author-banner
Rain
Rain
Author

Novels by Rain

Chasing the Billionaire

Chasing the Billionaire

Synopsis Sa prestihiyosong St. Monteverde International University, kung saan nag-aaral ang mga anak ng pinakamayayamang pamilya, isang simpleng scholarship student ang patuloy na humahabol sa lalaking tila hindi kailanman lilingon pabalik. Si Luna Villareal ay isang clumsy ngunit masayahing dalaga na lumaki sa hirap. Sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mundo, matagal na niyang minamahal si Giovanni De Luca, ang kilalang campus billionaire at tagapagmana ng isang malaking kumpanya. Cold, distant, at tila walang puso, si Giovanni ay sanay na panatilihin ang distansya sa lahat, lalo na kay Luna na palaging sumusunod at nagpapakita ng pagmamahal. Ngunit sa likod ng malamig na imahe ni Giovanni ay isang lalaking may mabigat na responsibilidad at lihim na takot na masaktan. Habang patuloy na hinahabol ni Luna ang kanyang puso, unti-unting nababasag ang pader na matagal na nitong itinayo. Sa gitna ng inggit, social pressure, at mga taong gustong paghiwalayin sila, mapapatunayan kaya ni Luna na ang tunay na pagmamahal ay hindi nasusukat sa yaman o status? At handa ba si Giovanni na ipaglaban ang babaeng matagal na niyang piniling iwasan, pero hindi kailanman nakalimutan? Isang kwento ng paghahabol, pagtitiis, at pag-ibig na kayang baguhin kahit ang pinakamalamig na puso.
Read
Chapter: Chapter 5
Chapter 5“I'll walk you home.” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o hindi. Pero ito kami ngayon sabay na naglalakad. Para namang sasabog sa kilig ang puso ko. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig. “By the way,” napatingin naman ako sa kanya, “ do you always take a photo of me?” tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Alanganin akong ngumiti at napayuko.“Oo,” pag-amin ko, “don't worry di naman kita ipapakulam, nilalagay ko lang sa scrap book ko.” Pagpapaliwanag ko naman. “Scrap book?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. “Oo, collection ko ng mga photo mo.” “Since when?” “Simula nong tinulungan mo ako sa ulan. Hindi mo na maalala 3 years ago na rin kasi ‘yun.” Patuloy pa rin kami sa paglalakad. “So, it's been three years since you liked me?” Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napakastraight forward naman nito..“Ganun na nga.” “So you approach me because you like me? Not because you want to be friends?” Hinarangan ko naman siya at
Last Updated: 2026-04-24
Chapter: Chapter 4
Chapter 4 Simula noong araw na sinabi niyang “I don’t remember,” may kakaibang nangyari sa utak ko.Hindi ako nasaktan. Hindi ako na-offend mas lalo lang akong na-challenge. Kung hindi niya ako maalala… Edi ipapaalala ko.Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya makalimutan.“Luna,” tawag ni Sofia habang naglalakad kami papuntang cafeteria kinabukasan. “Mukhang may binabalak ka na naman.”Napatingin ako sa kanya, kunwari inosente.“Ha? Wala naman.”Tumaas ang kilay niya. “Tatlong taon na kitang kilala. Kapag ganyan ang mukha mo, may kalokohan kang gagawin.”Ngumiti ako. Yung tipong sweet pero may halong mischief.“Hindi kalokohan,” sagot ko. “Mission.”Napahinto siya sa paglalakad. “Anong mission?”Huminga ako ng malalim, parang general na mag-aannounce ng war plan.“Operation: Pa-Remember Kay Giovanni.”Napahawak siya sa noo niya. “Lord, kunin niyo na ako.”Ang oa niya.Lunch TimeTahimik akong nakaupo sa table namin habang kumakain ng fries. Pero ang totoo, hindi ako focused sa pagka
Last Updated: 2026-04-24
Chapter: Chapter 3
Chapter 3“Marami pa diyang iba.”Naisip ko na naman ang sinabi ni Marcus. Alam ko namang hopeless itong feelings ko para sa kanya. Pero dapat ba sumuko na ako? “Pero feeling ko may connection talaga kami ni Vann e.” Sofia suddenly pulled the blanket tighter. “Kung makakausap mo lang ‘yang sarili mo, baka sinampal ka na niyan,” mahinang sabi niya na may halong inis at antok.“Ewan ko ba,” sagot ko, nakanguso pa rin. “Basta… feeling ko talaga, may connection kami.”“Connection ka diyan. Baka ikaw lang ‘yung may WiFi.” Tumalikod siya ulit at natulog.Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Pero hindi rin mawala sa isip ko si Giovanni.Giovanni De Luca.Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya, parang gusto kong kabisaduhin hanggang sa dulo ng mundo.Kinabukasan“Luna! Bilisan mo, late na tayo!” sigaw ni Sofia habang hinahatak ang bag ko palabas ng dorm.“Sandali lang! Ayusin ko lang buhok ko—”“Wala kang aayusin, maganda ka na raw sa panaginip mo!” sagot niya sabay tu
Last Updated: 2026-04-24
Chapter: Chapter 2
Chapter 2“Ma f-fall ka rin sa akin.”Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko ‘yun. Tatlong taon na lumipas simula ng araw na ‘yun at wala pa ring nagbabago. Alam na ng buong campus na gusto ko siya pero hanggang ngayon deadma pa rin. Sabagay, famous siya ako hindi. Pero yun nga nagustohan ko sa kanya ang pagiging cold niya.“Kung nakakatunaw lang ang tingin baka natunaw na si Giovanni.” Inirapn ko naman si Sofia. “Kapag tumingin ka, akin ka.” bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumingon. Hindi ko maiwasang mapatili sa isipan ko. ‘Tumingin siya sa’kin.’ Napasimangot naman ako ng lumapit si Bella sa table nila Vann. Yeah, I call him Vann, para naman maiba. Back to the main topic. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagpapacute ni Bella. Mabuti na lang at hindi siya pinapansin ni Vann. Lihim naman akong napangiti.“Gio, pwede bang maki-upo?” Hindi naman siya pinansin ni Vann at nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Sure.” Napatigil nama
Last Updated: 2026-04-24
Chapter: Chapter 1
Chapter 1“Kyaaaaaaaaaaah!” Napatili ako ng malakas ng makita ko na naman ang mukha ni Giovanni. Ang pogi niya talaga walang kupas. “Hoy! Ang lakas ng boses mo pakiramdam ko masisira na ang eardrums ko.” Inirapan ko na lang si Sofia ang kaibigan ko.“Palibhasa kasi wala kang crush kaya hindi ka makarelate sa akin—-” Napatigil ako sa pagsasalita ng batuhin niya ako ng unan. “Aray! Napaka-violent mo naman!” Pagrereklamo ko. Napahawak na lang ako sa mukha ko na tinamaan ng unan. “Wala akong pakialam kung ayaw mo matulog. Pero pwede ba ‘wag ka ng sumigaw? Nakakabulahaw ka ng maraming tao, 10:00 pm na bruha ka!” Napatingin naman ako sa orasan at tama siya 10:00 pm na. Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang umupo sa kama ko. “Sorry naman! Masaya lang naman ako.” Napanguso pa ako habang nagsasalita. Tinalikuran naman niya ako at nagtalukbong ng kumot. Napatingin naman ako sa Larawan na nasa tabi ng kama ko. Picture ni Giovanni, hindi siya nakangiti at blanko lang ang mukha, walan
Last Updated: 2026-04-24
You may also like
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status