Chapter: Chapter 9Celeste's POV"You must attend business events as my wife. You must not hide any secrets from me. And you must not interfere in my affairs. What I do is none of your business..."Napakunot ang noo ko habang binabasa ang bawat linya.Okay, napaka-demanding naman ng lalaking 'to!"Must sleep in the same bedroom...?!"Napatuwid ako ng upo at muling tinitigan ang nakasulat, umaasang baka mali lang ang pagkakabasa ko.What the hell?!Nababaliw na ba siya?!Hirap na hirap na nga akong pakisamahan siya, tapos ngayon, gusto pa niyang magsama kami sa iisang kuwarto?!Hindi ba puwedeng hanggang kasal lang ang pakialam niya sa akin? Kailangan ba pati pagtulog ko, kontrolado niya?Napairap ako at nagpatuloy sa pagbabasa."You are not allowed to entertain any men...""Tch! Ano'ng gusto niya? Sa kaniya lang ako dapat tumingin? As if!"Napailing ako. Sino ba siya para pagbawalan akong makipag-usap sa ibang lalaki? Hindi pa nga kami kasal, kung umasta naman, parang pag-aari na niya ako!Pero nang mab
Huling Na-update: 2026-10-13
Chapter: Chapter 8Celeste's POV “Good morning,” bati ni Vance nang makapasok ako sa kusina. “Walang maganda sa morning ko. Ikaw pa lang, bad mood na agad ako,” pabalang kong sagot. Totoo naman kasi! Ang aga-aga, pagmumukha niya agad ang bumungad sa akin. Wala man lang bang ibang puwedeng makita ang mga mata ko pagkagising? Pero imbes na patulan ako, ipinagpatuloy lang niya ang pagkalikot sa cellphone niya na para bang wala siyang narinig. Wow. The audacity. Kahapon pa dapat nakaalis ang buwisit na 'to. Ang kaso, gusto ng parents ko na narito pa rin si Vance pag-uwi nila para mapag-usapan ang kasal na 'yon. Kasal. Napangiwi ako sa salitang iyon. Hindi pa rin naman ako pumapayag na magpakasal sa kaniya, no! As if naman na ganoon kadaling kumbinsihin ang isang katulad ko. Hindi ako basta-bastang pumapayag sa mga bagay na hindi ko gusto, lalo na kung ang pinag-uusapan ay ang buong buhay ko. And marrying a man I barely know? That's definitely not on my list. Ilang araw na rin ang lumip
Huling Na-update: 2026-10-13
Chapter: Chapter 7Celeste's POV Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Pero bago pa ako makalayo, gumalaw ang kamay niyang nasa bewang ko at marahang inilapit ako sa kaniya. S-shit! did he just kissed me back??! Akala ko, haharap lang ako sa kaniya at ididikit ang mga labi ko sa kaniya nang ilang segundo para mapaniwala si Ian. Isang simpleng halik na magsisilbing sampal sa kapal ng mukha ng dati kong nobyo. Pero hindi ganoon ang nangyari. Hindi niya agad ako binitawan. Sa halip, gumanti siya sa halik. Marahan, pero ramdam mong parang inaangkin ka nito. Hindi niya ako hinila nang marahas o pinilit na manatili, sapat lang ang pagkakahawak niya sa bewang ko para hindi ako basta mapaatras sa gulat. At ang pinakanakakainis? Hindi ko maipaliwanag kung bakit, sa halip na itulak siya agad palayo, ay hindi ko nagawa. Marahil dahil sa pagkabigla. Marahil dahil sa galit, inis na nararamdaman ko kay Ian. O marahil ay dahil hindi ko inasahang tutugonan niya ang halik ko. Ano ba kasing nangyayari sakin a
Huling Na-update: 2026-10-12
Chapter: Chapter 6Celeste's POV "Anong ginagawa mo rito?" walang ganang tanong ko nang maabutan ko si Ian sa sala. Napahinto ako sa may pintuan, sandaling hindi makapaniwala sa nakikita ko. Nakaupo siya sa sofa na para bang walang nangyari. Para bang hindi niya winasak ang tiwala ko. Para bang may karapatan pa rin siyang pumunta rito at umasta na parang normal lang ang lahat. Sino bang nagpapasok sa isang 'to rito? "Celeste, please. Let me explain," pagmamakaawa niya habang tumatayo at lumalapit sa akin. Agad akong napaatras nang tangkain niya akong hawakan sa braso. "Huwag mo akong hawakan!" mariin kong saway, dahilan para mapahinto siya. "Please, Cee. Kahit limang minuto lang. Pakinggan mo muna ako." Napatawa ako nang mapakla. Limang minuto? Talaga bang iniisip niyang sapat na ang limang minuto para ayusin ang lahat ng ginawa niya? "Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa akin matapos mo akong gaguhin!" singhal ko, hindi na napigilan ang galit na kanina ko pa kinikimkim. "Alam
Huling Na-update: 2026-10-12
Chapter: Chapter 5Celeste's POVPagkagising ko kinaumagahan, agad kong naramdaman ang matinding gutom. Napahawak pa ako sa tiyan ko nang kumalam ito, saka ko lang naalala—hindi nga pala ako kumain kagabi!Kaya pala kanina pa nagrereklamo ang tiyan ko. Sa dami ba naman ng nangyari kahapon, nakalimutan ko nang pakainin ang sarili ko.Napabuntong-hininga na lang ako nang maalala ang lahat ng nangyari. From Ian and Bianca's betrayal hanggang sa biglaang pagsulpot ni Vance sa buhay ko.Seriously, what a day!Parang isang malaking bangungot ang lahat. Kahapon lang, akala ko maayos ang takbo ng buhay ko. Akala ko kilala ko na ang lalaking minahal ko, only to find out na, kaya niya pala akong lokohin kasama pa ang sarili kong best friend.At ngayon, heto ako, nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking halos hindi ko naman kilala.Napapikit ako at minasahe ang sentido ko. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Hindi ko na ma-digest ang lahat ng nangyayari. Pakiramdam ko, kapag may isa pang problemang dumating,
Huling Na-update: 2026-10-11
Chapter: Chapter 4Celeste's POV"Cee..."Gulat na sambit ni Ian nang mapansin niya akong nakatayo sa may pintuan, tulala habang nakatingin sa kanilang dalawa.Agad silang naghiwalay at nagmamadaling kumuha ng damit na susuotin. Pero hindi ko na halos napansin ang mga sumunod nilang ginawa. Nakatitig lang ako sa kanila, pilit na inuunawa ang bagay na ayaw tanggapin ng isip ko."Cee! Why are you here? It's not what you think!" nagmamadaling sambit ni Bianca habang inaayos ang damit niya.Napatingin ako sa kaniya. Ang babaeng ilang taon kong itinuring na kapatid, ang babaeng pinagkatiwalaan ko nang buong-buo, ay siya palang taong kayang sumaksak sa likod ko habang nakangiti sa harap ko.Hindi ako makapaniwala.Sa lahat ng taong puwede niyang piliin, bakit ang sarili kong matalik na kaibigan pa?"Cee, baby, let me explain," ani Ian habang papalapit sa akin.Agad akong napaatras.Huwag.Huwag niya akong tawaging ganoon. Nakakadiri. Punong-puno nang pandidiri, sakit at galit ang mga mata ko habang nakatingin
Huling Na-update: 2026-10-11