
Loving the Billionaire's Child
Jonathan Rex Clark is living like a numb for more than six years in his life, that is after his wife left him and chose someone else to be with, someone that is opposite of him. He has everything right on his palms, wealth, money, and a good reputation, only to be replaced with the untitled man.
Ayaw niyang maging katawa-tawa sa paningin ng iba, kaya itinago niya ang lahat ng sakit na dinadala niya hanggang sa tuluyan na siyang naging manhid. He doesn't feel anything anymore. His life became colorless and emotionless.
But one piece of news changed his life, when his ex-wife died and had to see her again one last time. Doon niya nakilala si Simone Alvaro, ang kapatid ng lalaking umagaw sa babaeng minsan niyang minahal.
She's beautifully attractive, and somehow, she made him feel something again, feelings that he cannot recognize anymore. Unfortunately, her brother is the reason why he felt numb, so he cannot feel whatever he feels towards her, despite him wanting to feel her warm hand on his chest, her fair flawless skin on his lips. He cannot. He has to leave under her spell.
Ngunit hindi lamang si Simone ang magpapabago sa kanyang buhay. It was if fate isn't done playing with him, Jonathan discovers he has children under Simone's care, further complicating his emotions and the direction of his life.
Baca
Chapter: Chapter 4: Naked (pt2)Kanina pa uwing-uwi si Simone. Umuulan at lumubog na rin ang araw, ngunit sunod-sunod naman ang naging meeting ni Jonathan kaya hindi na siya nito nabalikan kaagad. Kaya pati siya ay nalito nang bigla na lang siya nitong sinama, at natagpuan niya na lang ang sarili na pinapayungan ng mga tauhan ni Jonathan habang papasok sila sa puti nitong limousine. Nang pareho na silang nakaupo sa backseat ng limo ay doon lang nakakuha ng pagkakataon si Simone para magtanong. Masyado kasing mabilis ang lakad ni Joe kaya hindi na siya nakaimik pa at nakatanggi. "Bakit kailangan kasama pa ako, Mr. Clark?" Bumaling ito sa kaniya na halos ikaurong ng kaniyang dila dahil seryoso ang mukha nito masyado. "It's getting late, ikaw na ang kumuha sa bahay para hindi ka na maghintay mag-isa sa office ko." "Akala ko hinahanap na ng kasambahay mo at siya ang maghahatid sa atin?" Tiningnan lang siya ni Jonathan at hindi nagsalita. Hindi na lang na rin nangulit pa si Simone dahil halatang ayaw nitong pag-usa
Terakhir Diperbarui: 2026-07-08
Chapter: Chapter 1: Naked (pt1)Chapter 4:Panay ang silip ni Jonathon sa kaniyang wristwatch habang nasa kalagitnaan ng meeting kasama ang mga board members para sa kanilang new investor. Halos wala roon ang kaniyang isipan, dahil alam niyang habang nasa meeting siya ay iilang pader at palapag lamang ang distansya nila ni Simone na iniwan niya sa kaniyang opisina. He's trying to focus but for unknown reason, he kept on thinking of her.Kanina lang ay dumating si Simone para lang ibalik ang tulong na ibinibigay niya para sa kaniyang yumaong asawa, na sa palagay niya ay nararapat lamang nitong matanggap mula sa kaniya. Ibinili niya ng lupa sa isang memorial si Colleen, mula kasi sa kaniyang source ay wala pang sariling property si Colleen, malalaman niya kung sakaling meron dahil sa kanilang joint properties. Inalam niya rin kung saan ililibing si Colleen at napag-alaman niya na sa isang memorial ito inihahanda, ngunit hindi pa pag-aari nina Colleen ang lupa, sa makatuwid ay babayaran ito ng hulugan.Lahat iyon ay na
Terakhir Diperbarui: 2026-07-08
Chapter: Chapter 3 Then stay (pt2)Nang makarating sila sa tamang palapag ay dumiretso kaagad si Lorenzo sa secretary desk. Kaagad naman na sumunod si Simone. "May bisita ba si OJC?" "Wala naman, but he's preparing for his meeting later." Tumango lang si Lorenzo at iginiya si Simone sa isang pinto. Nilingon pa ni Simone ang secretary dahil baka pigilan siya nito dahil sa wala siyang appointment, pero nagpatuloy lang ito sa pagsagot sa mga tawag mula sa teleponong kaharap at hinayaan silang makalagpas. Kumatok na muna si Lorenzo bago binuksan ang pinto. Kanilang naabutan si Jonathan na abala sa pagbabasa ng mga dokumento at may suot na reading glasses, habang nakaharap sa kaniyang laptop. Kagaya ng sinabi ng sekratarya nito ay abala nga ito para sa meeting mamaya. "Yes?" tugon ni Jonathan kahit na hindi manlang sila nito sinulyapan. Tumikhim muna si Lorenzo bago magsalita. "Miss Simone is here, Mr. Clark." Tumigil si Jonathan sa kaniyang ginagawa at sa wakas ay binalingan sila ng tingin. Napalunok si Simone nang ma
Terakhir Diperbarui: 2026-07-07
Chapter: Chapter 3 Then stay (pt1)Chapter 3: Hapon na nang nakarating si Simone sa Clark Realty, ang address na nakalagay sa folder na iniwan sa kaniya ni Lorenzo. Muntik pa siyang maligaw dahil unang beses pa lamang niyang makarating sa lugar na iyon. Halos tatlong oras din ang naging byahe ni Simone, sa layo ba naman ng nasabing lugar mula sa kaniyang pinanggalingan. Kaya naman laking pasasalamat niya nang makita ang pangalan ng Clark Realty sa may bandang itaas ng tower, dahil sa palagay niya ay tama ang napuntahan niya at hindi siya nag-aksaya lang ng oras at pagod. Huminga ng malalim si Simone habang tinitingala ang kabuuan ng tower, at tinatanong sa sarili kung talaga bang papasok siya sa loob para kausapin si Jonathan at ibalik ang pera at titulo ng lupa. Kanina ay buo ang loob niya na hindi niya tatanggapin ang ibinigay nito, pero ngayon ay may parte sa loob niyang iniisip kung gaano kalaking tulong ang ibinigay ni Jonathan sa kaniya. Isa pa, sa hindi rin niya alam na dahilan ay kinakabahan siyang harapin an
Terakhir Diperbarui: 2026-07-07
Chapter: Chapter 2: Land TitleChapter 2:Pagkatulog ni Lohan ay muling lumabas si Simone upang sumama sa mga naglalamay sa gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Simone na nakilala niya na ang iresponsableng asawa ni Colleen na nawala ng mahigit anim na taon. Dama niya pa rin ang tahip sa kaniyang puso. Hindi rin niya alam kung bakit ganito na lamang ang pagtibok ng puso niya nang makita si Jonathan Clark, marahil ay instinct niya ang kumilala kung sino si Jonathan at bigla na lang dumating sa gabing ito.Sinalubong siya nina Carol at ng iba pang mga kapitbahay nila na nakikilamay rin. Ang iba ay nakainom ngunit hindi pa naman lasing at nasa tamang wisyo pa."Naku Simone, pasensya na't pinapasok namin ang lalaking iyon, ha. May ideya man kami kung sino siya, naisip din namin na magkakagulo pa kung itataboy namin siya," ani Carol na siyang nagpaalam sa kaniya kanina ng pagdating ng isang estranghero na may kotse. "Pero kahit naman pinapasok namin siya ay handa naman kaming paalisin siya kung k
Terakhir Diperbarui: 2026-07-06
Chapter: Chapter 1: KidsChapter 1:"Sigurado ka bang pupunta ka pa sa burol ng ex-wife mo? Sa tingin ko ay hindi na kailangan."Sinulyapan lang ni Jonathan si Regina na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa sa isang banda ng opisina niya. She's playing with her curly hair while crossing her legs, exposing her flawlessly in front of him.Kahapon ng gabi nang makatanggap si Jonathan ng balita galing sa kaibigan ng dati niyang asawa na si Colleen. Pumanaw na raw ito at nakaburol ngayon sa tahanan nito sa Bulacan. Mahigit anim na taon na mula nang huli niyang nakita ang asawa, malakas pa ito at walang iniindang sakit, kaya nagulat na lang din siya nang mabalitaan na namatay ito sa pneumonia, inatake raw ito sa puso tatlong araw na ang nakalilipas.He doesn't know what to feel when he heard the news. He loved her, to the point that he marry her despite of their life status. Kumbaga ay langit siya samantalang lupa lang si Colleen. Hindi ito lumaki sa marangyang buhay o nanggaling sa mayaman na pamilya. Actually, none
Terakhir Diperbarui: 2026-07-06