Share

Chapter 4

Author: Joe Des
last update publish date: 2026-04-22 10:04:58

Kinabukasan ay tumigil din ang ulan. Sabado kaya walang pasok. Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng lugaw at gumawa ng tortang itlog, saka nagpainit ng gatas para kay Keagan.

Pagkatapos naming kumain, gusto sana ni Ashtine kaming ihatid, pero hindi ko siya pinayagan.

“Tingnan mo eyebags mo. Magpahinga ka na lang. Magje-jeep na lang kami,” wika ko sa kanya. 

Hindi naman na siya nakipagtalo pa.

Pagdating namin sa apartment ay mga kalat at basang gamit ang sumalubong sa amin. Napatapik ako sa noo nang maalalang hindi ko pala naisara ang bintana kahapon.

Basang-basa ang sahig, at pati mga bagong laba kong damit ay nadumihan ulit. Napabuntong-hininga ako.

“Mama, tulungan po kita,” sabi ni Keagan nang makitang nagsisimula na akong ayusin ang mga kalat. 

“Sige, ikaw na bahala sa pagpunas ng sahig.”

 “Opo!” masunurin siyang tumango. Binigyan ko siya ng tuyong basahan. Maya-maya pa ay masigla ang kanyang mga kilos. Habang pinapanood ko si Kaegan ay kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko.

 Kaegan is my sweetest and kindest baby I know. Kahit bata pa ay marunong ng umintindi ng mga bagay-bagay. Hindi siya makulit o nagpapasaway. Dahil wala akong ibang mapag-iwanan noon, wala pa siyang dalawang taong gulang nang ipasok ko siya sa daycare.

Sobrang nag-alala ako noon dahil baka mahirapan siya, mapabayaan ng teacher niya o kaya ma-bully ng mga kaklase na mas matanda sa kanya. Pero kalaunan, sinabi ng mga teacher niya na napaka-behaved daw niya.

Magalang, madaling pakisamahan, at nakakasunod ang mga kaklase. Doon lang ako nakahinga nang maluwag.

Matapos naming maglinis, mano-mano kong nilabhan ang mga damit. Sira kasi ang washing machine dito sa apartment namin. Nag-order naman na ako ng bago sa online shop ngunit hindi pa dumarating.

Halos tanghali na nang matapos akong magsampay. Lumabas kami ni Kaegan para bumili ng mailuluto sa pananghalian. Mabilis lang kami sa labas dahil medyo nagugutom na rin ang anak ko kaya kailangan kong makapagluto agad. Ganito talaga kapag mag-isa kang nag-aalaga ng anak. Walang pahinga, sunod-sunod ang gawain.

Pagkatapos naming kumain, ay tumambay kami ni Kaegan sa maliit na sala. Kinuha ko ang laptop ko para tapusin ang mga naiwan kong trabaho. 

Si Kaegan naman ay tahimik na nagbabasa tabi ko. 

Marunong na siyang magsulat at magbasa kahit apat na taon pa lang. Minsan nga siya pa ang

ang nagko-correct sa akin kapag binabasahan ko siya ng story book.

 Habang busy ako sa pagtipa sa aking laptop ay tumunog ang aking cellphone. 

 It was a text from the principal of the Montesorri I planned enrolling Kaegan. Pwede na raw pumasok si Keagan sa lunes.

“Keagan, may good news ako. Pwede ka na pumasok sa school sa Monday,” masayang sabi ko sa kanya. 

Sa halip na matuwa rin ay napangiwi siya. “Ayaw ko po, Mama.” 

“Bakit naman, Anak?” masuyo kong tanong. 

“Boring po.”

Napabuntong-hininga ako. Alam kong kumpara sa mga ka-edad niya ay mas mature mag-isip si Kaegan. Mas matalino rin. Pwedeng-pwede ko na siya i-enroll sa grade school pero gusto kong magkaroon siya ng normal na kabtaan. 

Iyong magiging kalaro niya ay mga kaedad niya rin. Ayaw kong seryoso siya palagi at gusto lang magbasa ng libro. 

“Keagan…” tawag ko.

 Nagtaas naman ito ng tingin, at nawala ang pagkakasimangot. “Sige na nga po, Mama. Papasok na ako sa school.”

Napangiti ako dahil alam kong ginagawa niya iyon para sa akin.

“Bukás, gusto mo pumunta tayo sa amusement park?” lambing ko sa kanya. 

 Umiling naman siya. “Ayaw ko riyan po, Mama. Maingay tapos maraming tao po. Gusto ko sa museum.”

“Museum?” ulit ko. Apat na taong gulang… gusto museum?

 “Opo. Nakita ko iyon sa TV ni Ninang. Gusto ko makita po iyong ginamit na bato para makagawa ng apoy.” 

 Namamangha pa rin ako sa mga pinagsasabi niya kahit hindi naman iyon bago sa akin. 

 “Sigurado ka ba?” subok ko pa. “Sa mall na lang kaya? May Arcade doon.”

 “Maingay din doon po, Mama. Ayaw ko. Gusto ko nga po doon sa Museum. Sabi ni Ninang meron daw pong buto ng daynwasor doon sa Museum. Gusto ko doon po.” 

 “Sige na nga,” pagpayag ko naman kahit nag-aalala talaga ako na baka sa palagian niyang pag-iwas na makihalubilo ay madala niya sa paglaki. 

 I don’t want my son to be a loner. 

 Ang pinag-aalala ko ay pansamantala kong nakalimutan nang makita ko kung paano magningning ang mga mata ni Kaegan habang nakatingin sa mga lumang bagay na naka-display sa malaking museum. 

Ang dami niyang tanong tungkol sa mga iyon. Sa umpisa, ako pa ang nagpapaliwanag. Ngunit, hindi nagtagal ay sinimangutan niya ako kasi mali raw ang sinasabi ko. 

Aba!, ano ba kasing malay ko sa mga sinaunang bagay na ‘yan? Wala akong kainte-interes kaya wala akong alam.

 Nagpa-dowload na lang sa akin si Kaegan ng app ng Museum dahil may guide audio raw doon sabi ng napagtanungan namin na staff. 

“Masakit na po paa mo, Mama? Upo ka po,” nag-aalalang wika ni Kaegan nang mapansin na napapangiwi siya dahil nangangalay na ang kanyang mga binti.

“Pero gusto mo pang magtingin-tingin.” 

“Ako na lang po, Mama. Hindi po ako magpapasaway.” 

Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya. Sa huli ay umupo na lang ako habang pinapanood si Kaegan na magtingin-tingin. 

***

SA KABILANG BANDA, may isang taong hindi mapakali. 

Habang nakahinto sa stoplight, napatingin si Kygan sa gilid ng kalsada. Saglit niyang nakita ang isang babaeng kamukha ni Kate na may kasamang bata. 

Ngunit, bago pa niya masigurado kung hindi ba siya dinadaya ng kanyang paningin ay nawala na ito. 

Napahilot siya sa sintido. Kulang na kulang siya sa tulog kaya siguro ay nagha-hallucinate siya. Simula nang magkita ulit sila ay hindi na mapakali si Kygan. 

Kahit sa panaginip, ay si Kate pa rin ang nakikita niya. Naririnig pa niya ang mga salitang ayaw na niyang maalala. 

“Hindi tayo mabubuhay sa hirap, Kygan. Mataas ang pangarap ko. Hindi ako papayag na hanggang dito lang ako. Gusto kong magpakasal sa mayaman. Anong mali sa gusto kong umangat sa buhay? Pasensya na pero, maghiwalay na tayo. Walang patutunguhan ang buhay ko sa ‘yo.”

Paulit-ulit ang mga sinabing iyon sa kanya ni Kate hanggang sa panaginip niya. Bangungot na maituturing dahil halos hindi siya makatulog. 

Lalong sumama ang pakiramdam ni Kygan.

Napamura siya dahil ang lahat ng iyon ay kasalan ng babaeng iyon. Si Kate!

*****

Kate Point of View

 Kumain muna kami sa labas bago kami umuwi ni Kaegan sa apartment. Nang makatulog si Kaegan ay inayos ko naman ang mga gamit niya para sa unang araw niya sa school.

Pasado alas-onse na nang gabi nang matapos ako. Pero kahit anong oras ako matulog, alas-sais pa rin ako nagigising.

Nagluto agad ako ang almusal. Eksaktong alas-syete ay lumabas si Kaegan sa kwarto. “Good morning, Mama.”

 Malambing ko siyang nginitian at hinalikan sa pisngi. “Good morning.”

 Agad naman siyang yumakap sa leeg ko at naglalambing na magpabuhat para mahalikan din ako sa pisngi. 

Pagkatapos kumain, ay nagsarili na siyang maligo at magbihis habang binabantayan ko pa rin.

“Pasuklay ako po, Mama,” sabi niya at bahagyang yumuko. 

Kinuha ko naman iyon at ginawan ng style ang kanyang buhok, Pagkatapos ay isinukbit niya ang maliit niyang backpack. 

Hinatid ko si Keagan sa Montesorri. Hindi agad ako umalis kahit nasa loob na siya ng classroom. Nag-aalala na naman ako na baka hindi siya agad makapag-adjust. 

Laman pa rin iyon ng isip ko habang papunta ako sa terminal ng Bus at Jeep.  

Dahil rush hour ay siksikan. Nakipagunahan ako para makasakay. Sa kabutihang palad ay nakahanap naman ako ng pwesto, iyon nga lang ay nakatayo ako.

Habang nasa byahe ay napaisip ako. Paano kaya kung bumili ako ng kotse? 

Second hand lang para hindi hassle sa akin ang araw-araw na byahe. Katulad na lang noong isang araw, kinailangan ko pang makisakay sa kotse ng boss ko dahil grabe ang ulan. 

 Bukod doon ay mas madali rin para sa paghatid-sundo ko kay Kaegan. Baka may mga contest siyang sasahilan sa mga darating na buwan, pwedeng-pwede ko siyang samahan at ihatid gamit ang kotse.

Hindi man kalakihan ang ipon ko, baka kaya ko ang second-hand. Hindi nga lang ako marunong pumili. Siguro magpapasama na lang ako kay Ashtine. 

Pagdating ko sa office, agad akong nagtrabaho. 

 Napansin ko, simula nang lumipat kami sa Manila, mas naging tahimik ang buhay ko sa opisina.

Wala kasing gulo

Hindi tulad noon sa Naga City, kung saan palaging may problema dahil sa mga babae ni Sir Gabriel. 

Kung hindi nag-aaway, ay nag-iiskandalo naman. Lahat ng iyon ay ako ang sumasalo. 

Bago ako, ay marami ng naging sekretarya si Sir Gabriel. Lahat ng iyon ay nagre-resign agad dahil sa natatamong sampal o kaya sabunot mula sa mga babaeng selosa. Napagkakamalan na kalaguyo ni Sir Gabriel. 

Ako lang yata ang nagtagal ng ganito. 

Siguro dahil talagang hindi ako nagpatalo sa mga babaeng iyon. Kailangan ko ng trabaho, eh. Wala akong ibang pagpipilian. 

Nang makapanganak kasi ako at nagdisisyon na maghanap ng trabaho ay walang gustong tumanggap sa akin. Kahit anong apply ko ay hindi ako nakakapasa sa screening. Hula ko ay dahil iyon sa resume gap ko. 

Maraming kompanya na may ayaw sa empleyadong may bakanteng taon na walang trabaho.

Dahil desperado na rin ako nang mga panahong iyon ay kung saan-saan na ako nag-apply. Kahit iyong walang kinalaman sa natapos kong kurso, ay pinagpasahan ko ng resume. 

Sakto naman, desperado rin ang HR ng kumpanya ni Gabriel dahil walang tumatagal sa posisyon bilang sekretarya nito. 

Kaya kahit wala akong experience bilang secretary, tinanggap nila ako. Iyon ang simula ng lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 4

    Kinabukasan ay tumigil din ang ulan. Sabado kaya walang pasok. Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng lugaw at gumawa ng tortang itlog, saka nagpainit ng gatas para kay Keagan.Pagkatapos naming kumain, gusto sana ni Ashtine kaming ihatid, pero hindi ko siya pinayagan.“Tingnan mo eyebags mo. Magpahinga ka na lang. Magje-jeep na lang kami,” wika ko sa kanya. Hindi naman na siya nakipagtalo pa.Pagdating namin sa apartment ay mga kalat at basang gamit ang sumalubong sa amin. Napatapik ako sa noo nang maalalang hindi ko pala naisara ang bintana kahapon.Basang-basa ang sahig, at pati mga bagong laba kong damit ay nadumihan ulit. Napabuntong-hininga ako.“Mama, tulungan po kita,” sabi ni Keagan nang makitang nagsisimula na akong ayusin ang mga kalat. “Sige, ikaw na bahala sa pagpunas ng sahig.” “Opo!” masunurin siyang tumango. Binigyan ko siya ng tuyong basahan. Maya-maya pa ay masigla ang kanyang mga kilos. Habang pinapanood ko si Kaegan ay kahit papano ay gumaga

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 3

    Alam kong tatanungin ako ni Sir Gabriel, kaya bago pa man niya ako ipatawag, ay napaghandaan ko na ang isasagot ko. “Wala naman pong special,” wika ko sa kaswal na boses. “Nagtrabaho po ako dati sa subsidiary ng Guidotte Corporation sa Naga City, tapos nagkataon na nandoon din si Sir Kygan noon. Nagkasama lang po kami sa trabaho.” I paused a bit then continued.“Hindi ko rin po alam noon kung sino talaga siya.”“Really?” tanong niya na parang hindi kumbinsido.“Opo, Sir,” tango ko naman habang pilit kong pinapanatili na kalmado ang aking mukha kahit ang totoo ay parang sasabog na ang aking dibd ib. Sir Gabriel’s mouth lifted like he just had an idea. “Why does he look like Kaegan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. “Hindi naman, Sir,” mabilis kong sagot. “Saan po banda magkamukha? Hindi po, ah. Kapag narinig niya ‘yan, baka isipin pa ni sir Kygan ginagamit ko pangalan niya.”Nagkita na sina Sir Gabriel at Kaegan noong nasa Naga C

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 2

    Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa boss ko. Lumabas na agad ako na parang may kung anong hinahabol. Saka pa lamang ako nakahinga nang maayos nang makasakay ako sa taxi. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumuhos. Tinakpan ko ang aking bibig para supilin ang hagulgol na gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang sakit-sakit pala. Akala ko, handa ako sa ganitong pangyayari. Hindi pala…Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating sa tapat ng bahay ng kaibigan kong si Ashtine ang taxi. Kararating pa lang namin ng anak ko sa Manila, ilang araw pa lang ang nakalilipas kaya dito muna kami tumutuloy habang naghahanap ako ng apartment. Dahil kare-resign pa lang ni Ashtine sa trabaho, ay nagboluntaryo siya na siya na muna ang magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. “Tulog na si Keagan. Ang bait ng batang ‘yon, ha. Naligo mag-isa, natulog nang hindi ako pinahirapan,” salubong sa akin ni Ashtine. Napangiti ako nang marinig

  • The Billionaire’s Cruel Game   Chapter 1

    “Dumating na si Mr. Guidotte!”Halos sabay-sabay kaming napatayo sa loob ng VIP room. Sumunod ako kahit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung gaano kabigat ang presensya ng taong kanina pa namin hinihintay. Ang alam ko lang, bihira siyang magpakita at hindi basta-basta napapapunta sa ganitong klaseng dinner.Ngayong gabi, sumama ako sa boss kong si Gabriel. Kakabalik lang niya sa Manila para pumasok sa main office ng kompanya, at kailangan niyang magpalawak ng koneksyon. Kaya nang inimbitahan siya ng kaibigan para sa pagtitipon na ito ay hindi na siya tumanggi. Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte!“Kygan…” usal ko sa mahinang tinig.Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya.Kaya pala kahit anong h

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status