Se connecterChapter 3
“Marami pa diyang iba.”
Naisip ko na naman ang sinabi ni Marcus. Alam ko namang hopeless itong feelings ko para sa kanya. Pero dapat ba sumuko na ako?
“Pero feeling ko may connection talaga kami ni Vann e.”
Sofia suddenly pulled the blanket tighter.
“Kung makakausap mo lang ‘yang sarili mo, baka sinampal ka na niyan,” mahinang sabi niya na may halong inis at antok.
“Ewan ko ba,” sagot ko, nakanguso pa rin. “Basta… feeling ko talaga, may connection kami.”
“Connection ka diyan. Baka ikaw lang ‘yung may WiFi.” Tumalikod siya ulit at natulog.
Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Pero hindi rin mawala sa isip ko si Giovanni.
Giovanni De Luca.
Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya, parang gusto kong kabisaduhin hanggang sa dulo ng mundo.
Kinabukasan
“Luna! Bilisan mo, late na tayo!” sigaw ni Sofia habang hinahatak ang bag ko palabas ng dorm.
“Sandali lang! Ayusin ko lang buhok ko—”
“Wala kang aayusin, maganda ka na raw sa panaginip mo!” sagot niya sabay tulak sa akin palabas ng pinto.
“Grabe ka talaga—”
Hindi na ako nakatapos magreklamo dahil hinihila na niya ako papuntang campus. St. Monteverde International University. Isang campus na parang galing sa pelikula, malalawak na damuhan, modernong buildings, at mga estudyanteng parang walang problema sa buhay.
Habang naglalakad kami sa hallway, ramdam ko na naman ‘yung usual na ingay ng mga estudyante.
Pero iba ngayon, mas maingay.
“Si Giovanni daw papasok sa main building ngayon.”
“Grabe, ang aga niya?”
“May meeting yata sa board.”
Napahinto ako sa paglalakad.
“Hoy,” bulong ko kay Sofia, hinila ang sleeve niya. “Narinig mo ba ‘yon?”
“Oo,” sagot niya habang nagce-cellphone pa rin. “At oo, alam ko na kung ano ang iniisip mo.”
Hindi ako sumagot pero ngumiti ako. “Baka naman destiny?”
“Baka naman delusyon,” sagot niya agad.
Pagdating namin sa corridor ng main building, parang may invisible line na humahati sa ordinary students at sa mga “importanteng tao.” Doon ko siya nakita.
Giovanni.
Naka-white uniform shirt, black blazer, at may mga kasamang lalaki na mukhang security o elite students. Tahimik lang siya habang naglalakad, parang hindi affected sa ingay ng paligid.
Parang lagi siyang nasa sarili niyang mundo. Napahawak ako sa dibdib ko.
Thump.
Thump.
Thump.
“Luna, huwag ka nang tumitig, nakakahiya,” bulong ni Sofia habang hinihila ako.
“Hindi ako tumititig!” depensa ko agad, pero huli na.
Bigla siyang napalingon.
Oo. Si Giovanni.
Diretso ang tingin niya. Sa akin. Parang huminto ang buong hallway. Napatigil ako sa paghinga.
‘Sh*t…’ bulong ko sa isip ko.
Sandali lang ‘yon. Isang segundo. Dalawang segundo. Pagkatapos, lumipat ulit ang tingin niya sa harap at naglakad na parang walang nangyari.
Parang wala lang.
Pero ako? Parang sumabog yung dibdib ko.
“Hoy! Luna!” tinulak ako ni Sofia. “Buhay ka pa ba?”
“Ha? Oo… oo,” nauutal kong sagot.
Pero hindi ko maalis ang ngiti ko.
“Tumitingin siya sa’yo kanina,” dagdag niya.
“Alam ko,” mahina kong sabi. At parang mas lalo akong kinilig sa sarili kong kabaliwan.
Lunch Break
“Hindi ka ba talaga kakain?” tanong ni Sofia habang nakatingin sa tray ko na halos walang laman.
“Wala akong gana,” sagot ko habang nakatingin sa kabilang table.
At syempre nandoon siya.
Giovanni.
Tahimik lang siyang kumakain kasama ng ilang lalaki. Walang katawa-tawa, walang ingay. Parang bawat galaw niya kontrolado.
“Ang creepy mo na,” sabi ni Sofia.
“Hindi ako creepy. Observant lang.”
“Same thing.”
Napairap ako. Bigla siyang tumayo.
Giovanni.
Napatigil ako sa pagnguya ng sandwich ko.
“Where are you going?” tanong ni Ethan sa kanya.
“Library,” sagot lang niya at umalis siya.
Biglang nawala ang gana ko sa pagkain. Inspired pa naman ako kumain pag nandyan siya.
Library
“Bakit ka nandito?” bulong ni Sofia habang nakatago kami sa pagitan ng shelves.
“Gusto ko lang…” hindi ko maituloy.
“Gusto mo siyang tignan? stalkin?”
“Hindi!”
“Edi ano?”
“…chance encounter, tsaka hindi ako stalker, admirer ako.”
Sofia stared at me. “Delusional ka talaga.”
Hindi ko siya pinansin. Kasi nakita ko siya. Bahala na kung ano sabihin niya ang mahalaga ay nakikita ko si Giovanni. Ang pogi niya pa rin kahit nagbabasa siya ng libro.
Nasa isang table, nagbabasa ng libro. Tahimik. Focused. Parang wala siyang pakialam sa mundo.
Dahan-dahan akong lumapit.
“Luna,” bulong ni Sofia, “don’t do anything stupid.”
Too late.
Napahinto ako sa harap ng table niya.
“Hi,” sabi ko.
Hindi siya agad tumingin. Second, third, then finally, umangat ang tingin niya.
Cold eyes. Blank expression.
“Yes?” sagot niya.
Napakagat ako sa labi ko. “Uh… ako yung—yung natulungan mo dati. Sa ulan.”
Sandaling katahimikan.
“I don’t remember,” sagot niya. Parang may sumaksak sa pride ko. Sabagay three years ago na nga ‘yun kaya paano niya maalala.
“Ah…” tawa ko na pilit. “Okay lang! Busy ka kasi, normal lang—”
Bumalik siya sa pagbabasa at nakaramdam naman ako ng kilig. Kasi nakausap ko siya ulit.
“Luna,” tawag ni Sofia.
Hindi ako sumagot. Naglakad na lang ako papunta sa kanya. At yung pakiramdam na unang beses kong kinabahan.
Thump.
Thump.
Thump.
Ilang buwan na lang graduate na sila sa college. Fourth year na sila, third year pa lang ako. Okay lang naman siguro na magpapansin ako sa kanya. Wala namang masama. Tsaka, ilang taon ko na rin naman na ginagawa.
Napatingin ulit ako sa kanya na seryosong nagbabasa.
“Hindi ko alam kung bakit patay na patay ka kay Gio, pero alam mo itigil mo na yang kahibangan mo.” bulong ni Sofia.
Hindi ko siya pinansin at kinuha ang polaroid camera ko at pinicturan si Gio. Idadagdag ko to sa scrap book ko.
“Malala ka na, Luna.” Naiiling na turan ni Sofia.
Tinawanan ko na lang siya. Alam kong concern siya sa akin pero ano magagawa ko tinamaan ako eh.
Kahit nagmumukha na akong tanga kakasunod may Giovanni ay sinusuportahan niya pa rin ako.
“Sana ba lang araw magising ka na sa kahibangan mo.” Inirapan ko na lang si Sofia at tinigna
n ulit si Giovanni. Tumayo na ito at lumabas ng Library. Katulad ng dati hanggang tingin na lang ako sa pag-alis niya. Kinuha ko naman ang camera at katulad ng dati pinicturan ko na naman siya.
“Giovanni…” bulong ko.
Chapter 5“I'll walk you home.” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o hindi. Pero ito kami ngayon sabay na naglalakad. Para namang sasabog sa kilig ang puso ko. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig. “By the way,” napatingin naman ako sa kanya, “ do you always take a photo of me?” tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Alanganin akong ngumiti at napayuko.“Oo,” pag-amin ko, “don't worry di naman kita ipapakulam, nilalagay ko lang sa scrap book ko.” Pagpapaliwanag ko naman. “Scrap book?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. “Oo, collection ko ng mga photo mo.” “Since when?” “Simula nong tinulungan mo ako sa ulan. Hindi mo na maalala 3 years ago na rin kasi ‘yun.” Patuloy pa rin kami sa paglalakad. “So, it's been three years since you liked me?” Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napakastraight forward naman nito..“Ganun na nga.” “So you approach me because you like me? Not because you want to be friends?” Hinarangan ko naman siya at
Chapter 4 Simula noong araw na sinabi niyang “I don’t remember,” may kakaibang nangyari sa utak ko.Hindi ako nasaktan. Hindi ako na-offend mas lalo lang akong na-challenge. Kung hindi niya ako maalala… Edi ipapaalala ko.Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya makalimutan.“Luna,” tawag ni Sofia habang naglalakad kami papuntang cafeteria kinabukasan. “Mukhang may binabalak ka na naman.”Napatingin ako sa kanya, kunwari inosente.“Ha? Wala naman.”Tumaas ang kilay niya. “Tatlong taon na kitang kilala. Kapag ganyan ang mukha mo, may kalokohan kang gagawin.”Ngumiti ako. Yung tipong sweet pero may halong mischief.“Hindi kalokohan,” sagot ko. “Mission.”Napahinto siya sa paglalakad. “Anong mission?”Huminga ako ng malalim, parang general na mag-aannounce ng war plan.“Operation: Pa-Remember Kay Giovanni.”Napahawak siya sa noo niya. “Lord, kunin niyo na ako.”Ang oa niya.Lunch TimeTahimik akong nakaupo sa table namin habang kumakain ng fries. Pero ang totoo, hindi ako focused sa pagka
Chapter 3“Marami pa diyang iba.”Naisip ko na naman ang sinabi ni Marcus. Alam ko namang hopeless itong feelings ko para sa kanya. Pero dapat ba sumuko na ako? “Pero feeling ko may connection talaga kami ni Vann e.” Sofia suddenly pulled the blanket tighter. “Kung makakausap mo lang ‘yang sarili mo, baka sinampal ka na niyan,” mahinang sabi niya na may halong inis at antok.“Ewan ko ba,” sagot ko, nakanguso pa rin. “Basta… feeling ko talaga, may connection kami.”“Connection ka diyan. Baka ikaw lang ‘yung may WiFi.” Tumalikod siya ulit at natulog.Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Pero hindi rin mawala sa isip ko si Giovanni.Giovanni De Luca.Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya, parang gusto kong kabisaduhin hanggang sa dulo ng mundo.Kinabukasan“Luna! Bilisan mo, late na tayo!” sigaw ni Sofia habang hinahatak ang bag ko palabas ng dorm.“Sandali lang! Ayusin ko lang buhok ko—”“Wala kang aayusin, maganda ka na raw sa panaginip mo!” sagot niya sabay tu
Chapter 2“Ma f-fall ka rin sa akin.”Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko ‘yun. Tatlong taon na lumipas simula ng araw na ‘yun at wala pa ring nagbabago. Alam na ng buong campus na gusto ko siya pero hanggang ngayon deadma pa rin. Sabagay, famous siya ako hindi. Pero yun nga nagustohan ko sa kanya ang pagiging cold niya.“Kung nakakatunaw lang ang tingin baka natunaw na si Giovanni.” Inirapn ko naman si Sofia. “Kapag tumingin ka, akin ka.” bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumingon. Hindi ko maiwasang mapatili sa isipan ko. ‘Tumingin siya sa’kin.’ Napasimangot naman ako ng lumapit si Bella sa table nila Vann. Yeah, I call him Vann, para naman maiba. Back to the main topic. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagpapacute ni Bella. Mabuti na lang at hindi siya pinapansin ni Vann. Lihim naman akong napangiti.“Gio, pwede bang maki-upo?” Hindi naman siya pinansin ni Vann at nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Sure.” Napatigil nama
Chapter 1“Kyaaaaaaaaaaah!” Napatili ako ng malakas ng makita ko na naman ang mukha ni Giovanni. Ang pogi niya talaga walang kupas. “Hoy! Ang lakas ng boses mo pakiramdam ko masisira na ang eardrums ko.” Inirapan ko na lang si Sofia ang kaibigan ko.“Palibhasa kasi wala kang crush kaya hindi ka makarelate sa akin—-” Napatigil ako sa pagsasalita ng batuhin niya ako ng unan. “Aray! Napaka-violent mo naman!” Pagrereklamo ko. Napahawak na lang ako sa mukha ko na tinamaan ng unan. “Wala akong pakialam kung ayaw mo matulog. Pero pwede ba ‘wag ka ng sumigaw? Nakakabulahaw ka ng maraming tao, 10:00 pm na bruha ka!” Napatingin naman ako sa orasan at tama siya 10:00 pm na. Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang umupo sa kama ko. “Sorry naman! Masaya lang naman ako.” Napanguso pa ako habang nagsasalita. Tinalikuran naman niya ako at nagtalukbong ng kumot. Napatingin naman ako sa Larawan na nasa tabi ng kama ko. Picture ni Giovanni, hindi siya nakangiti at blanko lang ang mukha, walan







