My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée

My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée

last updateLast Updated : 2026-10-01
By:  dandanaraUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
0 ratings. 0 reviews
106Chapters
331views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Siya lang ang babaeng nakapagpatulog sa lalaking hindi na natutong pumikit… ngunit ang katotohanang nagbuklod sa kanila ang siya ring maaaring sumira sa kanilang pag-ibig. Si Adrian Cervantes, isang bilyonaryo na may chronic insomnia, ay biglang nakatulog nang mahimbing matapos ang isang one-night stand kay Eliana Reyes. Dahil dito, inalok niya si Eliana ng isang Contract Girlfriend Agreement magpapanggap itong kanyang kasintahan at sasamahan siyang matulog gabi-gabi kapalit ng malaking halaga. Ngunit paano kung ang babaeng unti-unti niyang minamahal ay siya palang anak ng kanyang kinamumuhiang madrasta?

View More

Chapter 1

PROLOGUE

Adrian’s POV

“Shit!” Napamura ako habang nakahiga sa kama at nilalaro ko ang aking tit3 na sobrang tigas, abot hanggang pusod. Tiningnan ko ang orasan; Ala-una na ng madaling-araw, pero gising na gising pa rin ako. Ilang oras na akong nagpapalit-palit ng posisyon, pumikit, bumangon, uminom ng tubig, at muling humiga, pero wala pa ring nangyayari. Hindi na naman ako makatulog. Ayan na naman ang chronic insomnia ko.

Tatlong taon na mula nang mawala si Stephanie, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang lahat. Siya ang fiancée ko, ang babaeng akala ko ay makakasama ko habang buhay. May mga plano kami, may mga pangarap, at may future kaming pareho naming gustong buuin. Pero isang araw, nawala ang lahat. Namatay siya sa isang aksidente habang nasa island hopping. Nahulog siya sa sinasakyang yacht. Simula noon, parang may bahagi ng pagkatao ko na sumama na rin sa kanya.

Mas masakit dahil hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang madrasta ko. Kung hindi niya isinama si Stephanie sa island hopping na iyon, baka buhay pa siya. Baka magkasama pa rin kami ngayon. Baka asawa ko na siya. Baka may pamilya na kami. Pero kahit ilang beses kong isipin ang mga “baka,” hindi na nito mababago ang nangyari. Patay na si Stephanie, at ako ang naiwan para mabuhay kasama ang lahat ng alaala niya.

Simula nang mawala siya, gabi-gabi na akong nakikipaglaban sa sarili kong isip. Kapag tahimik na ang buong paligid, saka naman nagsisimulang mag-ingay ang utak ko. Paulit-ulit kong naiisip ang nangyari. Paulit-ulit kong tinatanong ang sarili ko kung may nagawa ba sana ako para mailigtas siya. Minsan, naiisip kong kasalanan ko rin dahil wala ako roon. At habang tumatagal, lalo akong nauubos.

Hindi na rin ako katulad ng dati sa trabaho. Hirap akong mag-focus. May mga meeting na nakaupo lang ako pero hindi ko naririnig ang pinag-uusapan. May mga dokumentong ilang beses kong binabasa pero hindi ko pa rin maintindihan. Wala akong lakas. Laging pagod ang katawan ko, pero kahit ganoon, hindi pa rin ako makatulog. Parang pinaparusahan ako ng sarili kong isip gabi-gabi.

Nakakatawa nga. Bilyonaryo ako. Kaya kong bilhin ang halos lahat ng gusto ko. Mga mamahaling kotse, relo, properties, kahit anong luxury na maisip ng isang tao, kaya kong magkaroon. Pero may isang bagay na hindi ko kayang bilhin kahit gaano karami ang pera ko.

Ang pagtulog.

Kahit gaano kamahal ang mga gamot na nireseta sa akin ng doktor, kahit ilang melatonin pa ang subukan ko, wala pa rin. I can buy almost everything, but I can’t buy peace of mind.

Hindi na rin ako tumira sa mansion namin. Ayoko roon. Sa tuwing nakikita ko ang madrasta ko, bumabalik lahat ng galit ko. Hindi ko kayang kalimutan na para sa akin, siya ang dahilan kung bakit nawala si Stephanie. Kaya mas pinili kong lumayo. Mas tahimik dito sa penthouse ko, at higit sa lahat, wala siyang puwang sa buhay ko rito.

Ang penthouse na ito ay regalo sa akin ni Dad noong sampung taong gulang ako. Ngayon, ako na ang may-ari ng Cervantes Tower. Dito ako naninirahan at dito ko ginagawa ang kahit anong gusto ko. Walang nagtatanong. Walang nangingialam. Pero kahit gaano kalaki at kamahal ang lugar na ito, minsan pakiramdam ko napakalawak nito dahil sa sobrang katahimikan.

Kapag hindi ako makatulog, naghahanap ako ng ibang paraan para mapagod ang sarili ko. Nag-jajakól ako, Minsan naman may dinadala akong mga babae rito para makipag-s3x sa kanila, umaasang kahit sandali ay mapatahimik nila ang isip ko. Minsan, nakakatulong. Pero kadalasan, pagkatapos ng lahat, bumabalik pa rin ako sa parehong kama. Mag-isa. Gising. Pagod. At puno pa rin ng alaala ni Stephanie. Doon ko napagtanto na hindi pala katawan ko ang problema. Isip ko talaga.

Napabuntong-hininga ako at muling tumingin sa orasan. Alas-dos na. Wala na naman akong pag-asang makatulog ngayong gabi. “Fúck this,” bulong ko bago tuluyang bumangon. Kinuha ko ang susi ng kotse ko at nagpasiyang lumabas. Kung hindi ako makatulog, baka kailangan ko munang gumawa ng ibang bagay para mawala kahit sandali ang mga iniisip ko.

Pagdating ko sa bar, sinalubong ako ng malakas na tugtog, makukulay na ilaw, at ingay ng mga taong abala sa kani-kanilang mundo. Sanay na ako sa ganitong lugar. Sanay na rin ako sa mga babaeng sumusulyap sa akin. Pero habang naglalakad ako papasok, bigla akong natigilan nang may isang babae akong makita sa kabilang bahagi ng bar.

Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang bumagal ang lahat. Parang nawala ang ingay sa paligid ko at siya lang ang nakikita ko. Kulot ang buhok niya, simple ang itsura, at may inosenteng ekspresyon sa mukha. Hindi siya mukhang katulad ng mga babaeng karaniwang nakakasama ko. Pero higit sa lahat, may kung anong kakaiba sa mga mata niya. Parang may mabigat siyang problema.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Sa buong buhay ko, marami na akong nakitang magagandang babae, pero ngayon lang ako nakaramdam ng kakaibang kaba sa simpleng pagtingin sa isang estranghero. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. “What the hell is happening to me?” mahina kong tanong sa sarili. Aaminin kong bigla akong tinigasan nung nakita ko siya.

Napansin kong hindi siya nakikisabay sa saya ng mga taong nasa paligid. Tahimik lang siya at parang malayo ang iniisip. May problema talaga siya. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, gusto kong malaman kung ano iyon. Gusto kong lumapit at makipagkilala. Hindi ko alam kung dahil naaakit ako sa kanya o dahil may kung anong pamilyar sa lungkot na nakikita ko sa mga mata niya.

Tumayo ako at inayos ang damit ko bago siya tuluyang lapitan. Habang papalapit ako, lalo kong napapansin ang mukha niya. At sa bawat hakbang ko, mas lalo akong kinakabahan. Nakakatawa dahil sanay akong harapin ang mga business meeting, milyon-milyong halaga ng kontrata, at mga taong gustong makuha ang pera ko. Pero isang babaeng hindi ko man lang kilala ang biglang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Dahan-dahan siyang tumingin sa akin. Nagtagpo ang mga mata namin, at sa sandaling iyon, parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko alam kung sino siya o kung anong klaseng buhay ang mayroon siya. Sinabi ko sa aking sarili na kung makuha ko ang babae na ito ngayong gabi baka sya na ang iibigin ko habang buhay.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
106 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status