Share

Chapter 4

Author: Rain
last update publish date: 2026-04-24 05:25:35

Chapter 4 

Simula noong araw na sinabi niyang “I don’t remember,” may kakaibang nangyari sa utak ko.

Hindi ako nasaktan. Hindi ako na-offend mas lalo lang akong na-challenge. Kung hindi niya ako maalala… Edi ipapaalala ko.

Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya makalimutan.

“Luna,” tawag ni Sofia habang naglalakad kami papuntang cafeteria kinabukasan. “Mukhang may binabalak ka na naman.”

Napatingin ako sa kanya, kunwari inosente.

“Ha? Wala naman.”

Tumaas ang kilay niya. “Tatlong taon na kitang kilala. Kapag ganyan ang mukha mo, may kalokohan kang gagawin.”

Ngumiti ako. Yung tipong sweet pero may halong mischief.

“Hindi kalokohan,” sagot ko. “Mission.”

Napahinto siya sa paglalakad. “Anong mission?”

Huminga ako ng malalim, parang general na mag-aannounce ng war plan.

“Operation: Pa-Remember Kay Giovanni.”

Napahawak siya sa noo niya. “Lord, kunin niyo na ako.”

Ang oa niya.

Lunch Time

Tahimik akong nakaupo sa table namin habang kumakain ng fries. Pero ang totoo, hindi ako focused sa pagkain. Naka-focus ako sa kabilang table sa kanya.

Giovanni De Luca.

Naka-upo siya kasama ang mga kaibigan niya. Tahimik lang, seryoso, at parang hindi interesado sa paligid. Kahit kumakain lang siya ng simpleng pasta, mukha pa rin siyang model sa magazine.

“Stop staring,” sabi ni Sofia nang hindi man lang tumitingin sa akin.

Hindi ako sumagot. Nakaita ko naman na tumayo siya.

Giovanni.

Kinuha niya ang tray niya at naglakad palabas ng cafeteria. Tumayo rin ako agad.

“Luna,” babala ni Sofia.

Ngumiti ako sa kanya. “CR lang.”

“Sinungaling.”

Pero hindi na ako nakinig. Sumunod na ako kay Giovanni palabas ng cafeteria.

Naglalakad siya sa hallway, hawak ang phone niya. Mahaba ang stride niya kaya medyo nahirapan akong habulin siya. Huminga ako ng malalim.

Game na. 

“Giovanni!” tawag ko.

Napahinto siya at dahan-dahan siyang lumingon. Same cold expression. Same serious eyes. Napakagat ako sa labi ko. Biglang kinabahan. Pero hindi ako pwedeng umatras ngayon.

Lumapit ako sa kanya.

“Hi,” bati ko.

Tahimik lang siya. Nakatingin lang. Napakamot ako sa ulo ko.

“Uh… kumain ka na?”

Isang segundo. Dalawang segundo.

“Obviously,” sagot niya.

Napangiwi ako. Ang dry niya talaga sumagot. Pero hindi ako susuko.

“Anong subject mo next?” tanong ko ulit.

Napakunot ang noo niya. “Why?”

Ngumiti ako. “Curious lang.”

Tinitigan niya ako ng ilang segundo. Parang sinusuri kung baliw ba ako o hindi.

“Business Law,” sagot niya.

Tumango ako agad. “Ah, same building tayo.”

Hindi totoo. Pero malapit. Tumalikod na siya para maglakad ulit. Pero bigla akong nagsalita.

“Giovanni.”

Napahinto siya ulit. Huminga ako ng malalim.

Ito na. “Friends tayo?” tanong ko.

Nanlaki ang mata niya. Tahimik ang hallway sa paligid namin. Parang lahat naghihintay ng sagot niya. Ilang segundo ang lumipas.

“No.”

Diretso. Walang paligoy-ligoy. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Pero hindi ako na-offend. Hindi rin ako nasaktan. Napangiti lang ako.

“Okay,” sabi ko.

Tumalikod na siya at naglakad palayo. Pero bago siya tuluyang makalayo, sumigaw ako.

“Hindi pa ngayon!”

Napahinto siya sandali. Ngumiti ako nang malaki.

“Pero magiging friends din tayo balang araw. Araw-araw kitang kukulitin.”

Hindi na siya lumingon. Naglakad na lang siya palayo. Pero nakita ko saglit lang parang may maliit na ngiti sa gilid ng labi niya.

At doon, sumabog ang puso ko sa kilig.

The Next Day

“Hindi ka pa rin tumitigil?” tanong ni Sofia habang nag-aayos kami ng gamit sa classroom.

Umiling ako. “Nope.”

Napabuntong-hininga siya. “Anong plano mo ngayon?”

Ngumiti ako. “Simple lang.”

Kinuha ko ang maliit na paper bag mula sa bag ko.

“Food.”

Napakunot ang noo niya. “Food?”

Tumango ako. “The way to a man’s heart is through his stomach.”

Napairap siya. “Hindi yan aso.”

Tinawanan ko siya. “Malay mo.”

Afternoon

Nakita ko siya sa bench malapit sa garden. Nagbabasa ulit ng libro. Tahimik. Focused. Parang lagi. Huminga ako ng malalim.

‘Luna, kaya mo ‘to.’

Lumapit ako sa kanya.

“Hi,” bati ko.

Hindi siya agad tumingin. Inilapag ko ang paper bag sa harap niya. Napatingin siya sa bag.

“Ano ‘yan?” tanong niya.

Ngumiti ako. “Snack.”

Tahimik siya. “Why?”

Napakamot ako sa ulo ko. “Wala lang. Extra kasi.”

Obviously, hindi extra. Tinitigan niya ako ng ilang segundo. 

“Take it back.”

Napakurap ako. “Ha?”

“I don’t accept food from strangers.”

Parang may kumurot sa puso ko. Pero hindi ako sumuko. Ngumiti ako ulit. Alam ko naman na suntok sa buwan ginagawa ko. Sa tagal ko na siyang gusto alam ko na mga ayaw niya.

“Hindi na tayo strangers,” sabi ko “Acquaintance na tayo.”

Tahimik siya at tinitigan niya ako nang matagal.

Pagkatapos ay kinuha niya ang paper bag. Nanlaki ang mata ko. Binuksan niya iyon at sumilip sa loob. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti.

Sandwich.

Homemade.

Gawa ko.

Tahimik lang siya habang tinitingnan.

Pagkatapos ay inilagay niya ulit sa table.

“Thank you,” sabi niya.

Simple lang. Pero para sa akin ay parang may fireworks na sumasabog sa langit.

Ngumiti ako nang malaki. “You’re welcome.”

Tumalikod na ako at naglakad palayo. Pagdating ko sa corner ay napatalon ako sa kilig.

Later That Day

“Tinanggap niya?” sigaw ni Sofia.

Tumango ako nang mabilis. “Yes!”

Napahawak siya sa balikat ko. “Hindi ko akalain.”

Ngumiti ako. “Small win.”

Napailing siya. “Malala ka na talaga.”

Tinawanan ko siya. Oo, malala na ako. Pero masaya.

Evening

Habang naglalakad ako pauwi ng dorm, hawak ko ang polaroid camera ko. Bigla akong napahinto Nakita ko siya.

Giovanni.

Nakatayo sa ilalim ng streetlight malapit sa gate ng campus. Mag-isa at tahimik. Parang may iniisip. Hindi ko alam kung bakit pero kinuha ko ang camera ko.

Click.

Napatingin siya agad sa akin. Nagulat ako.

“Sorry!” sabi ko agad.

Tahimik lang siya. Nakatingin ng diretso. Napakagat ako sa labi ko.

“Maganda kasi lighting,” paliwanag ko.

Ilang segundo ang lumipas. Pagkatapos ay napabuntong-hininga siya.

“You’re strange,” sabi niya.

Ngumiti ako. “I know.”

Tumalikod na siya para maglakad palayo. Pero bago siya tuluyang makaalis ay nagsalita siya.

Mahina. Halos pabulong.

“Don’t follow me.”

Napangiti ako. Hindi dahil sa warning niya. Kundi dahil hindi na niya ako t

inawag na stranger.

“Go home. It's late.” 

“Yeah, ingay ka Vann.” Nakangiti kong sabi at kumaway sa kanya. 

“Vann?” Kunot noo niyang tanong. 

“Ah, hehe. Marami na kasi tumatawag sayo ng Gio. Kaya para maiba, Vann na lang tatawag ko sayo. Unique ako lang dapat tatawag sayo nun.” Nakangiti kong sabi.

“You're weird.” Nakita ko naman ang pag-angat ng sulok ng labi niya. Ngumiti siya. 

“I'll walk you to your dorm.” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing the Billionaire   Chapter 5

    Chapter 5“I'll walk you home.” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o hindi. Pero ito kami ngayon sabay na naglalakad. Para namang sasabog sa kilig ang puso ko. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig. “By the way,” napatingin naman ako sa kanya, “ do you always take a photo of me?” tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Alanganin akong ngumiti at napayuko.“Oo,” pag-amin ko, “don't worry di naman kita ipapakulam, nilalagay ko lang sa scrap book ko.” Pagpapaliwanag ko naman. “Scrap book?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. “Oo, collection ko ng mga photo mo.” “Since when?” “Simula nong tinulungan mo ako sa ulan. Hindi mo na maalala 3 years ago na rin kasi ‘yun.” Patuloy pa rin kami sa paglalakad. “So, it's been three years since you liked me?” Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napakastraight forward naman nito..“Ganun na nga.” “So you approach me because you like me? Not because you want to be friends?” Hinarangan ko naman siya at

  • Chasing the Billionaire   Chapter 4

    Chapter 4 Simula noong araw na sinabi niyang “I don’t remember,” may kakaibang nangyari sa utak ko.Hindi ako nasaktan. Hindi ako na-offend mas lalo lang akong na-challenge. Kung hindi niya ako maalala… Edi ipapaalala ko.Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya makalimutan.“Luna,” tawag ni Sofia habang naglalakad kami papuntang cafeteria kinabukasan. “Mukhang may binabalak ka na naman.”Napatingin ako sa kanya, kunwari inosente.“Ha? Wala naman.”Tumaas ang kilay niya. “Tatlong taon na kitang kilala. Kapag ganyan ang mukha mo, may kalokohan kang gagawin.”Ngumiti ako. Yung tipong sweet pero may halong mischief.“Hindi kalokohan,” sagot ko. “Mission.”Napahinto siya sa paglalakad. “Anong mission?”Huminga ako ng malalim, parang general na mag-aannounce ng war plan.“Operation: Pa-Remember Kay Giovanni.”Napahawak siya sa noo niya. “Lord, kunin niyo na ako.”Ang oa niya.Lunch TimeTahimik akong nakaupo sa table namin habang kumakain ng fries. Pero ang totoo, hindi ako focused sa pagka

  • Chasing the Billionaire   Chapter 3

    Chapter 3“Marami pa diyang iba.”Naisip ko na naman ang sinabi ni Marcus. Alam ko namang hopeless itong feelings ko para sa kanya. Pero dapat ba sumuko na ako? “Pero feeling ko may connection talaga kami ni Vann e.” Sofia suddenly pulled the blanket tighter. “Kung makakausap mo lang ‘yang sarili mo, baka sinampal ka na niyan,” mahinang sabi niya na may halong inis at antok.“Ewan ko ba,” sagot ko, nakanguso pa rin. “Basta… feeling ko talaga, may connection kami.”“Connection ka diyan. Baka ikaw lang ‘yung may WiFi.” Tumalikod siya ulit at natulog.Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Pero hindi rin mawala sa isip ko si Giovanni.Giovanni De Luca.Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya, parang gusto kong kabisaduhin hanggang sa dulo ng mundo.Kinabukasan“Luna! Bilisan mo, late na tayo!” sigaw ni Sofia habang hinahatak ang bag ko palabas ng dorm.“Sandali lang! Ayusin ko lang buhok ko—”“Wala kang aayusin, maganda ka na raw sa panaginip mo!” sagot niya sabay tu

  • Chasing the Billionaire   Chapter 2

    Chapter 2“Ma f-fall ka rin sa akin.”Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko ‘yun. Tatlong taon na lumipas simula ng araw na ‘yun at wala pa ring nagbabago. Alam na ng buong campus na gusto ko siya pero hanggang ngayon deadma pa rin. Sabagay, famous siya ako hindi. Pero yun nga nagustohan ko sa kanya ang pagiging cold niya.“Kung nakakatunaw lang ang tingin baka natunaw na si Giovanni.” Inirapn ko naman si Sofia. “Kapag tumingin ka, akin ka.” bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumingon. Hindi ko maiwasang mapatili sa isipan ko. ‘Tumingin siya sa’kin.’ Napasimangot naman ako ng lumapit si Bella sa table nila Vann. Yeah, I call him Vann, para naman maiba. Back to the main topic. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagpapacute ni Bella. Mabuti na lang at hindi siya pinapansin ni Vann. Lihim naman akong napangiti.“Gio, pwede bang maki-upo?” Hindi naman siya pinansin ni Vann at nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Sure.” Napatigil nama

  • Chasing the Billionaire   Chapter 1

    Chapter 1“Kyaaaaaaaaaaah!” Napatili ako ng malakas ng makita ko na naman ang mukha ni Giovanni. Ang pogi niya talaga walang kupas. “Hoy! Ang lakas ng boses mo pakiramdam ko masisira na ang eardrums ko.” Inirapan ko na lang si Sofia ang kaibigan ko.“Palibhasa kasi wala kang crush kaya hindi ka makarelate sa akin—-” Napatigil ako sa pagsasalita ng batuhin niya ako ng unan. “Aray! Napaka-violent mo naman!” Pagrereklamo ko. Napahawak na lang ako sa mukha ko na tinamaan ng unan. “Wala akong pakialam kung ayaw mo matulog. Pero pwede ba ‘wag ka ng sumigaw? Nakakabulahaw ka ng maraming tao, 10:00 pm na bruha ka!” Napatingin naman ako sa orasan at tama siya 10:00 pm na. Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang umupo sa kama ko. “Sorry naman! Masaya lang naman ako.” Napanguso pa ako habang nagsasalita. Tinalikuran naman niya ako at nagtalukbong ng kumot. Napatingin naman ako sa Larawan na nasa tabi ng kama ko. Picture ni Giovanni, hindi siya nakangiti at blanko lang ang mukha, walan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status