Se connecterJonathan Rex Clark is living like a numb for more than six years in his life, that is after his wife left him and chose someone else to be with, someone that is opposite of him. He has everything right on his palms, wealth, money, and a good reputation, only to be replaced with the untitled man. Ayaw niyang maging katawa-tawa sa paningin ng iba, kaya itinago niya ang lahat ng sakit na dinadala niya hanggang sa tuluyan na siyang naging manhid. He doesn't feel anything anymore. His life became colorless and emotionless. But one piece of news changed his life, when his ex-wife died and had to see her again one last time. Doon niya nakilala si Simone Alvaro, ang kapatid ng lalaking umagaw sa babaeng minsan niyang minahal. She's beautifully attractive, and somehow, she made him feel something again, feelings that he cannot recognize anymore. Unfortunately, her brother is the reason why he felt numb, so he cannot feel whatever he feels towards her, despite him wanting to feel her warm hand on his chest, her fair flawless skin on his lips. He cannot. He has to leave under her spell. Ngunit hindi lamang si Simone ang magpapabago sa kanyang buhay. It was if fate isn't done playing with him, Jonathan discovers he has children under Simone's care, further complicating his emotions and the direction of his life.
Voir plusChapter 1:
"Sigurado ka bang pupunta ka pa sa burol ng ex-wife mo? Sa tingin ko ay hindi na kailangan."
Sinulyapan lang ni Jonathan si Regina na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa sa isang banda ng opisina niya. She's playing with her curly hair while crossing her legs, exposing her flawlessly in front of him.
Kahapon ng gabi nang makatanggap si Jonathan ng balita galing sa kaibigan ng dati niyang asawa na si Colleen. Pumanaw na raw ito at nakaburol ngayon sa tahanan nito sa Bulacan. Mahigit anim na taon na mula nang huli niyang nakita ang asawa, malakas pa ito at walang iniindang sakit, kaya nagulat na lang din siya nang mabalitaan na namatay ito sa pneumonia, inatake raw ito sa puso tatlong araw na ang nakalilipas.
He doesn't know what to feel when he heard the news. He loved her, to the point that he marry her despite of their life status. Kumbaga ay langit siya samantalang lupa lang si Colleen. Hindi ito lumaki sa marangyang buhay o nanggaling sa mayaman na pamilya. Actually, none of his family relatives accepted her, they were all called her a gold digger. Kaya nga yata siya nito niloko at iniwan dahil hindi na nito nakayanan ang matapobre niyang pamilya.
He doesn't like the way they treated his wife, pero hindi niya ang mga ito masisi. When his father died when he was just eighteen, every responsibility of his father was left to him. Jonathan Rex Clark was the firstborn child, so growing up, he was trained to be the good son, soon to be the head of the Clark family, the heir of Nicholas Clark and Jolina Clark. He knew that he had to marry someone who grew up in a wealthy family, someone who could be his partner and take all the responsibilities in their household.
Colleen isn't that woman. She doesn't know anything about business and how their lifestyle works. She's an orphan, raised by a low-income family, and didn't get into college, so his family never accepted her. But he loved her, and he would take her despite any circumstances.
Unfortunately, hindi kinayanan ni Colleen ang pangmamata sa kaniya ng ilang tao, hindi lang mula sa Clark family, kundi lahat ng tao sa mundong ginagalawan ni Jonathan, she can't take it. Kaya naman naging madali para kay Colleen ang mahulog sa iba, isang taong kapantay niya, tatanggapin siya sa kahit na anong katayuan niya sa buhay.
Colleen has been honest with Jonathan, she confessed that someone promised her the life that she has ever been dreamed of. Hindi sa marangyang buhay, pero kaya siyang tanggapin at kapantay niya ng estado sa buhay.
Nakatatak pa sa alaala ni Jonathan ang gabing iyon. He was kissing her, but it didn't feel the same anymore. He could feel that she was unhappy and didn't love him anymore.
"Alam mong mahal kita, Joe, pero hindi ko na kayang ipilit ang sarili ko sa mundo mo. Hindi ako ang nararapat para sa 'yo."
She was crying that night, telling him how much she couldn't endure the pain of living in his world.
"Mali akong pinasok ko ang mundo mo, at nagkamali ka rin na minahal mo ako. Hindi tayo puwede, hindi talaga."
He didn't speak. Jonathan didn't say anything. Nakikita niya ang paghihirap ng asawa na pumasok sa mundong ginagalawan niya, at hindi niya ito kayang pigilan kung gugustuhin na nitong muling lumabas. A million words are in his head, and they all have one meaning. He want her to stay, he want to beg her not to leave him, and that's the reason why he didn't say a word because he knew that he couldn't stop her.
He wanted to protect her from the people around them, from his family and relatives, and he thought that he would succeed, but no. She lost her happiness in his arms, far from what he promised her.
A week later, Colleen never came home. When he tried to find her, he found out that she was now with someone else, and he knew that he was the one she mentioned to him, the guy who didn't promise her heaven, but the life that she had always dreamed of.
It's bittersweet to think that everything is right in Jonathan's palms: wealth and money, but not the life that the love of his life wants.
Iyon na ang huling beses na tinangka niyang hanapin ang kaniyang asawa, at iyon na rin ang huling beses na nakakuha siya ng balita tungkol dito. They never filed an annulment, kaya naman alam niyang hindi ito nagpakasal sa kahit na kanino, at umaasa siya na nanatili ang relasyon ni Colleen at ng lalaking iyon, dahil at least alam niyang kaya hindi na siya nito binalikan ay dahil talagang masaya na ito sa bagong buhay.
Napabalik ang atensyon ni Joe kay Regina nang tumayo ito at nilapitan siya. Naupo ito sa kaniyang kandungan at inayos ang kaniyang maigsing buhok at kuwelyo.
"Sabagay, mas maganda na rin na magpunta ka roon para makumpirma mo na talagang wala nang bisa ang marriage ninyo," Regina said sweetly.
Nag-isang linya ang labi ni Joe saka umiling. Inalis niya sa kaniya si Regina at tumayo na.
"I'll be there to pay my respect to my late wife, Regina, not to celebrate her death," he said, offended.
Kaagad nabasa ni Regina ang inis sa tono at boses ni Joe, kaya naman hinawakan niya ito sa braso at balikat.
"I know, of course. Gusto ko lang naman malaman kung finally ay ikakasal na rin tayo."
Tiningnan lang siya ni Joe. They were in relationship for almost a year now. Si Regina Lawrence ang nais ng kaniyang ina para kay Joe. Well, Joe isn't in love with her, but what's the point? Matapos maghiwalay ni Joe at Colleen ay hindi na inisip ni Joe na maari pa siyang magmahal ng iba. He's been hurt, and by the days passes as he's moving on, he gets numb. Pakiramdam niya ay wala nang lugar sa puso niya ang pag-ibig. Kaya naman nang sabihin ng ina niyang si Jolina na i-entertain niya ang babaeng may gusto sa kaniya na si Regina, pumayag siya. Regina came from a wealthy family, and Jolina was so sure that Regina can be his perfect wife, ang babaeng karapat-dapat pumalit sa kaniya bilang ilaw ng tahanan.
A month ago when Regina asked him to marry her, but he's still married with Colleen so he can't. Nangako siya na aasikasuhin niya ang kanilang annulment, kaso ay nagdalawang-isip siya nang makausap niya ang kaniyang abogado. Getting an annulment is very complicated. He never imagined divorcing her when they got married, kaya naman sa Pilipinas niya ito pinakasalan. Kung alam lang niya na hindi pala talaga nagtatagal ang pag-ibig ay sana pinakasalan niya ito sa ibang bansa kung saan madali ang diborsyo.
Bumukas ang pinto at pumasok si Lorenzo, ang kaniyang butler.
"Mr. Clark, handa na po ang sasakyan."
Tumango lang siya at muling binalingan si Regina.
"Pag-usapan natin 'yan kapag uwi ko."
He didn't wait for her respond. He just kissed her and left. Bukod sa ayaw niyang marinig ang sasabihin nito, ayaw rin niyang makita ni Regina na hindi siya interesado sa usapang kasalan.
He doesn't want to marry again, but he knew that he has to have a child, to continue the Clark's name, his heir, the one that will continue his legacy. Lima silang magkakapatid, ang pangalawa ay babae, mas bata sa kaniya ng limang taon, si Annabeth. He's 30 and Annabeth is 25. Ang sumunod ay si Javier, 23, then Logan and he's 20, and the youngest is 19, Farrah. Bilang panganay ay mahalagang ang magiging anak niya ang magtutuloy ng pangalan ng Clark, at iyon lang ang tanging dahilan kung bakit handa siyang pakasalan si Regina kahit hindi niya ito mahal. Kailangan niya ng tagapagmana.
Ngayon ay hindi niya alam kung matutuwa ba siyang maari na siyang magpakasal ulit, sapagkat ang rason ay dahil pumanaw na ang kaniyang asawa at siya ay byudo na.
***
Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Jonathan sa maliit na tahanan ni Colleen ay pinagtitinginan na siya ng mga naroon para makiburol. Ang iba ay nag-iinuman, nagkakape, at may mga nagsusugal. Wala ni-isa sa mga mukha nito ang pamilyar kay Jonathan. What to expect? Wala nang magulang si Colleen o malapit na kamag-anak na kinailangan niya noon kilalanin. Iilan lang din ang kilala niya sa mga naging kaibigan ng asawa, at nakatira pa iyon sa Maynila. Kaya hindi na nakapagtataka na wala siyang kilala sa mga ito ngayon.
Ngunit ang mga nasa burol na ngayon ay sinusundan siya ng tingin ay tila may ideya kung sino siya. Nagsimula rin silang magbulungan na akala mo'y hindi niya maririnig dahil nagbubulungan lang ang mga ito. But no, it was clear to him that they knew that Colleen has a husband, and that was him.
Patay na pero para pang gustong kainggitan ng mga babae roon si Colleen. He was tall, his shoulders were broad, handsome, and it was visible to his aura how noble he was. He's a young billionaire in the country; it is hard to believe how Colleen left him and replaced him with a simple and poor man. He's the kind of man every woman would wish for, and now they want to question Colleen for her choice of leaving him.
Maingat na inilapag ni Lorenzo sa gilid ng kabao ni Colleen ang malaki at magarang puting bulaklak na ipinasadya pa ni Joe sa kilalang flowers shop sa Maynila. Tumigil ito saglit para magbigay ng galang sa yumao saka humakbang palayo upang mabigyan ng daan si Jonathan. Bumuntong-hininga muna siya bago lumapit sa asawa. Halos hindi niya maialis ang tingin sa letrato sa gilid nito. Maganda siya roon at may magandang ngiti. Ngayon lang niya na-realised kung gaano niya ka-miss ang dating asawa. He haven't seen that smile for more than six years, and it's sad to think that he cannot see that ever again, not tonight, never again.
He touched the white coffin as if he were touching his wife. He doesn't know what to feel. For the whole six years of living like a numb, he can't name any emotions that he can feel in his chest already. Everything inside of him was just plain, with no colors, no pain, but also no happiness.
He's disappointed, to be honest. He came here to pay respect to his late wife, but also he's expecting to feel something again. Ang akala niya ay makakaramdam ulit siya sa oras na makita ang asawa, ngunit walang nagbago. Something inside of him is still missing. He still can't find whatever it is.
Isang matanda ang lumapit sa kaniya. She's in her late 40s, and like the other guest, she's wearing a black shirt and and a long skirt. Masyadong pormal ang kasuotan ni Joe, he's still wearing his black suit which is he always wearing at his office. Kaya naman kuha kaagad ng matanda na mayaman siya at kagalang-galang, kaya pormal din itong tumayo sa harap niya at tumikhim.
"Magandang gabi. Kilala ka ba ni Colleen? Parang ngayon lang kita nakita sa lugar na ito, hijo?"
Hindi alam ni Jonathan kung nagmamaang-maangan lang ba ito na walang ideya kung sino siya, samantalang panay na ang bulungan ng mga tao sa paligid niya. Ano man ang kasagutan ay hindi niya na inalam pa.
"Magandang gabi rin po," bati niya sa mababa ngunit baritonong boses. "I'm Jonathan Clark. Ex-husband niya po ako, Ma'am."
Nagulat ang matanda sa kaniya. Alam nitong may dating asawa si Colleen, pero hindi niya akalain na darating ito ngayon, at na ganito pala kakisig ang dating asawa ng yumao.
"Kapitbahay ako ni Colleen, halika, maupo ka muna."
Iminuwestra nito ang isang mesa na hindi okupado. Wala sanang plano si Jonathan na magtagal, ngunit bilang paggalang ay tinanggap niya ang imbita sa kaniya ng ginang. Nang maupo sila ay inalok siya nito ng kape at tinimplahan. A coffee in a sachet. He doesn't drink that kind of coffee, but he just kept it to himself and pretend that he would drink it.
"Ako nga pala si Lucille. Tawagin mo na lang akong Nanay Lucille. Pasensya na kung medyo pinagtitinginan ka ng mga tao rito, ha. Maliit lang kasi ang village namin at halos lahat magkakakilala, kaya alam na alam din nila na bihira lang may bumisitang lalaki kay Colleen," anito habang nilalapagan din ng kape si Lorenzo na naupo sa tabi niya. Unlike him, Lorenzo seems enjoying the coffee.
"Paano mo pala nalaman na wala na si Colleen?"
"From a friend. Mutual friend po namin ni Colleen bago kami magkahiwalay, hindi ko rin po sigurado kung paano niya nalaman. She just told me that she died in pneumonia, and gave me the address so I can pay my visit."
Tumango-tango ang ginang. "Mabuti naman at nagpunta ka, nakakaawa na wala manlang siyang pamilya na magdadala sa kaniya hanggang sa huling hantungan. Kaming mga kaibigan at kapitbahay lang niya ang tumutulong kay Simone para sa pag-aayos ng kaniyang burol."
"Simone is?" he asked, wondering who's Simone.
"Si Simone ang kapatid ng dating kinakasama ni Colleen, at kahit hiwalay na sila ni Samuel ay nanatili ang pagkakaibigan ng dalawa. Matalik silang magkaibigan."
Nag-isang linya lang ang labi ni Jonathan. Ngayon lang niya narinig ang pangalan ng lalaking umagaw sa asawa niya. So, siya pala si Samuel.
"Ah," biglang sabi ng ginang. "Pasensya na. Hindi mo ba alam na may kinakasama na noon ang asawa mo? Hindi ko na sana binanggit iyon."
Umiling si Jonathan. "Hindi po, aware naman po ako, no need to worry. Ang hindi ko ho inaasahan ay hindi na po pala sila magkasama ngayon?"
Tumango ang ginang. "Nasa abroad na si Samuel, hindi nagtagal ay hindi nila kinayanan ang long distance relationship, hayun, naghiwalay. Tatlong taon na."
Tumango-tango siya at tumanaw sa letrato sa gilid ng coffin ni Colleen. Now he's wondering, hiwalay na pala siya sa lalaki, bakit hindi pa siya nito binalikan?
"Hijo, nakikiramay ako sa 'yo," anito, nabasa ang lungkot at panghihinayang sa kaniya.
He shrugged, denying the sadness that is visible in his eyes. Pero mas kaya pang basahin ng ginang ang nararamdaman niya kaysa sa sarili. He still feel numb.
"Sa Sabado ang libing niya, darating ka ba? Sana ay dumating ka, para kahit isa lang ay may relatives naman na maghahatid sa kaniya. Saka pag-uusapan din sana namin kung anong gagawin sa mga naiwan ni Colleen, lalo na sa-"
"Nanay Lucille?"
Tumayo ang ginang nang marinig ang maamong boses ng isang dilag. Pati si Jonathan ay napatingin din ngunit hindi siya tumayo. Pero hindi niya ito makita dahil naharangan kaagad ni Lucille ang babae.
"Oh, Simone. Bakit bumangon ka pa? Sabi ko sa 'yo ako muna rito, tatlong gabi ka nang walang tulog."
"Nay, pinatulog ko lang po sina Lindsay, pero balak ko po talagang magpuyat ngayong gabi. Bukas na lang po ako ng umaga babawi ng tulog," anito. "At sabi rin po ni Carol ay may dumating na lalaking nakakotse?"
Ngumiti ang ginang at gumilid para magkakitaan si Jonathan at ang babae. Tumayo si Jonathan para bumati.
Jonathan was almost stunned as he saw her. With her pale brown hair and eyes and her fair skin, this girl doesn't look as tired and sleepless as she is supposed to be. Her natural face, without makeup on, quickly overcame the beauty of any woman he met, with or without gold.
"Hijo, siya si Simone, 'yong sinasabi ko sa 'yong kapatid ni Samuel."
He blinked. Nang sabihin iyon ni Lucille ay kaagad niyang sinuway ang sarili sa paghanga sa kagandahan ng dilag. Kapatid nito ang umagaw sa kaniyang asawa, at kung pupuriin niya at kahahangaan niya si Simone ay para niya nang inamin kung bakit siya iniwan ni Colleen para kay Samuel.
"Magandang gabi. Kumain ka na ba? Nagluto ako kanina ng sopas, iinitin ko muna, o hintayin mo na lang ang iluluto kong lugaw?"
Bahagyang nagsalubong ang kilay niya. Alam niya ang mga pagkain na inalok sa kaniya, ngunit hindi pa siya nakakatikim at wala siyang balak tikman ang mga iyon.
"Thanks, I'm good," he politely said.
Tumango-tango si Simone at naghawi ng buhok paalis sa kaniyang balikat. Hindi tuloy nakawala sa paningin ni Jonathan kung gaano kaganda ang balikat at leeg nito, pantay na pantay ang kulay hanggang sa mukha nito. She's smiling at him and she seems kind.
"Kaano-ano ka nga pala ni Colleen?" bigla niyang naitanong, wondering who's this handsome man in front of her.
"I'm Jonathan Rex Clark, her husband."
Natigilan si Simone, at ang kaninang banayad nitong mukha ay napalitan ng inis.
"Ex-husband, to be exact, Sir," aniya na ikinakunot-noo na rin ni Jonathan.
"We parted our ways but we're still legally married, Miss Simone. In fact, siguradong nakita mo rin 'yan dahil ikaw raw ang nag-aayos ng burol niya, so I assume that you will also fix her papers, death certificate, I guess."
Humalukipkip siya, at sa hindi niya rin alam na dahilan ay bigla niyang ginustong magmatigas kay Simone. Maybe because of her attitude towards him, and how fast she changed her mood the moment she knew that he was Colleen's husband.
Tumaas ang kilay nito sa kaniya. "Bakit ka nandito?"
"To pay my respect-"
"You did, you paid your respect, now you can leave," mariin na sinabi ni Simone, sinasabayan ang matitigas niyang ingles.
"Why so sudden?"
"Why not?"
Bumaba ang tingin niya sa kamay ni Simone. Nakakuyom ang kamao nito habang si Lucille ay hinahaplos siya sa may balikat at braso, pinapakalma siya. Muli niyang iniangat ang tingin sa mukha ni Simone. She looks determined to shoo him, and he think that it's his cue to leave.
"Babalik si Lorenzo bukas, siya na ang magbabayad ng lahat ng gastos para sa burol hanggang sa mailibing si Colleen."
"Kaya ko, 'wag na."
"Akala ko ba hiwalay na si Colleen at ang kapatid mo, uh, three years ago?" baling niya kay Lucille, confirming if he's right.
Nagrereklamong tumingin din si Simone sa ginang, hindi makapaniwala na nagsabi ito ng impormasyon kay Jonathan. Ang ginang tuloy ay hindi alam kung sino ang sasagutin o kakampihan.
Tumaas ang kilay ni Jonathan at muling binalingan si Simone. "Nevermind, just let me pay every bills."
"Hindi na, umalis ka na at 'wag ka nang magpapakita ulit."
"Tita Sisi..."
Sasagot pa sana siya nang biglang may nagsalitang batang lalaki. Lahat ay napatingin dito, at si Jonathan ay tila may naramdamang kung ano nang tingnan niya ang bata.
"Lohan!" Mabilis na tinugunan ni Simone ang bata, lumuhod siya sa harap nito upang magkapantay sila, saka hinaplos ang itim at magulo nitong buhok. "Bakit bumaba ka, iniwan mo si Lindsay sa kuwarto?"
"Gusto ko po kasing katabi si Mommy," malungkot, nangungulila, tila paiyak na ang bata, at mukhang ganoon din si Simone.
"Sir Jonathan, ipagpaumanhin ninyo, pero baka kailangan ninyo nang umalis," sabi ng isang babae na hindi naman nagpakilala sa kaniya, ngunit tila kanina pa naroon kaya alam din ang nangyayari. Tumayo na rin ang ilang lalaki na galing sa mesa na may mga alak, at hindi na kinailangan magsalita ng mga ito para malaman kung lasing na ba ang mga ito o hindi.
"Mr. Clark, pinagtitinginan na po tayo," bulong sa kaniya ni Lorenzo.
Tumango lang si Jonathan at nagpasya nang umalis. Ngunit tila hirap siyang alisin ang tingin niya sa batang ngayon ay pinatatahan ni Simone. One last glance before he turned his back, nakita niyang nakatingin din sa kaniya si Simone sa may nangungusap na mga mata.
There are strange feelings inside of him that he couldn't name. But one thing is for sure: he wants to see them again...
Them.
Nang makarating sila sa tamang palapag ay dumiretso kaagad si Lorenzo sa secretary desk. Kaagad naman na sumunod si Simone. "May bisita ba si OJC?" "Wala naman, but he's preparing for his meeting later." Tumango lang si Lorenzo at iginiya si Simone sa isang pinto. Nilingon pa ni Simone ang secretary dahil baka pigilan siya nito dahil sa wala siyang appointment, pero nagpatuloy lang ito sa pagsagot sa mga tawag mula sa teleponong kaharap at hinayaan silang makalagpas. Kumatok na muna si Lorenzo bago binuksan ang pinto. Kanilang naabutan si Jonathan na abala sa pagbabasa ng mga dokumento at may suot na reading glasses, habang nakaharap sa kaniyang laptop. Kagaya ng sinabi ng sekratarya nito ay abala nga ito para sa meeting mamaya. "Yes?" tugon ni Jonathan kahit na hindi manlang sila nito sinulyapan. Tumikhim muna si Lorenzo bago magsalita. "Miss Simone is here, Mr. Clark." Tumigil si Jonathan sa kaniyang ginagawa at sa wakas ay binalingan sila ng tingin. Napalunok si Simone nang m
Chapter 3:Hapon na nang nakarating si Simone sa Clark Realty, ang address na nakalagay sa folder na iniwan sa kaniya ni Lorenzo. Muntik pa siyang maligaw dahil unang beses pa lamang niyang makarating sa lugar na iyon. Halos tatlong oras din ang naging byahe ni Simone, sa layo ba naman ng nasabing lugar mula sa kaniyang pinanggalingan. Kaya naman laking pasasalamat niya nang makita ang pangalan ng Clark Realty sa may bandang itaas ng tower, dahil sa palagay niya ay tama ang napuntahan niya at hindi siya nag-aksaya lang ng oras at pagod.Huminga ng malalim si Simone habang tinitingala ang kabuuan ng tower, at tinatanong sa sarili kung talaga bang papasok siya sa loob para kausapin si Jonathan at ibalik ang pera at titulo ng lupa. Kanina ay buo ang loob niya na hindi niya tatanggapin ang ibinigay nito, pero ngayon ay may parte sa loob niyang iniisip kung gaano kalaking tulong ang ibinigay ni Jonathan sa kaniya. Isa pa, sa hindi rin niya alam na dahilan ay kinakabahan siyang harapin ang
Chapter 2:Pagkatulog ni Lohan ay muling lumabas si Simone upang sumama sa mga naglalamay sa gabing iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Simone na nakilala niya na ang iresponsableng asawa ni Colleen na nawala ng mahigit anim na taon. Dama niya pa rin ang tahip sa kaniyang puso. Hindi rin niya alam kung bakit ganito na lamang ang pagtibok ng puso niya nang makita si Jonathan Clark, marahil ay instinct niya ang kumilala kung sino si Jonathan at bigla na lang dumating sa gabing ito.Sinalubong siya nina Carol at ng iba pang mga kapitbahay nila na nakikilamay rin. Ang iba ay nakainom ngunit hindi pa naman lasing at nasa tamang wisyo pa."Naku Simone, pasensya na't pinapasok namin ang lalaking iyon, ha. May ideya man kami kung sino siya, naisip din namin na magkakagulo pa kung itataboy namin siya," ani Carol na siyang nagpaalam sa kaniya kanina ng pagdating ng isang estranghero na may kotse. "Pero kahit naman pinapasok namin siya ay handa naman kaming paalisin siya kung k
Chapter 1:"Sigurado ka bang pupunta ka pa sa burol ng ex-wife mo? Sa tingin ko ay hindi na kailangan."Sinulyapan lang ni Jonathan si Regina na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa sa isang banda ng opisina niya. She's playing with her curly hair while crossing her legs, exposing her flawlessly in front of him.Kahapon ng gabi nang makatanggap si Jonathan ng balita galing sa kaibigan ng dati niyang asawa na si Colleen. Pumanaw na raw ito at nakaburol ngayon sa tahanan nito sa Bulacan. Mahigit anim na taon na mula nang huli niyang nakita ang asawa, malakas pa ito at walang iniindang sakit, kaya nagulat na lang din siya nang mabalitaan na namatay ito sa pneumonia, inatake raw ito sa puso tatlong araw na ang nakalilipas.He doesn't know what to feel when he heard the news. He loved her, to the point that he marry her despite of their life status. Kumbaga ay langit siya samantalang lupa lang si Colleen. Hindi ito lumaki sa marangyang buhay o nanggaling sa mayaman na pamilya. Actually, none

![Hiding The Dangerous Bodyguard's Son [A.G.S #3]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
commentaires