
My Bestfriend Stole My Husband, So I Married Hers
Anim na buwan na akong niloloko ng asawa ko at ng bestfriend ko.
Anim na buwan akong naniwala sa mga matatamis niyang pananalita, sa maiinit na halik. Sa makukulay na mga bulaklak, at sa tuwing sinasabi niyang ako lang ang tunay niyang mahal. Ngunit ang totoo, matagal na pala nila akong pinagtataksilan.
Ibinigay ko sa kanya ang buong tiwala at puso ko, pero ganon na lang niya akong ipinagpalit kay Agatha. Kaya nang humarap sa akin si Luke Santillan na galit at dala ang mga ebidensyang matagal na niyang inipon ay may kung anong damdaming sumiklab sa dibdib ko. Isang bagay na noon ko pa sana ginawa.
“Sin with me,” sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya. “Hindi ‘to pagpapanggap kundi totoong affair sa pagitan ng dalawang taong parehong niloko. We’ll give them the dose of their own medicine!”
Matagal akong pinagmasdan ni Luke. Pagkatapos ay hinila niya ako palapit sa kanya at mainit na bumulong.
“Kailan natin sisimulan ‘to?”
Marahan niyang hinawakan ang kamay ko, na para bang gusto niyang burahin ang posibilidad na may iba pa akong mamahalin bukod sa kanya. Nagkasundo kami. Walang attachment. Walang pagmamahalan. Unti-unti niya akong winasak, bawat pagniniig namin ay mainit at ubod ng sarap. Nagtagumpay siyang angkinin ako nang buong-buo hanggang sa tuluyan akong malunod sa kanya. At pagsapit ng umaga, bumabalik ako sa piling niya, sabik na sabik at hinahanap ang lahat ng ipinadama niya sa akin gabi-gabi.
Baca
Chapter: Chapter 4FLORAItinulak ko paatras ang upuan at maingat na tumayo. Mas mabilis ang tibok ng puso ko kaysa sa normal na pintig nito. “Pasensya ka na, di ko dapat sinabi ‘yon. I mean, maybe I was just upset and broken,” mabilis na paliwanag ko. “Pero sabihin mo…ayaw mo rin makita ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang may relasyon tayong dalawa.”Umalis sa pagkakasandal sa hamba ng pintuan si Luke at dahan-dahang lumapit sa akin.“May relasyon tayong dalawa,” ulit niya sa mababang boses. “Oo.” Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. “It would be nothing, but an affair. No strings attached.” Huminto ako saglit at mariing napalunok. “After all, pareho naman tayong pinagtaksilan, di ba? Might as well, give them a dose of their own medicine.”Sa malalaking hakbang, mabilis siyang nakalapit sa akin. Sapat para bahagya kong iangat ang baba ko at mapanatili ang pagkakatitig ko sa mga mata niya.“What exactly is your plan, Flora?” usisa niya. Hawak niya pa rin ang polo. Hindi pa rin niya iyon i
Terakhir Diperbarui: 2026-09-15
Chapter: Chapter 3FLORAHindi ako inuwi ni Luke, pero hindi rin ako tumutol. Wala akong natitirang lakas para makipagtalo. Napakalakas ng ulan kaya halos hindi mo makita ang ilang hakbang sa unahan. Basang-basa ako at nanginginig nang husto, kaya pakiramdam ko ay anumang oras, bibigay na ang mga tuhod ko.May kinausap si Luke na isa sa mga empleyado ng resort tapos may iniabot siyang card dito. At ilang minuto lang ang lumipas, may naghatid na sa amin sa isang suite sa kabilang parte ng resort. Relaxing at elegante ang loob ng suite. Sobrang ganda para sa uri ng gabing nararanasan ko.Diretso akong naglakad papunta sa sofa at nanatili roon nang ilang segundo. Hindi ko hinubad ang basa kong damit, ni hindi ako gumalaw man lang. Nakaupo lang ako at nakatitig sa pader habang walang tigil ang pagbagsak ng ulan sa labas. Pero may kung anong paulit-ulit na nababasag sa loob ko. Durog na durog ang puso ko at di ko alam kung kailan titigil ang sakit. Mayamaya, naramdaman ko ang presensya ni Luke dahil may nari
Terakhir Diperbarui: 2026-09-15
Chapter: Chapter 2FLORAAlas-singko ako sinundo ni Luke. Hindi kami gaanong nag-usap sa loob ng sasakyan. Ano pa nga ba ang dapat naming pag-usapan? May dalawang posibilidad lang naman ang naghihintay sa amin. P’wedeng mapatunayan naming mali siya. O kaya naman tuluyan nang magbago ang buong buhay namin.Mabilis kaming nakarating sa White Castle Resort sa loob ng Tagaytay Estate. Maganda ang landscaping ng lugar kung saan napapalibutan ng iba’t ibang klase ng bulaklak, matataas na puno, at cozy fairy lights na nakakadagdag sa romantic ambiance ng lugar. Sobrang kapal din ng hamog na nakapalibot sa paligid—sobrang perfect para sa mga magkasintahan. Ang sabi ni Luke, ni-reserve ng asawa ko ang buong resort, kaya walang ibang bisitang maaaring makapasok doon. But Luke had a handful of ways to get there. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang lahat.Ilang saglit pa, dalawang empleyado ang naghihintay sa amin sa lobby. Binigyan ni Luke ng ilang lilibuhin ang staff at agad kaming iginaya nito sa service door,
Terakhir Diperbarui: 2026-09-15
Chapter: Chapter 1FLORA“Kabit ng asawa ko ang asawa mo.”Naibuga ko ang tubig bago ko pa napigilan ang sarili ko. Pagkatapos, napatitig ako kay Luke Santillan na nakaupo sa kabilang bahagi ng mesa. Sigurado akong mali ang narinig ko, dahil imposibleng totoo ang sinabi niya. Kailan hindi ako pagtataksilan ng mabait at loyal kong asawa. Hindi talaga p’wedeng mangyari ‘yon. “Mr. Santillan,” sabi ko bago maingat na ibinaba ang tall glass sa mesa. “Hindi nakakatuwa ang biro mo.” “Sa tingin mo ba nagbibiro ako?”Ikiniling ko ng bahagya ang aking ulo at matiim na tumitig sa kaharap. Hindi naman talaga nagmumukhang nagbibiro si Luke Santillan. Palagi siyang seryoso, cold, intimidating, at kalkulado ang bawat kilos. Pero hindi ibig sabihin noon na tama ang paratang niya sa asawa ko. “Mahal ako ni Dony,” mariin kong sabi. Sinikap kong patatagin ang boses sa kabila ng panginginig ng aking kamay dahil ayokong ipahalata sa kanya ang matinding tensyon na bumalot sa akin. “Hindi niya kayang gawin sa akin ang bag
Terakhir Diperbarui: 2026-09-15