author-banner
dandanara
dandanara
Author

Novels by dandanara

My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée

My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée

Siya lang ang babaeng nakapagpatulog sa lalaking hindi na natutong pumikit… ngunit ang katotohanang nagbuklod sa kanila ang siya ring maaaring sumira sa kanilang pag-ibig. Si Adrian Cervantes, isang bilyonaryo na may chronic insomnia, ay biglang nakatulog nang mahimbing matapos ang isang one-night stand kay Eliana Reyes. Dahil dito, inalok niya si Eliana ng isang Contract Girlfriend Agreement magpapanggap itong kanyang kasintahan at sasamahan siyang matulog gabi-gabi kapalit ng malaking halaga. Ngunit paano kung ang babaeng unti-unti niyang minamahal ay siya palang anak ng kanyang kinamumuhiang madrasta?
Read
Chapter: Chapter 105
Magkahawak ang kanilang mga kamay habang marahan silang bumababa sa hagdan.“Ang ganda nila,” bulong ni Kylie.“Oo nga, bagay na bagay sila” sagot ni Marco.Si Alessandro naman ay malakas na pumalakpak at napangiti. “Finally,” mahina niyang sabi. “Nakuha rin ng kaibigan ko ang babaeng para sa kanya.”Si Carlos ay nakatayo sa tabi ni Gina, at hindi niya mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan ang anak. Halatang puno ng pagmamalaki ang kanyang mga mata. Sa tabi niya, si Gina ay patuloy na humahanga sa suot ni Eliana.“Ang ganda ng anak mo,” sabi ni Gina.Napangiti si Carlos. “Oo. Hindi ko akalaing makikita ko siyang ganito kasaya.”Samantala, nanatiling nakatayo si Luciana, ngunit tila hindi niya marinig ang palakpakan sa paligid. Nakatitig lamang siya kay Eliana. Sa bawat hakbang ng kanyang anak, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng lihim na matagal niyang itinago.Ang babaeng bumababa sa hagdan ay ang anak na minsan niyang iniwan.Ang babaeng ngayon ay minamahal ng anak ng kanya
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: Chapter 104
Nagsimulang dumating ang mga bisita sa Cervantes Mansion bandang alas-sais ng gabi. Isa-isang huminto ang mga mamahaling sasakyan sa harap ng malaking bahay, at bawat pagbukas ng pinto ay may kasunod na mga panauhing nakasuot ng elegante at mamahaling kasuotan. May mga kilalang businessman, mga personalidad sa politika, malalapit na kaibigan ng pamilya, at mga kamag-anak ng mga Cervantes na dumalo upang saksihan ang engagement party nina Adrian Cervantes at Eliana Reyes.Sa labas pa lamang ng mansiyon ay kapansin-pansin na ang engrandeng paghahanda. May mga ilaw na nakapalibot sa hardin, mga puting bulaklak na nakahilera sa walkway, at maliliit na parol na nagbibigay ng mainit at romantikong liwanag sa buong paligid. May ilang waiter na abalang sumasalubong sa mga bisita, habang ang iba naman ay may dalang tray ng champagne, wine, at iba’t ibang klase ng inumin.Pagpasok ng mga bisita sa loob, agad nilang nasilayan ang napakagandang dining hall. Malawak ang lugar at pinalamutian ng mg
Last Updated: 2026-10-01
Chapter: Chapter 103
Naisip ni Adrian na kailangan na nilang maghanda para sa engagement party. Gaganapin iyon sa Cervantes Mansion, at dahil unang beses na makikilala nina Carlos at Gina ang pamilya niya bilang pamilya ng kanyang magiging asawa, gusto niyang maging maayos ang lahat.Kinuha ni Adrian ang kanyang cellphone at agad tinawagan si Marco.“Marco.”“Yes, bro?”“Pumunta ka rito sa penthouse. Isama mo na rin ang makeup artists at stylist. Kailangan nilang ayusan kaming lahat.”“Lahat?”“Yes. Lahat.”Napatawa si Marco sa kabilang linya.“Grabe ka. Engagement party lang naman, hindi pa kasal.”“Marco.”“O siya, sige na. Pupunta kami.”Pagkababa ng tawag, napatingin si Adrian sa sala kung saan nakaupo sina Carlos at Gina. Abala ang dalawa sa pakikipagkuwentuhan kay Eliana. Wala silang kaalam-alam na may paparating na maliit na beauty team para ayusin sila.Makalipas ang ilang oras, nagsidatingan na ang mga makeup artist at stylist na ipinatawag ni Marco. May dala silang mga maleta na puno ng makeup,
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: Chapter 102
“Babe naman, hindi ka nag-iingat,” mahinang saway ni Adrian habang hawak niya ang kamay ni Eliana. Halatang nag-aalala siya nang makita ang maliit na hiwa sa daliri nito at ang bahagyang dugong lumalabas. Kahit maliit lamang ang sugat, para kay Adrian ay sapat na iyon para kabahan siya.“Wala ito. Kaunting sugat lang naman,” mabilis na sagot ni Eliana habang pilit na ngumingiti.Tinitigan siya ni Adrian nang seryoso. “Kaunti o malaki, sugat pa rin iyon. Mag-ingat ka naman, please.”“Oo na,” sagot ni Eliana na bahagyang natawa. “Hindi na mauulit.”“Haynaku!” bulyaw ni AdrianHuminga nang malalim si Adrian bago dahan-dahang punasan ang paligid ng sugat gamit ang malinis na tissue. Hindi niya maalis ang pag-aalala sa mukha niya.“Babe, minsan talaga hindi mo iniisip ang sarili mo. Kapag may ginagawa ka, puro ibang tao ang iniisip mo.”Napangiti si Eliana. “Ikaw nga ang OA.”“Hindi ako OA.”“OA ka.”“Segi na OA na kong OA”Nagkatinginan sila bago sabay na natawa.Mula sa tabi nila, napang
Last Updated: 2026-09-30
Chapter: Chapter 101
KinaumagahanMaagang nagising sina Adrian at Eliana. Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw, abala na sila sa paghahanda ng kanilang mga gamit dahil oras na para bumalik sa Maynila. Ilang araw lamang silang nanatili sa probinsya, pero pakiramdam ni Eliana ay mas matagal pa iyon dahil sa dami ng nangyari. Nakilala ni Adrian ang pamilya niya, dumaan sa mga pagsubok ni Lola Pasing, nakipagkulitan kay Hana, at higit sa lahat, nakuha niya ang basbas ng kanyang lola para pakasalan siya.Habang inaayos ni Eliana ang mga damit sa loob ng maleta, napatingin siya sa paligid ng kwarto. May kakaibang lungkot sa kanyang mga mata. Sanay siyang umalis sa probinsya, pero iba ang pakiramdam ngayon dahil alam niyang matagal na naman bago siya makabalik. Lalo na at malapit na ang kanilang engagement party at pagkatapos noon ay marami na silang kailangang asikasuhin para sa kanilang kasal.“Babe, okay na ba lahat?” tanong ni Adrian mula sa pintuan habang hawak ang isang bag.“Sandali na lang,” sagot ni
Last Updated: 2026-09-29
Chapter: Chapter 100
Luciana’s POVIlang beses ko bang sabihin sa’yo na patay na nga ang anak mo? ilang beses ko pa ba kailangang ulitin bago mo ako tigilan? I stared at Roberto, trying my best to keep my voice steady even though my hands were already trembling beneath the table. “Ngayon ka pa maghanap dahil ano? Kinakarma ka na?” I asked bitterly. “Balita ko namatay ang dalawang lalaki mong anak. Mas mabuti nga ang nangyari sa’yo.” I knew my words were cruel, but after everything he had done to me, I no longer cared about hurting his feelings. “Dahil kung tutuusin, kulang pa iyon sa lahat ng ginawa mong kababuyan sa akin.” For years, I had carried the weight of that night alone. I had buried the memories, buried the pain, and buried the child who came from the worst chapter of my life. I thought Roberto would never find me again. I was wrong.Roberto’s expression hardened. His eyes, which once terrified me, were now filled with anger and determination. “Ito ang tatandaan mo, Luciana. Hindi mo maitatago s
Last Updated: 2026-09-29
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status