanong niya. 

"Umalis ka sa pagkakadagan sa akin," wika nito. 

Napa-oh siya saka dali-daling ginawa ang sinabi ni Luigi. 

"O, di mo na sinagot ang tanong ko," mariin niyang sabi. Kailangan niyang maging mataray dahil kailangan niyang balewalain ang nararamdaman kani kanina lang, "Hindi ako bad breath, di ba?"

Ayaw naman niyang isipin na may ibig sabihin 'yung parang may dumaloy na kuryente sa kanyang katawan dahil sa naging ayos nila kanina ni Luigi. Kailangan niyang isiksik sa kanyang isipan na masyado lang siyang nadala sa kanyang problema at desperada na siyang masyado na madapuan ng kilig para may maibahagi siya sa kanyang mambabasa. 

Sa edad 23 ay hindi pa niya nararanasan ang magkaroon ng boyfriend. Ang atensyon niya kasi ay nakatuon sa pangarap niyang maging manunulat. Saka paano pa niya iisipin ang pakikipagnobyo kung laging may Luigi Chances sa kanyang tabi. 

"Oo na, ang gusto kong malaman ay ang dahilan kung bakit nakaisip ka ng kalokohan. Turuan kita ng kamanyakan?" Tanong nitong parang nakaramdam ng sobrang panghihilakbot. 

Kahit na ang tono ni Luigi ay parang diring-diri, hindi siya na-offend. Tumawa pa nga siya. Platonic lang naman kasi ang samahan nila. Kaya nga kahit nakakulong sila sa iisang silid at natutulog sila sa iisang kama, walang epekto sa kanilang dalawa. 

Tumatawa lang sila kapag may nagsasabi sa kanilang silang dalawa raw ang magkakatuluyan pagdating ng araw. Kahit alam niyang matutuwa ang kanilang mga ama kapag nangyari iyon, para sa kanila ni Luigi ay napakaimposible nu'n. 

Una, hindi niya type si Luigi kung hitsura lang ang pag-uusapan. Oo nga guwapo ito dahil half Australian at one-fourth Chinese, matangkad dahil nasa six footer ito at may malapad na pangangatawan dahil palagi itong nasa gym. Hindi lang dahil sa gusto nitong magkaroon ng maraming babae kundi dahil pag-aari nito ang L's Gym. Saka, rugged palagi si Luigi kaya sa paningin niya'y marusing ito. Ang gusto niya ay iyong mala-prinsepe ang dating at walang ibang nakikita kundi siya. Sa madaling salita iyong stick to one. 

Pangalawa, masyado na nilang kilala ang isa't isa. Dahil doon ay alam na niyang hindi kailanman magagawa ni Luigi na maging loyal sa karelasyon. Para nga itong nagpapalit lang lang ng brief kung magpalit ng babae. 

"Yes," mabilis niyang sabi. At bago pa man ito makapag-isip ng kung ano ay mabilis na siyang nagpaliwanag. "Palagi na lang kasi akong nari-reject kapag nagpapasa ako ng libro ko sa Good Nobela at hindi ako pwedeng ma-reject this year. Alam mo namang may usapan kami ng Daddy. Hindi na niya ako pipilitin na mag-masteral kapag may naipasa akong libro. Eh, lagi akong nari-reject dahil nga ang mga sinusulat ko raw ay walang kilig. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya." Bigla siyang natigilan pagkaraan. Hindi lang niya alam kung dahil ba sa kagustuhan niyang magpaliwanag kay Luigi, sinabi niya ang mga salitang iyon na hindi halos humihinga kaya ngayon ay abot-abot ang kanyang paghingal o dahil sa huling pangungusap na kanyang sinabi. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya.

Para kasing bigla siyang nalito kung sino ba ang dapat niyang tukuyin ng mga sandaling iyon, ang character niya o siya bilang manunulat? 

Siyempre ang karakter niya, inis niyang sabi sa kanyang sarili. ang konsentrasyon niya ay nasa kanyang pagsusulat. Wala pa siyang planong ma-in love, lalo na kay Luigi Chances. 

He is just a bestfriend, mariing sabi niya sa sarili. Ibig niyang paulit-ulit na sabihin iyon sa kanyang sarili para hindi niya magawang makalimutan. 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Maria Angela Gonzales
pasensya na po sa mga naghintay, itutuloy ko na po.
2023-06-02 00:09:39
0
user avatar
Twilight
kelan Po uli mag uupdate author?
2022-10-18 14:45:16
0
default avatar
ballaresjoed7
kelan Po kaya itutuloy Ang kwentong ito?
2022-09-17 14:22:11
0
user avatar
Twilight
update Po ...
2022-09-01 18:05:26
0
user avatar
Carlos Lola
nakakadala magbasa ng ongoing book,bka hindi nnmn tatapusjn,,sana Ang author nito ay patuloy na ituloy Ang pagupdate wag na sana gayahin Ang iba,maganda pa nmn itong kwento na ito
2022-08-17 07:45:25
1
user avatar
EmotionlessMissK
I love this novel......
2022-05-23 20:36:34
0
user avatar
Khala Castro
Ganda.......... Keep writing ate..........
2022-05-16 00:38:24
1
user avatar
Mimi CUA
may bed scene si luigi at jornaliza aba
2022-05-11 14:13:05
1
user avatar
Ansh Marie Toperz
synopsis pa lang nakakaexcite na .. nice one author
2022-05-06 00:47:20
1
user avatar
reyan0312
saan kaya ako makakahanap ng Luigi ko...
2022-04-11 13:54:06
1
user avatar
Jewiljen
kilig moments pa more ...
2022-03-12 16:53:23
1
user avatar
amvernheart
Excited na ako sa ganap between Luigi and Jornaliza. Go author! Push mo yarn!
2022-02-22 09:30:01
1
default avatar
esmillo_bhuleng
upldate po ...
2023-07-13 07:08:45
0
50 Chapters
Chapter 1 
"TURUAN mo ako ng kamanyakan," diretsahang sabi ni Jornaliza Smith sa matalik niyang kaibigang si Luigi Chances. Hindi rin siya humihinga nang ibulalas niya ang mga salitang iyon. Ni hindi rin niya tinitingnan ang kababata. Basta ang atensyon niya ang nasa monitor ng tv. Concentrate, iyon ang palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili kaya buong atensyon niya ay nais niyang ituon lang sa kanyang ginagawa. Ewan nga lang niya kung bakit kahit na matinding konsentrasyon ang ginagawa niya ay hindi pa rin sapat. Kung hindi niya naibabaling ang pansin niya sa ibang bagay, malamang humahagulgol na siya ngayon ng iyak dahil nabigo na naman siya. Kung noon ay balewala lang sa kanya kapag nari-reject siya pero ngayon ay namumublema na siya. Sabi ng kanyang editor kahit maganda ang kanyang plot kung kulang naman sa kilig balewala rin. Kailangan daw mailarawan niya ng maganda ang pakiramdam kapag nakikita mo ang taong gusto mo, dapat ay naibabahagi mo ang pakiramdam kapa
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
Chapter 2  
MARAHAS na paghinga ang pinawalan ni Jornaliza matapos siyang humarap sa salamin upang tingnan ang kanyang sarili. Medyo napalunok lang siya dahil hindi niya sigurado kung mapapanindigan ba niya ang pagbabago ng kanyang anyo. From being a conservative girl to a liberated woman. Pero pagkaraan ay tinawanan din niya ang sarili. Sa panahon kasi ngayon ay masasabing konserbatibo pa rin ang kanyang suot dahil may manggas pa rin naman ang suot niya. Naisip niya kasi na hindi niya matutupad ang kanyang pangarap kung mananatili lang siya sa loob ng silid at magtipa nang magtipa ng kanyang istorya. Kailangan din niyang pakinggan ang payo sa kanya ni Miss Ava, ang kanyang editor, dahil alam niyang iyon lamang ang paraan para matupad niya ang kanyang pangarap. Ang pagiging manunulat daw ay hindi lang iyong nagkukulong sa isang kuwarto at pagtitipa
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
Chapter 3 
KUNG kanina'y malakas ang loob ni Jornaliza ngayon ay parang umaatras siya ng paunti-unti, paano'y nasa loob na siya ng L's at nakapagpalit na rin siya ng outfit. Sports bra na kulay maroon at yoga trousers na hakab na hakab sa kanyang harapan at puwitan. Shucks, naibulalas niya. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng ganoon ka-fit. Mas gusto talaga niya iyong maluwag kaso nga sa panahong ito, hindi ang gusto niya ang mahalaga kundi ang nais ng taong tina-target niya para tulungan siya sa kanyang pangarap. --her best friend Luigi. Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan dahil sa dalawang araw ay iniiwasan siya ni Luigi at iyon ang nagpapabigat sa kanyang kalooban. Kahit hindi ito nagsasalita, parang sinasabi nito sa kanyang pinandidirihan nito ang ideya na tuturuan siya nitong humalik man lang. Talaga naman kasing hindi rin n
last updateLast Updated : 2022-02-09
Read more
Chapter 4 
HUWAG kang OA, gigil na sabi ni Jornaliza sa kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi'y nilapirot ng husto ang kanyang puso ng sabihin ni Luigi na, ayaw nitong mabastos siya dahil para na silang magkapatid.Hindi tayo magkadugo, gusto sana niyang ipaalala rito pero alam niyang magmumukha lang siyang tanga kapag ginawa niya iyon. Talaga naman kasing hindi sila magkadugo at pinakadiinan din nito sa kanya ang katagang parang. Ibig sabihin, alam din nitong wala silang kaugnayan sa isa't isa. Gayunman, hindi sapat na dahilan iyon para maisip nito na maaaring mag-level up ang kanilang relasyon. Gusto mo ba? Tanong niya sa sarili. No way! mariing sabi niya. Umiiling-iling pa siya dahil talagang tumatanggi ang isip niya. Hindi niya dapat magbago ang tingin nila sa isa't isa. Ngunit, bakit parang dinudurog ngayon ang kanyang puso?"Ehem….ehem…." Narinig niyang wika ng isang boses. Kahit na gustung-gusto na niyang malaman kung sin
last updateLast Updated : 2022-02-19
Read more
Chapter 5 
NANINGKIT bigla ang mga mata ni Luigi sa eksenang kanyang naabutan. Si Jornaliza ay mayroong kausap na lalaki. Hindi lang basta kausap. Nakikipagtawanan pa ito sa lalaking parang isinubsob sa arina. Hindi tuloy niya napigilan ang mapamura. Paano ba naman kasi, naalala niyang ang ganoong klaseng lalaki nga pala ang tipo ni Jornaliza. Maputi lang pero hindi naman Mala-Prince Charming ang dating, inis niyang sabi sa sarili. Unang tingin pa lang niya kasi ay masasabi niyang hindi naman ito mayaman dahil simpleng t-shirt at short lang ang suot nito samantalang siya, puro signature ang suot mula ulo hanggang paa. Naka-Armani outfit siya. Ibig niya kasing ipakita sa lahat na nakakaangat siya. Hindi naman iyon isang kayabangan dahil can afford naman siyang bumili ng mamahaling kagamitan at kasuotan. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya niya kundi dahil sa pinaghirapan niya ang mga iyon. Nagawa niyang makapagpatayo ng gym hindi dahil sa tulong ng kanyang
last updateLast Updated : 2022-02-20
Read more
Chapter 6 
"ANO bang problema mo?" Naiinis na tanong ni Jornaliza kay Luigi. Alam niyang badtrip si Luigi pero hindi niya akalain na dahil sa masama ang timpla nito ay magagawa nitong manuntok. Kung hindi nga lang ito ng mga tauhan nito ay baka gusto pa nitong sugurin si Yael. Siya naman ng mga oras na iyon ay natulala, hindi niya kasi alam kung ano ba ang dapat niyang gawin. Gusto sana niyang puntahan si Yael dahil ito ang nadehado ng mga sandaling iyon kaya lang alam niyang mas ikagagalit iyon ni Luigi. Hindi man sila okay ni Luigi tulad ng dati dahil na rin sa kagagawan niya pero mas minabuti niyang piliin ang matalik na kaibigan. Kaya ng bahagya itong mahimasmasan ay niyaya na niya itong umalis. Ngunit, hindi ibig sabihin nu'n ay hindi niya ito kukomprontahin. "Hinawakan niya ang kamay mo. Sapat na iyon para suntukin ko siya," mainit pa rin ang ulong sabi nito sa kanya. "And so?" Nakuha niyang itanong dito pagkaraan. Mas maig
last updateLast Updated : 2022-02-21
Read more
Chapter 7 
AGAD hinagilap ni Luigi ang gitara at nagtipa. Baka sa pamamagitan nu'n ay tuluyan na mapawi ang inis na kanyang nararamdaman. Kahit kasi nag-sorry siya kay Jornaliza ng paulit-ulit ay parang hindi pa rin siya nito napapatawad.  Napabuntunghininga siya. Ang rason naman kasi kaya humingi siya ng tawad ay dahil sa pagpreno niya ng biglaan. Hindi siya nag-sorry dito dahil sinuntok niya ang lalaki na iyon. Kung maaari nga lang ay gusto niya itong bugbugin. Ayaw na niyang uminit pa ng husto ang kanyang ulo kaya minabuti na lamang niyang kumanta na lang Through the years. Para kasi sa kanya, iyon ang kantang swak na swak sa samahan nila ni Jornaliza.  Sa isipan niya ay bumalik ang mga alaala ng pagkakaibigan nila ni Jornaliza kaya nasa unang stanza pa lang siya'y napahinto na siya dahil bumigat ang kanyang dibdib. Lalaki siya pero nagiging emosyonal. Hindi kasi niya magawang itangginna
last updateLast Updated : 2022-02-22
Read more
Chapter 8
HINDI naman talaga sanay si Jornaliza na mayroon silang tampuhan ni Luigi pero parang hindi pa siya handang harapin ito ulit at ibalik sa dati ang lahat. Dama kasi niyang mayroong nabago at ito ay dahil na rin sa kanyang kagagawan. Kung maibabalik lamang niya ang nakaraan, hindi na niya sasabihin dito na magpapaturo siya ng kamanyakan. Para kasi sa kanya, si Luigi ang perpektong taong makapagtuturo sa kanya ng mga dapat niyang malaman sa pakikipagrelasyon o pakikipagtalik. Malalim na buntunghininga tuloy ang pinawalan niya habang nakatitig siya sa screen ng kanyang computer. Nadagdagan lang ang problema niya. Kung noon, paggawa lang ng erotic scenes, ngayon, pati na rin si Luigi. Importante sa kanya si Luigi kaya ayaw niyang magbago ang kanilang relasyon. Kaya ngayon, sobra siyang kinakabahan, dahil alam niyang may nabago na. Damang-dam
last updateLast Updated : 2022-02-23
Read more
Chapter 9
AKALA ni Jornaliza, nagbibiro lang si Yael ng sabihin nitong liligawan siya pero kinagabihan lang, bisita na niya ito. Kasalukuyan niyang sinusubukang magtipa ng istorya ng kanilang katulong na si Janiz na may bisita siyang kamukha ni Jack sa Titanic. Siyempre, ang unang papasok sa isip niya'y si Yael dahil ito lang naman ang kilala niyang kamukha talaga ni Leonardo DiCaprio. May pag-aalala siyang naramdaman ng sabihin ng mala-Maritess nilang kasambahay na ini-interview ito ng kanyang ama. Palibhasa walang ibang gusto ang kanyang Daddy para sa kanya kundi si Luigi, masungit ang pagtrato nito sa mga nanliligaw sa kanya kaya't hindi kataka-taka na i-bully din nito si Yael.  Gusto sana niyang magmistulan ng Darna para mapuntahan si Yael at nang mailigtas sa mala-machine gun na salita ng ama pero hindi niya magawa dahil hindi pa siya nakakapaligo't nakakapag-ayos man lang. Ang computer niya kasi ang agad niyang pinupuntahan kapag nagigising siya.  Ayon
last updateLast Updated : 2022-02-24
Read more
Chapter 10
NAISIP ni Jornaliza, kung ayos lang sila ni Luigi ngayon, siguradong nandito na ito sa bahay nila at i-interview-hin siya tungkol sa bago niyang manliligaw. Napabuntunghininga lang siya dahil tiyak din niyang hindi rin nito nagustuhan na nililigawan siya ng lalaking sinuntok nito. Naging masigasig si Yael na ipakita sa kanyang seryoso ito sa kanya. Gabi-gabi ay nasa kanila ito. Sa tingin niya'y wala talagang tutok ang ama niya kay Yael kung ito ang magiging first boyfriend niys. Ngunit, bakit parang ayaw ng puso niya?Anong problema? Nalilito pa niyang tanong sa sarili. Si Yael Gomez ang kabuuan ng lalaking pinapangarap niya. Mala-prinsepe ang hitsura at tindig. Ngunit, bakit wala man lang siyang kilig na nararamdaman kapag nakikita niya ito? Sa halip, nabu-bored siya. Ang pumapasok sa isip niya palagi ay si Luigi. Miss na miss na niya ito. Mag-iisang buwan na silang hindi nagpapansinan. Ngunit, kapag nagtatama naman ang tingin nila ni Luigi, hindi n
last updateLast Updated : 2022-02-25
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status