LOGINChapter 2
“Ma f-fall ka rin sa akin.”
Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko ‘yun. Tatlong taon na lumipas simula ng araw na ‘yun at wala pa ring nagbabago. Alam na ng buong campus na gusto ko siya pero hanggang ngayon deadma pa rin.
Sabagay, famous siya ako hindi. Pero yun nga nagustohan ko sa kanya ang pagiging cold niya.
“Kung nakakatunaw lang ang tingin baka natunaw na si Giovanni.” Inirapn ko naman si Sofia.
“Kapag tumingin ka, akin ka.” bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumingon.
Hindi ko maiwasang mapatili sa isipan ko.
‘Tumingin siya sa’kin.’
Napasimangot naman ako ng lumapit si Bella sa table nila Vann. Yeah, I call him Vann, para naman maiba. Back to the main topic. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagpapacute ni Bella. Mabuti na lang at hindi siya pinapansin ni Vann. Lihim naman akong napangiti.
“Gio, pwede bang maki-upo?” Hindi naman siya pinansin ni Vann at nagpatuloy lang ito sa pagkain.
“Sure.” Napatigil naman ako sa pagkain at gigil na napatingin sa kanya. Kapag ba ako ang nagtanong sa kanya papayag siya?
“I’m done anyway.” Tumayo si Vann at naglakad na palabas ng cafeteria. Sumunod naman sa kanya ang mga kaibigan niya. Apat silang magkaibigan at lagi silang magkasama. Halos lahat naman sila ay may hitsura pero mas pogi pa rin si Vann.
Hindi ko naman mapigilang mapangiti dahil sa ginawa ni Vann. Napatingin naman ako kay Bella na nakatayo pa rin. Akala niya ata ay makakscore na siya ayan tuloy tulala siya.
Napakagat labi na lang si Bella habang unti-unting naupo sa upuan na iniwan ni Vann. Kita sa mukha niya ang halong hiya at inis, pero pilit pa ring ngumiti na parang walang nangyari.
“Grabe naman ‘yon…” mahina niyang sabi, pero sapat para marinig ko.
Hindi ko napigilan ang pag-angat ng kilay ko.
“Akala mo siguro ikaw lang pinapansin dito,” bulong ko sa sarili habang sinusundan ng tingin ang papalayong likod ni Vann.
Si Sofia naman sa tabi ko, halatang aliw na aliw. “Ayan ka na naman, Luna. Selos na naman yan.”
“Hindi ah,” mabilis kong sagot, sabay subo ng pagkain na biglang hindi na masarap.
Pero kahit anong deny ko, ramdam ko pa rin ‘yung kirot sa dibdib ko.
Tatlong taon.
Tatlong taon ko na siyang tinitingnan, kinikilala, iniisip… pero parang hangin lang ako sa kanya.
Habang ako, konting tingin niya lang ay gumu-gulo na buong sistema ko.
Sa kabilang banda, napansin kong tumayo na rin si Bella at sumunod kay Vann palabas ng cafeteria, parang walang balak sumuko.
Typical.
“Persistent din si Bella ah,” sabi ni Sofia habang umiinom ng juice.
“Mas persistent pa siya sa akin,” sagot ko, sabay irap.
Tumahimik kami saglit, pero ang mata ko hindi pa rin makawala sa direction kung saan lumabas si Vann.
Hanggang sa— “Hoy.”
Napaigtad ako nang marinig ko ‘yung pamilyar na boses sa likod ko.
Si Marcus.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko agad, kunwari pa-calm.
Umupo siya sa tapat ko, nakataas ang isang kilay. “Bawal ba?”
Hindi ko siya sinagot. Instead, tinulak ko lang ng bahagya ‘yung tray ko. “Wala si Giovanni umalis na.”
“Obvious,” sagot niya agad, sabay tingin sa upuang bakante. “Nakasalubong ko sa labas.”
Napatigil ako. “Ha?”
Ngumisi si Gio, yung tipong alam na alam niya lahat ng iniisip ko. “Lagi mo siyang hinahabol ng tingin, tapos magtataka ka kung bakit hindi ka napapansin.”
Nainis ako bigla. “E ikaw? Bakit ka nandito?”
Sumandal siya sa upuan, relaxed na relaxed. “Baka kasi ikaw ‘yung mas interesting panoorin ngayon.”
Natahimik ako.
Sandali lang.
Pero sapat na para maramdaman kong uminit ‘yung pisngi ko. Si Sofia naman, halatang gustong tumili pero pinipigilan lang sarili niya.
“Ang creepy mo magsalita,” sa wakas nasabi ko, sabay iwas ng tingin.
Tumawa lang si Marcus. “Or baka sanay ka lang na si Giovanni lang tinitingnan mo.”
Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong napatingin sa kanya. At sa unang pagkakataon, hindi si Vann ang unang pumasok sa isip ko.
Napatigil ako sa sariling iniisip.
Bakit parang biglang sumikip yung paligid sa sinabi niya?
Si Marcus nakatingin lang sa’kin, parang walang pressure, pero ako yung kinakabahan na hindi ko maintindihan kung bakit.
“Anong pinagsasabi mo?” mabilis kong sagot, medyo mataas ang boses ko.
Umiling siya, naka-smirk pa rin. “Wala. Observation lang.”
“Observation mo mukha mo,” irap ko sabay iwas ng tingin.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina. Yung tawa na hindi maingay, pero nakakainis dahil parang alam niyang natamaan ako kahit hindi ko inaamin.
Si Sofia sa tabi ko, halos hindi na makapigil. “Grabe ka Marcus ah, ngayon ka lang lumapit dito tapos ganyan agad?”
“Ayaw ko lang siyang mabored,” sagot niya agad, casual na casual.
“Bored ako?” sabay turo ko sa sarili ko. “Hello? Okay na okay ako ah.”
Pero habang sinasabi ko ‘yon, biglang nag-flash sa isip ko si Vann na lumabas kanina, walang lingon, walang pake.
At mas lalo akong nainis.
Marcus leaned forward, elbows on the table. “If okay ka talaga… bakit lagi kang nakatingin sa kanya kahit alam mong hindi ka niya tinitingnan pabalik?”
Natigilan ako.
Sobrang simple ng tanong niya, pero parang may sumaksak sa pride ko.
“Hindi mo alam pinag-uusapan mo,” malamig kong sagot.
“Baka,” sabi niya, tumango pa. “Pero alam ko ‘yung feeling na nagpapansin ka sa taong hindi ka naman napapansin.”
Biglang tumahimik si Sofia sa gilid namin. Ako naman, hindi makatingin sa kanya. Kasi parang… hindi lang tungkol kay Vann yung sinasabi niya.
“Marcus…” bulong ko, medyo mas mahina na boses ko ngayon. “Ano ba talaga gusto mong sabihin?”
Sandaling katahimikan.
Tapos ngumiti siya, pero hindi na yung pang-asar kanina. Mas… seryoso.
“Wala akong gustong ipilit sa’yo, Luna.”
Napalingon ako sa kanya.
First time niyang tawagin ako sa pangalan ko na hindi parang biro. Tumayo siya bigla, parang tapos na yung usapan.
“Pero minsan,” sabi niya bago umalis, “yung taong hinahabol mo… hindi pala siya yung magpap
ansin sa’yo.”
Natigilan ako.
Hindi ko alam bakit, pero napatingin ako sa direksyon na dinaanan ni Vann kanina.
Pero ngayon…
Parang hindi na ganoon ka-loud yung pangalan niya sa isip ko.
“Marami pa diyang iba.”
Chapter 5“I'll walk you home.” Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o hindi. Pero ito kami ngayon sabay na naglalakad. Para namang sasabog sa kilig ang puso ko. Kanina pa ako nagpipigil ng kilig. “By the way,” napatingin naman ako sa kanya, “ do you always take a photo of me?” tanong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Alanganin akong ngumiti at napayuko.“Oo,” pag-amin ko, “don't worry di naman kita ipapakulam, nilalagay ko lang sa scrap book ko.” Pagpapaliwanag ko naman. “Scrap book?” nagtataka niyang tanong. Tumango naman ako. “Oo, collection ko ng mga photo mo.” “Since when?” “Simula nong tinulungan mo ako sa ulan. Hindi mo na maalala 3 years ago na rin kasi ‘yun.” Patuloy pa rin kami sa paglalakad. “So, it's been three years since you liked me?” Napatigil naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya. Napakastraight forward naman nito..“Ganun na nga.” “So you approach me because you like me? Not because you want to be friends?” Hinarangan ko naman siya at
Chapter 4 Simula noong araw na sinabi niyang “I don’t remember,” may kakaibang nangyari sa utak ko.Hindi ako nasaktan. Hindi ako na-offend mas lalo lang akong na-challenge. Kung hindi niya ako maalala… Edi ipapaalala ko.Paulit-ulit. Hanggang sa hindi na niya makalimutan.“Luna,” tawag ni Sofia habang naglalakad kami papuntang cafeteria kinabukasan. “Mukhang may binabalak ka na naman.”Napatingin ako sa kanya, kunwari inosente.“Ha? Wala naman.”Tumaas ang kilay niya. “Tatlong taon na kitang kilala. Kapag ganyan ang mukha mo, may kalokohan kang gagawin.”Ngumiti ako. Yung tipong sweet pero may halong mischief.“Hindi kalokohan,” sagot ko. “Mission.”Napahinto siya sa paglalakad. “Anong mission?”Huminga ako ng malalim, parang general na mag-aannounce ng war plan.“Operation: Pa-Remember Kay Giovanni.”Napahawak siya sa noo niya. “Lord, kunin niyo na ako.”Ang oa niya.Lunch TimeTahimik akong nakaupo sa table namin habang kumakain ng fries. Pero ang totoo, hindi ako focused sa pagka
Chapter 3“Marami pa diyang iba.”Naisip ko na naman ang sinabi ni Marcus. Alam ko namang hopeless itong feelings ko para sa kanya. Pero dapat ba sumuko na ako? “Pero feeling ko may connection talaga kami ni Vann e.” Sofia suddenly pulled the blanket tighter. “Kung makakausap mo lang ‘yang sarili mo, baka sinampal ka na niyan,” mahinang sabi niya na may halong inis at antok.“Ewan ko ba,” sagot ko, nakanguso pa rin. “Basta… feeling ko talaga, may connection kami.”“Connection ka diyan. Baka ikaw lang ‘yung may WiFi.” Tumalikod siya ulit at natulog.Napairap ako kahit hindi niya nakikita. Pero hindi rin mawala sa isip ko si Giovanni.Giovanni De Luca.Paulit-ulit kong binibigkas sa isip ko ang pangalan niya, parang gusto kong kabisaduhin hanggang sa dulo ng mundo.Kinabukasan“Luna! Bilisan mo, late na tayo!” sigaw ni Sofia habang hinahatak ang bag ko palabas ng dorm.“Sandali lang! Ayusin ko lang buhok ko—”“Wala kang aayusin, maganda ka na raw sa panaginip mo!” sagot niya sabay tu
Chapter 2“Ma f-fall ka rin sa akin.”Natawa na lang ako sa sarili ko nang maalala ko ‘yun. Tatlong taon na lumipas simula ng araw na ‘yun at wala pa ring nagbabago. Alam na ng buong campus na gusto ko siya pero hanggang ngayon deadma pa rin. Sabagay, famous siya ako hindi. Pero yun nga nagustohan ko sa kanya ang pagiging cold niya.“Kung nakakatunaw lang ang tingin baka natunaw na si Giovanni.” Inirapn ko naman si Sofia. “Kapag tumingin ka, akin ka.” bulong ko habang nakatingin sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang lumingon. Hindi ko maiwasang mapatili sa isipan ko. ‘Tumingin siya sa’kin.’ Napasimangot naman ako ng lumapit si Bella sa table nila Vann. Yeah, I call him Vann, para naman maiba. Back to the main topic. Napairap na lang ako ng makita ko ang pagpapacute ni Bella. Mabuti na lang at hindi siya pinapansin ni Vann. Lihim naman akong napangiti.“Gio, pwede bang maki-upo?” Hindi naman siya pinansin ni Vann at nagpatuloy lang ito sa pagkain. “Sure.” Napatigil nama
Chapter 1“Kyaaaaaaaaaaah!” Napatili ako ng malakas ng makita ko na naman ang mukha ni Giovanni. Ang pogi niya talaga walang kupas. “Hoy! Ang lakas ng boses mo pakiramdam ko masisira na ang eardrums ko.” Inirapan ko na lang si Sofia ang kaibigan ko.“Palibhasa kasi wala kang crush kaya hindi ka makarelate sa akin—-” Napatigil ako sa pagsasalita ng batuhin niya ako ng unan. “Aray! Napaka-violent mo naman!” Pagrereklamo ko. Napahawak na lang ako sa mukha ko na tinamaan ng unan. “Wala akong pakialam kung ayaw mo matulog. Pero pwede ba ‘wag ka ng sumigaw? Nakakabulahaw ka ng maraming tao, 10:00 pm na bruha ka!” Napatingin naman ako sa orasan at tama siya 10:00 pm na. Napakamot naman ako sa batok ko at nahihiyang umupo sa kama ko. “Sorry naman! Masaya lang naman ako.” Napanguso pa ako habang nagsasalita. Tinalikuran naman niya ako at nagtalukbong ng kumot. Napatingin naman ako sa Larawan na nasa tabi ng kama ko. Picture ni Giovanni, hindi siya nakangiti at blanko lang ang mukha, walan







