author-banner
PARCON
PARCON
Author

Nobela ni PARCON

The Heiress's Revenge: Married to the Billionaire

The Heiress's Revenge: Married to the Billionaire

Matapos traydurin at patayin ng sarili niyang ex-boyfriend at matalik na kaibigan para maagaw ang imperyong pinaghirapan ng kanilang pamilya, nabigyan si Cassie Sandoval ng pangalawang pagkakataon sa buhay. Bumalik siya sa nakaraan, hindi para ulitin ang mga pagkakamali niya, kundi para bawiin ang lahat ng inagaw sa kanya at durugin ang mga taong sumira sa kanyang buhay. Sa pagsisimula ng kanyang paghihiganti, nakilala niya si Nathaniel Santillan, isang makapangyarihan at misteryosong CEO na may sarili ring dahilan para pabagsakin ang mga taong kinamumuhian ni Cassie. Sa halip na maging hadlang, inalok siya nito ng isang mapanganib na alyansa—isang kasunduang maaaring magdala sa kanilang dalawa sa tuktok ng mundo ng mga bilyonaryo. Ngunit sa likod ng bawat kasunduan ay may kapalit, at sa bawat ngiti ay maaaring may nakatagong panlilinlang. Kaya bang makuha ni Cassie ang hustisyang matagal na niyang ipinaglalaban nang hindi muling nasasaktan? Mapagkakatiwalaan ba niya si Nathaniel, o may sarili rin itong lihim na motibo? At sa gitna ng paghihiganti at kapangyarihan, posible pa bang muling buksan ni Cassie ang puso niya para sa pag-ibig?
Basahin
Chapter: CHAPTER 11
CASSIE POINT OF VIEWNag-refresh ang screen ng laptop ko, at lumitaw sa tuktok ng inbox ang bagong email mula kay Attorney Vergara. Mabilis kong binuksan iyon kahit hindi pa ako nakakaupo nang maayos. Sa totoo lang, hindi ko inasahan na ganito kabilis makakakuha ng sagot ang team niya tungkol sa third party na gusto raw bilhin ang shares ng Tiongson Group.Pagbukas ko ng attachment, agad kong nakita ang pangalan na naka-highlight sa unang paragraph.Lumina Logistics & Holdings.Napakunot ang noo ko. Hindi pamilyar sa akin ang pangalan ng kumpanyang iyon, o baka meron akong nakalimutan mula sa dati kong buhay. In-scroll ko pa nang kaunti para basahin ang background summary na inilagay ni Attorney Vergara. Ayon sa report, bagong tatag lang ang Lumina sa papel, pero ang mga nakatagong shareholders sa likod nito ay may koneksyon sa isang business group mula sa Cebu at isang banyagang investor na matagal nang nag-iikot sa Southeast Asia para bumili ng mga
Huling Na-update: 2026-11-23
Chapter: CHAPTER 10
CASSIE POINT OF VIEWKinabukasan, maaga pa lang ay nasa opisina na ako. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw, nakabukas na ang laptop ko at naka-layout na sa mesa ang mga printout ng audit reports na galing sa team ni Attorney Vergara. Gusto kong aralin nang masinsinan ang bawat detalye bago pa sumapit ang Biyernes. Kung sasama ako kay Nathaniel sa charity gala, kailangan kong siguraduhin na malinis ang bakuran ko at walang pwedeng ibato sa akin ang kahit sino.Habang binabasa ko ang isang page tungkol sa mga sub-contractors na kinuha ni Brandon noong nakaraang taon, kumatok si Mae sa pinto at pumasok na may dalang kape."Good morning po, Ma'am. Ito na po yung kape ninyo," sabi niya sabay lapag ng mug sa gilid ng mesa. "May tumawag din po sa trunkline kanina. Si Ma'am Giselle daw po. Tinatanong kung nasa opisina na kayo."Napatigil ako sa pag-i-scroll. Ang aga namang magparamdam, naisip ko. Kagabi lang nag-text, ngayon tumatawag na sa opisina.
Huling Na-update: 2026-11-22
Chapter: CHAPTER 9
CASSIE POINT OF VIEWAlas-seis y medya pa lang nang umalis ako ng Sandoval Group building, pero halos isang oras din ang inabot namin sa biyahe papuntang Makati dahil sa biglang buhos ng ulan. Puno ng mga sasakyan ang Ayala Avenue, at lahat ay parang nagmamadaling umuwi bago pa lumala ang baha sa ilang mabababang kalsada.Nakaupo ako sa likod ng sasakyan, nakatingin sa mga patak ng ulan na dumudulas sa bintana. Hindi ko maiwasang balikan yung nangyari kanina sa opisina ko. Ang lakas ng loob ni Brandon na magpunta doon at mag-astang biktima, gayong siya naman talaga ang naghukay ng sarili niyang hukay. Sa dati kong buhay, baka nag-uwi pa ako ng sakit ng ulo dahil sa pag-aalala kung paano siya pakalmahin. Ngayon? Parang wala lang. Nakakapagod lang pakinggan yung mga palusot niya.Ang bilis mag-iba ng timpla ng tao kapag nawawalan na ng kontrol, naisip ko habang pinaglalaruan ang strap ng bag ko. Kahapon lang, ang yabang pa ng tindig sa boardroom. Kanina, halos magmakaawa na.Pagdating n
Huling Na-update: 2026-11-21
Chapter: CHAPTER 8
CASSIE POINT OF VIEWPagbukas ko pa lang ng pinto ng opisina ko, narinig ko na agad ang boses ni Brandon sa labas. Medyo malakas iyon, parang nakikipagtalo sa secretary ko na si Mae. Hindi ko na kailangang sumilip nang matagal para malaman na pinipilit niyang pumasok kahit sinabihan na siyang bawal."Mae, pasok ka na muna sa loob," sabi ko nang makalapit ako sa reception area.Tumango si Mae, halatang na-relieve dahil kanina pa siya naiipit sa ingay ni Brandon. Pagpasok niya sa loob, humarap ako kay Brandon. Nakasuot siya ng grey suit, medyo magulo ang buhok, at halatang puyat o stress. Wala na yung preskong look niya na madalas niyang ipagyabang dati kapag pumupunta siya dito."Ano'ng kailangan mo, Brandon?" tanong ko, nakahalukipkip habang nakasandal sa gilid ng pinto.Agad siyang humakbang palapit, pero tinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. "Diyan ka lang. Huwag kang lumapit."Huminto siya, napakurap, tapos biglang pilit na ngumiti. "Cassie, please. Mag-usap tayo nang maayos. H
Huling Na-update: 2026-11-20
Chapter: CHAPTER 7
CASSIE POINT OF VIEWPagpasok ko sa private elevator ng Santillan Tower, sakto na alas-nuwebe na ng umaga. Wala nang pasikot-sikot ang guard at ang executive assistant na sumalubong sa akin sa baba; diretso na akong pinapasok pagkakita sa pangalan ko sa guest list. Ibig sabihin, inaasahan na talaga ako ni Nathaniel. Parang may orasan sa ulo ang lalaking iyon na laging sakto sa bawat galaw ko.Habang umaakyat ang elevator, ramdam ko ang mahinang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ako kinakabahan dahil natatakot ako sa kanya. Kinakabahan ako dahil alam kong kapag nagkamali ako ng pirma o ng kundisyon sa araw na ito, mahihirapan na akong humila pabalik.Sa dati kong buhay, masyado akong mabilis magtiwala kapag may nagpapakita ng interes o tulong. Akala ko kasi noon, kapag may kasama ka sa laban, mas magaan. Pero ang ending, ako ang nalaglag sa hukay habang sila ang naghatiaan ng lupa. Ngayon, iba na. Ang bawat galaw ko ay may preno. Ang bawat tanong ko ay may kasamang pag-aalinlangan.Tumunog
Huling Na-update: 2026-11-20
Chapter: CHAPTER 6
CASSIE POINT OF VIEWPagkatapos kong makita ang black folder sa harap ko sa 72nd floor ng Santillan Tower, parang biglang tumahimik ang buong mundo ko. Ang mga ilaw sa labas ng bintana, ang mahinang ugong ng aircon, pati ang tibok ng puso ko—parang lahat iyon nag-slow down.Hindi biro ang alok ni Nathaniel Santillan. Kasal. Sa papel, magiging asawa ko ang isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa. Kapalit noon, makukuha niya ang forty percent ng itatayo kong subsidiary company, at makakakuha naman ako ng shield laban sa mga Tiongson.Ang tanong, saan ako pupulutin kung papayag ako?Sa dati kong buhay, naniwala ako na kapag nagmahal ka nang sobra, sapat na iyon para hindi ka saktan. Maling-mali. Ang pagmamahal na walang boundaries ay parang bukas na pinto para sa mga magnanakaw. Kaya ngayon, kahit gaano pa ka-convincing ang tono ni Nathaniel, hindi ako pwedeng magpadala sa charm niya. May sarili siyang agenda. Alam kong may binabantayan siyang galaw sa industriya, at hindi malabong ba
Huling Na-update: 2026-11-20
Maaari mong magustuhan
NINONG CONGRESSMAN
NINONG CONGRESSMAN
Romance · CALLIEYAH JULY
168.6K views
MAKE ME PREGNANT
MAKE ME PREGNANT
Romance · Ate Nyang
167.8K views
The Billionaire's Mistake
The Billionaire's Mistake
Romance · LadyAva16
165.2K views
The Billionaire's Wife (Tagalog)
The Billionaire's Wife (Tagalog)
Romance · INKOFTHEFOX
164.5K views
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status