LOGINPagkatapos na pagkatapos ng dinner, hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa boss ko. Lumabas na agad ako na parang may kung anong hinahabol.
Saka pa lamang ako nakahinga nang maayos nang makasakay ako sa taxi. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumuhos. Tinakpan ko ang aking bibig para supilin ang hagulgol na gustong kumawala sa aking lalamunan.
Ang sakit-sakit pala.
Akala ko, handa ako sa ganitong pangyayari. Hindi pala…
Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating sa tapat ng bahay ng kaibigan kong si Ashtine ang taxi. Kararating pa lang namin ng anak ko sa Manila, ilang araw pa lang ang nakalilipas kaya dito muna kami tumutuloy habang naghahanap ako ng apartment.
Dahil kare-resign pa lang ni Ashtine sa trabaho, ay nagboluntaryo siya na siya na muna ang magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako.
“Tulog na si Keagan. Ang bait ng batang ‘yon, ha. Naligo mag-isa, natulog nang hindi ako pinahirapan,” salubong sa akin ni Ashtine.
Napangiti ako nang marinig ko iyon.
“Salamat, Tine. Ang laki ng naitulong mo sa akin.”
Simula nang pumasok ako sa main office, halos hindi ako makahinga sa dami ng trabaho. Kung wala si Ashtine, hindi ko alam kung paano ko kakayanin ang lahat.
Umiling naman siya at kumumpas na maliit na bagay lang iyon.
“Ano ka ba, huwag kang magpasalamat. Ninang niya ako, so parang anak ko na rin ‘yan. Natural lang na alagaan ko siya.”
Alam ko namang walang “natural” sa ganitong tulong. Mabait lang talaga siya.
“O, anong nangyari? May nang-bully ba sa’yo sa office?” aniya nang mapansin na tila wala ako ngayon sa sarili..
Hinila niya ako papunta sa sofa at pinaupo.
Umiling ako. “Wala.”
“Eh bakit ganyan ang mukha mo?”
Ang totoo, ay pagod na pagod ako, hindi lang pisikal kundi pati mental. Kaya imbes na sumagot agad, sumandal na lang ako sa balikat niya.
“Tine…” mahina kong sabi, “nakita ko si Kygan.”
“Ha?!”
Bigla siyang napalingon sa akin. Dahil sa gulat niya, halos matumba pa ako sa pagkakasandal sa kanya. Hinila niya naman ako paupo nang maayos at kumurap-kurap na parang sinisiguro na hindi nga ako nagbibiro.
“Hindi ako nagkakamali ng dinig, ‘di ba? Nakita mo si Kygan?”
I nod.
Kumurap ulit siya, parang pinoproseso ng utak ang sinabi ko. Ilang sandali lang ay pumalatak siya. “Sigurado kang tao iyon? Baka multo?”
I smiled bitterly. “Hindi multo. He’s alive and well.”
Natahimik siya ng ilang sandali bago muling nagsalita. “Nakapagpaliwanag ka ba? Nasabi mo ba yung tungkol kay Keagan?”
Umiling ako.
Kumunot naman ang kanyang noo sa pagkalito. Alam niyang limang taon kong hinanap si Kygan. Alam niya kung gaano ako desperado nitong mga nakalipas na taon. Dapat nga, masaya ako.
Pero hindi.
Para akong nawalan bigla ng direksyon sa buhay.
“May asawa na ba siya?” Ashtine’s expression shifted
“Wala,” sagot ko dahil iyon naman talaga ang narinig ko sa usapan ng mga negosyante kanina.
“May girlfriend?”
“Hindi ko alam,” sagot ko. “Hindi ko tinanong.”
At saka, anong karapatan ko para magtanong?
Natahimik kaming dalawa ng halos limang minuto. Ako ulit ang nagbukas ng usapan. “Tine, ngayon ko lang nalaman kung gaano kayaman si Kygan.”
“Ano? Teka, gaano kayaman?”
“He came from an elite family. He’s the heir to the Guidotte Empire.”
Napakunot ang noo niya. “Hindi ba sabi mo dati, maliit lang negosyo ng pamilya niya?”
“Yun ang sinabi niya sa akin noon.”
“Bakit niya kailangan magsinungaling?”
“Dahil nagte-training siya noon sa subsidiary ng kumpanya nila. Yung kumpanyang pinasukan ko sa Naga City … sa kanila pala.”
“Pero girlfriend ka niya noon. Isang taon kayong magkasama. Hindi man lang niya sinabi sa’yo?”
Napangiti ako, pero wala akong maramdamang saya. “Siguro gusto niya akong i-test kung gold digger ba ako.”
Napamura siya. “Anong klaseng test yan? Kung sinabi niya agad ang totoo, hindi sana kayo naghiwalay.”
Parang may kumuyumos sa dibd ib ko. Alam ni Ashtine kung gaano kahirap ang pinagdaanan ko sa loob ng limang taon.
She witnessed how desperate and pitiful I was.
Noong buntis ako at pumunta ako sa Manila para hanapin si Kygan. Naglalakad ako sa kalsada araw-araw para magtanong-tanong at umaasa na baka bigla ko siyang makasalubong.
Hindi ako mapigilan ni Ashtine kahit sandamakmak na sermon ang inabot ko dahil malaki na rin ang tiyan ko ng mga panahon na iyon. Kaya siya na lang ang nagtanong-tanong sa mga kakilala niya. Pero paano nga naman niya mahahanap si Kygan kung ang mga pinagtanungan namin ay hindi kasing lebel ng buhay na meron pala si Kygan.
Tumigil lang ako nang dinugo ako at isang linggo akong na-confine sa ospital.
Sinermunan ulit ako ni Ashtine habang umiiyak na.
“Kung ayaw niyang magpakita sa’yo, kahit anong gawin mo, hindi mo siya mahahanap. You need to take care of yourself too. You’re pregnant! Kung talagang para kayo sa isa’t isa, magkikita pa rin kayo balang-araw.”
I temporarily gave up and went back to Naga City. Pagkatapos kong manganak ay tuloy ang paghahanap ko kay Kygan.
“O, ngayon nakita mo na. Ano’ng plano niya?” untag sa akin ni Ashtine.
Napayuko ako. “Tine, tapos na ang lahat sa amin.”
Iilang salita lang ngunit agad naintindihan iyon ni Ashtine. Hindi na kami pwede ni Kygan dahil bukod sa galit siya sa akin ay hindi ko rin kayang abutin ang mundo niya.
His family belong the circle of elites. A billionaire!
Habang ako, isang ordinaryong empleyado lang.
......
Sumasabay sa malakas na buhos ng shower ang aking mga luha. Naupo ako sa sahig ng banyo, yakap ang sarili ko, at hinayaan na lang ang lahat ng sakit na matagal ko nang kinikimkim.
Sa loob ng limang taon, ilang beses kong inimagine kung paano kami muling magkikita.
Pero hindi ko akalain na ganito pala ang magiging kahihinatnan ng lahat.
Kahit magpaliwanag man ako ngayon, kahit sabihin ko man na may anak kami alam ko na hindi pa rin siya matitinag. Hindi pa rin babalik sa akin, sa amin si Kygan.
Galit siya sa akin at baka may iba na rin siya ngayon.
Kinabukasan, nag-leave ako para maghanap ng mauupahan.
Nakahanap ako ng maliit na unit, dalawang kwarto at may sala. Medyo luma ang itsura, pero malinis at pasok sa budget ko. Pinili ko rin iyon dahil malapit sa preschool.
Pagbalik ko sa bahay ni Ashtine ay tulog pa siya.
“Mama, nandito ka na po!” Nakapaang tumakbo palapit sa akin si Kaegan.
Ngumiti naman ako at ginulo ang buhok niya. “Nag-toothbrush ka na ba?”
“Opo! Naghilamos din ako mag-isa!”
“Good job. Ang sipag naman ng mabait na bata. Oh, gisingin mo na si Ninang. Kakain na tayo.”
“Okay po!” Tumakbo siya papunta sa kwarto ng Ninang. “Ninang! Gising na! Kain na!”
Narinig ko ang reklamo ni Ashtine mula sa loob. Lumabas siya na sabog ang buhok at mukhang puyat.
Pinisil niya ang magkabilang pisngi ni Kaegan. “Ang baby boy namin, parang alarm clock. Nanggigising.”
Tumawa si Keagan at tumakbo pabalik sa akin. “Mama, ano pong breakfast?”
“Bumili ako ng pandesal, may cheese at peanut butter. Tapos may hotdog at itlog din. Gusto mo?”
“Hotdog! Yey!”
“Oh, maghugas muna ng kamay.”
“Opo!” masunurin siyang tumango.
Inayos ko ang pagkain sa mesa at nagtimpla ng gatas para sa anak ko. Umupo naman si Ashtine sa tabi ko at kumuha ng pandesal.
“Anong oras ka nagising?”
“Six.”
“Grabe. Bakit ang aga?”
“Tiningnan ko yung lilipatan namin.”
“Lilipatan? Dito na lang kayo tumira,” suhestiyon niya na ikinangiti ko.
“Hindi pwede. Baka hindi ka na makahanap ng jowa.”
“Wala akong balak. Ayos na ako na mag-isa.”
Alam kong ayaw niya lang na umalis ako, pero hindi ko kayang abalahin siya nang matagal, lalo na’t may anak ako.
“Malapit sa preschool yung nahanap kong apartment. Mas madali sa amin.”
Lumabi na lang siya at hindi na nakipagtalo pa. “Sige. Ihahatid ko kayo mamaya.”
“Thank you, Tine.”
Pagkatapos namin maglipat at siguruhin na maayos na ang apartment ay pumasok na rin ako sa trabaho kinabukasan.
Hindi na ako nagulat nang makitang nakaabang na ang boss ko. Tinawag niya agad ako sa opisina niya.
“Kate, what’s going on between you and Kygan?”
Kinabukasan ay tumigil din ang ulan. Sabado kaya walang pasok. Maaga akong nagising at naghanda ng almusal. Nagluto ako ng lugaw at gumawa ng tortang itlog, saka nagpainit ng gatas para kay Keagan.Pagkatapos naming kumain, gusto sana ni Ashtine kaming ihatid, pero hindi ko siya pinayagan.“Tingnan mo eyebags mo. Magpahinga ka na lang. Magje-jeep na lang kami,” wika ko sa kanya. Hindi naman na siya nakipagtalo pa.Pagdating namin sa apartment ay mga kalat at basang gamit ang sumalubong sa amin. Napatapik ako sa noo nang maalalang hindi ko pala naisara ang bintana kahapon.Basang-basa ang sahig, at pati mga bagong laba kong damit ay nadumihan ulit. Napabuntong-hininga ako.“Mama, tulungan po kita,” sabi ni Keagan nang makitang nagsisimula na akong ayusin ang mga kalat. “Sige, ikaw na bahala sa pagpunas ng sahig.” “Opo!” masunurin siyang tumango. Binigyan ko siya ng tuyong basahan. Maya-maya pa ay masigla ang kanyang mga kilos. Habang pinapanood ko si Kaegan ay kahit papano ay gumaga
Alam kong tatanungin ako ni Sir Gabriel, kaya bago pa man niya ako ipatawag, ay napaghandaan ko na ang isasagot ko. “Wala naman pong special,” wika ko sa kaswal na boses. “Nagtrabaho po ako dati sa subsidiary ng Guidotte Corporation sa Naga City, tapos nagkataon na nandoon din si Sir Kygan noon. Nagkasama lang po kami sa trabaho.” I paused a bit then continued.“Hindi ko rin po alam noon kung sino talaga siya.”“Really?” tanong niya na parang hindi kumbinsido.“Opo, Sir,” tango ko naman habang pilit kong pinapanatili na kalmado ang aking mukha kahit ang totoo ay parang sasabog na ang aking dibd ib. Sir Gabriel’s mouth lifted like he just had an idea. “Why does he look like Kaegan?” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Gulat na napaangat ako ng tingin sa kanya. “Hindi naman, Sir,” mabilis kong sagot. “Saan po banda magkamukha? Hindi po, ah. Kapag narinig niya ‘yan, baka isipin pa ni sir Kygan ginagamit ko pangalan niya.”Nagkita na sina Sir Gabriel at Kaegan noong nasa Naga C
Pagkatapos na pagkatapos ng dinner, hindi na ako nag-abala pang magpaalam sa boss ko. Lumabas na agad ako na parang may kung anong hinahabol. Saka pa lamang ako nakahinga nang maayos nang makasakay ako sa taxi. Ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan ay tuluyang bumuhos. Tinakpan ko ang aking bibig para supilin ang hagulgol na gustong kumawala sa aking lalamunan. Ang sakit-sakit pala. Akala ko, handa ako sa ganitong pangyayari. Hindi pala…Pasado alas-dyes na nang gabi nang makarating sa tapat ng bahay ng kaibigan kong si Ashtine ang taxi. Kararating pa lang namin ng anak ko sa Manila, ilang araw pa lang ang nakalilipas kaya dito muna kami tumutuloy habang naghahanap ako ng apartment. Dahil kare-resign pa lang ni Ashtine sa trabaho, ay nagboluntaryo siya na siya na muna ang magbabantay sa anak ko habang nasa trabaho ako. “Tulog na si Keagan. Ang bait ng batang ‘yon, ha. Naligo mag-isa, natulog nang hindi ako pinahirapan,” salubong sa akin ni Ashtine. Napangiti ako nang marinig
“Dumating na si Mr. Guidotte!”Halos sabay-sabay kaming napatayo sa loob ng VIP room. Sumunod ako kahit hindi ko pa rin lubos maintindihan kung gaano kabigat ang presensya ng taong kanina pa namin hinihintay. Ang alam ko lang, bihira siyang magpakita at hindi basta-basta napapapunta sa ganitong klaseng dinner.Ngayong gabi, sumama ako sa boss kong si Gabriel. Kakabalik lang niya sa Manila para pumasok sa main office ng kompanya, at kailangan niyang magpalawak ng koneksyon. Kaya nang inimbitahan siya ng kaibigan para sa pagtitipon na ito ay hindi na siya tumanggi. Dahang-dahang bumukas ang malaking pinto para lamang mahigit ko ang aking hininga. Tila tumigil ang pag-ikot ng aking mundo nang makita ko kung sino si Mr. Guidotte!“Kygan…” usal ko sa mahinang tinig.Ang lalaking limang taon kong hinanap. My ex-boyfriend, Kygan. Hindi ko akalaing siya pala ang misteryosong tagapagmana ng pinakamayamang pamilya, hindi lang sa bansa kundi sa buong kontinente ng Asya.Kaya pala kahit anong h







