MasukMalalim na ang gabi, pero dilat na dilat pa rin ang mga mata ni Jade habang nakatitig sa kisame. Hindi pa rin nawawala sa isip niya ang katotohanang may taong gustong sumira sa kaniya at sa mga taong pinagkakatiwalaan niya.“Bakit hindi ka pa natutulog, Jade?” rinig niyang tanong ni Preston.Bumuntong-hininga siya bago ito nilingon. Gising na pala ito, at bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala.“Hindi ako makatulog, Preston,” tugon niya. “Parang hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang nasa likod noon. Malinaw na gusto niya akong sirain. At damay ka rin doon, Preston. Kahit mga kaibigan ko, hindi niya pinalampas.”“Jade,” mahinahong sambit ni Preston at mas lumapit sa kaniya. Kinuha nito ang kamay niya at masuyong pinisil iyon. “Sa rami ng pinagdaanan mo, ngayon ka pa ba susuko? And look, you don't need to worry about me. Kaya ko ang sarili ko, Jade. Ayoko lang na mag-isip ka nang sobra dahil buntis ka. Baka kung ano ang mangyari sa iyo kapag—”“Mapapanatag
“Where are you going?”Pagkalabas pa lamang ni Jade sa banyo, sinalubong na agad siya ni Preston. Nasa sala ito at tila kanina pa naghihintay, kaya bahagya siyang napahinto. Hindi niya naman planong lumabas nang matagal. Gusto lamang niyang makipagkita kina Ysa, Florence, at Maxwell dahil kailangan niyang makausap ang mga ito. Matapos ang mga nangyari nitong mga nakaraang araw, kailangan niya ng mga taong matagal na niyang pinagkakatiwalaan.“Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko.”Agad na napabuntong-hininga si Preston at lumapit sa kaniya. Kita sa mukha nito ang pag-aalala, bagay na ilang beses na niyang napansin mula nang makatanggap siya ng mga hindi kilalang mensahe.“Jade, this isn't the right time, okay? It's not safe to go outside. Mas maiging dito ka na lang muna sa condo ko hanggang sa maging maayos ang sitwasyon.”“Preston, hindi naman puwedeng dito lang ako. Besides, hindi natin sigurado kung malaking threat ba ‘yon.”“Nakatanggap ka pa ba ng mga mensahe? Tinatakot ka pa ri
Hindi mapakali si Jade habang nakaupo sa loob ng kaniyang sasakyan. Ilang minuto na siyang nakatitig sa kawalan, ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maalis sa isipan ang sinabi ni Francis. How did he know? Iyon ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa kaniyang isip. Walang ibang dapat nakakaalam tungkol sa tunay niyang pagkatao at sa kasal niya kay Evren—maliban sa iilang taong naging bahagi ng buhay nilang dalawa. Isa pa, maingat niyang itinago ang lahat. Hindi niya kailanman hinayaang may ibang makaalam ng mga bagay na maaari niyang ikapahamak. Kaya kung alam na ngayon ni Francis ang tungkol sa kasal niya kay Evren, ibig-sabihin, may nagsabi rito. Napapikit na lamang si Jade at marahang nagpakawala ng buntong-hininga bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Kailangan muna niyang makaalis sa Maison Beaumont. Ayaw niyang manatili roon nang matagal habang magulo ang kaniyang isip. Diretso siyang nagmaneho patungo sa condo ni Preston. At kahit nagmamaneho, napupuno pa rin ng mara
“So your dad started to process the divorce?”Mabilis na napalingon si Evren sa kaniyang ina nang magsalita ito. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig bago lumapit dito.“Yes, mom. He made Jade and I signed a lot of documents this morning.”Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ng kaniyang ina. Mula sa kalmado, bigla itong nabahiran ng galit. Nang makita niyang babangon ito, agad niya itong tinulungan. Ngunit hindi pa man niya tuluyang nahahawakan ang kaniyang ina, bigla nitong hinampas ang mga kamay niya.“Bakit hinayaan mo ang ama mo, Evren?!” galit na tanong nito. “Kung may gatiting ka pang awa sa akin, you wouldn't agree. Alam mong tutol ako sa matagal nang gusto ni Jade dahil she's not risking her life, she's risking us. Pero ano'ng ginawa mo, Evren? Why are you acting like everything is still good?!”“She wanted it, mom!” asik ni Evren sa ina. “What choice do I have? Ngayon pa na pati ang ama ni Charlotte, alam na ang tungkol sa amin. At… at buntis din si Charlotte, mo
Isang marahas na buntong-hininga ang pinakawalan ni Jade nang itigil niya ang sasakyan sa harap ng gusaling sinabi niya sa sarili niyang kailanma'y hindi na niya aapakan—ang kumpanya ng kaniyang asawa.Pero ngayon, wala siyang ibang choice kundi ang muling bumalik dahil doon napagpasyahan ng ama ni Evren na simulan ang proseso ng diborsyo nilang dalawa.Ilang saglit pa, bumaba na rin siya sa kaniyang sasakyan at dire-diretsong naglakad hanggang sa makapasok sa loob. Dumiretso siya sa elevator at pinindot ang top floor button bago tahimik na nagdasal na sana'y walang aberyang mangyari.“You're late,” malamig na bungad ni Charles sa kaniya nang makapasok siya sa opisina ng anak nito.Prente itong nakaupo sa swivel chair habang si Evren naman ay nakaupo sa couch, tila balisa. Umiling siya at tahimik na lumapit sa biyenan.“Na-late ako ng gising, dad. I'm so—”“Still not valid to be late at this important matter. Anyway…” Itinulak nito patungo sa kaniya ang isang makapal na folder. “The di
Nang humiwalay si Preston sa kaniyang mga labi, isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.“Did that make you stop thinking about such a scenario?” nakangisi nitong tanong.Hindi alam ni Jade ang sasabihin. Nanatili lamang siyang nakatitig kay Preston habang pilit na pinoproseso ang ginawa nitong paghalīk sa kaniya. Halos hindi siya gumalaw nang sandaling iyon. Maging ang sarili niyang paghinga ay malinaw niyang naririnig.“Hey.” Sinapo nito ang balikat niya. “Are you okay?” tanong pa nito bago marahang niyugyog ang kaniyang katawan.Dahil sa ginawa nito, tila nagising siya sa reyalidad. Bahagya siyang napaatras mula kay Preston, bakas pa rin sa mukha niya ang matinding gulat.“Why… why did you kiss me, Preston?” seryoso ngunit kalmado niyang tanong.Mahina itong natawa bago marahang umupo sa upuang nasa tabi niya. “Gusto kita, Jade,” pag-amin ni Preston, na agad nagpagulat sa kaniya.“A-Ano'ng sabi mo?” paninigurado pa ni Jade dahil baka nagkamali lamang siya ng pagkakari







